THIRD PERSON
“Sigurado ka ba na sa Baguio ka pupunta?” Nag-aalala na tanong ni Rich sa kanyang kaibigan.
“Mas okay na doon, walang nakakakilala sa akin. Malaya akong makakapamuhay mag isa. Kapag tinananong nila ako sa inyo sabihin niyo na lang di ko kayo nakakausap.” Sagot ni Mayenn.
“Sigurado akong magawawala sa galit ang daddy mo mamaya kapag nalaman na wala ka na sa bahay ninyo. Knowing your dad, nakakatakot siyang magalit.”
“Nakiusap naman ako sa kanila pero hindi nila ako pinakinggan. Ayaw kong matali sa isang kasal at habang buhay kong pagsisihan. Gusto kong ikasal sa lalaking mahal ko at hindi sa taong pinili nila para sa akin. Buhay at kaligayahan ko ang nakasalalay dito kaya susundin ko kung ano ang gusto ko. Mapapatawad din siguro ako ng magulang ko, for now kailangan ko munang lumayo para matakasan ang lalaking gusto nilang ipakasal sa akin.”
“Pero what if, kung yung lalaki pala na ipapakasal sayo ay gwapo at mabait? Di ba nakakapanghinayang naman na hindi ka sumipot. Paano kung magalit siya sa mga magulang mo?” Muling tanong ni Rich.
Binundol ng kaba ang dibdib si Mayenn, paano nga kung sa paglayo niya ay ang mga magulang niya naman ang balikan ng lalaking dapat sana ay mapapangasawa niya. Ano ang gagawin niya? Ayaw niya mang isipin pero bigla siya nagkaroon ng agam-agam. Sa isang iglap gusto niya ng bumalik, nagtatalo ang puso at isip niya. Naguguluhan siya kung ano ba dapat ang gagawin niya.
Sa lalim ng iniisip niya ay hindi niya namamalayan na nasa terminal na sila ng Victory Liner sa Cubao.
“Nandito na tayo, mag ingat ka ha! Hindi ka na namin masasamahan. Tawagan mo ako kapag may problema ka.” Wika ni Rich sa kanyang kaibigan.
Bumaba na si Mayenn sa sasakyan, muli siyang nagpasalamat sa kanyang kaibigan sa pagtulong sa kanya. Dala ang bag niya ay nag lakad na siya sa bilihan ng ticket.
“Miss, anong oras po ang alis ng papuntang Baguio?” Tanong nito sa teller.
“Maya-maya lang po ma’am, paalis na po ang bus.” Magalang naman nitong sagot.
Mag uumaga na, hindi siya pwedeng abutan ng liwanag dito sa manila, kailangan niya ng makaalis bago pa siya ipahanap ng magulang niya.
“Magkano po ang pamasahe hanggang Baguio?”
“First Class po 999 sa Royal Class po ay 1500.” Sagot ng teller.
Royal class ang kinuha ni Mayenn dahil ‘yun ang paalis na, agad siyang sumakay sa bus pagkakuha niya ng ticket. Nahiya na siya sa upuang nakalaan sa kanya, mabuti na lang at komportable pala ang Royal class na bus, kaya nakatulog siya sa biyahe.
“Miss, gising… nasa Baguio na po tayo.” Sabi ng konduktor sa natutulog na si Mayenn.
Napabalikwas siya ng gising at pupungas-pungas na tumayo.
“Nandito na po ba tayo sa Baguio, Kuya.?” Tanong niya.
“Oo miss, kaya tumayo ka na dyan at gagarahe na kami.” Muling sabi ng Konduktor.
“Kuya, pwede po ba magtanong? May alam po ba kayong paupahan dito na pwede kong tuluyan pansamantala? Wala po kasi akong kakilala dito.” Nahihiya niyang tanong.
“Naglayas ka ba sa inyo ineng, aba’y delikado yan ginawa mo. Maraming masasamang loob ngayon, maganda ka pa naman baka mapahamak ka.” Nag aalala na sabi ng konduktor na kausap ni Mayenn.
“Mahaba po kasing kwento, tulungan n’yo na po akong maakahanap ng bahay na matutuluyan ko.” Pakiusap niya.
“Pauwi ako sa amin, kung gusto mo sa amin ka na muna tumuloy. Umalis ka na lang kapag nakahanap ka na ng lilipatan mo. Kaso hindi ganun kalakihan ang bahay namin. Mag titiis ka nga lang sa maliit na bahay.” Pagtatapat ng konduktor na medyo may edad na rin.
“Maraming salamat po,” Ani ni Mayenn, tumayo na siya at sumunod sa lalaki. Sumakay lang sila ng tricycle at nakarating sila sa isang maliit na barangay. Napakaganda ng paligid, malamig ang hangin at napakaraming halaman na nakatanim sa harap ng bahay.
Isang babaeng may edad na ang lumabas mula sa maliit na bahay na gawa sa kahoy.
“Lakay,sino Yang kasama mo?” Malambing na tanong ng matandang babae.
“Baket, pasahero namin siya sa bus, wala daw siyang tutuluyan dito sa baguio kaya sinama ko muna dito sa atin.”
“Ganun ba, sumrek kayo para makapag kape. Ano nga palang pangalan mo ineng?”
“Magandang umaga po, ako po pala si Mayenn, pasensya na po kayo hindi po ako nakakaintindi ng salita niyo.” Wika ni Mayenn.
“Ako naman si Sonya at ito ang asawa kong si Boy. Wala kaming anak na dalawa kaya kami lang ang nakatira dito sa maliit naming bahay. Kung gusto mo ay dumito ka na muna, kung wala ka rin lang naman matutuluyan. Basta wag ka lang maselan sa pagkain ay kaya ka naman namin pakainin.” Nakangiting sabi ni aling Sonya kay Mayenn. “Tawagin mo na lang akong nanay Sonya at ang asawa ko ay pwede mo ring tawaging Tatay. Kami muna ang pansamantala mong magulang sa ngayon.” Muling sabi ng matanda.
“Maraming salamat po, napakabuti n’yo po sa akin.” Naiiyak naman na sabi ng dalaga. Hindi siya makapaniwala na sa panahon ngayon ay may mabubuting tao pa palang natitira.
“Halika ka na ineng, para makapag almusal na tayo.” Muling wika nni aling Sonya. Sumunod siya sa matanda papunda sa kusina at doon nakahain na ang kamote at saging at meron na ring mainit na kape. “Pagpasensyahan muna kung yan lang ang almusal natin ngayon. Hayaan mo mamaya ay ipaghuhuli kita ng native na manok at sya nating gagawing tinola para sa ulam natin mamayang tanghalian.”
“Maraming salamat po Nay Sonya, ayos lang po ako kahit ano. Masarap ng pong ipares itong kamote at saging sa mainit na kape. Paborito ko rin po ito, huwag po kayong mag alala at tutulong po ko sa gastusin dito sa bahay. Maghahanap po ako ng trabaho para po makatulong sa inyo,” Nakangiti ring sagot ni Mayenn sa mag asawa.
“Naku ineng, huwag mo kaming aalalahanin, may pinagkakakitaan naman at Tatay Boy mo at ako naman ay nakakapaglako pa ng mga gulay sa palengke. Sapat na iyon para sa pang araw-araw nating gastusin. Kung makaka pagtrabaho ka man ay itabi mo iyon para sa sarili mo.”
Hindi napigilan ni Mayenn ang maluha dahil sa narinig niyang sinabi ni Nanay Sonya. Bigla niyang naalala ang kanyang mga magulang, kung sana hinayaan lang siya pumili ng buhay na gusto niya hindi sana siya lalayo at mamumuhay mag isa.
________________________
SAMANTALA….
Nagkakagulo sa sa mansion ng mga De Vera dahil sa pagkawala ng kanilang anak na si Mayenn.
“Honey! Nahanap n’yo na ba ang anak natin?” Umiiyak na sabi ng mommy ni Mayenn.
“Damn! Ano na lang ang sasabihin ko kay Mr. Mondigo, nawawala ang anak natin. Ano bang nakain niya at lumayas siya.” Galit na galit din na sabi ni Rafael ang daddy ni Mayenn.
“Anong gagawin natin, tawagan mo si Mr. Mondigo sabihin na natin sa kanya ang totoo. Honey, kailangan na natin makausap si Mr. Mondigo.” Nag aalalang sabi ni Mrs. De vera.
Habang nagtatalo ang mag asawa ay biglang tumunog ang cellphone ni Rafael.
“Sir, marami na pong tao dito sa simbahan, dumating na rin po ang groom. Kanina pa po siya naghihintay dito na dumating ang bride.” Ani ng wedding coordinator na kinuha nila.
“Honey, anong gagawin natin? Kailangan na nating pumunta sa simbahan para sabihin kay Mr. Mondigo na hindi na makakarating ang anak natin.”
Nagmamadaling sumakay sa kanilang sasakyan ang mag asawang De Vera para magtungo sa simbahan. Kailangan nilang makausap ang mapapangasawa ng anak nila at sabihing hindi na ito makakapunta dahil tumakas na ito.
Hindi nagtagal ay nakarating na sila sa simbahan, nagmamadali silang bumaba. Nakita nila si Mr. Mondigo na bihis na bihis na at napapalibutan ng kanyang mga kaibigan. Nilapitan nila ito upang kausapin.
“Good morning Mr. Mondigo, pwede ka ba namin makausapp?” Nanginginig ang boses na sabi ni Rafael.
“Where is your daughter? I've been waiting here for a while now; she should have been here at the church already,” Madiin na sabi ni Mr. Mondigo.
"Mr. Mondigo, we’re really sorry! Our daughter cannot come here—she ran away early this morning, and we don’t know where she went." Mrs. De Vera said to the man in front of her, looking absolutely terrified.
Levi clenched his hands tightly in intense anger; he could not accept that the woman he was supposed to marry had run away from him.
"You will pay big time for embarrassing me. I will never forgive you for making me look like a fool here in the church on our wedding day," Levi said, his jaw clenched in anger as his eyes burned with fury.