LEVI / LEX MONDIGO Habang kumakain kami ay panay ang ngiwi ko dahil sa sobrang alat talaga ng adobo na niluto ni Mayenn. Pilit kong nilulunok ang bawat subo habang patagong umiinom ng tubig. Napansin ko naman na sina Ben at Mang Lando ay halos hindi ginagalaw ang adobo sa mesa. “Ben, Lando,” sabi ko habang nakataas ang kilay ko sa kanila, “bakit hindi ninyo ginagalaw ang adobo na luto ni Mayenn?” Nagkatinginan ang dalawa na parang may gustong sabihin pero pinipigilan lang. “Walang tatayo sa hapag kainan na ‘to hangga’t hindi ninyo nauubos ang adobo,” dagdag ko. Kasabay no’n ay sinipa ko sa ilalim ng mesa ang paa nilang dalawa. “Aray, boss!” bulong ni Ben. Napakamot naman si Mang Lando habang napipilitang kumuha ng adobo. Samantalang si Mayenn ay nakatingin sa amin na nakasimangot.

