LEVI MONDIGO Naging abala ako nito mga nakaraang linggo, inasikaso ko ang mga negosyo ko at ang grupong pinamumunuan ko. Tama ang hinala ko na mayroong hudas sa grupo ko. Si General Vargas, ang nag hudas sa akin. Bumalimbing siya at lumipat kay Javier na mortal kong kaaway. Matapos siyang bigyan ng malaking halaga. "That bastard—if he thinks Javier can protect him, he’s wrong. I won’t let my enemy live in this world. That’s why I had Vince and his people hunt him down to bury him." Halos mabasag ang baso sa kamay ko sa sobrang higpit ng hawak ko. “So it’s true…” malamig kong bulong. Nakatayo ako sa harap ng floor-to-ceiling window ng opisina ko, nakatanaw sa lungsod ng Maynila. Sa labas, normal ang lahat mga ilaw, mga sasakyan, mga taong walang kaalam-alam sa mga nangyayari sa liko

