MAYENN BLAIRE DE VERA Natapos ang kasiyahan, isa-isa ng nag aalisan ang mga bisita. Nauna na rin mag paalam sa akin sina Ayesha at Gianna, ako naman ay katulong ni Nanay na nagliligpit ng mga kalat sa bakuran. "Mayenn, pumasok ka na sa loob. Nay, matulog na po kayo, ako na po ang bahalang magpalinis ng mga kalat dito." utos sa amin ni Lex. Lasing na lahat ng kasama niyang taga dito kasama si Tatay, pero sila parang nag sisimula pa lang ang gabi sa kanila dahil mga parang hindi tinablan ng alak na ininom nila. "Halika na anak, gabi na kailangan na rin nating mag pahinga." sabi sa akin ni nanay. Inakay na namin papasok sa loob ng bahay si Tatay, tinulungan ko si nanay na ipasok si Tatay sa silid nila at saka ako pumasok sa silid ko. Dahil antok na ako ay mabilis lang ako nakatulog. Nag

