ALMARIE GRACE
Masarap ang meryenda ko at naubos ko ito agad. Lumabas naman ako para silipin kung ano ba ang ginagawa ng ninong ko ngayon. Nandito pa lang ako sa bungad ng kitchen ay napatigil na ako. Nagluluto na ang ninong ko and he’s topless. Flex na flex talaga ang muscles niya at ang maganda niyang katawan.
Bata pa naman kasi siya at maalaga rin sa katawan kaya talagang maganda ang resulta. May mga lumalabas minsan sa social media na mga news tungkol sa mga babae na nali-link sa kanya at mga beauty queen pa ang mga iba.
“Baka maubos na ako niyan?” tanong niya sa akin kaya huling-huli ako na nakatingin ako sa kanya.
“Bakit ka kasi naka-topless? Alam mo naman na may dalaga ka ng kasama,” pabiro na sabi ko sa kanya.
“Dalaga ka pala? Akala ko kasi ay binata ka,” sabi niya kaya maang naman akong nakatingin sa kanya.
“Lalaki pala ang tingin mo sa akin?” tanong ko sa kanya.
“Just kidding,” nakangisi na sabi niya at ginulo pa niya ang buhok ko.
Ako naman itong nakatingin lang sa kanya dahil halatang tuwang-tuwa talaga siya na asarin ako. O talagang miss lang niya ako. Sana nga ay dito siya lagi dahil masaya ako kapag kasama ko siya dito. May times rin kasi na nalulungkot ako lalo na kapag nami-miss ko ang pamilya ko.
“Nagbibiro lang ako, nakasimangot ka na naman. Lalo kang papangit niyan,” sabi niya sa akin kaya mas lalo na talaga akong sumimangot.
“Okay, ako na ang pinaka-ugly,” sabi ko sa kanya at hinugasan ko na ang plato na ginamit ko.
Tumawa siya pero hindi na ako lumingin pa sa kanya. Nagkunwari na lang ako na wala akong narinig. Nang matapos na ako ay lumabas na ako sa kusina at bumalik na ako sa room ko. Hahayaan ko na lang muna siya pero hindi naman ako nagtatampo. Sanay naman ako sa kanya. Gusto ko lang siya na matapos sa ginagawa niya dahil hindi rin naman madali ang ginagawa niya.
Pero dahil sa naiinip naman ako kaya naman lumabas ulit ako at pinili ko na lang na tumambay dito sa living room. Habang nanonood ako ng tv ay naririnig ko si ninong.
“Fvck!”
“Sh*t!” bulalas niya kaya naman naglakad ako pabalik sa may kusina at nakita ko siya na nahihirapan sa ginagawa niya dahil pumuputok-putok ang mantika.
“Okay ka lang ba, ninong?” tanong ko sa kanya at lumingon naman siya sa akin.
“Ano sa tingin mo? Okay lang kaya ako?” tanong niya sa akin pero nakangiti pa siya.
“Sorry, hindi ko naman alam na mahirap pa lang magluto ng ganyan,” sabi ko sa kanya.
“Nakokonsensya ka na yata,” natatawa na sabi niya sa akin.
“I’m not heartless kaya talagang nakokonsensya ako,” sabi ko naman sa kanya at mas lalo pa siyang tumawa.
“‘Wag kang magagalit sa akin kapag hindi ito naging crispy pata.”
“Eh, ano naman ang magiging tawag diyan?” tanong ko naman sa kanya.
“Black pata,” natatawa na sagot niya kaya ako naman itong nakatingin lang sa kanya dahil tuwang-tuwa na naman siya sa joke niya.
“Black pata?”
“Kasi magiging itim talaga siya kapag nasunog siya dahil wala akong balak na lumapit na sa kanya.”
“Bakit naman kasi hindi ka na lang gumamit ng air fryer. Pinahirapan mo pa kasi talaga ang sarili mo,” sabi ko sa kanya.
“Hindi mo naman agad sinabi?”
“Hindi ka naman nagtanong. Akala ko naman kasi ay magaling ka talaga magluto.”
“Grabe ka na talaga. Ginagawa ko na nga ang lahat para lang pagbigyan ka. Hindi mo alam kung gaano kahirap ito para sa akin,” parang bata na sabi niya kaya tumawa na lang ako.
“Ano na ang gagawin mo ngayon? Paano mo na i-off ang induction?” tanong ko sa kanya.
“Hindi ko na nga lalapitan ‘yan. Bahala na siyang maluto,” sagot naman niya sa akin.
“Baka naman magkasunog dito sa ginagawa mo,” sabi ko sa kanya.
“Hindi ‘yan, kapag hindi na tumatalsik ang mantika ay lalapit na ako. Sa ngayon ay dito na muna ako at papanoorin ko na lang ang fireworks,” sagot niya sa akin at tumawa na lang ako dahil nagagawa niya pa rin na magbiro kahit pa ang totoo ay may problema na siya.
“Pagod na pagod ka na bang maging seryoso sa senado kaya dito mo nilalabas ang mga waley mong jokes?” natatawa na tanong ko sa kanya.
“Bawal namang magbiro lalo pa at mga matanda na ang mga kasama ko. Alam mo naman na ako lang ang pogi doon ako lang ang baby doon,” sabi pa niya kaya lalo naman akong tumawa.
Kapag kasama ko talaga siya ay wala talagang dull moments. Lagi na lang kasi akong nakangiti o hindi kaya tumatawa kapag siya ang kasama ko. Kaya miss na miss ko siya at hinihintay ko talaga lagi na pumunta siya dito kapag bakasyon na nila. Kasi kapag nandito siya ay hindi ako nakakaramdam ng lungkot.
Noon ay lagi talaga siyang pumupunta dito. Pero nang maging senador na siya ay nagbago na ang lahat. Busy na siya palagi at kahit sa tawag ay minsan na lang kami nag-uusap. Ang buong akala ko nga ay busy na siya sa mga babae niya. Baka may sineseryoso na siya kaya siya hindi nagpaparamdam sa akin.
“Ninong, may tanong ako.”
“What is it, baby?” nakangiti na tanong niya sa akin.
“Sino ang girlfriend mo? Magsabi ka ng totoo? Alam ko na hindi ka single?” tanong ko sa kanya dahil parang hindi talaga kapani-paniwala na single siya dahil ang gwapo niya.
“Secret, baby,” nakangiti na sagot niya sa akin.
“So, may girlfriend ka na? Seryoso ka na sa buhay mo ngayon?” tanong ko sa kanya.
“Lagi naman akong seryoso.”
“Sige, ‘wag mo na lang sagutin. Ipakita mo na lang sa akin ang picture niya, gusto ko makita kung maganda ba ang taste mo,” sabi ko sa kanya at mabilis kong dinampot ang phone niya.
“Baby, ‘wag kang makulit. Give me my phone,” utos niya sa akin.
“Hindi ko ito ibabalik hangga’t hindi mo pinapakita sa aking ang picture niya. Pero bakit picture natin ang wallpaper mo? Hindi ba nagagalit ang girlfriend mo sa wallpaper mo?” tanong ko sa kanya.
“Alam niya kung sino ka at ano ka sa buhay ko,” bigla na lang naging seryoso ang mukha niya.
“Ano ba ako para sa ‘yo?” tanong ko sa kanya.
“Ikaw ay–”