C4

1404 Words
ALMARIE GRACE “Ano ba ako para sa ‘yo?” tanong ko sa kanya. “Ikaw ay–” “Ay ano? Siguraduhin mo na maganda ang sasabihin mo sa akin,” sabi ko sa kanya. “Ikaw ang pinakamahalaga na pangit sa buhay ko,” sabi niya kaya sinamaan ko na naman siya ng tingin. “Alam mo, nakakainis ka na talaga. Akala mo naman ang guwapo mo,” sabi ko sa kanya dahil talagang nilalait na talaga niya ako. Sa ganda kong ito, ako ang pinakamahalagang pangit niya. “Guwapo naman talaga ako. Malabo lang kasi ang mga mata mo,” nakangisi na sabi pa niya sa akin. “Excuse me, mas marami ang guwapo sa school at ikaw ordinary na lang ang mukha mo,” sabi ko sa kanya na naging dahilan para kumunot ang noo niya at mawala na ang guwapo niyang ngiti. “Akala ko ba ako ang pinakaguwapo para sa ‘yo?” tanong niya sa akin. “Noon ‘yon, ninong. Akala ko kasi ikaw, pero mali pala ako. Mas marami pala ang guwapo dito sa US kaysa sa Pinas,” pang-aasar ko sa kanya. “Uuwi na pala ako sa Pilipinas, hindi na pala ako,” parang bata na nagtatampo na sabi niya. “Ako nga hindi nagtatampo na pangit ako sa paningin mo tapos ikaw itong parang bata na nagtatampo,” sabi ko sa kanya. “Nagbibiro lang naman ako pero ikaw itong–” “‘Wag ka ng magtampo. Nagpapalambing ka na naman,” sabi ko sa kanya at hinalikan ko siya sa pisngi. “Nagtatampo talaga ako,” sabi niya sa akin kaya naman hahalikan ko na naman siya sa pisngi pero nagulat ako dahil bigla na lang siyang humarap sa akin. Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ko inaasahan na ito ang mangyayari. Na mahahalikan ko siya sa lips mismo. Halatang nagulat rin siya sa nangyayari sa amin ngayon. Tinulak ko siya at nawalan naman siya ng balanse kaya natumaba siya at kasama niya ako. Kaya naman hanggang ngayon ay magkadikit pa rin ang mga labi naming dalawa. Hindi ko na alam kung paano ba ako babangon dito. Parang ang bigat ng katawan ko. Parang hindi ko kayang lumayo sa kanya dahil parang naging magnet na kaming dalawa na magkadikit. Hanggang sa bigla ko na lang naramdaman na gumalaw ang labi niya. Hindi ko ito inaasahan kaya naman para pigilan siya ay mahina kung pinalo ang balikat niya na naging dahilan para tumigil siya. Mapungay ang mga mata kaya mas lalo siyang gumwapo sa paningin ko hanggang sa bigla na lang akong sininok. Sunod-sunod pa naman kaya nagmamadali akong bumangon at umalis sa ibabaw niya. Hindi ko na siya tinanong kung nasaktan ba siya o hindi dahil ako itong hindi makapaniwala sa nangyayari. Patuloy pa rin ang pagsinok ko at naiinis na ako kaya tumakbo na ako. “Bakit? Bakit pa nangyari ‘yon? Paano na ngayon? Paano ko na siya kakausapin? Lord, bakit po hinayaan mo na maglapat ang mga labi naming dalawa? Ninong ko po siya, ninong ko po.” Mabilis akong pumasok sa room ko at padapa akong humiga sa kama ko habang panay pa rin ang sinok ko. Oh my gosh! Hindi ako makapaniwala na nag-kiss kaming dalawa. Hindi talaga, nakakaloka naman kasi talaga itong mga nangyayari na ito ngayon sa aming dalawa. Parang ayaw ko na tuloy lumabas dito sa room ko. Parang gusto ko na lang na maging bilanggo dito. Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na ba ako dito at nakadapa lang ako. Paulit-ulit na nagpiplay sa utak ko ang nangyari kanina. At paulit-ulit na nanghihina ang mga tuhod ko. Nanghihina sa kiss na nangyari sa aming dalawa. Sh*t! Ang lambot pa ng lips niya. Nakakainis naman na para bang nagustuhan ko ang ginawa namin. Pero mali kasi talaga. Mali, mali ang nangyari na ‘yon. Hindi dapat nangyari ‘yon. “Baby, kakain na tayo,” narinig ko ang boses niya kaya nagkunwari akong tulog dahil hindi ko yata kaya na humarap sa kanya. “Baby, alam ko na hindi ka talaga tulog. Stop pretending dahil hindi mo magugustuhan kapag nagpanggap ka pa,” sabi niya sa akin pero nanatili lang ako sa pagpikit hanggang sa naramdaman ko na may humiga sa tabi ko. “Ayaw mo pa bang bumangon? Gusto mo pa bang i-kiss pa kita ulit?” tanong niya sa akin kaya naman nanlaki na ang mga mata ko sa narinig ko mula sa kanya. “Sabi ko nga nagugutom na ako,” sabi ko at bumangon na agad ako. Mukhang may bagong pang-asar pa siya sa akin at dahil ‘yon sa accidental kiss na ‘yon. Kasalanan ko rin kasi eh. Bakit ba kasi ako sanay na suyuin siya gamit ang kiss? Bakit ba kasi ako gano’n? “Takot ka naman pala eh,” sabi niya sa akin at tumawa pa siya ng malakas. Hindi ko na lang siya pinansin dahil lumabas na ako at pumunta na ako sa may dining area. Nang makarating na ako ay nagulat ako dahil ang daming pagkain. “Bakit ang daming pagkain?” tanong ko sa kanya. “Nag-order na lang ako. Hindi na kasi talagang kaya ‘yong niluto ko,” sagot niya sa akin kaya nakatingin lang ako sa kanya. “Kain na tayo, nagutom ako sa paglilinis sa mga talsik ng mantika,” sabi niya at umupo na siya. Umupo na rin ako. Siya ang naglagay ng pagkain sa plato ko at ako naman ay nakatingin lang sa kanya. “Gusto mo pa ba na subuan kita?” nakangisi na tanong niya sa akin. Mukhang hindi naman big deal sa kanya ang tungkol sa nangyaring kiss kaya siguro ay kailangan na manahimik na lang rin ako. Nagsimula na akong kumain at ngayon ay siya naman itong panay ang tingin sa akin. “Kumain ka na po o baka naman gusto mo rin na subuan pa kita?” sabi ko sa kanya. “Ahh,” sabi niya at nagpapasubo nga talaga siya kaya sinubuan ko naman siya. Itong lalaking ito kahit pa matanda na ay gustong-gusto niya talaga na nilalambing siya. Ako naman ay kumain na rin at huli na para ma realized ko na iisang kutsara lang pala ang ginamit naming dalawa. Nagkunwari na lang ako na okay lang kahit ang totoo ay gusto ko na talagang palitan ang ginagamit kong kutsara. Marami ang pagkain at lahat pa paborito ko kaya naman naparami ang kain ko. Aaminin ko na kahinaan ko talaga ang pagkain pero hindi naman ako tumataba. Sadyang mahilig lang akong kumain at sobrang bilis kong makuha kapag pagkain ang usapan. Kapag nga nag-aaway kami ng kaibigan ko ay pagkain rin ang panuyo niya sa akin. “Tapos ka na?” tanong sa akin ni ninong. “Busog na ako, hindi ko na kaya,” sabi ko sa kanya. “Okay, ako na ang bahala dito,” sabi niya sa akin. “Ako na po, ninong. Madali lang naman ito,” sabi ko sa kanya. “Okay, tulungan na lang kita,” sabi niya sa akin at nagulat naman ako dahil nasa likuran ko na siya. “N–Ninong, ako na lang po,” sabi ko sa kanya. “Tulungan na lang kita para matapos na tayo,” sabi niya sa akin kaya hinayaan ko na lang siya. Ewan ko ba, bakit ba may kakaiba akong nararamdaman ngayon. Nakakaramdam na ako ng pagkailang sa kanya. Dahil kaya ito sa kiss kanina? O baka ako lang talaga ang nagbibigay ng kahulugan sa hindi naman dapat. Alam ko naman sa sarili ko na aksidente lang ang nangyari kanina. Pero masyado akong apektado sa kiss namin. O baka naman gusto ko pa ulit? Oh my gosh! Ano ba naman itong iniisip ko? “Okay ka lang ba, baby?” pabulong na tanong niya sa akin kaya ako na naman itong sinisinok na naman. “O–Okay lang ako, n-ninong,” sinisinok na sagot ko sa kanya. “Sinisinok ka na naman,” sabi niya sa akin. “Hindi ko alam kung bakit,” sabi ko naman sa kanya. “Alam mo ba ang gamot d’yan?” “Hindi ko alam. Alam mo ba?” tanong ko sa kanya. “Yes, baby,” sagot niya sa akin kaya naman humarap ako sa kanya. “Ano po, ninong?” tanong ko sa kanya at nagulat ako dahil…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD