ALMARIE GRACE
“Alam mo ba ang gamot d’yan?”
“Hindi ko alam. Alam mo ba?” tanong ko sa kanya.
“Yes, baby,” sagot niya sa akin kaya naman humarap ako sa kanya.
“Ano po, ninong?” tanong ko sa kanya at nagulat ako dahil bigla na lang niyang hinalikan ang labi ko.
Ito ba? Ito ba ang sinasabi niya na gamot sa hiccups ko? So, ibig bang sabihin ay ganito ang gagawin ko lagi kapag sinisinok ako? Oh my gosh! Hindi puwede! Baka kung sino na lang ang hahalikan ko if ever na sinisinok ako. Gumalaw ang lips niya kaya natataranta na naman ako dahil hindi dapat ito nangyayari. Hindi namin dapat ginagawa ito. Paano na lang kung magustuhan ko na ang kiss niya? Paano kong magtuloy-tuloy ito? Saan ito papunta? Ayaw ko! Ayaw kong isipin ang ganito.
Gusto ko naman siyang itulak pero hindi ko naman magawa. Kasi naman nanghihina naman ang mga tuhod ko sa kiss na ito. Paano ba ako makakaalis dito? Paano ko ba siya patitigilin? Para kasing iba na itong ginagawa niya ngayon. Nag-iiba na kasi ang galaw ng labi niya.
Kailangan ko siyang patigilin bago pa niya makalimutan na ninong ko siya at kapatid siya ng stepdad ko kaya naman pamilya na kami. At mali itong ginagawa namin. Paano na lang kung may girlfriend na siya? Paano naman ako? Pero kahit pa ay hindi dapat nangyayari ito. Kailangan na itong matigil, hindi ito puwede.
“Ninong, stop na,” sabi ko sa kanya habang tinutulak ko siya.
“Sorry,” sabi niya at mabilis siyang umalis.
Ako na lang ang naiwan dito sa kusina at napatulala na lang ako sa nangyari. Wala sa sarili na naghuhugas pa rin ako ng pinagkainan namin dahil ayaw ko naman na iwan ito dito. Binilisan ko na lang ang kilos ko dahil ayaw ko naman na bumalik na naman siya at kung ano pa ang gawin niya sa akin. Nang matapos na ako ay nagmamadali na akong pumasok sa room ko.
Sa pagsara pa lang ng pinto ng room ko ay wala sa sarili na napahawak ako sa labi ko. Bakit ba ganito ang pakiramdam ko? Bakit nakaramdam ako ng init? At bakit namin ginawa ‘yon? I didn’t kiss him back pero bakit parang pinagsisihan ko na hindi ko ginawa. Naiinis na ako sa sarili ko dahil bakit ba ako ganito?
Masaya ako na nandito siya pero bakit nakakaramdam pa ako ng excitement sa mga nangyayari ngayon kahit pa alam ko na magagalit sa akin ang mommy ko. Pero hindi naman siguro niya malalaman kaya siguro ay okay lang. Kiss lang naman at minsan lang naman pumunta dito si ninong.
“Oh my gosh! Ano ba naman, Almarie?! Bakit ka ba ganito?” saad ko sa sarili ko dahil nakakainis na talaga.
Naglakad na ako papunta sa banyo para maligo at para matulog na ako. Ayaw ko kasi ng mga iniisip ko kaya kailangan na matulog na ako bago pa ako masiraan ng ulo sa kakaisip sa mga nangyayari sa aming dalawa ng ninong ko. Mabilis lang naman ako dito sa banyo.
Paglabas ko s banyo ay nakahiga na sa kama ko si ninong kaya kumunot ang noo ko.
“M–May kailangan ka po ba, ninong?” tanong ko sa kanya.
“Dito ako matutulog,” sagot niya sa akin.
“What? What did you say?” tanong ko sa kanya dahil feeling ko mali ang sinabi ko.
“Netflix and chill,” sagot niya sa akin kaya kumunot ang noo ko.
“Ano’ng netflix and chill? Ninong, isusumbong na talaga kita kay mommy,” pagbabanta ko sa kanya.
“Ano ba ang sinasabi mo, baby? Dapat ba ma-stress ako kapag nanonood ako ng netflix?” sabi naman kaya iniisip ko kung joke ba ang sinabi niya o hindi.
“Ano ba ang trip mo? Doon ka na lang sa kabilang room,” sabi ko sa kanya.
“Baby, dito na ako. Miss na kitang katabi,” sabi niya sa akin.
“Ayaw ko,” sabi ko sa kanya.
“Why?”
“Ayaw ko, baka may gawinn ka sa akin. You kissed me at baka ulitin mo na naman,” sabi ko sa kanya at tumawa naman siya ng malakas.
“What’s funny, ninong?” tanong ko sa kanya.
“Nakakatuwa ka kasi, ang advance mo mag-isip,” sabi niya sa akin.
“Oo naman, dapat lang. Delikado ako sa ‘yo,” sabi ko sa kanya.
“Nakakatakot na ba talaga ang kiss ko? Ang akala ko kasi ay nag-enjoy ka,” sabi pa niya kaya maang naman akong nakatingin sa kanya dahil hindi ako makapaniwala sa narinig ko.
“You’re unbelievable,” sabi ko sa kanya pero parang wala lang sa kanya dahil bigla na lang niya akong hinila kaya natumba kami sa kama ko.
“Ano ba ang ginagawa mo?” tanong ko sa kanya.
“Wala man lang bang thank you d’yan?” tanong niya sa akin.
“Bakit naman ako magpapasalamat sa ‘yo?”
“Dahil sa kiss ko kaya nawala ang hiccups mo,” nakangiti na sagot niya sa akin.
“Dapat ba akong magthank you? Inaanak mo ako kaya hindi na dapat. Don’t worry dahil next time ay sa iba ako hihingi ng tulong para mawala ang sinok ko, sabi ko sa kanya.
“Don’t you dare,” sabi niya sa akin.
“Gagawin ko talaga lalo na kapag wala ka dito. Paano kung mam*tay ako sa kakasinok ko? Ikaw ang nagsabi na kiss ang gamot sa hiccups ko,” sabi ko naman sa kanya.
“Pero hindi ko naman sinabi na puwede kang halikan ng iba,” sabi pa niya sa akin.
“Paano naman ang magiging boyfriend ko? Bawal rin ba niya akong i-kiss?”
“Bawal,” mabilis na sabi niya sa akin kaya naman tumawa ako.
Itong ninong ko talaga hindi ko alam kung ano ba talaga ang trip niya. Parang mas mahigpit pa siya sa kuya niya na stepdad ko. Ang isang ‘yon ay hinahayaan lang ako na mag-explore sa buhay ko. Pero ang ninong ko parang tatay ko na. Pero hindi na yata dahil feeling ko para siyang katulad sa mga nababasa ko sa books na possessive boyfriend.
“Ninong, bakit parang mas strict ka pa sa kuya mo?”
“Strict talaga ako. Ayaw ko na–”
“Na ano?” tanong ko sa kanya pero nagulat na lang ako dahil…