C6

1121 Words
ALMARIE GRACE “Ninong, bakit parang mas strict ka pa sa kuya mo?” “Strict talaga ako. Ayaw ko na–” “Na ano?” tanong ko sa kanya pero nagulat na lang ako dahil bigla na lang nakalapat ang labi niya sa labi ko. Hinalikan na naman niya ako. Ano ba kasi talaga ang nangyayari sa lalaking ito? Bakit ba niya ito ginagawa? Gusto ba niya na harotin ko rin siya? Oh my gosh! Kaya ko ba? Kaya ko ba siyang landiin eh ninong ko siya? Pero wala na eh, ganito na kaming dalawa. Nakalapat na ang labi namin at kahit pa hindi ako tumugon ay gumagalaw na ang labi niya. Akmang tutugon na ako pero tumigil naman siya. “Everytime na isipin mo na magpahalik sa iba ay sana maalala mo na strict ako. Magagalit ako, AG,” sabi niya sa akin at ang pungay ng mga mata niya. Ngayon lang niya ulit ako tinawag sa nickname ko. “M–Manood na nga lang tayo ng movie,” sabi ko sa kanya at kinuha ko na ang remote ng tv dahil gusto ko na lang na hindi pansinin ang sinabi niya. Ayaw ko kasing bigyan ng ibang kahulugan. “Why are you sitting there?” tanong niya sa akin dahil dito ako sa sahig nakaupo. “Mas gusto ko dito,” sagot ko sa kanya at nagkukunwari ako na naghahanap ng papanoorin namin. “And why? Malamig ang sahig,” sabi niya sa akin at nang tumingin ako sa kanya ay nagulat na naman ako dahil magkadikit na naman ngayon ang lips naming dalawa. Lagi na lang akong nagugulat at lagi na lang ganito. Dapat na talaga akong lumayo sa kanya bago pa ako mawili sa pahalik-halik niya. Nang makakuha ako ng pagkakataon na makalayo sa kanya ay ginawa ko. Baka kung ano na naman ang gawin niya sa akin. “Bakit ka lumalayo sa akin?” “Tigilan mo na ang kakahalik sa akin. Sumosobra ka na,” sabi ko sa kanya. “Hindi ko naman sinasadya ‘yon. Kasalanan ko ba kung panay lapat ng lips mo sa lips ko. Ikaw nga yata ang may gusto na hinahalikan ako. Ikaw ang panay kiss sa akin, nagugulat na nga lang ako sa ‘yo,” sabi niya at ako naman itong nakatingin sa kanya dahil hindi ako makapaniwala na parang ako pa pala ang may kasalanan. Aaminin ko na hinahalikan ko siya pero hindi ko naman siya hinahalikan sa labi. Sa pisngi lang naman at aksidente lang naman ang mga kiss sa lips. “You’re so unbelievable,” sabi ko sa kanya pero tumawa lang siya. “Ano ang gusto mong panoorin?” tanong ko na lang ulit sa kanya. “Ano ba ang gusto mo?” “Disney movie,” sagot ko sa kanya. “What the–” “Nagtatanong ka tapos ng sagutin ka ay nagrereklamo ka naman. Ewan ko sa ‘yo,” sabi ko sa kanya dahil inaasar ko lang rin talaga siya. “Wala pang romance d’yan? Mature content,” sagot niya sa akin na para bang matanda na ako para sabihin niya ang mga salitang ito. “Bata pa ako,” sabi ko sa kanya. “Dapat ay nanonood ka na ng mga gano’n. Hindi ka na baby para naman aware ka sa mga–” “Sabi mo forever mo akong baby tapos ngayon hindi na. Siguro may girlfriend ka na talaga at siya na ang baby mo,” sabi ko sa kanya at bigla na lang siyang tumawa. “May sinabi ba ako na hindi kita baby? Nagseselos ka ba sa girlfriend ko?” tanong niya sa akin. “Hindi! Bakit naman ako magseselos eh alam ko naman na pangit siya at maganda ako,” sabi ko sa kanya at talagang binuhat ko ang bangko ko. Kung pangit ang tingin niya sa akin ay pupurihin ko na lang ang sarili ko dahil alam ko naman na maganda ako. Not super ganda pero hindi naman ako pangit. Hindi rin naman pangit ang features ko dahil may boobs naman ako at sakto lang ang size niya sa katawan ko. Hindi siya super laki na parang pakwan na tulad ng mga nakita ko na na-link sa kanya. “You’re so pretty kaya bakit naman kita ipagpapalit sa iba,” nakangisi na sabi niya sa akin na para bang inaasar niya ako. “Manood na nga lang tayo,” sabi ko sa kanya at wala sa sarili na nag-select lang ako ng movie na hindi ko naman alam kung tungkol saan. At nawindang ako dahil unang scene pa lang kissing scene na agad. Napalunok naman ako ng wala sa oras at nagulat talaga ako sa pagiging agresibo nila. Gusto kong takpan ang mga mata ko pero hindi ko naman magawa. Hindi ko naman ito first time pero iba yata dahil may kasama ako dito. “Sarap naman,” sabi niya kaya ako itong napalingon sa kanya dahil hindi ko alam kung ano ba ang ibig niyang sabihin. Ang lapit na naman niya sa akin at hinila niya ako palapit sa kanya. Ang lakas talaga ng lalaking ito. Magaan lang ba ako para buhatin na naman niya ako paakyat dito sa kama ko. “Sarap–” “Alin ang masarap?” tanong ko sa kanya. “This,” sagot niya sa akin at hinalikan na naman niya ang labi ko. Nakailan na talaga siya at bahala na. Bahala na talaga dahil kung gusto niya ito edi go na.. Halikan na niya ako kung gusto niya. Wala rin naman akong magagawa kung panay siya tuka sa akin. I kissed him back at narinig ko ang mahina niyang ungol. Hindi niya yata inaasahan na tutugon na ako sa kiss niya. Kung kanina ay ramdam na ramdam ko na ang lambot ng labi niya ngayon naman ay nalalasahan ko na ang sarap ng halik niya. Sa totoo lang ay hindi ko na talaga alam kung paano pa ba kami titigil kung pareho na naming nagugustuhan ang ginagawa namin. Hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko. Ano ba ang dapat kong gawin ngayon dahil ang sarap pala ng tunay niyang halik. Hindi lang ito basta paglapat ng mga labi dahil gumagalaw na talaga at parang mauubusan na ako ng hininga sa ginagawa naming dalawa kaya naman pinalo ko na siya para tumigil na siya. Nang tumigil na siya at pareho naming hinabol ang hininga namin. “N–Ninong,” nauutal na sambit ko. “I want more, baby,” pabulong na sabi niya pero malinaw ko pa rin na narinig. “Puwede ba talaga itong ginagawa natin, ninong?” tanong ko sa kanya at nakatingin naman siya sa mga mata ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD