Chapter 1

2043 Words
Napakamot nalang ako ng ulo sa pinaggagawa ni mommy sa maleta ko. Halos hindi na nga maisara yung zipper dahil sa dami ng nilagay niya doon na mga gamit.Punong puno kasi. Bago kami umuwi kanina dumaan muna kami sa mall para bumili ng iilang gamit na kailagan ko. Pero ito naman si mommy mukhang napasobra ang bili. Eh wala naman ako magawa kasi sinubukan ko din siya pigilan kanina pero ayaw talaga magpaawat e. Naiintindihan ko kung bakit ganon nalang si mommy. Ito kasi ang unang beses na iiwan nila ako. Well naiiwan din naman ako sa Italy but I'm not totally alone in our home because we've got plenty of guards and maids to look after me. Eh dito, literal na magisa ako. Walang katulong. Walang bodyguards, or personal driver. "Ito anak, wag mong kakalimutan na ipahid ito sa balat mo bago matulog ha? Para hindi ka kagatin ng mga lamok doon.Tapos itong skincare products na bigay ng tita mo." "Hon, hayaan mo na yung anak natin. She probably knows what to do." Paninigurado ni daddy sa kanya.  Napabuntong hininga si mommy sa sinabi ni daddy. Tinanggal niya yung ibang gamit na nilagay niya doon sa loob ng maleta ko tapos isa isa niyang pinatong sa kama ko "Okay fine.Just call me downstairs if you need anything." Tapos ngumiti ako sakanya. "Opo, mommy. Thank you po ulit." "You're welcome, baby." Jusko dito pa sa kwarto ko hinalikan ni papa si mama sa labi. Hello andito po ako. Pagkatapos namin puntahan kanina yung bagong school na lilipatan ko, napagdesisyunan ko na magdorm nalang imbes na magstay sa isang malaking apartment para daw may magbabantay at magaasikaso sakin na mga katulong at taga hatid na driver. Ayaw sana nila mommy kasi baka daw di ako maging komportable tapos baka rin daw magulo yung makakasama ko. Eh ang katuwiran ko naman kaysa naman na magisa lang ako sa apartment na balak nilang bilhin para sakin. Mas okay na yung magdorm nalang ako at may kasama pa ako. Atsaka sinabi ko din sa kanila na marunong ako sa mga gawaing bahay kaya hindi nila kailangan magalala. So that's how I got to convince them. Napatingin ulit ako sa mga gamit na pinatong ni mommy sa kama ko. May iilan ako na kinuha doon tapos yung iba maayos kong pinatong sa lamesa. Nakaramdam tuloy ako ng lungkot nang mapatitig ako sa family picture namin. Sobrang mamimiss ko sila mommy at daddy. Mamimiss ko yung feeling na ginigising ako ni mommy tuwing umaga. Focus, Eva. Baka mamaya nyan umatras ka na. Imbes na magpakain ako sa lungkot dito sa kwarto nagpasya na ko na bumaba nang makaramdam ako ng gutom dahil amoy na amoy ko na mula dito sa kwarto ko yung niluluto na pagkain sa baba.Tinulungan ko si mommy na ayusin yung lamesa at maglagay ng mga plato at utensils. "Where's dad?" I asked mom. "He's in his office. May tumawag na investor e. Palabasin na din yun dahil sinabihan ko na kakain na tayo." Sunod kong pinatong sa lamesa yung mga ulam na niluto ni mommy. Sakto din yung pagbalik ni daddy kaya sabay sabay na kami kumain. Natatawa nalang kami ni papa habang kumakain dahil di na magalaw galaw ni mommy yung pagkain niya sa kakabilin sakin. Wag daw kalimutan yung ganito, ganyan. Wag magpapalipas ng gutom, wag na lalabas kapag gabi, etc. Ako naman tango lang nang tango sa kanya. Tumulong ulit ako kay mommy na magligpit ng mga pinagkainan namin. Si daddy naman nagpaalam agad na babalik sa opisina niya dahil may mga kailangan daw siyang asikasuhin na trabaho. Gusto ko sana na ako nalang maghugas ng mga plato pero ayaw ni mommy. Punasan ko nalang daw yung lamesa at umakyat na daw ako sa kwarto ko dahil maaga pa ako bukas. So, ayun nalang ginawa ko. Pagbalik ko sa kwarto ko, naghalf bath lang ako saglit bago ako humiga. Kinabukasan, nagising ako sa tunog ng alarm ko mula sa cellphone ko. Ito na. This is the day na lilipat na ko sa dorm. Bumangon agad ako at inayos muna ang higaan ko bago ako pumunta ng cr para maligo. Simpleng v-neck na puting tshirt at denim na shorts lang sinuot ko. Naglagay muna ako ng tuwalya sa buhok. Mamaya ko na aayusin yung buhok ko. Uunahin ko yung pagayos sa mukha ko. Kumuha ako ng konting moisturizer at pinahid ko yun sa mukha at leeg ko. Tapos sinunod ko yung pinakaimportante na cream which is ang sunscreen. Konting lipstick at lipgloss lang ang pinahid ko sa labi ko. Ganito lang naman ako lagi. Ayoko nang putok na putok ang makeup araw araw kasi mas lalong di nakakaganda sa balat yun. Pinatuyo ko muna yung buhok ko gamit ang blower atsaka ko pinlantsa iyon gamit ang flat iron. I took a one last check on my stuff. Okay, malinis na yung closet ko at mukhang wala na nga akong nakalimutan. Itinayo ko yung maleta ko tapos sinabit ko nalang sa balikat ko yung isang shoulder bag ko. "Good morning, dad!" Masayang pagbati ko. "Good morning, sweetheart. Are you ready to leave?" Bati ni daddy nang makababa ako. Tinulungan niya ko na maibaba yung maleta ko. Si mommy naman nasa labas na. Nakita ko na pinapasok na din ng mga bodyguards namin yung maleta nila sa loob ng van na nakaparada sa harap ng kotse ni daddy. Yung ibang mga bodyguards naman ay nakahilerang nakatayo lamang sa gilid. Lahat sila nakasuot ng kulay itim na suit at meron din silang nakalagay sa tenga nila na earpiece. Hm? Akala ko ba bukas pa sila babalik ng Italy? "Mom, akala ko po ba bukas pa kayo babalik ni daddy ng Italy?" "Biglaan din kasi anak. Madami kami kailangan asikasuhin ng daddy mo dahil may meeting din sa isang araw with some investors from SIngapore." Huling inilagay sa loob ng van ang maleta ko bago iyon tuluyan na isara nang bodyguard namin. Meron pang isang van ang nakapark sa likod ng kotse ni daddy. Puro bodyguards niya lang lahat ang nakasakay sa dalawang van na yun. Walong bodyguards ang kasama namin. Bale apat sila sa isang van. Ganon kahigpit ang security ng family namin. O.A man tignan pero kailangan daw talaga sabi ni daddy e. "Andiamo" Sabi ni daddy. "Sì, signore." Yumuko lahat ng tauhan ni daddy at yung isa naman ay pinagbuksan muna kami ng pintp sa kotse namin. Habang nasa byahe, nagpapaalala pa din si mommy. Pero nang makita ko yung mukha niya sa rear mirror alam kong malungkot na siya e. Parang nagpipigil na siya ng luha niya.HInawakan lang ni daddy yung kamay niya at bibitaw lang kapag papalitan ang gear tapos ibabalik ulit sa pagkakahawak sa kamay ni mommy para hindi siya maging emotional masyado. Si daddy naman, tahimik lang pero alam ko pareho lang sila ni mommy. Wala pang isang oras, nakarating na kami agad sa building nang tutuluyan kong dorm. Dorm ba talaga 'to? Yung establishment kasi mas mukha siyang hotel e. Paano ba naman, may pa red carpet pa sa may entrance tapos kitang kita yung malaking logo ng West Stone University. May dalawang babae ang lumabas mula sa building at nakangiti nila kaming sinalubong. "Good morning, Mr. and Mrs. White." Bati nang babae na mukhang nasa mid 30s ang edad. "Good morning. We're just here to drop our daughter." Inutusan na ni daddy yung isang tauhan niya na ibigay doon sa isang babae yung maleta ko. "Mag-iingat ka anak ha? Basta yung mga bilin ko wag na wag mong kakalimutan." Usal ni mama habang nakayakap sakin. "Opo." Maikling sagot ko. Kumawala na siya sakin tapos si daddy naman ang sunod na niyakap ko. "I'll miss you, sweetheart. Mahihirapan kami magadjust nito ng mommy mo. Always remember to call us whenever you need something or there's a problem, alright?" "Mamimiss ko din kayo, daddy. Don't worry, uuwi ako minsan sa Italy tuwing bakasyon." Ayan na si mommy feeling emotional na. Di ko tuloy napigilan ang sarili ko na yakapin ulit siya bago kami nagkahiwalay. Sinamahan na ko nung dalawang babae sa loob nang establisment. Muli akong lumingon kila mommy at daddy atsaka ko sila kinawayan. Nakaakbay si daddy sa balikat ni mommy dahil walang tigil ang pagtulo ng mga luha niya. Kagabi excited na excited ako na makarating dito pero ngayon ko lang ulit naramdaman yung ganitong sobrang lungkot. Itong araw na ito magsisimula ang pagiging independent ko. Kailangan kong masanay na wala lagi sa tabi ko ang mga magulang ko kaya dapat matuto akong tumayo sa sarili kong mga paa. Kung kanina napagkamalan kong hotel 'to. Well, It still doesn't change that now even though I am already here inside.Yung mismong establisment palang kabog na eh. Yung main floor akala mo reception sa hotel. Pagkapasok mo kasi sa entrance may reception desk sa harap. Sa may bandang kanan ko may mga sofa doon at center table. Ang pumapagitna lamang mula sa reception at waiting area ay yung napakalaki na aquarium na may lamang isda.Malamang isda talaga laman nun. Magulat ka kapag mga baby alligator ang nandon. "Ms. White, paki pirma nalang po nito." Kinuha ko yung ballpen na nakalagay sa penholder sa gilid at agad na pinirmahan yun. Dalawang page ng papel yun. "Thank you po. Ito po yung susi sa dorm niyo. I will be sending someone to assist you with your luggage. You may take the elevator from this way." "Thank you so much." Agad nga naman siya nagtawag nang isa pang staff para dalhin itong maleta ko. Sumunod lang ako sa kanya papunta doon sa elevator. Sa 5th floor ang unit tutuluyan ko. Door number 517 ang sabi nung babae sa baba at yun yung nakasulat na number sa susi ko. Pagkatunog ng elevator, bumungad na naman samin ang kulay pula na carpet. "Ako na po bahala dito. Maraming salamat po." Sabi ko sa lalaki. Kinuha ko yung wallet sa bag ko at agad ko siyang inabutan ng 500 peso bill. Nung una ayaw niya tanggapin dahil kesyo napalaki daw but I insist. Nung nahanap ko na yung door unit kumatok muna ako. Baka kasi may tao pala sa loob. Maya maya bumukas ang pinto at bumungad sakin ang isang babaeng nakasando at nakashorts. Malawak ang ngiti niya sakin. Teka. Siya yung babaeng nakita ko kahapon na may kausap na dalawang lalaki diba? "Hi, you must be my new roommate?" Tanong niya. "Uh. Yes." "Pasok ka. Let me help you with your luggage." Bago pa ko makatanggi sa kanya nakuha niya na yung maleta ko at hinila iyon papasok sa loob. Halos malaglag ang panga ko sa itsura ng dorm namin. Napakalawak ng living room. May isang napakalaki na kulay puting sofa at glass na center table. Sa tapat naman nun ang malaking flatscreen TV na may dalawang pot ng halaman.Wow! Oh my! This is really insane. Hindi ito yung inaasahan ko na itsura nang dorm. Akala ko yung typical looking dorm lang pero hindi. This is better than any dorm. "Tara, dito yung kwarto mo." Sinundan ko siya papunta doon sa isang pinto na gawa sa dark oak. No way! This isn't my room. Napakalawak ng kwarto ko at meron na din dun isang study table at sa isang gilid yung vanity ko. Pareho silang kulay puti. Napakasimple nang design pero I really love it! Hindi talaga ako nagkamali na magdorm nalang. "I'm Laura Ross." Ross? Yung isa sa pinakamayamang pamilya sa Pilipinas? "Scarllet Eva White." I was about to offer her a handshake but to my suprise she suddenly ran towards me and hugged me tight. "Nice to meet you! I already saw you yesterday on campus. I can't believe na ikaw yung magiging roommate ko." So, siya nga yung nakita ko kahapon. Yung babae na may kausap na dalawang lalaki sa may hallway.  "Kumain ka na? Nagorder ako ng pagkain kanina. Wanna join me?" "Sure! Sunod ako. May gagawin lang ako." "Alright. I'll just ready the food for us." "Sige. Salamat." Ngumiti siya sakin bago siya lumabas at sinara ang pinto. Hindi ko mapaliwanag yung excitement na narararmdaman ko ngayon. I'm really happy na napakabait ni Laura. I mean, literal na mabait at hindi ko inakala na ganong reaksyon ang ipapakita niya sakin. To be honest, I was expecting that my roommate would be b***h. Well, typical rich female na kasi. Pero hindi, napakabait at napakasweet niyang babae. Hindi ko nga inakala na yayakapin niya pa ako e. This is definitely gonna be fun! I can't wait to tell this to mom and dad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD