Chapter 2

2506 Words
Kasama ko na ngayon si Laura dito sa kwarto ko. Kakatapos lang namin kumain at talagang nabusog ako sa mga kinain naming pagkain. Ang dami nga naman niyang inoder na pagkain. May cream pasta, chicken wings at pizza. Pakiramdam ko nga ngayon lang ako nakakain nang ganon karami. Siguro dahil na din napasarap ang kwentuhan namin ni Laura. Kanina pa kami nagkekwentuhan mula sa dinning table hanggang dito sa kwarto ko. Hinayaan ko lang siya na humiga muna sa kama ko habang ako naman isa isa nang inaayos yung gamit ko mula sa maleta. Yung ibang damit ko nailagay ko na sa closet at yung uniform ko naisabit ko na din doon. Kakakilala lang namin pero sobrang nagkasundo agad kami. Ngayon ko lang napansin na napakaganda niyang babae.  Shoulder length lang ang kulay dark brown niyang buhok at maganda ang curve ng katawan.  Napagtanto ko din na talagang may pagka makulit siyang personality which makes me more comfortable with her even more. Pero tuwing tumitingin ako sa mata niya parang may kakaiba din talaga sa kanya eh. "Alam mo first time kong magkaroon ng roommate." Usal niya. Tumaas ang isa kong kilay sa sinabi niya kaya tinigilan ko muna yung pagaayos sa mga gamit ko. "Bakit naman?" Tanong ko. Huminga muna siyang malalim bago sumagot. "Ewan ko. Magaapat na taon na ako dito sa dorm na 'to pero wala akong naging karoommate." Nagbakas sa mukha ko ang pagtataka. Apat na taon na siya dito? Tas wala siyang naging karoommate kahit isa? "Kaya nga masayang masaya ako nung sinabi nilang may makakasama na ko dito. Nung nakita kita sa campus kahapon, may part din sakin na nagsasabi na sana ikaw yung makakasama ko. At tama nga ako!" Kusa nalang ngumiti ang mga labi ko dahil sa pinakita niya. Masaya din ako at siya ang makakasama ko dito. Sa unang dormitory na tutuluyan ko. Kinuha ko yung laptop ko sa bag ko atsaka ko pinatong iyon sa ibabaw ng study table ko. "Oo nga pala, Laura. May tanong ako." "Ano yun?" "Uhm. May mga bawal ka dito?" Buti nalang naalala kong itanong yun. Mas okay na magtanong para maging sigurado. Hindi naman kasi porket komportable na kayong pareho sa isa't isa e, gagawin mo na lahat ng gusto mo dito. Syempre kailangan mo din alamin yung boundaries mo bilang respeto nalang din sa kasama mo. "Wala naman. You can use anything in here sa dorm natin. Pwede mo din kainin or magstock ng mga pagkain sa loob ng refrigerator. Basta every week sabay tayong mamili ng groceries natin." "Sige ba. Gusto ko din yan para makapagbonding tayo." "I agree. Eh ikaw ba? Baka may mga gusto kang ipagbawal sakin tutal we're gonna be living together as roommates for a year." Isa isa ko pinagpatong patong yung mga damit ko na kakatapos ko lang ayusin. "Wala din. Same lang din tayo. We can also share my stuffs with you want. Tulungan nalang din tayo sa house chores. "Alright. O sige na. Iwan muna kita dito para makapag ayos ka ng gamit mo at makapagpahinga ka din. Katukin mo nalang ako sa kwarto ko if ever na may kailangan ka." Ngumiti ulit ako sa kanya. "Salamat talaga, Laura."You're welcome. Ano ka ba, just like what I said earlier we're gonna be living together for a year. Kaya natural lang na tayong dalawa din ang magtutulungan dito." Nagpaalam na nga siya at iniwan niya muna ako dito sa kwarto ko para makapagpahinga. Medyo ginabi na din ako nang matapos kong tanggalin sa loob ng maleta ko yung mga gamit ko. Isinulat ko din muna sa isang maliit na notepad yung mga kailangan kong bilhin. Like bunch of hangers, toiletries, and other personal stuffs. Bukas na siguro ako dadaan sa mall pagkatapos nang klase para bilhin ang lahat nang 'to kasi panigurado madadagdagan itong mga nasa listahan ko para sa mga kailangan din sa school. Naghalf shower lang ulit ako at nagbihis nang pantulog bago ako tuluyang humiga sa kama ko. Hindi ko kinalimutan na magset ng alarm para bukas. Sa sobrang pagod kaya mabilis din akong nakatulog. Kinabukasan maaga akong nagising. Syempre excited na ko pumasok sa bagong papasukan kong University. Bumangon agad ako at inayos muna yung higaan ko tapos naligo na ko. Pagkatapos kong ayusan yung sarili ko napatingin ako sa sarili ko sa salamin. Ang ganda ko. Chos! Ang ganda talaga ng uniform ng West Stone University. Above na the yung kulay pula at itim na skirt at blazer, puti na blouse, itim na necktie, at naka long shocks na puti. Medyo may heels yung sapatos ko pero okay lang dahil bumabagay lalo. Naalala ko yung paalala ni mommy na send-an ko daw siya ng photo ko habang suot suot tong uniform kaya ginawa ko. Mukhang tulog pa si Laura ah. Bigla kong naalala na pwede ko gamitin yung mga pagkain sa refrigerator dahil may usapan mula kahapon na kami na magkasama kami bibili ng groceries every week kung kinakailangan. Saktong sakto na may mga itlog, bacon, at tinapay dito. Meron pa natira na leftover pizza kaya pinainit ko nalang ulit yun sa microwave atsaka ako nagsimula na magluto nang almusal namin. Okay na siguro 'to para sa almusal. Saktong pagkatapos kong magluto ay lumabas na siya. Nakauniform na din siya kagaya ko. "Good morning, Laura." Bati ko habang nililipat ko na sa plato yung niluto kong itlog. "Wow! Ikaw pala yung nagluluto. Kaya pala kanina pa akong may naamoy na masarap eh. Akala ko sa mula sa ibang dorm yung nagluluto e." Sabi niya. Isa isa niyang tinignan yung mga pagkain sa lamesa. "Tara sabayan mo na ko. Para din sating dalawa itong niluto ko eh." Pagaaya ko pagkatapos ko ilapag sa lamesa yung plato namin at mga kutsara't tinidor. Oh may masama ba akong nasabi? Sa itsura niya kasi parang medyo nagulat siya. "Bakit? Okay ka lang?" Nagaalalang tanong ko. Agad naman siyang umiling. "Uh. Wala, first time ko lang kasi na may nagluto ng breakfast para din sakin." Tapos umupo na din siya at sinabayan ako kumain. Gumaan ang loob ko nang makita kong halos siya ang nakaubos nang mga niluto ko. Kanina pa kasi akong nagaalala baka hindi siya masarapan or hindi niya gusto yung ganitong almusal. Nagtulungan kami na hugasan yung mga pinagkainan namin bago na kami umalis. Tatanggi sana akong sumabay sa kanya papasok kasi pwede naman ako magtaxi kaso nahila niya na ako papunta sa kotse niya. "Oo nga pala, taga saan ka?" Tanong niya. "Taga Italy ako." Kumunot ang noo niya tas napatingin sakin. "So half Italian ka? Ikaw ba yung nagiisang anak ng mga White?" "Oo. Paano mo nalaman?" "Duh, pamilya niyo kaya yung isa sa mga pinaka influencial at powerful sa buong Europe." Medyo nagtaka ako sa sinabi niya. Ganon ba talaga ang description ng mga tao sa pamilya ko? Hindi kasi ako aware sa ganon. I was right. Siya yung Ross na galing sa isa ding napaka influencial at powerful na pamilya hindi lang dito sa Pilipinas kundi buong Asia. Kilala din ng pamilya ko ang mga Ross dahil basta usapang negosyo, they're always similar. "So, what made you move here from Italy?" Tanong niya ulit. "Gusto ko kasi talaga dito makapagtapos. It's not like I don't like Italy. Of course, I love it there because that's where I was half of my life. Pero noon kasi feeling ko talaga hindi ako nakikita yung sarili ko na magsettle don. Iba kasi talaga yung pakiramdam sa tuwing umuuwi ako dito sa Pilipinas." "It's great that your parents gave you their full support on your decision. Bihira yung mga kagaya ng family natin na supportive sa mga life-choices natin. Usually, they would dictate your entire life. Telling you to like this or that." Naiintindihan ko yung sinabi niya dahil madami din akong kilala na ganon. Sometimes, yung mga napapanood mo sa teleserye na kapag galing ka sa mayamang pamilya, tapos yung mga magulang mo kokontrolin nila yung buhay mo para masigurado na yung taong papakasalan mo ay galing din sa mayamang pamilya. In other words, ginagawa nilang asset yung mga anak nila para mapanatili yung estado ng buhay. Hindi ko maimagine na gagawin sakin ng mga magulang ko yun. Panigurado mas gugustuhin ko nalang maging simple ang buhay namin kesa sa ganon."Let me guess, namana mo yung mata mo sa daddy mo?" Tumango ako. "Kaya pala ang ganda ng mata mo. Parang dagat sa Palawan, light blue. Akala ko nakacontacts ka lang nung dumating ka kahapon. Pero infairness ang ganda mo." Medyo natawa ako sa sinabi niya. I get that alot. Madalas talaga napupuri ako lalo na kapag umuuwi kami nila mommy dito sa Pilipinas para magbakasyon or kapag sumasama ako sa business trip nila minsan. Nang makarating na kami sa school may nakita akong isang lalaki na nakasandal sa Mustang at may dalawang babae itong kausap. Yung isang babae ay panay ang paghaplos sa braso nito habang yung isa naman ay parang kinikilig pa sa kung ano ang sinasabi sa kanya ng lalaki. Pagkaparada ni Laura ay hinalikan nung mga babae yung lalaki sa pisngi bago nagpaalam.  Isa din yata siya sa nakita kong lalaki na kausap ni Laura kahapon. Matangkad siya, gwapo at matipuno. Halos perpekto ang pagkakawax sa buhok nitong kulay brown at nakita ko din ang kumikinang nitong hikaw sa tenga nito. Pagkababa namin sa kotse at agad na nilagpasan niya si Laura para lapitan ako. "Oh la la. Why didn't you inform me yesterday that you're coming today with such a beautiful woman." Sabi niya. Binatukan agad naman siya ni Laura. "Aww! That hurts, Laura." "Umayos ka nga, Lucas! Kaaga aga umiiral na naman yang kademonyohan mo. Siya yung sinasabi ko sayo na bagong roommate ko." Nilapitan ulit ako nung lalaki at kinuha ang kanang kamay ko at hinalikan iyon. "It's wonderful to meet you gorgeous. My name is Lucas Ross, Laura's one and only handsome cousin and will be your future boyfriend." Binawi ko agad yung kamay ko at medyo napilitan ngumiti. "H-hi. I'm Scarllet Eva White, Laura's new roommate." Bakit ako kinakabahan at nauutal sa kanya? Lucas Ross? The famous casanova ng mga Ross. Kung hindi ako nagkakamali siya yung lagi na nababalita na kung sino sinong sikat na babae ang dine-date. Its either a model or celebrity. "White?" Tumingin pa siya kay Laura na para bang may kahulugan yun. "Yup. She's that "White". Anyways, Nasan si Chase?" "I have no idea. Baka mamaya pa papasok yun." Muli na naman siyang tumingin sakin at dahan dahan niyang kinagat ang lower lip niya na para bang nangaakit. Nangaakit nga ba talaga siya? O talagang di lang ako naakit sakanya? "So, Ikaw pala yung pinaguusapan na bagong transferee. Welcome to West Stone University. If you ever need some help you can always find me." Aniya at kinandatan ako. Binatukan ulit siya ni Laura. "Hey! Nakakadalawa ka na." "Stop hitting on her, Lucas. I f*****g mean it." Hinila niya na ako papunta sa loob ng University. Habang naglalakad sa hallway napansin ko na parang sikat sila dahil binabati siya ng bawat estudyante tapos yung pinsan niya na si Lucas bawat babaeng nadadaanan niya napapatili or kinikilig pang bumabati sa kanya. Oo nga pala. Ross nga ang apilyido nila. Kaya talagang ganon nalang kalaki ang reputasyon nila kahit saan sila pumunta. Are they really that into him? Its not like I don't find him good looking or what but why? "Ano nga pala course mo?" Tanong ni Laura. "Business ad. Ikaw?" "Same. Magkakaklase ba tayo ng unang subject?" Hinugot ko yung cellphone ko mula sa bag ko at pinakita sa kanya yung schedule ko. "Aw. Magkaiba tayo ng first three subjects. Save ko na yung number ko dito para may contact na tayo sa isa't isa. Save mo na din number mo dito sa cellphone ko." Kinuha niya din yung cellphone niya at binigay sakin. Tinype ko yung number ko doon atsaka namin binalik ang cellphone ng isa't isa. Nagpaalam na muna siya para pumasok sa unang klase niya. Marketing ang unang subject ko kaya kailangan ko muna hanapin yung classroom. Hindi na ako masyadong nahirapan na hanapin yung classroom ko dahil tinuro muna sakin kanina ni Laura bago kami nagkahiwalay. Nakatanggap agad ako ng text message mula sa kanya at sabi niya doon na magkita nalang daw kami mamayang lunch. Pagkadating ko sa tapat ng pintuan bigla na kong kinabahan. Calm down, Eva. Kaya 'to. Huminga muna ako nang malalim bago ako pumasok sa loob. Biglang natahimik yung mga tao sa loob at sakin lumipat ang mga atensyon nilang lahat. Bakit ganon sila makatingin sakin? May dumi ba sa mukha ko o sa suot ko? Ano ba yan! Para akong magkaka anxiety nito e. Naglakad nalang ako deretso doon sa nakita kong bakanteng upuan sa may 3rd row. Nang makita ako nang isang babae na katabi nung bakanteng upuan ay tinanggal niya mula sa kanyang tenga ang earphones niya. "Is this seat available?" Tanong ko sa kanya. Tumango siya at ngumiti. "Yeah." "Thank you." Iba nga pala yung itsura ng classroom dito. Pagpasok mo mula sa pintuan, ang pwesto nang mga upuan ay by row at pababa sa hadgan. Sa tingin ko lima o anim na row ito. At sa isang row ay may apat na lamesa. Tapos sa isang lamesa dalawa ang nagmamayari. Nagets niyo ba? haha! Mahaba at mataas ang blackboard sa harapan at nandoon din ang desk ng profession. Saktong sakto lang yung dating ko dahil sumunod na ding pumasok ang prof. "Who here is the new transferee?" Tanong niya. Agad naman akong nagtaas ng kamay. Hindi lang pala ako yung transferee. Pati din pala yung babae na katabi ko. "What's your name, Miss?" Sabay turo niya sa babaeng nasa tabi ko. "Elise Ocampo, po sir" Tumango siya at sakin naman lumipat ang atensyon niya. Kasabay nun ang pagbalin din ng atensyon ng lahat nang kaklase namin. God! Kailangan ba talaga ganyan sila makatingin? "Scarllet Eva White, sir." Narinig ko yung iba na parang nagulat sila. Yung iba naman ay nagbubulangan. "Is that so? Well then, Welcome to West Stone University Ms. Ocampo and Ms. White. Now, let's start with our discussion." Tumalikod na si Professor at nagsimulang magsulat. Kinuha ko naman agad yung journal ko para simulan na magsulat. Habang nagsusulat ako ay bigla kong naramdaman ang pagkalabit sakin ni Elise. "Hi, I'm Elise. Scarllet, right?" Bulong niya sabay lahad ng kamay niya. Walang pagaalinlangan ko naman tinanggap iyon at ngumiti sa kanya. "Hi. You can just call me Eva." "Ikaw yung pinaguusapan na transferee diba?" Umangat ang kilay ko sa pagtataka dahil sa tanong niya. "They've been talking about a new transferee from Italy. From what I know, that's you." Aniya sabay tingin sa mga kaklase namin. Yung iba ay pasimple ding tumitingin sa pwesto namin at nagbubulangan ulit. "I think so? I wasn't aware of that." "Its alright. Don't mind them. They're just curious about you." Curious? Para saan? At bakit? Dahil din ba sa family background namin? "I hope we can be friends." "Yeah of course. Why not?" Medyo gumaan na yung pakiramdam ko at nawala na din kahit papaano yung kaba dahil sa atensyon na nakukuha ko mula sa mga tao dito. Atleast ngayon, alam ko na kung bakit ganon sila makatingin. Kaya instead na isipin ko yung mga tingin nila sakin ay mas pinagtuon ko nalang nang pansin yung lesson. Hindi ko pwede hayaan na madistract ako ngayon. Lalo na't unang araw ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD