Chapter 1
Excited siyang tumatakbo papunta sa bahay ng kanyang matalik na kaibigan na si Cristine para sabihin ang magandang balita na dala niya na tulad niya ay nakapasa ito ng scholarship na binigay ng Valdez foundation,sadyang hindi niya sinabi sa kaibigan na kumuha din siya ng exam kasi baka hindi siya pumasa tapos bigla niyang nasabi sa kaibigan ayaw niyang umasa ito atleast kung hindi man siya makapasa siya lang ang nakakaalam.
Wala din naman kasi kakayahan ang magulang niya para pagaralin siya kahit na nagiisa lang siyang anak ng mga ito dahil wala naman permanenteng hanapbuhay ang kanyang ama buti na nga lang at sinasama ito ng ama ni Cristine sa pangingisda, kahit paano ay may nakakain sila at ang kanyang ina naman ay nasa bahay lamang, umeekstra siyang tindera sa grocery na anak ni aling Taleng nagmamay ari ng karinderya kung saan naman umeekstra ang kanyang kaibigan bilang taga hugas
Pero kahit gaano kalupit ang buhay ay positibo pa din ang kanyang pananaw at hindi nga siya nagkamali dahil makakapagaral na siya ng kolehiyo kahit papaano kapag nakapagtapos na siya at nakakuha ng maayos na trabaho ay maiaangat niya din sa buhay ang kanyang mahal na magulang
“Beshy dalian mo bumaba ka dito”tawag ko sa aking kaibigan
At ng nakita na niya ito ay bigla niya itong niyakap at sinabi ang magandang balita na dala nito,nagulat ito dahil hindi niya alam na kumuha dun ako ng pagsusulit
“Siyempre freny hindi mo naman ako kasing talino paano kung nalaman mo agad na nagexam ako tapos hindi pala ako pumasa malulungkot ka lang atleast ngayon magandang balita ang dala ko sa iyo kaya magiging kolehiyala na tayo”masaya kong balita dito
“Oo nga Toneth masayang balita nga yan buti naman at may makakasama ako sa university na kakilala ko na”masayang sagot ni Cristine sa akin
Kaya nung nagsimula na kami pumasok sa university para magpaenroll ay nasabi sa akin ng admin na may hinandang lunch ang management ng Valdez foundation at mismo ang namumuno ang pupunta para saluhan kami kumain kaya excited akong pumunta sa pila ng registrar kung saan kasalukuyang nakapila si Cristine,nauna lang ako natapos kasi nga dalawang pila ang ginawa para sa course namin sa dami ng nageenrol na nagkataon naman na mabilis ang napilahan ko kaya hanggang ngayon ay nakapila pa din ito
“Frend anu na balita matagal pa ba yan”tanung ko dito
“Ok na mabilis na naman ang pila tingnan mo ako na kasunod”at bigla na nga itong tinawag sa pila
Pgakatapos nga nito ay sinabi ko na may libreng lunch sa Filipino restaurant na malapit dito sa university,kabilang daan lang ito,tatawid lang kami at dahil nga medyo nahuli kami call time na sinabi ay kami na lang pala ang wala buti na lang nagoffer yung magandang babae na secretary pala ni sir Valdez ng aming mauupuan kaya naupo na kami agad ni Cristine,at dahil first time ko kumain sa isang restaurant ay talagang sinulit ko ang pagkain,kahit nagkaaberya ng konti kasi manok ang hinain kay Cristine eh may allergy ang kaibigan ko sa manok kaya nagpakuha ulit ng ibang ulam si Mr.Valdez para dito,kaya lahat ng putaheng nakahain ay tinikman ko buti nalang wala akong allergy sa katawan
Pagkatapos namin kumain ay sinabi ni Mr.Valdez na kakausapin niya daw si Cristine ang naisip ko siguro dahil nga ito ang nanguna sa pagsusulit kaya siguro gusto ito makausap ng mayari kaya nagpaalam na ako at sinabing mauuna na ako sa university
Pagadating ko dito sa university ay naupo ako sa naging tambayan namin ni Cristine sa parang mini park sa likod ng university wala gaanong estudyante ang naroon kaya nagustuhan namin kaya nagulat ako nung may narinig akong lalaki na parang may pinagagalitan
“I told you that this building must be done immediately, because there are a lot of students enrolled this year,and I’ve given you all enough time to finish this then what happen huh,you just waisting my money and time I will call your main contractor and cancel our contract with your company narinig kong sabi nito sisilipin ko sana pero wala na akong nakitang tao dun sa pinanggalingan ng ingay kanina kaya nagkibit balikat na lang ako at ninamnam ang sarap ng simoy ng hangin.
Kung ako ang pagpipiliin gusto ko kapag nagkabahay ako maraming mga puno sa paligid at maraming mga halaman tulad ng sa probinsya namin ni Cristine na tahimik at malayo sa ingay ng city,kaya nanibago talaga kami ni Cristine ng pumunta kami dito sa Maynila para magaral pero ganun talaga may pangarap kami kaya kahit ayaw namin umalis sa lugar namin ay kailangan para matupad ang mga iyon
Kaya ilang sandali lang ay nagdesisyon na akong bumalik sa dormitory namin,sa aking kuwarto para makapagpahinga at makapagaral na din,ngayong oras na ito wala akong kasama dahil may klase si Liza hanggang gabi kaya dito lang ako sa loob ng kuwarto ko at nilabas ang mga notes ko kanina at aking pinagaralan
———-
Kasalukuyang pinatatawag ni Dave Dela Torre sa kanyang opisina ang main contractor na gumagawa ng additional building sa pagmamay ari nitong university,dahil sa hindi natapos na building na pinapagawa dahil nadagdagan ang mga nagenroll sa university kasabay pa ang mga scholar ng Valdez foundation kung saan isa din siya sa nagpopondo dito
Sa edad na 30 yrs old,napapabilang na siya sa isa sa mga batang entrepreneur at successful business man tulad ng kanyang mga kaibigan, maaga siyang naulila sa ina kaya ang kanyang yaya ang tumayong ina nito dahil ang kanyang ama ay abala sa pagpapalago ng kanilang negosyo,lagi siyang binibigyan ng lollipop candy ng kanyang yaya para hindi na siya malungkot at iiyak kaya hanggang sa nagkaedad siya hindi nawawala ang pagkain nito lalo kapag nalulungkot at naiinis siya kasi nagiging magaan ang pakiramdam niya kapag nakakain siya ng lollipop,hindi siya napipikon kapag inaasar siya ng mga kaibigan niya kasi parang daw ako bata pero wala silang pakialam dahil nagiging masaya ako kapag kumakain ako ng lollipop tulad ng laging sinasabi sa akin ng aking yaya na sasaya ako kapag kumain ako nito