Toneth
Biglang nagtaas ang kilay ko sa narinig ko. Para lang sa isang candy kailangan kong maging katulong ng antipatikong lalaki na ito.
“Maluwag na ba turnilyo mo o sadyang pahirap ka lang sa buhay. Para lang sa isang lollipop kailangan kong maging katulong, Anung klaseng candy ba yan ha at napakabigat ng hinihingi mong kabayaran.?” naiinis na tanung niya dito.
“It was a limited edition from a prestigious candy factory in Switzerland and also the last piece I have. Now answer me how on earth you will compensate me? Any idea or suggestion?” Antipatikong tanung niya sa akin.
Bigla akong nanlumo sa narinig. Kaya napaisip ako sobra palang mahal ng candy na yun. Sa amin kasi piso lang yun isang lollipop minsan 2 piso pa kapag sosyal ang tatak. Tapos itong anipatiko na ito may lollipop na limited edition at sa Switzerland pa talaga galing. Nakakainis naman talaga bakit ba kasi nangyari ang kamalasan ito, sana pala hindi na ako sumama kay Cristine kung ganito rin lang mangyayari
Bakit naman kasi sa akin pa nangyari ang kamalasan na ito. Alam ko naman sa sarili ko na mabait ako. Jusko po Lord anu na ang gagawin ko?
“Cut your tongue?” Tanung sa kanya ng antipatikong lalaki.
Yabang nito sa isip niya, nakakayamot talaga.
“Wala na bang ibang paraan?” Mahinahon kong tanung.
“Unfortunately none. As I’ve checked the factory will not produce it again and if does, it will surely cost a lot.” Sagot nito sa akin. Kaya lalo akong nainis dahi talagang sinampal sa pagmumukha ko kung gaano ako kapurita sa harap niya. May araw din ito sa akin.
“O siya kung ganun pala wala na akong choice kung hindi tanggapin ang pagiging katulong mo para lang mabayaran yang candy na yan. Pero teka paano yung pagaaral ko?” Tanung niya dito. Dahil importante sa kanya ang makapagaral dahil iyon naman talaga ang dahilan kung bakit siya ngayon nandito Maynila.
“Ofcourse! I’m a considerate employer that’s why, I will arrange your schedule based on your class schedule.” Sagot nito sa kanya.
Kaya naman napabuntong hininga siya kasi talagang wala na akong choice kung hindi ang pumayag.
“Pero teka hanggang kailan ako magiging katulong mo?” Tanung ko sa kanya.
“Later I will make a contact, it indicates their. Also your job description, responsibility, and salary.” Sagot niya sa akin.
Nung narinig niya ang salitang salary biglang nagningning ang mga mata niya. Akala niya kasi ay magtatatrabaho siya ng walang sahod sa antipatikong lalaking ito.
“Talaga may sahod ako?” Hindi niya makapaniwalang tanung sa binata.
“Yes ofcourse, but it’s only half of your full salary because the remaining half will be the payment for my lollipop.” Sagot nito sa kanya.
Kaya naman napakunot ang noo niya. Ayos lang ba kaya talaga ito, kasi talaga ata maluwag na ang turnilyo nito kasi yung pambayad ko galing din sa kanya. Sabagay pagtatrabahuhan ko naman iyon. Puwede na din pandagdag kita para naman kapag umuwi ako sa bakasyon ay may pera din ako.
“Sige na pumapayag na ako. Teka kailangan ako nagsisimula?” Tanung niya dito.
“Hmmm maybe the day after tomorrow, I will make first the contract and arrange all the necessary things that needed para wala tayong magiging problema.” Sagot nito sa kanya.
Kaya naman tumango na siya at sinabihan siya nitong kailangan na nilang bumaba ng Manila.
Napabuntong hininga na lang siya. Wala naman siyang balat sa puwet pero bakit ba siya ang paboritong habulin ng kamalasan.
Kahit medyo ginabi na sila ng uwi ay maaga pa din siyang nagising. Tinatamad nga siyang tumayo pero may pasok siya. Kaya naman kahit pipikit pikit pa ay dumiretso na siya sa cr para maligo at ng mabuhay ang kanyang mga dugo.
Paglabas nga ay nakita niya ang kaibigan na maganda ang gising. Sino nga ba naman ang hindi gaganda ang ngiti kung isang Daniel Valdez ang bf. Hay feeling bitter na naman ako bad iyon.
“Oh! Toneth bakit ang aga nakasimangot ka?” Tanung nito sa kanya.
“Wala naman inaantok pa ako gusto ko pa matulog.” Sagot niya dito.
“Ganun ba sabagy ako din inaantok pa ako pero may pasok tayo kaya carry lang.” Sagot nito sa kanya.
Kaya naman ay sabay na silang pumunta sa kanilang classroom para pumasok.
Dahil nakakuha kami ng part time job sa library ay pagkatapos ng last subject namin ay agad na kaming dumiretso doon ni Cristine. Malaki din ang pasasalamat namin at nakuha namin ang part time job na ito at may nagiging extra akong pera maliban sa allowance na allotted sa amin ng foundation.
Kasalukuyan akong nagaayos ng mga libro sa shelves ng bigla akong nilapitan ni Cristine.
“Marami pa ba yan Toneth?” Tanung nito sa akin.
“Patapos na rin naman ako bakit?” Tanung ko kay Cristine.
“Tanda mo si Richard yung muntikan ng makatama ng bola sa atin habang naglalakad tayo?”Tanung niya sa akin. Kaya naman tumango ako bilang sagot.
“Para daw makabawi siya sa atin iniinvite niya tayong magmiryenda ok lang ba?” Tanung niya sa akin.
“Naku besshy pagkain yun at blessing bakit tatanggihan ko, nagugutom na nga ako kanina pa buti na lang may manlilibre sa atin. Pero teka diba susunduin ka ni Mr. Valdez? Baka naman hanapin ka nun?” Sagot niya.
“Hmmm maaga pa naman baka siguro naman ay maya maya pa iyon at mamaya pang 6pm ang tapos ng work niya.” Sagot niya sa akin.
Kaya naman pagkatapos kong maayos ang mga libro sa shelves ay agad na din kami umalis at pumunta sa aming kakainan.
Masasabi kong isa itong fastfood na ito ang babalikan ko dahil ang sarap ng spaghetti at burger nila. Favorite ko kasi ang spaghetti kaya talagang kapag may pagkakataon ay yayain kong bumalik si besshy dito.
Kasalukuyan kaming naglalakad pabalik sa University ng naramdaman kong biglang natigilan si Cristine ng tumingin sa dumaang sasakyan.
Pero ang kinagulat ko ang isa pang sasakyan na mabilis na dumaan sa harap namin at walang ayos na nagparada ng sasakyan nito sa harapan ng University.
Pagpasok namin ay nanlaki ang mga mata ko ng nakilala ko ang lalaking may-ari ng sasakayan. Nakita kong lumabas si Mr. Antipatiko na madimim ang awra na nakatingin sa direksyon namin at walang kaabog abog na hinila ako at pinilit na papasukin sa kanyang sasakyan. At pagkatapos ay mabilis nitong pinasibat ang sasakyan nito.
Nakaramdam siya ng takot dahil sa nakita niyang itsura nito. Pero at the same time naiinis siya dahil feeling niya ay galit ito.
Tahimik itong nagmamaneho at kahit naiinis ako ewan ko ba biglang bumahag ang buntot ko sa takot dahil hindi ko pa din malimutan ang expression ng mukha nito kanina.
Nakita ko ay may pinasukan kaming isang subdivision at sinaluduhan pa siya ng guwardiya na parang hindi niya nakita dahil dumiretso lang ito pagkakita sa kanya.
Tumigil kami sa isang malaking bahay. Pero sa tingin niya ay mansyon ito eh, sa laki sabi nya sa sarili at napalingon siya dito ng bigla itong nagsalita.
“From now on this will be your new home.” Sabi nito sa akin. Kaya naman napanganga na lang ako sa sinabi niya.