bc

Game of Life: Bloodlines

book_age18+
1
FOLLOW
1K
READ
dark
kickass heroine
decisive
mafia
sweet
bxg
serious
campus
mythology
superpower
war
musclebear
surrender
like
intro-logo
Blurb

"๐ˆ๐ง ๐ญ๐ก๐ข๐ฌ ๐ ๐š๐ฆ๐ž, ๐ฒ๐จ๐ฎ๐ซ ๐›๐ฅ๐จ๐จ๐ ๐๐ข๐œ๐ญ๐š๐ญ๐ž๐ฌ ๐ฒ๐จ๐ฎ๐ซ ๐ฅ๐ข๐Ÿ๐ž, ๐š๐ง๐ ๐ฒ๐จ๐ฎ๐ซ ๐ฌ๐ฎ๐ซ๐ฏ๐ข๐ฏ๐š๐ฅ ๐๐ž๐ฉ๐ž๐ง๐๐ฌ ๐จ๐ง ๐ฒ๐จ๐ฎ๐ซ ๐ง๐ž๐ฑ๐ญ ๐ฆ๐จ๐ฏ๐ž."To most teenagers, life is a playground of status, fashion, drama, and romance. But for Ashch Kylie Villa-Fuentes, life is a battlefield. ๐ฟ๐‘–๐‘ก๐‘’๐‘Ÿ๐‘Ž๐‘™๐‘™๐‘ฆ.What happens when two souls, both robbed of their childhood by the weight of their names, finally meet? Will they clash in a war of legacies, or will they forge a bond stronger than any steel?The board is set. The pieces are moving.๐‚๐จ๐ฆ๐ž, ๐ฅ๐ž๐ญ ๐ฎ๐ฌ ๐ฉ๐ฅ๐š๐ฒ, ๐ฌ๐ก๐š๐ฅ๐ฅ ๐ฐ๐ž? ๐–๐ž๐ฅ๐œ๐จ๐ฆ๐ž ๐ญ๐จ ๐ญ๐ก๐ž ๐†๐š๐ฆ๐ž ๐จ๐Ÿ ๐‹๐ข๐Ÿ๐ž: ๐๐ฅ๐จ๐จ๐๐ฅ๐ข๐ง๐ž๐ฌ.

chap-preview
Free preview
Prologue
Sa isang masukal na parte, sa bulubundukin ng Pampanga, isang lalake ang mabilis na humahangos habang tumatakbo. Tangan nito sa kaliwang kamay ang isang calibre kwarenta'y singko na pistola, habang ang kanang kamay nito'y mariing tangan ang kaliwang balikat. Lumingon siya sa kanyang likuran, ang mga mata'y pilit binabagtas ang kadiliman ng paligid, tila may tinatakbuhang halimaw na nagkukubli sa anino ng mga puno. Nagmadali siyang sumilong sa likod ng isang malaking puno nang bigla ay paulanan ng bala ang kanyang kinalalagyan. โ€œSal de ahรญ, Gรกlvez! No puedes esconderte por mรกs tiempo!โ€Sigaw ng isang lalaking unti-unting lumilitaw mula sa masukal na kagubatan. Nakasuot ito ng isang mapormang puting long-sleeved shirt sa ilalim ng kulay tsokolateng vest, nakarolyo ang manggas hanggang sa siko. May nakasabit ring isang itim na suit sa mga balikat na malayang nakalaylay sa kanyang likuran na parang isang kapa. Sa halip na sumagot, nagpaputok ng tatlong beses ang lalaking nagngangalang Galvez bago sumubok na tumakbo. Ngunit bago pa man ito maka-dalawang hakbang ay bumagsak siya sa lupa kasabay ng malakas na palahaw sanhi. Tinamaan ito ng bala sa hita. "Puรฑeta, Galvez," turan ng lalaking naghahabol habang nakatutok ang isang ginintuang revolver. "At talagang balak mo pa akong pahirapan, ano?" Nakangising dugtong nito. Sa likuran ng lalake, lumitaw ang apat pang lalaking nakaitim na suit at pawang may hawak na mahahabang armas. Bawat isa ay nakangising demonyo, tila nalilibang sa paghihirap ng kanilang biktima. Sinipa ng pinuno ang tagiliran ni Galvez, dahilan upang mapabaligtad ito. "Sabihin mo kung nasaan ang hinahanap ko." Tinapakan niya ang sugat ni Galvez, ang mga ngisi nito ay lumalapad kalakip ng bawat diin niya roon. Isang matinis na sigaw ang kumawala sa bibig ni Galvez. "Sabihin mo at pabibilisin ko ang paghihirap mo." Nagtawanan ang mga tauhan nang idiin ng pinuno ang kanyang paa sa sugat at paikut-ikutin iyon doon. "H-ha...haha...ha." Sa kabila ng matinding sakit at panghihina, nagawa pa ni Galvez na tumawa. Mabilis na nawala ang ngisi ng pinuno at napalitan ng nanunuyang tingin. Muli niyang tinapakan ang hita ni Galvez sabay tutok ng baril sa ulo nito. "Dime!" Galit na asik niya. "Wala kayong mahihita sa akin! Kailan man ay hindi ko ipagkakalulo ang pamilya!" Sigaw ni Galvez sa gitna ng panghihina. Dala ng galit, binaril ng pinuno ang kanang balikat ni Galvez. Ngunit sa halip na sumigaw sa sakit, humalakhak lamang ito. "Haha...hahaha!" Tawa siya ng tawa, tila nabaliw na, ngunit nang magmulat ito ng mga mata, naroroon ang nag-aapoy na determinasyon. "Mag diwang kayo hangga't kaya pa ninyo, mga estรบpido." Nagpantig ang tenga ng pinuno kaya muli niyang pinaputukan ang hita ng lalaki. "Ikaw ang estรบpido! Hindi magtatagal ay mapapasa-kamay namin ang bagay na iyon at babagsak kayo!" "N-nasasabi m-mo iyan...sa-sapagkat...wal-a ka-ng a-alam." Hirap ngunit nang-uuyam na sagot ni Galvez. "Mas'yado kang bilib sa mga amo mo, Galvez." Nagngingitngit ang mga ngiping tugon ng pinuno. "'Yon...a-ay dahil...wala k-kayong...kaโ€”" napaubo siya ng dugo bago muling tumingin sa pinuno, mga mata'y nagliliyab. "Wala kayong kakayahan!" Bakas ang pag-igting ng mga ugat sa sentido ng pinuno. "Kung wala kaming kakayahan, wala ka sana sa posisyon mo ngayon." Kumuyom ang kamay ng pinuno, ang kamay nitong may hawak ng pistola ay nanginginig. Ang kanyang mga mata'y nag-aalab sa galit. "Matagal na sana kaming naubos ng mga amo mo." "Hahahahaha! 'Yon ay dahil wala naman kayong alam, mga estรบpidong nag aakalang alam na ang lahat ngunit 'ni katiting ay wala kayong alam." Nag-igting ang panga ng pinuno. Humugot siya ng malalim na buntong-hininga bago muling titigan ang biktima. "Kung gayon, wala ka na palang silbi pa sa amin." Itinutok niya ang dulo ng baril sa noo ni Galvez. Ngunit bago pa man niya makalabit ang gatilyo, umalingaw-ngaw ang tunog ng isang mahinang pagsipol. Ang tono nito ay malamig at malungkotโ€”isang martsa ng kamatayan. Natigil ang lahat. Ang limang kalalakihan ay napalinga-linga, hinahanap ang pinang galingan ng tunog. Ngunit sa ilalim ng kadiliman, 'ni anino ay hindi nila mahagilap. Papalapit ang tunog. Papalakas. Kasabay niyon ay ang malamig na pagsimoy ng hangin. Maya-maya, narinig nila ang tunog ng mga metal na tila binabalasa. Natutulirong umikot ang paningin ng mga tauhan, ngunit wala silang maaninag na sino man. "Sinong nand'yan?!" Sigaw ng isa, ngunit walang sumagot. Biglang humalakhak si Galvez. "Anong tinatawa-tawa mo r'yan?!" Bulyaw ng pinuno. Akmang papuputukan na niya ang ulo ni Galvez nang isang matalim na bagay ang humiwa sa kanyang braso. "Ah!" Nabitiwan niya ang baril at napa-atras ng ilang hakbang. Nagdurugo ang kanyang braso nang ito ay kanyang tingnan. Lumingon ang pinuno sa paligid hanggang sa mahagip ng kanyang mata ang isang ginto at parihabang bagay na nakabaon sa puno. Manipis iyon at kumikinang sa talim. Balak sana itong lapitan ng pinuno ngunit na tigilan ito sa biglaang pagtawa ni Galvez. "Hahaha! Narito na sila!" Ibinuka ng pinuno ang kanyang bibig, ngunit bago pa man siya makapagsalita narinig na niya ang mga yabag na nagmula sa harapan. Lumingon ang kalalakihan sa direksyong iyon, pilit inaaninag ng kanilang mga mata ang sino mang nagkukubli sa dilim. Hindi kalaunan, nasinagan ng liwanag ng buwan ang dalawang pigura. Parehong nakasuot ng itim na pantalon at puting long-sleeved shirt na napapatungan ng itim na vest. Sa kanilang kanang dibdib ay makikita ang isang pamilyar na logo na hindi mapangalanan ng sino manโ€”isang ibong nakayakap ang mga pakpak sa espada at pananggalang. Ang isa ay nakasuot ng asul maskarang hawig ang isang demonyo, ang mga kamay nito ay nakasuksok sa bulsa. Base sa tindig ng kanyang katawan, mas bata ito kumpara sa mga lalaking naroroon. Sa kanya nagmumula ang nakahihindig na pagsipol. Samantalang ang isa naman ay nakasuot ng isang maskara na nahahawig sa isang payasoโ€”hati ang kulay sa pula at itim. May pulang diamante at itim na puso sa bawat pisngi nito. Hawak ng patpatin nitong mga daliri ang isang deck ng baraha, patuloy itong binabalasa. "S-sino kayo?!" Tanong ng pinuno, pilit itinatago ang kabang namumuo sa kanyang dibdib. Ngunit wala siyang nakuhang sagot. Huminto ang pagsipol kasabay ng paghinto ng pagbalasa ng mga baraha. Nagkatinginan ang mga tauhan, puno ng pagtataka sa ikinikilos ng dalawang bagong salta. Marahang inayos ng payaso ang barahang hawak bago ito marahang bumunot ng isa mula roon. Tinitigan nito ang baraha bago mabagal na iniharap sa mga kalalakihan. Ace of Diamonds. Bago pa man makapag tanong ang sino man, biglang naglaho ang baraha sa kamay ng payaso. Kasunod nito ang isang malakas na palahaw mula sa likuran. Nang lingunin iyon ng pinuno, nakita niyang nakabulagta ang isa sa kanyang mga tauhanโ€”naliligo sa sarili nitong dugo. Ang kaninang barahang hawak ng payaso, ngayon ay nakabaon na sa leeg nito, kumikinang sa ilalim ng liwanag ng buwan. Dali-daling binaling ng pinuno ang kanyang tingin sa dalawa, ngunit hawak na ng payaso ang susunod na baraha. Ace of Clubs. Sa isang kumpas ng kamay ng payaso, tila mahikang naglahong muli ang barahang hawak nito kasunod ng isang sigaw mula sa likod. Hindi na kinailangan pang lumingon ng pinuno, alam na niya ang nangyari. Sumunod na nabunot ng payaso ang isang Ace of Hearts at huli ay ang Ace of Spades. Walang nagawa ang pinuno kundi pumikit nalamang at dinggin ang palahaw ng kanyang mga tauhan. Wala siyang magawa, hindi niya man lang malaman kung paano ito nagagawa ng payaso sa kabila ng payat na katawan nito. Marahang nagmulat ng mata ang pinuno matapos muling madinig ang tunog ng mga baraha. Sa pagkakataong ito, tumagal ng isang minuto ang pagtingin ng payaso sa nabunot na baraha. Sa takot ng pinuno sa kung ano ang susunod na gagawin ng payaso, hindi na niya nagawang mapansin na wala na sa tabi ng payaso ang kasama nito. Saglit na tinignan ng payaso ang pinuno bago nito iharap ang barahang nabunot. Joker. "Hmm, mukhang hindi mo pa oras." Ani ng isang malalim at malamig na boses mula sa kanyang likuran. Bago pa man maka-lingon ang pinuno, isang malakas na hampas sa batok ang kanyang naramdaman. Ang imahe ng payasong may hawak na baraha ang huli niyang naaninag bago tuluyang mawalan ng malay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
1.9M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
718.9K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
1.5M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
956.4K
bc

A Warrior's Second Chance

read
345.4K
bc

Not just, the Beta

read
341.4K
bc

The Broken Wolf

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook