Chapter 5

2490 Words
Ashch's POV: Lunch break, mabilis akong tumayo mula sa upuan ko at naglakad papunta sa pintuan. Ayokong bigyan ng pagkakataon si Veronica na ihotseat ako doon, paniguradong hindi ako makakakain. Huminto ako malapit sa pintuan, hinihintay s'ya. Ganon nalang ang pag-igkas ng kilay ko nang makita s'yang nakangiting naglalakad papunta kay Red. Hindi ko alam kung ano ang pinaguusapan nila, bukod kasi sa may kalayuan ako sa pwesto nila, natatakpan ang boses nila ng iba pa naming kaklase na nag kukwentuhan palabas ng classroom. Mas lalong tumaas ang kilay ko, pinagkrus ko din ang mga braso ko sa dibdib, nang sabay silang tumingin sa direksyon ko. Kitang kita ko mula dito ang lawak ng pagkakangiti ni Veronica. Napabuntong hininga nalang ako. Paniguradong may iniisip nanamang kalokohan ang babaeng 'yan. At mukhang ako ang biktima n'ya ngayon, letse. "Let's eat with him nalang Ashlie ah. Hihi." May magagawa pa ba 'ko? Nagdesisyon ka na eh. Gustong gusto ko 'yong sabihin sa kanya, kung hindi ko pinigilan ang sarili ko ay malamang ganon na nga ang nangyari. Sa halip, pinili ko nalang manahimik at pairap na nagsimulang maglakad palabas ng building ng highschool. "Where's Ephraim nga pala?" Dinig kong tanong ni Veronica. "He's doing something important." Walang kabuhay buhay na sagot naman ni Red sa kanya. "Eh what happened sa face mo?" "Someone punched it, multiple times." Hindi ko napigilang mangiwi sa naging sagot ni Red, sobrang diretso na para bang wala lang sa kanya yung nangyari. "Huh? The who?!" Lumipas ang ilang segundo bago sumagot si Red. "I don't remember." Muntik na akong madapa sa sarili kong paa sa naging sagot n'ya, mabuti nalang at nagawa kong makahawak sa pader para hindi tuluyang matumba. What the hell does he mean hindi n'ya maalala?! "Oh, Ashlie, are you okay?" Nilingon ko si Veronica pero ang mga mata ko ay nakapako kay Red na walang emosyong nakatingin din sa akin. Tsk. Tinanguan ko lang si Veronica bago ayusin ang pagtayo ko. Nagpatuloy kami sa paglalakad, buong oras na 'yon ay puros tanong si Veronica kay Red. Hindi ko nalang masyadong pinansin, sa lagay kasi ng pag sagot nitong letseng Red na 'to, wala kang makukuhang matinong sagot mula sa kanya. Nang makalabas kami ng building ay sakto namang inabutan namin si Jeth doon. Tinanguan ko lang s'ya na ginantihan n'ya naman bago sumabay kay Veronica. Sa huli, silang dalawa ang nagusap, marahil ay nagsawa si Veronica kay Red dahil sa ganda nitong kausap. Nang makadating kami sa cafeteria, naroon padin ang ingay ng mga estudyante. Nagkukwentuhan ang kanya kanyang grupo habang kumakain. Pero ang mas kapansin pansin talaga ay ang matinding amoy ng iba't ibang pagkain. Kahit kailan, nakakatakam ang amoy dito. Kumuha muna kami ng mauupuan, mahirap na kasing maubusan. "Kami na ni Ezekiel ang oorder, ano gusto n'yo?" Prisinta ni Jeth. Hindi ko alam kung paano n'ya napapayag yung isa. "I'll have my palaging order, fries, burger, and diet coke." Maarteng sabi ni Veronica. "Rice, sisig, chocolate sundae." Simpleng sagot ko naman. Nang makaalis yung dalawa, gaya ng inaasahan ko na, kaagad akong hinarap ni Veronica na may nanunuksong ngiti at naniningkit na mga mata. Matunog akong napabuga ng hangin. Alam ko na ang gusto nito. "Come on, Ashlie. Spill the beans na." Biglang kuminang ang mga mata n'ya sa excitement. "I don't have any beans, Veronica." Pagkukunwari ko at nagiwas ng tingin. "Then why can't you tingin sa eyes ko?" Napangiwi ako sa ka-conyo-han n'ya. "Dali! Come on, make kwento na kasi." "Ashlie, yoohoo, earth to Ashlie?" "Ay, you know hindi mag work on me 'yang deadma mo." Letse, hindi talaga s'ya tatahimik hanggang hindi nakukuha ang gusto. Pabuntong hininga kong itinaas ang dalawang kamay ko, tanda ng aking pagsuko sa kakulitang taglay n'ya. "Okay, letse. Hindi ka talaga titigil eh noh?" Paikot ang matang lumingon ako sa kanya, todo todo naman ang ngiting nakapaskil sa mukha n'ya. "Hihi. You palaging surrender to me." Papangit ng papangit pagiging conyo ng bruhang 'to. Bulong ko sa aking isip. "So ano nga? What's between sa inyong dalawa?" Ipinatong n'ya ang siko sa lamesa at pinatong naman ang ulo sa mga palad n'ya. Ngiting ngiti s'ya at nagliliwanag pa ang mga mata. "Wala." Agad kong sagot na ikinangiwi n'ya. "Nagsisinungaling you, knows ko." "Wala nga." Mariin kong sabi, pilit pinaiintindi sa kanya na nagsasabi ako ng totoo. "Then why are you magkasama earlier?" Napahilot ako sa sintido ko. Sumasakit talaga ulo ko sa babaeng 'to. Bukod kasi sa paraan n'ya ng pagsasalita, sobrang tinis pa ng boses n'ya at natural ‘yung lakas ng volume neto. "Nagkataon nga lang, okay?" Pamimilit ko sa kanya. "Nagkataong nakita ko s'yang binubugbog ni Amielle(pronounced as Am-yel, btw)." Dagdag ko pa para mas makumbinsi ko s'ya. Sa katotohanang ayaw n'yang paniwalaan. "Amielle? Santos?" Gulat na tanong n'ya, tumango lang ako. Ewan ko ba, nakakaubos ng lakas kausap ang babaeng 'to. Kung si Red ay walang kwenta kausap, ito naman ay para kang nakikipag habulan kapag kausap mo, hihingalin ka talaga kahit hindi ka gumalaw. "Eww. That guy is still nagpapanggap as gangster? At his age?" Ngiwing komento nito na tinawanan ko lang ng bahagya. Kung titignan nga naman kasi, parang ganon ang ginagawa ni Amielle. Naglalaro, nagpapanggap na isang big boss ng isang gang o sindikato. Kung alam lang n'ya kung ano ang itsura ng mga totoong boss ng mga sindikato, baka maihi s'ya sa salawal n'ya sa takot. Mas lalo akong natawa sa naisip kong iyon. Maya maya lang, dumating na yung dalawa. Inilapag ni Jeth ang pagkaing inorder n'ya at yung kay Veronica. Si Red naman ang naglapag nung sa akin. "Thanks." Tinanguan n'ya lang ako. Tahimik kaming kumain na dalawa samantalang yung mga nasa harap namin ay kung ano ano ang pinaguusapan. Nandoong pagusapan nila ang pagaaral ng bawat isa, nandong nagbiruan ng kung ano ano, pati yung pagbabasketball ni Jeth ay napagusapan din nila. Hanggang sa umabot ang usapan nila sa nalalapit na acquaintance party namin this weekend. "Ano plano n'yo sa Saturday?" Tanong ni Jeth habang palipat-lipat ang tingin mula sa kinakain at kay Veronica. "I dunno. I think Ashley will go magisa, as always." Kahit hindi ko s'ya tignan, alam kong nakangiwi s'ya sa direksyon ko. Palihim lang akong ngumisi. "What's on Saturday?" Nagkatinginan muna ang dalawa bago sabay na lumingon kay Red. Hindi n'ya nga pala alam ang tungkol don. Hindi pa naman kasi inaannounce sa school 'yon. Alam lang talaga naming mga dati nang nag-aaral dito ang tungkol don, tradisyon na kasi iyong maituturing. "May event this Sabado, acquaintance party." Si Veronica ang sumagot. Mula sa gilid ng mata ko, nakita ko ang pagtango tango ni Red. "It's kailangan that you have a date doon." Pasimple kong nilingon si Veronica. At kelan pa nangyari 'yon? Gusto kong itanong sa kanya 'yon, lalo na sa uri ng ngisi sa mga labi n'yang pilit n'yang tinatago. "Really?" Sa uri ng pag tatanong nito ay para s'yang interesado, pero nahihimigan ko sa boses n'ya na wala s'yang pake. "Yes! Sayang, Jeth will date ako that night." "Huh? Inaya ba ki-aray!" Pabulong ang daing n'ya pero nadinig ko iyon. "Ahh, oo. Inaya nga pala kita, hehe." Pasimple akong napailing. Alam kong may kalokohan nanamang iniisip itong si Veronica, ganyan 'yan palagi pag nakangisi. "That's nice." Wala talaga kwenta sumagot. Tsk. "I guess I'll just skip it." Pagdaan ng ilang segundo'y dagdag pa nito. "That's not pwede." Doon na tumaas ang kilay ko at tumingin kay Veronica ng tuluyan. Ano nanamang kalokohan ang plano ng babaeng 'to? "Every bagong students is kailangan mag join." Nakanguso pa nitong sabi, para bang pinapaalam n'ya lang ang isang bagay na alam na ng lahat. "Tsk. That's a problem." Reklamo ng katabi ko. Hindi ko alam kung bakit, pero matapos ang ilang segundong katahimikan ay biglang nagtaasan ang mga balahibo ko sa katawan. Unti unti kong nilingon si Red, nakatingin ito sa akin habang nakapiling ang ulo ng bahagya. "Be mine, then." Be mine, then. Be mine, then. Be mine, then. Paulit-ulit na nagecho ang mga sinabi n'ya sa isip ko, kada ulit nito ay lumalawak ang pagitan ng mga labi ko sa isa't isa. "W-what?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Be my date on Saturday." Walang kagatol-gatol na sabi nito habang diretsong nakatingin sa mga mata ko. Dinig ko ang impit na tili ni Veronica pero wala akong panahong pansinin s'ya dahil dito sa lalakeng ito. Mamaya ka saking bruha ka. "Bakit ako?" Nang kumalma, kunot noo kong tinignan si Red, diretso sa mga mata n'ya. "Because Jeth is taking Veronica. Obviously, I can't take my own brother as date. And you're the only one I know here aside from them." Ang pagtataka ko ay nahaluan ng inis dahil sa mga sinabi n'ya. "Ano ka'mo?" Nanginginig ang mga kamay kong unti-unting nagiging bola habang nakatingin ako sa kanya. Bahagyang naningkit ang mga mata n'ya bago malakas na magbuga ng hangin, tila s'ya pa ang nainis. "Because Jeth is taking Veronica. Obviously, I can't take my own brother as date. And-" bago n'ya pa matuloy ang word for word na pag uulit ng sinabi n'ya kanina, malakas kong sinapak ang balikat n'ya. "Oww! What the f**k was that for?!" So last choice ako ganon?! Gusto kong isigaw 'yan sa pagmumukha n'ya, buti at napigilan ko ang sarili ko. May pakiramdam kasi akong iba ang magiging interpretasyon ng letseng 'to pag sinabi ko 'yon. "At talagang word for word mong inulit ah!" Instead, 'yan nalang ang sinigaw ko. Tinignan n'ya ako na para bang baliw ang kaharap n'ya ngayon. "But you asked me-Oww! f**k!" Bago pa s'ya makapamilosopo ay sinapak ko ulit ang braso n'ya. "Ayusin mo 'yung sagot mo." Banta ko sa kanya. Mula sa gilid ng mga mata ko ay kitang kita ko kung paanong magpigil ng tawa yung dalawa. Sinamaan ko sila ng tingin pero nagiwas lang sila, tumatawa padin naman. Pairap kong binalik kay Red ang tingin ko, na noon ay hinihimas himas ang brasong sinuntok ko. Bigla ay nakaramdam ako ng guilt sa ginawa ko, unti unti tuloy na lumambot ang expresyon ng mukha ko. Malalim ang naging hugot ko ng hininga. Pinagkrus ko ang dalawang braso ko sa dibdib ko, sumandal sa upuan at tinignan si Red ng masama. Mainit padin ang ulo ko. "Naniwala ka naman talaga sa kanya, ano?" Marahan pero puno ng diing sabi ko. Kunot noo n'yang nilingon saglit si Veronica na agad namang nagiwas ng tingin. Guilty ang gaga. Pabuntong hininga itong humarap ulit sakin. "She lied." Inirapan ko s'ya. Duh. Naging mabigat ang pagbuga ko ng hangin. Hindi ko naman s'ya masisisi, bago s'ya dito. Nagkataon pang sira ulo ang napagtanungan n'ya. "Yes, as much as possible, required umattend ang mga bagong estudyante." Pagpapaliwanag ko. "Pero hindi required na may date o partner ka." Pagtatama ko naman. Saglit kaming nagtitigan. Ilang saglit pa, sumilay ang isang nakakalokong ngisi sa mga labi n'ya. "Okay. Be my date then." Nagpantig ang tenga ko sa sinabi n'ya. "Hindi mo ba naintindihan? Hindi required ang date." Nakataas ang kilay kong sabi. "Yes, I heard you." Tatango tango pang sabi nito. "But it doesn't mean I'm not allowed to ask you, right?" Napaawang ang bibig ko sa sinabi n'ya. Hindi ako nakasagot kasi tama naman s'ya. "Unless you already have a date, of course." Dagdag pa nito. Bakit parang sa tono ng boses n'ya eh pinamumukha n'ya saking walang nag-aaya sakin maging date nila sa gabing 'yon? Bigla, parang gusto kong mainis sa naisip kong iyon. Totoong walang nag-aaya, pero ngayon lang ako na bothered ng dahil do'n. Tinignan ko s'ya ng masama pero naging dahilan lang yon ng paglawak ng ngisi n'ya. Pakiramdam ko tuloy ay pinagtitripan lang n'ya 'ko. Lalo tuloy umiinit ang ulo ko. Pano ko ba sasagutin ang ganitong bagay? Letse. Inilipat ko nalang ang paningin ko sa pagkain ko dahil sa kawalan ng masabi. Bakit nga ba wala akong masabi? Pwede naman akong umayaw. Parang gusto kong sapakin ang sarili ko sa naisip ko. Tama, pwede ko ngang gawin 'yon. Pasimple kong nilingon si Red, bumalik na din ang tingin n'ya sa pagkain n'ya pero napansin kong hindi naman n'ya ito ginagalaw. Napabuntong hininga ako. Para syang batang nagmamaktol. Wala sa sariling napangiti ako sa naisip ko. Sa huli, hindi ko nasagot yung imbitasyon n'ya. Hanggang sa bumalik sa classroom ay tahimik padin kaming dalawa. Hindi maalis sa isip ko ang mga sinabi n'ya. Be mine, then. Mariin akong napapikit nang mabalikan ko iyong linya n'yang iyon sa aking isipan. "Ashlie, are you okay?" Nahimigan ko man ng kaonting pag-aalala ang boses ni Veronica, uminit naman ulit ang ulo ko. Tumingin muna ako sa harap, inaalam kung nandoon na ang guro namin. Swerte namang wala pa ito kaya masama ang tinging nilingon ko si Veronica. "Ano nanaman ba ang laman ng utak mo at ginawa mo 'yon?" Mahina man ay naging mariin ang pananalita ko, pinararamdam ang inis ko sa kanya gamit ang aking boses. Mukhang nakuha n'ya naman iyon dahil napalunok s'ya ng sariling laway. "W-wala ah. I was just teasing him a little." Alam kong kinakabahan na s'ya, diretso na ang English n'ya eh. Tinaasan ko s'ya ng kilay. "Yung totoo?" Pamimilit ko sa kanya. Ilang beses n'yang inilagan ang mga tingin ko, pero sa huli ay sumuko din s'ya. "Fine, I just think you two look cute together, especially kanina." Kinilabutan ang buong pagkatao ko sa sinabi n'ya. Cute?! Anong cute don?! Halos bugbugin ko na si Red kanina sa cafeteria tapos cute?! Napabuntong hininga ako. "Stop this, Nics." Utos ko sabay tawag sa kanya sa nickname n'ya, na s'yang madalang kong gawin. Nakanguso itong nagbaba ng tingin. Iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanya para hindi ako maguilty. Pero maya maya lang, ayon nanaman s'ya. "Pero why hindi mo s'ya ni-refuse earlier?" Natigilan ako sa naging tanong n'ya. Bakit nga ba? Tanong ko din sa sarili ko. Kanina ko pa iniisip 'yon, hanggang ngayon ay wala akong sagot. "Do you like him?" Pagkuwa'y tanong nanaman n'ya na agad ko namang sinagot ng... "Hindi." Narinig ko s'yang nagbuntong hininga pero hindi ko pa rin s'ya nililingon. Bigla, napunta sa pwesto ni Red ang tingin ko. Kumunot ang noo ko nang makitang kumuha s'ya ng isang piraso ng maltesers at sinubo iyon. Ilang beses ko na s'yang nakitang kumain no'n ngayong araw at kahapon, parang hindi man lang nauubos ang laman nung bote n'yang maliit. Tsk. Drugs nga n'ya yata yan. Wala sa sarili akong natawa sa sariling biro. "Uyyy, why are you nakatitig to him?" Nilingon ko si Veronica, nakangisi nanaman ang luka-luka. "Guys, wala daw si Ma'am Angel pero 'wag daw kayo lalabas ng classroom." Biglang balita samin ni Anethe, class president namin. Mabilis na napuno ng ingay ang classroom namin. Napailing nalang ako. Akala mo mga bata. Sumandal ako sa upuan ko at muling nabaling kay Red ang tingin ko. Ngumiwi ako nang makita itong nakadukdok sa table sa harap n'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD