bc

Ang pasaway kong secretary

book_age18+
424
FOLLOW
2.7K
READ
contract marriage
HE
age gap
sweet
office/work place
childhood crush
like
intro-logo
Blurb

paano ka tatagal sa isang secretary kung lahat ng utos mo ay sinusuway nito. lahat ng sasabihin mo ay sinasalungat nito. Iyan lang naman ang Sitwasyon no Archie Endelion sa kanyang Secretary na si Brielle Lucasta. para silang asot puso kung mag away sa kanilang boss at secretary ay may mabuo kayang pag ibig.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
CHAPTER 1 BRIELLE’S POV Matapos kong ihatid si Sandra ay kaagad akong dumeretso sa pinagtatrabahuhan ko, sa Acrylic Home Furniture Company. Nakapagtapos ako sa kursong BSSA at natanggap bilang isang secretary. Mag-isa na lang akong naninirahan dito sa Pinas. Ang aking mga magulang ay nasa Canada na kaya solo ako sa bahay. Malungkot ang mag-isa kaya niyaya ko ang aking mga kaibigan na sa bahay na lang rin tumira kaysa kumuha pa ng apartment ang mga ito. Inihilera ko kapantay ng ibang sasakyan ang aking kotse sa parking area ng company kung saan ako nagtatrabaho. Pasimple akong sumilip sa aking wristwatch. “Seven thirty pa lang ng umaga. Hindi ako late.” Lumabas ako ng kotse at sinigurong naka-lock iyong mabuti. “Hi, Manong! Good morning po!” nakangiting bati ko sa guard na nakatayo sa entrance. “Good morning din po, Ma’am!” ganting bati niya sa akin. Punuan na nang sumakay ako sa elevator. Malapit na ang office hours kaya marami na akong nakasabay na mga employee. Pinindot ko ang button sa pinakamataas na floor kung nasaan ang office ng mga big boss. Isa na roon ang office ng CEO. Pagkaraan ng ilang sandali, bumukas ang elevator. Nakarating ako sa floor kung saan patungo. Lumakad ako papunta sa aking puwesto para ilagay ang aking bag sa aking table, inayos ko rin ang mga gamit sa ibabaw nito. After organizing my personal things ay dumeretso na ako sa opisina ng aking boss para ilagay sa table niya ang mga papel na kailangang pirmahan. Kaunting ayos at linis din sa loob ng kaniyang office ang aking ginawa bago ako nagpasyang lumabas. Pagkalabas ko ay sakto naman na bumukas ang main door ng office. Pumasok mula roon ang aking boss na si Sir Archie. Napatulala ako nang mapatingin sa kaniya. Ang guwapo niya sa suot na black tuxedo na ang panloob ay sky blue long-sleeved polo shirt. Classic fade ang kaniyang haircut na lalong nagpatingkad sa kaniyang p*********i. Ang makakapal niyang kilay ay binagayan ng kulay chocolate na mga mata. Matangos ang ilong at mapula ang kaniyang mga labi. Sa madaling sabi, he is the example of the word perfect. “Ilang babae na kaya ang nahalikan ng mga labing iyon?” parang sira na tanong ko sa ’king isipan. “Kung siya ang masisilayan ko araw-araw ay busog na ako kahit hindi na kumain maghapon. Si Boss lang ay sapat na!” dagdag ko pa. Ngunit naputol ang pantasya kong iyon nang magsalita si Sir. “Do you have something to say, Miss Brielle Lucasta? Kanina mo pa ako tinititigan,” pantay ang mukhang tanong ni Sir sa akin. “Ahm. . . Bakit ang guwapo mo, Sir?” wala sa sariling natanong ko. “What?” Napatuwid ako ng tindig nang mapagtanto ang aking nasabi. “N-nothing, Sir!” Nakahinga ako nang maluwag dahil hindi niya naintindihan ang sinabi ko. Umawang muli ang kaniyang labi na tila may nais sabihin ngunit naudlot iyon nang tumunog ang kaniyang cell phone. Dinukot niya iyon mula sa bulsa ng kaniyang slacks at saka sinagot. “Hay, salamat! Akala ko ay katapusan ko na!” “May sinasabi ka ba, Miss Lucasta?” seryosong tanong niya. Hindi ko namalayan na tapos na siyang makipag-usap. “A-ah. . . E-eh. . . G-good morning po pala, Sir Archie! Narito na po pala kayo!” “Hindi, Miss Lucasta! Anino ko lang itong nakikita mo!” sarkastikong tugon niya sa akin. Nilagpasan niya ako at saka tuluy-tuloy siyang pumasok sa loob ng kaniyang office. “Hmp! Napakasuplado talaga! Hindi man lang ako binati pabalik o ngumiti man lang! Kahit sana fake smile lang for formalities!” himutok ko. “Sir Archie.” Nilingon niya ako. “Yes?” kunot ang noong tanong niya. “Mayroon po ba kayong ipag-uutos?” “Coffee! Ipagtimpla mo ako,” malamig na tugon niya na hindi man lang tumitingin sa akin. Nanatiling nakatutok ang mga mata niya sa mga binabasang papel. Napabuga ako ng hangin at napailing. Nakatayo pa rin ako sa may pintuan ng opisina niya habang pinagmamasdan siya. Naramdaman niya marahil na hindi pa ako lumalabas kaya nag-angat siya ng ulo sabay tingin sa gawi ko. “Miss Lucasta, do you need anything else? Where's my coffee?” “Ah. . . Nakalimutan ko pong itanong kung anong klaseng timpla ang gagawin ko sa kape mo. Noong nakaraan po kasi ay binigyan kita ng three in one na coffee ngunit hindi mo nagustuhan. Tapos kahapon ay nag-prepare ako ng black coffee for you but hindi mo rin ininom.” Napakamot ako sa ulo. “Bahala ka na kung anong klaseng pagtimpla ang gagawin mo sa kape ko. Pati ba iyan ay dapat ko pang problemahin?” mariing tanong niya. “Pero, Sir. . . Iyon nga po ang ipinapaliwanag ko sa iyo! Binigyan ko po kayo ng three in one coffee pero ayaw mo naman, ayaw mo rin ng black! Hindi ko po alam kung anong gusto mo, eh!” katuwiran ko sa aking boss. Kita ko sa mukha ni Sir Archie ang pagkaasar. Kulang na lamang ay batuhin niya ako ng hawak na ballpen. “Ano ba ang hindi mo naintindhan, Miss Lucasta? Sinabi ko na sa iyong ikaw na ang bahala!” pabulyaw na wika niya. Halos magdikit na ang mga kilay ni Sir sa sobrang pagkainis. “Lumabas ka! Umagang-umaga pa lang pero pinapainit mo na ang ulo ko!” nanggagalaiting utos niya sa akin sabay turo sa pinto. “Sorry, Sir!” nakayuko kong tugon. “Lumabas ka na! I want coffee, now!” “Now agad, Sir? Hindi ba puwedeng mga two minutes muna bago ako makabalik? Bubuksan ko pa lang kasi itong pinto. Tapos maglalakad pa papunta sa pantry.” Lalong lumalim ang mga gatla sa kaniyang noo habang masamang nakatitig sa akin. “Dapat ganito ang sasabihin mo, Sir--- Miss Lucasta! Ipagtimpla mo ako ng kape! Dapat mga two minutes ay narito na sa table ko!” panggagaya ko sa boses niya. “Ganoon dapat, Sir!” “Get out!” Tila nais niyang bumuga ng apoy sa sobrang galit sa akin. “Ito na nga po, Sir! Lalabas na nga po ako!” Nagmamadaling binuksan ko ang pinto upang makalabas sa kaniyang opisina dahil baka tuluyan na akong hindi sikatan ng araw bukas. “Kung hindi ka lang guwapo ay baka nag-resign na ako dahil sa sobra mong kasungitan!” bulong ko. Isang magandang ideya ang naisip kong gawin. Kumuha ako ng apat na tasa at nilagayan ko isa-isa ng tubig. Nagtimpla ako ng magkakaibang klase ng kape. Bumalik ako sa opisina ng dragon bitbit ang aking ginawa. “Sir, ito na po ang kape mo!” Ibinababa ko sa table niya ang tray na may lamang kape. “Ano iyan?” takang tanong niya sa akin. “Kape mo po, Sir.” “Alam kong kape iyan! What I mean is bakit ang dami? Gusto mo na ba akong patayin?” “Sir, grabe ka naman! Hindi ako mamamatay tao! Bakit ko naman kayo papatayin? Wala po akong inilagay na lason sa kape mo!” pagtatanggol ko sa aking sarili. Mariing ipinikit niya ang mga mata at ikinuyom ang mga kamao. Animo’y nagpipigil na saktan ako. Huminga muna siya nang malalim bago magsalita. “Miss Lucasta. . . Are you dumb?” Lumabas ang mga ugat niya sa leeg. “Apat na kape ang tinimpla mo! Ano ang gagawin ko sa mga iyan?” “Ewan ko sa ’yo, Sir! Hindi ko po kayo maintindihan! Sabi mo ako ang bahala! Iyan, tinimplahan kita ng dalawang alam ko! Isang three in one at isang black coffee! Tapos naisip ko na baka ayaw mo ng mainit kaya ginawa ko ay nagtimpla rin ako ng cold. Baka kasi gusto mo ng iced coffee.” Dismayadong napahilot si Sir Archie sa bridge ng kaniyang ilong. “Saka ang hirap pong magpabalik-balik, Sir! Kaya apat na ang ginawa ko! Oh, ’di ba? Ang galing ko!” pagmamalaki ko pa. Napaigtad ako nang bigla niyang hampasin ang table. Natapon bahagya ang laman ng mga tasang nakapatong sa ibabaw nito. “Get out!” sigaw niya na ikinagulat ko. “Ay, palaka ka!” hindi sinasadyang sambit ko. “Lumabas ka na habang kaya ko pang pigilin ang sarili ko, Miss Lucasta!” Nagtatagis ang kaniyang mga ngipin, matalim ang tingin sa akin. “Right away, Sir!” Habang papalabas ay hindi ko mapigilan ang maghimutok. “Hmp! Ipinagtimpla na nga siya ng kape pero nagawa pang mag-inarte. Nako, talaga! Kung hindi lang siya naging guwapo ay hindi ko siya pagtiyatiyagaan!” “My God! Saan ba napulot ni Liezel ang babaeng ’to?” malakas na sabi ni Sir Archie na tila sadyang ipinarinig sa akin. Mahigit isang linggo pa lang akong nagtatrabaho bilang secretary ni Sir Archie ngunit hindi na kami magkasundo. Si Ate Liezel ang naging daan ko para matanggap sa trabahong ito. “Hello, Liezel! Are you sure that this person you recommended is capable of working as my secretary? Wala ba siyang mental issues? Kung hindi lang kita kapatid, I would never have hired her!” sermon ni Sir Archie sa kausap niya sa phone. Muli, napasulyap siya sa apat na tasang kape na ginawa ko kasunod ang isang marahang pag-iling.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
107.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
162.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
70.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
77.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
21.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook