CHAPTER 13 BRIELLE’S POV “Bitawan mo ako, Sir!” Pumiglas ako sa aking boss nang hawakan niya ang baywang ko. Ngunit sa halip na bumitaw, tila sawang lumingkis nang mas mahigpit ang kaniyang ugatang mga braso sa akin. “Pakiulit mo nga ang itinawag mo sa akin kanina, Lucasta.” “Dragon! Ikaw si Dragon! Bakit, aangal ka ba? Binansagan mo nga akong bubuyog, umangal ba ako?” Kumiwal-kiwal ako para makawala sa pagkakayakap ng tukmol kong amo. Nakababaliw ang lakas at bilis ng t***k ng puso kong bumibingi sa akin habang magkadampi ang aming mga balat. Niluwagan niya ang pagkakapulupot ng braso niya sa akin hanggang sa tuluyan akong makawala. Kumaripas ako ng takbo papunta sa kama. Ang akala ko ay titigilan niya na ako ngunit ang baliw kong boss ay parang baliw na hinabol ako. Nagmistula

