CHAPTER 20 BRIELLE’S POV Pagkatapos naming kumain ay inabot na ni Nanay Luiza ang mga damit sa akin, ganoon din si Tatay Elmio kay Sir Archie. “Pagpasensiyahan na lang ninyong mag-asawa ang mga damit na nakayanan naming ibahagi,” nahihiyang wika sa amin ng dalawang matanda. “Ayos lang po, Tatay Elmio. Wala pong problema sa amin. Lubos po naming ipinagpapasalamat na tinanggap ninyo kami rito,” bukal sa loob kong sabi. “Wala iyon. Kahit naman sino ang makakita sa inyo sa ganoong sitwasyon ay siguradong tutulungan kayo.” “Bibihira na po ang katulad ninyo, Tatay Elmio. Saan po pala ang banyo ninyo, Nanay Luiza?” nakangiting tanong ko sa ginang. Kanina pa ako nangangati sa suot ko. Nais ko nang maglinis ng katawan at magpalit ng damit. “Dito, Hija.” Ituro ni Nanay Luiza sa akin ang bany

