CHAPTER 16 BRIELLE’S POV “Alam mo. . . Parang may kakaiba ngayon kay Sir Archie,” pagbubukas ng usapan ni Wella. Kasalukuyang sinusuklay nito ang buhok habang nakatingin sa gawi ko. Ako naman ay nakahiga na sa aking kama. “Kakaiba? Ano naman ang kakaiba sa kaniya? Matagal na siyang kakaiba, ngayon mo lang napansin?” balewalang sagot ko. “Ano ka ba? Hindi mo ba talaga nahahalata na kakaiba ang mga titig niya sa ’yo nitong mga nagdaang araw?” “Nag-aadik ka ba, Wella? Itulog mo na lang ’yan!” Tinalikuran ko na siya at ipinikit ang aking mga mata. Ngunit sa pagpikit ko ay mukha ni Sir Archie ang aking nakikita. Lumipas ang ilang oras. . . “Kainis naman, oh!” Marahas na kinamot ko ang aking ulo. Hindi pa rin ako makatulog samantalang ang kasama ko ay humihilik na. “Ano bang nangyay

