CHAPTER 23 BRIELLE’S POV “Hindi ka ba papasok sa trabaho mo?” tanong sa akin ni Alexa. Nakalabi na tumingin ako sa kaniya. “Oh, bakit ganiyan ang nguso mong babae ka?” nakapamaywang niyang tanong sa akin. “Nahihiya akong pumasok sa trabaho. Nasa isip ko pa rin ang nagawa ko sa aking boss.” “Ikaw naman kasi! Bakit mo ba kasi siya biglang hinalikan? Hindi kita pinalaki para maging isang kaladkaring babae!” pabirong sermon niya sa akin na sinundan pa ng malutong na tawa. Inis na sinabunutan ko ang sarili at saka nagpapadyak. “Ewan ko! Hindi ko rin alam kung bakit ginawa ko ang isang kalokohang iyon!” Kulang na lang ay maglupasay ako sa sobrang inis. “Kung ako sa ’yo ay maligo ka na at magbihis! Pumasok ka na sa trabaho mo. Nawala na ang dignidad mo, hahayaan mo bang pati trabaho mo

