The Voice

1536 Words
Matapos ang nakabibinging tunog ng pilit na pagpapahinto ni Ken ng kanilang sasakyan, nawalan ng malay si Lance. Umusok ang sasakyan at biglang nawala ang itim na sasakyan na sumusunod sa kanila. Nagising si Nate mula sa compartment at saka nakita ang sinapit ng sasakyan nila. Basag ang kalahati ng salamin ng sasakyan. Duguan ang mga kaibigan, lalo na sina Lance at Ken na siyang nasa unahan ng sasakyan. Agad na tumawag ng ambulansya si Nate. Nagka-malay ang mga kaibigan niya sa likuran ngunit tila may mga pilay sila at di makagalaw. "Mga ser, papunta na po ang mga pulis at ambulansya," lumapit ang pahinante ng truck na nabangga nila. "Ser, pasensya na po. Tulog ako kanina sa compartment. Ano pong nangyare?" tanong ni Nate. "Eh mukhang may humahabol na sasakyan nyo kanina, Ser. Tapos, iniwasan ng dryaber nyo 'tong truck namin kaya yun nagpaikot-ikot kayo. Nasagi nyo yung poste. Di nga gaanong nahagip pero nabasag yung salamin." "Talaga po?" hindi makapaniwala si Nate dahil wala siyang naramdaman na kahit anong sakit sa katawan. "Pasensya na po kayo ah. Di bale po, kami pong bahala sa check-up ninyo." Limang minuto ang lumipas at dumating ang ambulansya mula sa ospital na pagma-may ari ng tiyuhin ni Nate. Kasama dito ang tiyuhin niyang alalang-alala sa kanya. Napuno ng ingay ng serena ang paligid. Nagsimula rin ang pagkuwestiyon ng mga pulis sa driver ng truck pati sa pahinante nito. Dinala sa pinakamalapit na ospital ang mga naaksidente. Agad na tinawagan ng tiyo ni Nate ang mga magulang ng kanyang mga kaibigan. Maliban kay Lance, lahat sila ay nagpaalam kung saan sila nagpunta kaya't di nagtatakha ang mga magulang nila. --- Isang napakahabang tulog—bagay na hindi na nagagawa ni Lance simula noong fourth quarter niya sa grade 12. Nagising siya ngunit kahit mulat na ang mata ay wala naman siyang makita. Kinapa niya ang mata, nasapo niya ang bendang nakalagay dito. Kumirot ang sentido nya. Nalilito siya kung bakit dilat and kaniyang mata pero walang maaninag na para bang itinago ng kung sino ang lahat ng liwanag sa mundo. “Ma!” sigaw ni Lance. Agad niyang naramdamang may lumapit sa kaniya’t humawak sa kamay. “Anak, andito si Mama.” Sabi ni Mrs. Bautista. “Ma, wala akong makita! Bakit nakatakip ang mata ko?” gulong-gulong tanong ni Lance. Sandaling tumahimik ang paligid. “Kase anak…” “Naaksidente ang kotseng sinasakyan nyo ng barkada mo. Pinasukan ng bubog ang dalawa mong mata. Napilay ang kaliwa mong kamay,” sabat ng pamilyar na boses kay Lance. Hindi siya nakasagot, inaalala niya ang huling nakita niya: umiikot ikot ang sasakyan nila hanggang bumangga sila sa poste at mabasag sa mukha niya ang harapang salamin ng bagong kotse ni Ken. Umiling-iling lang si Lance. “Lance,” niyakap ni Mrs. Bautista ang anak. “Wag ka mag-alala, ha? Makakakita ka pa ulit sabi ng doctor.” Pigil na pigil si Lance sa nararamdaman niyang inis at galit. Kahit gusto niyang magwala, ay wala siyang lakas maghurumintado. “Nasan tayo ngayon?” tanong ni Lance. “Nandito tayo sa ospital malapit sa atin. Sina Ken, andun naka-confine sa ospital kung saan kayo dinala nung nangyare yung aksidente. Stable naman ang lagay ng mga kaibigan mo. Wala namang grabeng nangyare sa kanila.” Tapos ako napilayan at nawalan ng paningin? How was that fair? I can’t believe this! Bulong ni Lance sa sarili. “We told you to stop that secular band nonsense of yours, Lance. Tingnan mo nangyare!” bulyaw ng papa ni Lance. “Lester, please. Saka mo na pagalitan.” Awat ng mama ni Lance. “Kaya ganyan yang bata na ‘yan eh. Masyado mong bini-baby. For crying out loud, he’s eighteen. Now, how is he supposed to go to a normal college, eh bulag na sya?” Those words hit Lance’s heart like a dagger. Sumakit ang dibdib niya na parang di siya makahinga. “Lester, that’s enough. Puntahan mo muna si Gracie dun sa lola niya. Sabihin mo kina mama na nagising na si Lance.” Sabi ni Mrs. Bautista. Agad na lumabas si Mr. Bautista at naiwanan sina Lance at ang mama niya sa kwarto. “Anak, ‘wag mo masyadong dibdibin sinabi ng papa mo. Naga-alala lang yun kase malapit na ulit ang pasukan eh. ‘Di ba, sabi mo sa amin na gusto mong maging sound engineer? Pwede mo yun ituloy kapag kaya mo na.” “No, Ma!” mangiyak-ngiyak na tutol ni Lance. “Hindi na. Pabayaan niyo na lang ako. Sabi nga ni Papa, di ba? How am I supposed to go to a normal college eh, bulag ako? Hindi niyo ba nage-gets? He’s basically saying that I’m useless. Ay, mali. Mas naging useless.” Mrs. Bautista closed her eyes and pats her son’s head, “Anak, Lance, hindi ganyan ang sinabi ng papa mo. At sabi ko sa’yo, ‘di ba? Makakakita ka ulit. Everything happens for a reason, ‘nak. You know, I just think na I’m still blessed kase you’re still alive. This only means that the Lord listens to my prayer to keep you safe, far from death.” “You know what, Ma? I wish I were dead instead.” Hindi na napigilan ni Mrs. Bautista na maiyak sa sinabi ng anak. “I can’t keep going like this, Ma. I can’t,” tuluyang napaiyak si Lance. “I can’t go back to that normal life.” Napuno ng pagiyak ang buong kwarto na iyon hanggang dumating ang doctor para i-check si Lance. “There are no serious fractures on your legs naman, hijo. It’s just that you need to go through therapy for your legs and your left arm, too. About your vision, you need to be patient. As you know, it’s a transplant. We need to wait for a donor. Your friend’s guardian, Mr. Gomez, requested that you be the top priority, so who knows, in a month or whatever, you’ll get your sight back.” Imbis na matuwa ay lalong pinanghinaan ng loob si Lance. He knows that being the priority wouldn’t guarantee that he’ll get a donor later or in 48 hours. Pero hindi gaya kanina ay mas lumamig na ang ulo niya. Inilabas ni Mrs. Bautista si Lance habang nasa wheelchair ito para makalanghap ng hangin. “Parang kailan lang nasa stroller ka ‘nak.” Biro ni Mrs. Bautista. “Ma.” Awat ni Lance. Lumakas ang hangin. Mas umaliwalas ang kanina’y mainit na paligid. “Nandito tayo sa may garden ng ospital sa likod. May church dito sa may right side. Nagba-bible study kami dito nina Pastor Sam kaya kilala na ‘ko ng mga nurses and doctors.” “Ang sipag niyo, Ma. I mean, kahit sa bahay, kahit sa church.” Sabi ni Lance habang inaalala ang mukha ng mama nya. “I’m sorry, Ma.” “Shh.” Alo ng mama nya. “Kakaiyak mo lang. Ay, teka. Iiwan muna kita dito, bibili lang ako ng kape, may vendo machine sa banda doon. Saglit lang.” “Sige po.” Sabi ni Lance. Sa isip-isip niya’y, hindi naman niya kayang gumala. Kalahating minuto pa lang ang lumipas pero parang limang minuto na ang lumipas para kay Lance. Nakarinig siya ng tumutugtog na piano. Baka may tao na sa church? Sa isip-isip ni Lance. Patuloy ang pagtugtog sa piano. Hindi pang simbahan ang kantang naririnig niya. Isang modern song, isa sa mga paborito niyang kanta. Hindi namalayan ni Lance na pinaaandar niya na ang gulong ng wheelchair habang sinusundan ang tunog na naririnig niya. Nakarating siya sa nakasaradong pintuan at doon mas lumakas ang tunog. Isang mala-anghel na boses ng babae ang kumakanta sa malumanay na saliw ng tunog ng piano. Hindi natapos ang kanta at sumigaw ng “Papa!” ang babae sa loob. “Lance!” Tawag naman ni Mrs. Bautista. “Ma!” Sagot ni Lance. “Nakagala ka pa rin sa lagay na ‘yan.” “Ang tagal niyo po kase, Ma.” “Nakasalubong ko kase si Pastor Sam. Dumalaw sa anak niya.” “Ah…” Really? “May anak pala si Pastor?” “Oo. Ayun nga siya oh, nandun sa harapan, kasama yung anak niya.” “O, Jenny, si Lance ba ito?”—lumapit ang pastor kay Lance. “Opo, Pas, si Lance nga.” “Hello po, sis Jenny.” Bati naman ng anak ni Pastor sa mama ni Lance. “Ang gandang bata talaga nitong si Leiah, Pastor. Ilang taon ka na, hija?” “Eighteen na po.” Ngisi ni Leiah. “Ay, magka-edad kayo nitong panganay ko. Lance.” Pakilala ng mama niya. “Mag-hi ka, anak.” Bulong niya. “Hello po.” Nakatungong sabi ni Lance. “Ah, sis sasamahan ko muna itong si Leiah kay Doc. At alam mo na, mamaya ay may bible study ako sa kabilang barangay naman.” Bumalik sina Lance sa kwarto niya. Hindi maalis sa alaala niya ang pagtugtog nung babae kanina. Maraming mukha ang nabubuo sa isip ni Lance kaya’t bigla siyang nalungkot dahil ‘di man lang niya alam ang hitsura ng babaing may mala-anghel na boses. (To be continued)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD