Chapter One

1483 Words
Pinagmasdan ko ang buong lugar. Maingay. Madaming tao. May nagkukwentuhan, nagtatawanan, ang iba ay seryoso lang na kumakain at naghihintay. Napako ang tingin ko sa isang babaeng nagtaas ng kamay. Lumapit ako sa kaniya ng may ngiti sa labi. May kasama itong isa pang babae. "May I have your orders, Ma'am?" Magiliw kong saad sa kanila. Tiningnan ako ng dalawa pero binawi rin ang tingin nila at tinuon sa menu. "May I have this one," itinuro ng babaeng kulay itim ang buhok ang order niya. "this one, this one also and this." Inilista ko ang mga pagkain na gusto niyang i-order. At dumako naman ako sa isa pang babae. "Valeen, masarap 'to. You should try this." Ani ng itim ang buhok na babae sa kulay blonde na buhok na babaeng kasama niya. "Napapaghalataang araw-araw ka dito ah." Saad ng babaeng blonde ang buhok. Tumawa naman ang isa. "Of course. Don't you know, this is Brix's restaurant. Paanong hindi ako dadayo dito?" Sagot niya. Brix.. "I see. But Brix isn't here. He went abroad for about a month now, didn't he?" Abroad? So kaya hindi ko na siya nakita after that. "Yeah, I also heard about that. But, I don't know if it's true so I'm trying my luck here. If I get to see him here, I must do everything to make him notice me." Sagot ng babaeng itim ang buhok. Eh? Gano'n? Gano'n 'to kabaliw kay Sir Brix? "Whatever. Just do what you want." Umirap ang babaeng blonde ang buhok sa kaniya saka humarap sa akin. "May I have this one, and this one also." Inilista ko naman na ang in-order niya saka nagpaalam sa kanila. Isang buwan. Isang buwan na akong nagtatrabaho dito. At sa loob ng isang buwan, isang beses ko pa lang nakikita si Xyl. At yun yung araw na yon. Nasaktan ako noong narinig ko ang boses niya at nakita siyang muli. Bumalik ang alaala ng ginawa niya sa akin noon. Pero napagtanto ko, past is past. Wala na akong magagawa pa dahil nangyari na at hinding-hindi ko na ito mababago pa. Ang kailangan ko na lamang gawin ay tanggapin ang nangyari. I already did. I already accepted the fact that I was been fooled and played. Masakit. Masakit kung iisipin pero wala eh, yun na talaga yun. Napaglaruan na ako ng isang Ambrixyl Lacrose. But I need to move forward. Wala na akong nararamdaman pa kay Brix. Siguro ay may kaunti pa akong galit sa kaniya pero mawawala rin ito. Hindi na niya ako makikilala. Hindi na ako mataba, iyakin, katulad noon. Iba na ako. At pipilitin kong wag niya akong makilala. Because I don't want that to happen. Ayoko namang umalis dito sa restaurant na ito. Mas malaki ang sahod ko dito kesa sa ibang restaurant na napasukan ko. Sa mamahal ba naman ng mga bilihin ngayon, idagdag pa ang pang-tuition ko para sa susunod na sem. Yep, nag-aaral pa ako. Although I'm already 24 years old, I'm still in college. May magagawa ba ako? I need to stop studying after I graduate senior highschool and save money for tuition fee to go to college. Ako na lang ang bumubuhay sa sarili ko at aaminin ko, hindi madali ang mag-isa sa buhay. "Mira, hinahanap ka ni Eugene." Bungad sa akin ni Hiro pagkapasok na pagkapasok ko sa kusina. Hindi ko siya pinansin at inilista ang order ng dalawang babae sa computer na nagdudugtong sa screen sa loob. May division ito at hanggang dito lang kaming waitress sa labas. Ang pinakaloob ay ang mismong kusina kung saan nandoon ang mga magagaling naming chef. We will wait here for the orders na inilista namin. O kung hindi naman, maghihintay naman kami ng oorder sa labas. Transparent glass naman ang nasa aming harap kaya kita namin ang mga customer. "Huy, Mira." Pinanlinsikan ko ng mata si Hiro. Hindi ba niya napapansin na ayoko siyang kausapin? Kaya nga hindi ako umiimik eh. "Chill." He raised his hands as if surrendering. "May sasabihin daw siya sayo." "I don't care." Si Eugene, siya ang nakakabwisit na lalaki na hindi na ako tinantanan. Samantalang si Hiro, masasabi kong kaibigan ko siya dito. Dalawa lang naman ang kaibigan ko dito eh. Si Hiro at Ryka. "Napaka-hard mo talaga, Miracle. Kaya wala kang jowa." Natatawang saad ni Hiro. Jowa? Di ko kailangan noon. Sakit lang sa ulo. "Hindi naman siya maganda, paano siya magkakajowa?" Napairap ako ng marinig ang nakakairitang boses ni Crissa na bigla na lang sumabat. Kabute ba siya? Bigla na lang siyang sumusulpot sa kung saan. "Ah, kaya pala wala kang jowa, Crissa?" Uyam ni Hiro. Tumango-tango pa ito. Alam ni Hiro na ayaw sa akin ni Crissa at ng iba pa dito, kaya ayan. "Excuse me, pero may boyfriend ako." Proud niyang saad. "May pumatol sayo?" Ani Hiro na kunwaring nagulat pa. "Nakakabulag din pala ang hitsura mo 'no?" Biglang may sumabat. At kilala ko na kung sino ito. Isa pa ito. Si Ryka. "You..!" Tila wala ng masabi si Crissa dahil sa banat ng dalawa sa kaniya. "Oh, yes, me!" Sabay na saad ng dalawa. Nagkatinginan sila at nag-high five pa. Inungusan sila ni Crissa sabay walkout. Natawa na lamang ang dalawa kong magaling na kaibigan. "Ano na, Sabrina Elene Miracle Madrigal? Hahayaan mo na lang ba ang taong yon na ganyanin ka?" Ani Ryka. Napailing na lamang ako. I won't stoop my level into Crissa's. Kaya hindi ko siya pinapatulan. Pero may hangganan din naman ako. Kapag sumobra na siya, doon lang. "Ewan ko sayo, Miracle. Oh, ayan na ang order ng customer mo." Napatingin ako sa aking likuran. Nandito na nga. Kinuha ko ito at nagpaalam na sa dalawa. Nagpunta naman ako sa customer na kinuhanan ko ng order, pagkatapos ay nag-assist pa ng iba. Gano'n lang. Buong gabi, hanggang matapos ang shift ko ay ganoon lang ang ginawa ko. Ilang oras lang din naman ako dito sapagkat part-time job ko lamang naman ito. Anim na oras lang ang pinapasok ko at ang isang oras ay hindi bayad dahil lunch break naman ito. "Mira, aalis ka na?" Tanong ni Ryka. Kakalabas ko pa lang ng locker room. Tumango naman ako sa kaniya. "Samahan mo naman ako." Nag-pout siya sa harap ko mismo. Tumaas ang isang kilay ko. "May idadaan lang ako sa pinsan ko sa malapit na bar dito." Aniya. "Please, Mira. Please." Pinagdaop niya ang kaniyang dalawang kamay at mas lalo pang nagpa-cute. "Inaantok na ako." Sagot ko sabay hikab. Padabog naman niyang inalis ang pagkakadaop ng kaniyang palad at humalukipkip. "Saglit lang naman, Miracle." Inismiran pa niya ako. "Wala akong sinabing hindi ako sasama." Saad ko naman. Nagkibit-balikat ako. Sinabi ko lang na inaantok na ako pero hindi ko sinabing hindi ako sasama. Nagliwanag naman ang kaniyang mukha. "Waaaaahhhh! Sabi ko na eeeehhh~ Hindi mo ako matitiis!" Niyakap pa niya ako. "Hintayin mo ako sa labas, Himala. Aayusin ko lang ang gamit ko." At kumaripas na siya ng takbo. Napailing na lamang ako. Nagpunta na ako sa labas at hinintay siya. Hindi rin naman siya ganoon nagtagal sa loob. Mukhang excited. "Mira, ang daming pogi dun sa bar! Kaya naman, tara na! Para makarami tayoooo!" Tili niya at pumara ng taxi. Kaya naman pala excited. Nakarating kami sa bar na sinasabi niya. Alas onse y media na ng gabi at sobrang ingay sa bar. Kahit nasa labas pa lamang ay rinig na rinig na. "Miraaaa! Let's goooooo!" Hinila niya ako papasok ng bar. Nakakasilaw na ilaw at nakakabinging musika ang bumungad sakin pagkapasok namin. Nakakalula ang dami ng tao sa loob. I can see couples making out anywhere. Literal na kahit saan. Meron sa hagdan, lamesa, sa gitna ng dancefloor, sa tabi. What the heck? "Mira, stay here, okay? Babalikan kita dito!" Sigaw ni Ryka habang inuupo ako sa isang bakanteng upuan dito sa tabi. Tumango ako at saka siya umalis. Naiwan akong mag-isa dito. Inilibot ko ang aking paningin. Ang daming tao. Nalulula ako. Hindi ako sanay sa crowded places. I held my bag tightly when I saw someone approaching me. Gwapo ito pero hindi ako sanay na lapitan ng iba lalo na kung hindi ko naman kakilala. I personally have fear of people. "Miss, are you alone?" Tumaas ang isa kong kilay sa tanong niya. Kahit naman takot ako sa tao, hindi ko naman iyon pinapahalata. I'm keeping my cool. "Mukha ba akong mag-isa?" Pabalang kong sagot sa kaniya. "Want me to join you?" Hindi niya pinansin ang sagot ko. "No." At hindi ko na siya pinansin. Umalis naman na rin siya. Thanks goodness. Akala ko ay wala ng mangungulit sa akin pero doon ako nagkakamali. "Being tough, eh?" Napatingin ako sa gilid ko ng may nagsalita. Hindi ko siya maaninag dahil madilim sa parte niya. Pero pamilyar ang boses niya. "I like you." At doon siya nagpakita. Hindi lang ako nagulat sa sinabi niya. Nagulat din ako ng makita kung sino siya. Xyl...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD