Chapter Two

1504 Words
Xyl... It's Xyl. He's here! Why the heck he's here? Akala ko nasa abroad siya? I composed myself. Get yourself together, Sab! Stop zoning out! Hindi ako nagpahalatang kilala ko siya at nabigla na makita siya dito. Ngumiti siya sakin. "What's your name, beautiful?" He held my hand and kissed the back of it as soon as he gets near me. Gustong tumaas ng isa kong kilay sa ginawa niya pero pinigilan ko. Binawi ko ang kamay ko sa kaniya. "And why would I give it to you?" Turan ko. Siguro naman ay kapag tinarayan ko siya ay aalis din siya katulad ng nauna. Ngunit isang ngiti na waring nasisiyahan sa nasasaksihan ang pumaskil sa kaniyang labi. Ayoko ng ngiti niyang iyon. "Then.. can I call you mine?" Nakangiti niyang saad. Umirap ako sa kaniya. Mga galawan niya. Hindi na ako mahuhulog pa sa mga ganyan. "Not yours is what I prefer. It's much better I guess." Sagot ko naman. Mas lumawak ang ngiti niya. "Oh, how I love calling you mine." Bigla niyang ipinulupot ang bisig niya sa bewang ko at hinapit ako palapit sa kaniya. Just what the heck this man wants?! "Want to dance?" He seductively said to me. Ramdam ko ang init ng hininga niya na tumatama sa pisngi ko. Tumingin ako sa mga mata niyang nakatingin sa akin. Ngumiti ako sa kaniya ng matamis pero agad ding binawi saka inapakan ang paa niya. "Aray!" Daing niya. Napabitaw siya sa akin at ngayon ay hawak ang paa niyang inapakan ko. Serves him right! Nakapalandi! "May galit ka ba sakin, Miss? Ang sakit no'n ah? Bakal ba 'yang paa mo?" Tanong nito. Hawak-hawak pa rin ang isa niyang paa. Tinaasan ko siya ng kilay. "Kapag nilapitan mo pa ako, yang mukha mo naman 'yang isusunod ko!" Ha! Anong akala niya?! Na mahuhulog ulit ako sa mga galawan niya? No way! Never! Tumalikod na ako at iniwan siya doon. Sa gitna ng maingay na paligid, rinig ko pa rin ang pagtawag niya sa akin. Bahala siya dyan! Magdusa siya! Ito pa naman ang pinakaayaw kong mangyari sa lahat. Ang makilala ko siya ulit. Pero alam kong imposibleng mangyari yon dahil siya ang may-ari ng pinagtatrabahuhan ko at may pagkakataong makikita ko siya. Lakad lang ako nang lakad hanggang sa hindi ko na alam kung nasaan ako. Jusko naman. Nasaan na ba ang magaling kong kaibigan? Bakit hindi na ako binalikan? Nakalabas na ako ng bar. Buti at nakita ko ang exit. Dito ko na lang hihintayin si Ryka. Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Ryka na nandito ako sa labas. Nakakainis ang lalaking 'yon. Hindi pa rin siya nagbabago. Malandi pa rin! I was so naive back then to let him enter my life and ruin it. Bumuntong hininga ako. Past is past, Sabrina. Stop thinking of it! Tinapik-tapik ko ang aking pisngi para mawala na sa isip ko ang mga bagay na hindi na dapat binabalikan at kailangan ng kalimutan. "Huy, Mira, ginagawa mo?" Napatigil sa ere ang aking dalawang kamay at lumingon sa aking likod. Thanks, goodness! Nandito na si Ryka. "Okay ka lang ba?" Tanong niya. Tumango ako. "Inaantok na ako." Sagot ko na sinundan ng hikab. Napatawa naman si Ryka. "Oh, s'ya, oo na. Uuwi na tayo. Pagod na rin ako eh." Saad niya. Buti naman. Makakauwi na rin ako sa wakas. "D'yan ka lang ulit ah? Tatawag lang akong taxi doon." May itinuro siyang lugar. Medyo malayo rin kasi ito sa kalsada. Tumango na lang naman din ako sa kaniya at saka siya umalis. Nawala siya sa paningin ko at ito, naiwan na naman akong mag-isa dito. Naghanap ako ng pwedeng maupuan. Nakakita ako ng bench sa gilid kaya nagpunta ako doon. Hindi pa ako nakakaalis sa aking pwesto ay napatigil akong muli. Tumingin ako sa aking likuran at laking gulat ng makita doon si Xyl, hawak ang braso ko. "Where do you think you're going?" Tanong ni Xyl. Seryoso na ang kaniyang mukha ngayon. Winaksi ko ang hawak niya sa braso ko pero hindi niya ito bitawan. "Let go! Ano bang problema mo?!" Naiinis kong saad. Ganitong inaantok na ako tapos dumagdag pa siya. "You stepped on my foot." Aniya. Tinaasan ko siya ng kilay. "So?" Mataray kong saad. He playfully smiled to me. "I will let that slip in one condition..." "Teka lang ah. Para namang napakalaki ng kasalanan ko sa'yo? May pa-kondisyon kondisyon ka pang nalalaman? At saka kasalanan mo naman kung bakit ko 'yun ginawa!" Saad ko. Pwersahan kong inalis ang braso ko sa pagkakahawak niya. "You dared to hurt me. Don't you know who I am? No one dares to hurt me." Ha! No one dares to hurt you? So ikaw lang ang may karapatang manakit? Pambihira! "Hindi ko ikakayaman ang malaman kung sino ka. At isa pa, kasalanan mo kung bakit ko inapakan 'yang paa mo. Kung hindi mo lang sana ako hinapit palapit sayo, hindi ko gagawin 'yon." Matigas kong sagot. Totoo naman! Kung hindi niya ako— "WHAT THE—" Laking gulat ko ng hapitin niya akong muli palapit sa kaniya. Ang dalawa niyang bisig ay nakayakap na sa bewang ko at sobrang lapit namin sa isa't isa! "Katulad nito?" Nakangisi niyang saad. Hindi agad ako nakahuma pero ng matauhan ay itinulak ko siya palayo. Pero mas hinigpitan lang niya ang yakap sa bewang ko! "Let go of me!" Sigaw ko. But he just freaking chuckled for Pete's sake! Itinaas ko ang paa ko para apakan siya ulit. "You!" Pero inakap naman ng binti niya ang binti ko kaya hindi ko nagawa ang balak ko. "Oops, it won't work twice with me." Tila nasisiyahan niyang saad. Nakakagigil ang lalaking ito! Napapikit ako ng mariin sa inis. "What do you really want?!" At saka ko siya tiningnan ng masama. Tumingin siya sa taas waring nag-iisip. Pero ang mapaglarong ngiti niya sa labi ay hindi pa rin nabubura. "Hmm, ano nga ba? Ah, oo, isa lang ang gusto ko..." At saka siya tumingin sa akin. "...Ikaw." I clenched my fist and gritted my teeth out of annoyance. "I. Don't. Like. You. So. Please. Let. Go. Of. Me." May diin kong sabi. "That won't do, baby. I want you so you need to want me too." What the... "Lasing ka ba?!" Ano 'to, kung anong gusto niya dapat gawin ko? No way! Kapag gusto niya ako dapat gustuhin ko rin siya? Aba, matindi! "Lasing sa kagandahan mo." Then he grinned widely. Kitang-kita ko ang kaputian ng ngipin niya. "I'm not fooling around." Seryosong saad ko. Tumango-tango naman siya. "Paano ba yan, hindi rin ako nakikipagbiruan." Nagkibit-balikat pa siya. "Seryoso ako!" "At seryoso rin ako sayo." Banat naman niya. "Anong kailangan mo sakin?" Nauubos na ang pasensya ko sa kaniya at sa mga banat niya. "Your name will do." Aniya. Jusko! Yun lang pala! Sana sinabi niya kaagad! "Let go of me first, I'll tell you my name." Saad ko na inilingan niya. Marahas akong bumuntong hininga. "Will you promise to let go of me once I tell you my name?" Tumango siya. "Fine. My name's Elene." Hinintay ko ang pag-alis niya ng bisig niya sa bewang ko pero walang nangyari. "Let go of me now! I already told you my na—" "I like your name but I like it more to call you mine. See you, baby." At tuluyan na siyang lumisan. Pero ako, nandito lang. Nakatayo at hindi makapaniwala sa kung anong nangyari. Did he... Did he just kiss me?! "Arrrrggggghhhhh! Nakakainis!" Nagpapadyak ako sa inis. Pesteng lalaki 'yon! Talagang nagnakaw pa ng halik! Err, nakakainis! "Pesteeeee! Nakakainiiiiiiiis!" Naku, nakakagigil. Nanggigil ako kay Xyl. "Mira, Mira!" Napatigil ako sa pagpapapadyak at masamang tumingin sa tumawag sakin. "Waaaahhh! Wala akong ginawa sayoooo!" Tinakpan ni Ryka ang kaniyang mukha gamit ang braso niya. "Ano bang nangyayari sayo? May nangyari ba? Okay ka lang ba? Mira, ikaw pa ba 'yan? Wala akong kasalanan! Walaaaaaa!" Saad ni Ryka. Napahilamos ako ng aking mukha dala ng inis. Inayos ko ang sarili ko at saka nagpakawala ng malalim na hininga. "May taxi na ba?" Tanong ko kay Ryka. Hindi ko na pinansin ang mga tanong niya. Inalis niya ang brasong nakatakip sa mukha niya at nag-aalalang tumingin sa akin. "Okay ka lang ba, Himala?" "Oo. Inaantok lang." Saad ko at muli na namang nasundan ng hikab. Gusto ko ng umuwi at magpahinga. "Sigurado ka ah?" Tumango ako. She sighed. "Nakakuha na ako ng taxi. Tara na, naghihintay na satin 'yun doon." Aniya kaya naman umalis na kami sa bar na iyon. Hindi na ako babalik dito, I swear! Pagkauwi ay ibinagsak ko agad ang aking sarili sa kama. Bukas ay may klase pa ako. Kinakailangan ko nang magpahinga. Mabuti na lamang at alas nueve ang pasok ko lagi kaya nakakapagpahinga pa ako. Inalis ko sa isip ko ang nangyari kanina. Err, nakakainis talagaaaaaaaaa! Umiinit ang ulo ko at kumukulo ang dugo kapag naaalala ko yung nangyari kanina lang. Erase. Erase. Mas mabuti pang makatulog na lang. Tama, tutulog na ako. Good night!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD