Chapter Three

1470 Words
"Miracle." Napalingon ako sa aking likuran nang marinig ang pangalan ko. "Oh, ikaw pala, Janine." Janine is our Class President. At mukhang alam ko na kung ano ang pakay niya sa akin. "Miraaaaa~ please, sumali ka naaaa~" Nagpunta siya sa harap ko at hinawakan ang kamay kong may hawak na notebook. Ilalagay ko na sana ito sa loob ng aking bag. Uwian na rin kasi at sa Hins 'n Lau ang aking diretso. "Janine, ayoko. Yung iba na lamang ang isali mo. Wala akong panahon sa mga ganyang bagay." Sagot ko at pinagpatuloy ang ginagawa ko. "Pero ikaw ang nababagay doon! Miracle, please, for our class?" She wants me to join our school's upcoming event for Valentine's Day. It's a pageant and honestly, I don't join pageants. Never in my life. And besides, I still have work. Hindi ko pwedeng ipagpaliban ang trabaho ko. "Sorry, Ms. President." Saad ko. Nanlumo ang kaniyang mukha. Hindi na magbabago ang isip ko. Mas priority ko ang pag-aaral at trabaho ko kesa sa mga ganoong bagay. She sighed in defeat. "If ever na magbabago pa ang isip, just tell me. Hihintayin ko pa rin ang pagpayag mo." Ngumiti siya sa akin at saka umalis. Ako naman ang napabuntong hininga. Ang kukulit ng mga tao ngayon. Hindi makuha sa isang sabi. Hays. Nang maayos ko ang aking gamit ay lumabas na rin ako ng room. Ilang buwan na lang, ga-graduate na ako. Thanks, God! Nakalabas na ako ng school at ngayon ay naglalakad papunta sa bahay ko. Hindi ganoon kalayo ang bahay ko sa jeep pero kung lalakarin ay aabutin ng sampong minuto. Ang bahay na tinitirahan ko ngayon ay namana ko pa sa Tatay ko na pumanaw na, limang taon na ang nakakaraan. Pagka-graduate ko ng highschool, isang buwan lamang pagkatapos noon ay pumanaw naman si Papa. Kaya isa rin yon sa dahilan kung bakit hindi agad ako nakapag-aral ng college. Inutang ko lang ang pinangpalibing ko kay Papa at dalawang taon ko itong binayaran. Wala akong kapatid na maaasahan o nanay man lang. Si Mama? Ewan ko. Ang sabi ni Papa ay iniwan na kami nito noong apat na taong gulang pa lamang ako. Wala naman na rin akong Lolo at Lola dahil matagal ng patay. Tapos si Papa, nag-iisang anak lang din. Ang iba naming kamag-anak ay hindi ko na nakilala dahil lumipat kami dito sa Manila. Originally, we're from Bicol. Lumipat kami noong iniwan kami ni Mama. Kaya ito, mag-isa na lang talaga ako sa buhay. Mahirap. Sobra. Lalo na noong umpisa. Hindi ako sanay na wala si Papa. Pero wala eh, kailangan kong tanggapin ang nangyari. Kailangan kong mabuhay ng wala ng Papa sa buhay ko. Na ako na lamang mag-isa. Na ako na lang ang haharap sa lahat ng problema. Wala. Wala akong magagawa. Death is inevitable. Kahit ayokong mawala agad si Papa, kinuha na siya. He's with His side already. Nakarating na ako sa bahay at ang una kong ginawa ay ang maglinis ng katawan. Pagkatapos ay nagbihis naman ako ng pang-alis, dala-dala ang uniform ko sa Hins'n Lau na nasa isang bag. Twenty minutes ang byahe papunta sa Hins 'n Lau. Medyo malayo siya sa bahay ko. Pero ayos lang, kinse pesos lang naman din ang pamasahe kung sa jeep ako sasakay. Naglakad ako papuntang paradahan at sumakay sa paalis na jeep. Mabilis din naman itong napuno kaya nakaalis kaagad. 20 minutes have passed and I'm already in front of H'nL. As usual, maraming tao. Sikat na rin kasi ito kahit bagong tayo pa lamang. Alangan! Kahit naman ayaw sakin ng mga tao dito ay masasabi kong magagaling at masasarap talaga ang mga luto nila. And I want to be chef also. Yep, Culinary Arts ang aking kurso. Gusto ko talagang maging isang magaling na chef. Cooking is my hobby ever since. Namana ko ito kay Papa. My father is my role model when it comes to cooking. Papa's dishes are the best! Walang makakapantay doon. Pumasok na ako sa loob ng H'nL. Sa employee's entrance ako pumasok hindi sa mismong entrance. Oo, magkaiba pa ang pasukan namin sa mismong entrance ng restaurant. Locker area agad ang sasalubong sa iyo pagkapasok. Pero hindi rin naman mawawala ang guard na nagbabantay sa entrance na ito at sa mga papasok. "Maaga ka yata ngayon, Miracle." Saad ni Kuya Rick, ang guard na nagbabantay dito. "Maaga pong na-dismiss, Kuya Rick." Sagot ko naman. Binuksan ko ang bag ko at pina-check ko sa kaniya. Wala naman siyang nakitang kahina-hinala kaya pinapasok na niya ako sa loob. Nagdiretso agad ako sa locker ko at binuksan ito. Kinuha ko muna ang uniform sa aking bag para makapagpalit saka ito isinara. May twenty-two minutes pa ako bago mag-in. Alas sais ang pasok ko dito at alas onse naman ang labas. Alas nueve naman ang break ko. Marami kaming employees dito. Aabot yata kami sa trenta, bukod pa ang chefs, maintenance at iba pa. Malaki kasi itong restaurant tapos dalawang shift pa. Pang-umaga at panggabi. Mula 9-4 ang morning shift tapos 4-11 naman ang evening shift. Ako? 6-11 ang shift ko dahil nga sa part-time lang naman ako. Tatlo kaming nagpapart-time job dito. Ako, si Ryka at si Theo. Si Ryka, nasa college na rin, 3rd year naman at katulad ko rin siya, tumigil bago nakapasok ulit. Si Theo naman ay 19 years old pa lamang. Ang shift naman niya ay 3-8. Kami ni Ryka ay parehas ng shift. Limang minuto na lamang ang natitira sa akin kaya nag-in na ako. Agad kong nakita si Ryka na kakalabas pa lamang ng CR at lumapit ito sa akin. "Kanina ka pa?" Tanong niya. Isang tango naman ang sagot ko sa kaniya. "Tara na, pasok na tayo." Isang tango ulit ang sinagot ko sa kaniya. Pumasok na kami sa loob. Maraming tao ang bumungad sa amin. Kahit gabi ay maraming tao pa rin pero hindi katulad ng sa umaga. Mas marami ang tao sa umaga kaya mas marami rin ang nakaduty. May babaeng nagtawag ng waiter kaya ako ang lumapit sa kaniya. Pagkalapit ay kaagad ko siya.. silang namukhaan. "You know what Gail, buti na lang at masarap ang pagkain dito. Kung hindi, hindi kita sasamahan d'yan sa kabaliwan mo." Saad ng babaeng kulay blonde ang buhok. "Valeen, trust me. Nandito si Brix. I can feel it. Makikita ko siya mamaya." Saad naman ng babaeng Gail ang ngalan. Oo, sila yung kahapon na pinag-uusapan din si Sir Brix. "Whatever. Um-order ka na lang." Ani ng babaeng nagngangalang Valeen. Tumingin sa akin si Ms. Gail at mukhang namukhaan niya rin ako. "Oh my, ikaw ang nagserve samin kahapon, right?" Tanong niya. Nakangiti akong tumango. "I have a question for you. Nandyan ba si Brix?" Diretsang tanong niya. Anong isasagot ko?! Eh hindi ko naman alam kung nandito ba yung damuhong Xyl na iyon! "Ah—" "You're looking for me?" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng may nagsalita sa aking likuran. Hindi ko na ito kailangang tingnan dahil alam ko na kung sino ito. Xyl. "Oh my!" Tili ni Ms. Gail. Biglaan naman siyang tumayo. "Hi, Brix." Malanding saad nito. "My, my, darling. What is your name?" Malandi namang turan ni Xyl. Yumuko ako para hindi ako mahalata ni Sir Brix. Dapat pala Sir Brix ang tawag ko sa kaniya. "I'm Gail. Would you like to go to my place?" Kinalibutan ako sa tono ng boses ng babaeng ito. Jusko. Ito ba yung sinabi niya kahapon na 'I must do anything to make him notice me'? My ghad, bakit witness ako? "Sure." Agad namang sagot ni Sir Brix. Wews, ang bilis ah. Parang kagabi lang may paano-ano pa siya sakin? Napakalandi! What a womanizer! "Really? That's great! So.. let's go and have some fun?" Halata ang saya sa boses ni Ms. Gail. "Ahm, Valeen, we gotta go. Bawi na lang ako next time ah? Bye!" At saka sila lumisan na dalawa. Naiwan kaming dalawa dito ni Ms. Valeen. "My God, she just left me here just for Brix. Oh, my, Miss, please give me something to eat. Kahit ano, basta yung masarap." Napasapo na lang siya sa kaniyang noo. Wala naman akong nagawa kung hindi ang sundin siya. Ang ibibigay ko na lang sa kaniya ay ang paborito kong pagkain dito. Umalis na ako at nagpunta sa kusina saka nilista ang order niya. Buti na lang at wala na akong nararamdaman pa para kay Xyl. Kung hindi, tiyak na masasaktan ako sa ganap kanina. Tss. He changed. May pagkamalandi siya noon pero hindi katulad ngayon. Did something happen to him? Ano kaya? Whatever. Ano bang pakialam ko? Wala na akong pakialam sa kaniya. Dapat hindi ko na siya iniisip pa. Kung ano mang ganap sa buhay niya, labas na ako doon. It's no longer my concern. I should just focus to my work. Right! Sabrina, focus! FOCUS!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD