I slowly opened my eyes when I heard my alarm clock rang. Pinatay ko ito at kusot-kusot ang mata habang umuupo sabay hikab. "Hay! Inaantok pa ako." I murmured. Alas dos na ng madaling araw kami umuwi ni Keith. Hinintay talaga naming matapos ang event though hindi ko na rin naintindihan ang mga nangyari. Tumayo na ako at nagpunta sa banyo para maligo. May pasok pa ako mamaya sa H'nL. Teka, anong oras na ba? I glanced at the wall clock. 10:30AM. Pinalitan na naman ni Cynth ang oras ng alarm clock ko. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay lumabas na ako at bumaba. Naabutan ko sa sala si Kuya Warren at ang girlfriend niya na si Jasmine. Sabay silang napatingin sa akin. Tumayo si Kuya at niyakap ako ng makababa na ako. "Sabby, namiss ka ni Kuya." Aniya. Kelan ko nga ba huling nakita si Ku

