Chapter Fourteen

2111 Words
"Paano mo nalaman na ako 'to?" Tanong ko sa kaniya habang nakatingala sa langit. I was surprised earlier when he called me Sabby. I wonder how he knew it was me. "Yesterday I saw Cynthia..." Napatingin ako sa kaniya. Kahapon? "...and I heard her calling you Sabby." Ah, I see. So narinig pala niya ang malakas na sigaw ni Cynthia noong tinawag niya ako. "Hindi pa ako makapaniwala na ikaw si Sabby na kilala ko, although parehas pangalan n'yo, inisip kong coincidence lang or something pero hindi ko talaga inisip na ikaw nga si Sabby, so I investigated you by myself and found out it was really you. Ang laki na ng pinagbago mo, Sabrina. Hindi ka na mataba, hindi ka na iyakin." He grinned at me. Pero nabura ang kaniyang ngiti. "Bakit hindi mo sinabi sakin na ikaw yan? Bakit hindi ka nagpakilala sakin bilang Sabby?" Nagulat ako sa itinanong niya sa akin. Ha. Bakit nga ba? Ah, because I want him to know that I'm Sabby himself. "Because I'm afraid. Natakot akong baka kapag nakilala mong ako 'to, ipagtabuyan mo ako katulad ng ginawa mo. Na sasaktan mo ulit ako kagaya noon." I sadly smiled at him. Yun naman kasi ang dahilan. I don't want to experience the same pain, the same rejection, same betrayal, same attachment, same disappoint because of him. Kung kaya ko namang lumayo, bakit hindi, di ba? Pero mukhang hindi ko naman na 'to matatakasan. Malalaman at malalaman talaga niya na ako 'to. At ang tangi ko lang magagawa ay ang harapin siya. I also needed it, I know. Kaya nga ito, I listen to him and understand his reasons. Wala akong takas. "Tch." He click his tongue. Yumuko siya sa pagitan ng kaniyang mga braso na nakadantay sa dalawa niyang tuhod. "I'm such a jerk for hurting you." Inalis ko ang tingin ko sa kaniya. Muli ay pinagmasdan ko ang mga bituin sa langit. "May magagawa ka pa ba? Nagawa mo na at napatawad na kita. It's enough already. 'Wag na nating balikan ang nakaraan. Let's just look forward to what lies ahead. Let's live the present and ready ourselves for tomorrow. It's more important than the past." Itinaas ko ang palad waring inaabot ang mga bituin sa langit. I want to reach them. Nagulat ako ng may umokupa ng mga espasyo sa mga daliri ko. Tumingin ako kay Xyl and he's looking in our hands sealed with each other's. "I envy your wisdom. I worry much about you but I have faith in you. Why? Because you are strong.. mentally and physically. I know you will still be fine in the end and you will get up once you stumbled. Hindi nga ako nagkamali." Humarap siya sakin ng may ngiti sa labi. Nakatitig lang ako sa mukha niya. Pero mas focus ako sa puso kong kanina pang mabilis ang t***k. What the hell is wrong with my heart?! Hindi ko ito pinansin bagkus ay inirapan si Xyl at inalis ang kamay ko. "You never know." I whispered. Tumayo na ako. Kailangan ko ng bumalik sa loob. Baka hinahanap na ako ni Keith. "Hoy, Sabby, san ka pupunta?" Sumunod sa akin si Xyl. "Don't call me Sabby." Back to being snob tayo. "What? Akala ko okay na tayo?" Taka naman niyang tanong. "Oh, yeah. But that doesn't mean you can still call me Sabby." Inirapan ko siya at nagpatuloy sa paglalakad. "Sabby naman—" "Sir Brix." I said coldly. He stopped for a moment. "Fine! Then I will call you mine!" Anito at nilampasan ako. What?! What the heck?! "What?! No way!" Ako naman ngayon ang sumusunod sa kaniya. There's no way in hell I will let him call me mine. "No way? Then let me call you Sabby." Aniya at mas binilisan pa ang lakad. Ano ba.. is that a big deal?! "Xyl!" I called his name. "Wag mo akong igaya sa mga babae mo ah. Anong akala mo? Na hindi ko alam na babaero ka? Ihihilera mo pa ako sa kanila!" Tumigil ako sa paglalakad. Napatigil din siya at humarap sa akin. "What? Ganyan ang tingin mo sakin?" He looked hurt. "Bakit, hindi ba? C'mon, Xyl, ang daming babaeng naghahanap sayo sa restaurant. Cynthia even saw you with different girls." I crossed my arms and rolled my eyes after. He looked so serious but later on, a silly smile formed in his lips. "Woah, mine, are you jealous?" Aniya na nakapagpantig ng tenga ko, nakapag-init ng ulo ko at nakapagpakulo ng dugo ko. What the hell did he just say? Ako? Nagseselos? Ako?! I snorted. "Ha! Ako? Seryoso ka? Ako talaga? Wow ha! Ang taas naman ng tingin mo sa sarili mo, Xyl! Sobra! Di ko ma-reach!" Grabe! Siya na ang gwapo! Bwisit siya! "Mine, aminin mo na kasi. May feelings ka pa rin sakin 'no?" Nagtaas-baba ang kaniyang kilay at ang nakakairita niyang ngiti ay hindi pa rin nawawala sa kaniyang labi. Nakuyom ko ang kamao ko sa inis. Jusko. Napakapresko pa rin niya! He's getting on my nerves! "ASA KA!" Hinawakan ko ulit ang gown ko at naglakad na. "Dyan ka na nga!" Nilampasan ko siya. Makapunta na lang ulit sa hall. Baka talaga hinahanap na ako ni Keith. Pero ang nakakainis pa lalo, narinig ko ang tawa ni Xyl. Naku, jusko! Matatamaan talaga sakin ang lalaking yun! "Still short-tempered, eh?" Sabi niya. Hindi ko na siya pinatulan at nagdiretso na lang papunta ng hall. Jusko! Mamamatay ako ng maaga may Xyl! Ang sakit sa ulo. Tsk. Tsk. Mas lumala yata ngayon eh. Sumobra naman. Bago makarating sa hall ay biglang sumulpot si Xyl sa tabi ko. "Don't you find something.. odd?" Tanong niya agad sakin. "Bukod sa magkaparehas tayo ng kulay ng damit at maskara ay wala nang iba." Diretsang sagot ko na hindi ko rin alam kung bakit kami magkaparehas na dalawa. "Exactly! Akala ko hindi mo napansin," aniya. Napatigil ako sa paglalakad, gano'n din siya, saka ko siya binalingan ng tingin. "Bulag lang ang hindi makakapansin, Xyl. And unfortunately, I'm not blind," saad ko. Humalukipkip ako at tinaasan siya ng isang kilay. "Yeah, yeah, I know that. I'm not gonna say you're blind anyway." He shrugged. "Aren't you curious?" "Why would I be?" Mataray kong tanong. Napahawak siya sa puso niya at umaktong nasasaktan. "Ouch! My efforts! Ouch! Pinatugma ko pa talaga ang kulay ng damit ko sa damit mo. Pero ang maskara," Tumingin siya sa hawak kong maskara at sa maskara niya. "Oo nga 'no, parehas din tayo ng mask. Is this desinty?" Nakangiti niyang turan. Inirapan ko lamang siya. Baliw na siya. "Ewan ko sayo. Dyan ka na nga!" Iniwan ko na siya ng tuluyan doon. Sinuot ko ang maskara ko at pumasok na sa loob. Buti at hindi na niya ako kinulit pa. Bumalik ako sa table namin ni Keith. I saw him holding his phone. Mukha rin siyang nagpa-panic na. Linga siya nang linga sa paligid. Damn. I feel guilty. "Keith!" I called him out. Napatingin siya sa akin. Nanlaki ang mata niya at dali-daling tumayo. Isang iglap ay yakap na niya ako. "I'm so damn worried about you!" aniya. He's worried about me? "I'm sorry." saad ko. Yan kasi, Sabrina! Humiwalay siya sakin pero ang dalawa niyang kamay ay nasa balikat ko. "Okay ka lang ba? Saan ka ba nagpunta? Kanina pa kita tinatawagan, hindi mo sinasagot." Nakagat ko ang aking labi sa huli niyang sinabi. "I-Iwan ko ang phone ko sa bahay. Sorry." Napayuko na lamang ako. Pinag-alala ko pa siya. Bumuntong hininga siya at hinila ako papunta sa table namin saka pinaupo. "Saan ka ba nanggaling? Sino yung nanghila sayo palabas? Susundan sana kita kaso bigla namang may ini-announce ang emcee kaya hindi na ako nakasunod." So nakita pala niya yun? "Wala. Kakilala ko lang." Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko naman kailangang sabihin sa kaniyang si Xyl yun, di ba? He sighed. "Oh, sige. Malapit na i-announce ang King and Queen of the Night. Gusto mo ba ulit kumain? Ikukuha kita." Bigla siyang tumayo kaya hindi ko na siya napigilan. I sighed. Kakain na naman ako? I roamed my eyes around. Hindi ko alam kung anong oras matatapos 'to. Honestly, gusto ko na ngang umuwi. Siguro yayakagin ko na si Keith na umuwi pagkapabalik niya. Wala rin naman akong pakialam kung sino ang tatanghaling Queen and King eh. Bumalik na si Keith sa table namin na may dalang pagkain at inumin. Inilapag niya ang platong may lamang desserts. Dessert lang naman pala ang kakain ko. Ayos lang. Umupo na rin siya. Kumain na kaming dalawa. Gusto kong sabihin kay Keith na umuwi na kami pero naisip ko, ang unfair ko naman yata sa kaniya kung yayakagin ko na agad siya. I also told myself that I will enjoy this night but what now? Hintayin ko na nga lang siguro matapos 'to. "Attention, everyone!" Nakuha ng emcee ang atensyon namin. Siguro ngayon na nila ia-announce ang King and Queen of the Night. "I know you guys are excited to know who will be our Prom Night's King and Queen for this year! Ready na ba kayo?" Naghiyawan ang iba. "Wear off your mask!" Aniya. Nagtataka naman kaming tinagtag ang mask namin. Ito na ba yung sinasabi ni Keith? "Flip it!" Binaligtad naman namin ang aming maskara. Napairit ang iba ng biglang namatay ang ilaw. Pero ang aking paningin ay na-stuck lang sa aking maskara. There's a glowing word in my mask and it says QUEEN. Maliit lamang ito pero nababasa pa rin naman at hindi mapapansin, for sure it's because it'll only glow in the dark. "May nakikita ba kayo sa mga maskara niyo?" The emcee giggled. "And now, our King and Queen, respectively, MR. FROY ANDREI SMITH AND MS. SABRINA ELENE MIRACLE MADRIGAL!" Pagkatapos niyang sabihin iyon ay nagkaroon ng ilaw sa tapat ko. Seryoso? Seryoso talaga? Ako? Queen of the Night? "Sabrina, congrats!" Ani Keith sa tabi ko. "Umakyat ka na sa taas. Your King is already there." Dagdag pa niya. Napatingin ako sa stage at nakita doon ang King of the Night. Nanginginig ang tuhod ko habang naglalakad papuntang stage. Inalalayan pa ako ni Froy habang paakyat ng stage. Nang makarating sa stage, nakaramdam ako ng may nakatitig sa akin kaya napatingin ako doon. Doon ko nakita si Xyl na nakatingin sa akin. Bigla siyang kumindat kaya napakunot ang aking noo. Pati ba naman dito? Hindi ko siya pinansin. Nasa harap na kami ni Froy sa mga estudyante. And honestly, I feel really uncomfortable because Froy is still holding my hand. Hindi ko makuha dahil mas hinigpitan pa niya ito. Napatingin siya sa akin, napansin sigurong inaalis ko ang kamay ko sa hawak niya. Pero ngumiti lang siya sakin. I sighed. Hayaan ko na nga lang. Bibitawan niya rin naman siguro mamaya. "Everyone, OUR KING AND QUEEN!" Emcee said. Nagkaroon ng masigabong palakpakan. Nagulat pa ako ng biglang may tumabi sa akin at sinuotan ng sash at korona. Ganoon din ang ginawa kay Froy. I don't know Froy personally. Kilala ko siya dahil sikat siya dito sa school but let me clear this, hindi ko siya crush or hindi ako isa sa mga fans niya dito sa school, okay? That will never happen. "Ayan, ang ganda at gwapo naman ng ating King and Queen. Nakakainggit." Pabirong saad ng emcee. "Bagay sila, di ba? You agree with me guys? Bagay silang dalawa di ba?" Ani Emcee. Nagkaroon ng bulungan mula sa crowd. May mga sumisigaw pa ng pagsang-ayon sa emcee. Ano bang pakulo 'to? "I'm looking forward to their relationship. Malay nyo, maging sila. Eeeehhhhhh! Kinikilig akoooooo!" Naghiyawan ang crowd. Napayuko na lamang ako dahil hindi ko gusto ang sinasabi nitong emcee na 'to. Masyadong ma-issue. "Anyways, Mr. Froy and Ms. Sabrina, kindly go there, in the middle stage," itinuro niya ang stage na nasa gitna. "The dance floor will open again and the two of you will lead it. But you have to dance there in the very middle of the hall." So that's the purpose of that little circle stage in the middle? "Let's go, my queen." I was startled when Froy whispered to my ear. Kailangang sa tenga ko talaga? At anong tinawag niya sakin? My Queen? Seriously? Pilit akong ngumiti. Naglakad na siya dala-dala ako. Hindi na naman ako umangal pa at nagpatianod na lamang. Nakarating kami sa gitna. We made a stance. Bago kami magsimulang sumayaw ay napatingin ako sa stage kung saan nandoon si Xyl. Wala na siyang maskara at kita ng dalawang mata ko.. nakatingin siya samin.. sakin. And I can't explain the meaning of his stare. But one thing's for sure. My heart is throbbing hard and fast! Damn!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD