Chapter Thirteen

1972 Words
"May I have this dance?" tanong ni Keith sabay lahad ng kamay niya. Marami na ang nagsasayaw sa gitna. Kanina pa nagsimula ang sayawan. "Sure." Inabot ko ang kaniyang kamay. Inalalayan niya akong tumayo. Nang makarating sa gitna ng hall ay iniharap niya ako sa kaniya. Ang isa kong kamay ay hawak niya at ang isa naman ay nasa balikat niya. Ang isa niyang kamay ay nasa bewang ko. Sumabay kami sa ritmo ng musika. Tahimik lang kaming nagsasayaw hanggang sa binasag na rin ito ni Keith. "Sab?" "Hmm?" "Wag ka sanang magagalit pero I want to ask something." "Ano yun?" "Who's Xyl?" Diretsang tanong niya. Wala man lang preno? Warning? Or what? Dire-diretso talaga, Keith? "Cynthia mentioned him earlier noong sinundo kita. I got curious so I wanted to know who he is. Okay lang ba?" Tumango ako. "My ex-boyfriend." Sagot ko. Kita kong nagulat doon si Keith. "Oh." Mukhang nagulat nga talaga siya. "Nakamoveon ka na ba sa kaniya?" Tanong pa niya. "Yeah." I answered. He sighed and smiled at me. "That's good. Then I still have—" hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil biglang nagpalit ng kanta. Ibig sabihin, magpapalit din ng partner. Inikot niya ako at hindi ko alam kung sinong magiging kapareha ko. Someone grabbed my waist at kinulong ako sa bisig niya. My heart skipped a beat for unknown reason. Una kong naamoy ang pabango niya. His smell is familiar. I looked up and to my surprise, siya yung guy na kapareha ng suot kong gown! "A-Ah, I-I can't breathe, Mister." Nahihirapan kong saad. Yakap ba naman kasi ako! Hindi siya nagsalita pero inayos naman niya ang posisyon naming dalawa. Nakahawak na siya sa bewang ko at hawak ang isa kong kamay pero parang ang lapit ko naman yata sa kaniya? I feel so awkward. Hindi ako makatingin sa kaniya. "Look at me," aniya. Even his voice is familiar pero medyo hoarse ang boses niya. Hindi ko siya sinunod kaya naman aksidente ko siyang naapakan. "So-Sorry!" Paghingi ko ng paumanhin. "I told you to look at me. Look at me and you'll never step into my foot ever again." I gulped. Bumibilis ang t***k ng puso ko pero hindi ko alam kung bakit. Ginawa ko ang sinabi niya. Tumingin ako sa kaniya at ang mga mata niya ang sumalubong sa akin. I stared to his eyes. Nagpatuloy kami sa pagsasayaw na hindi pinuputol ang eye contact naming dalawa. Hindi ko alam kung bakit hindi man lang ako nagkakamali. His deep, dark eyes are staring to my eyes, digging my soul. Hindi ko magawang kumurap o alisin ang mga mata ko sa kaniya. Bakit pakiramdam ko ay natitigan ko na ang mga matang yon? Bakit pakiramdam ko ay kilala ko siya? Hinapit niya ako palapit sa kaniya. Naging malapit ang mukha namin sa isa't isa ng hindi napuputol ang titigan naming dalawa. "Sabby..." he whispered. I stood there frozen. He called me Sabby. Mas bumilis ang t***k ng puso ko. May hinala na ako kung sino siya pero ayaw kong tanggapin na siya 'to. No. Hindi niya ako kilala. Hindi siya 'to. "Sabby..." He, once again, called my name using his hoarse voice. "It's me.. Xyl." I gaped. How? Why is he here? Paano siya nakapasok? Kilala na niya ako. Alam na niyang ako 'to. Bigla niya akong yinakap at doon na tumulo ang luha ko. "I'm sorry, Sabby. I'm so sorry." Humigpit ang yakap niya. Ang luha ko ay patuloy sa pag-agos. All these years, I've waited for him to say those words. Finally, narinig ko na rin sa kaniya.. I finally heard that he's sorry for what he did to me. "Patawarin mo ako, Sabby. Hindi ko sinasadya. I'm sorry, please, I'm so sorry." Pumiyok ang boses niya. Hindi pa rin ako makakilos. Hinayaan ko lang siyang yakapin ako. Bumabalik sa alaala ko ang mga ginawa niya sakin. Kung paano niya ako kinaibigan, niligawan, kung paano ko siya sinagot. Yung mga araw na masaya kaming dalawa na parang walang problema. Hanggang sa nalaman ko na lang na pustahan lang pala ang lahat. Niloko niya ako. Pinaibig at pinagmukhang tanga. Pinagtawanan nila akong lahat! I bitterly smiled. Makakamoveon na ako ng tuluyan sa mga iyon. Mabibigyan na ng linaw ang mga katanungan ko kung paano at bakit niya nagawa sakin yun. Matatanggap ko na ang lahat totally. Past is past and I must move forward. And the only key to move on is acceptance. Humiwalay siya sa akin. He cupped my face. "Sabby—" "Stop calling me, Sabby." I cut him off. Ayoko ng marinig mula sa kaniya ang tawag niya sa akin noon. I'm no longer that Sabby he used to know. "Sabby na—" "Do I need to repeat myself?" I asked. I looked up and stared to his eyes. "E-Elene.." Good. "I'm sorry—" "Let's not talk here. Pinagtitinginan na nila tayo. Kanina pa ring tapos ang sayaw." Mukha namang napansin niya iyon. Hinawakan niya ang braso ko at hinila ako palabas ng hall. Nagpatianod na lamang ako at hindi na nagreklamo. Iniisip ko kung ano ba ang dapat kong maging reaksyon sa sitwasyon ko ngayon. Gusto kong magalit sa kaniya dahil sa ginawa niya sakin noon pero gusto rin muna namang malaman ang dahilan kung bakit niya nagawa yun. Siguraduhin niya lang talaga na maganda ang rason niya dahil kung hindi, hindi ko talaga siya papatawarin. Nakarating kami sa garden. Nakakapagtaka namang alam niya 'tong parte ng school na 'to. Come to think of it, kasama siya nina Sir Arthur at ng asawa niya noong pumasok sila. So magkakakilala sila? Tumigil kami sa paglalakad. Inalis ko ang maskara ko at agad na tumingala para makita ang langit. It's full of stars and the moon shines so bright. What a beautiful scenery. It calmed me. Napangiti naman ako. "Sabby..." Tawag sa akin ni Xyl. Nabalik ako sa realidad. Binura ko ang ngiti ko. Tumingin ako sa kaniya. Nakatingin siya sa akin. Wala na rin siyang maskara kaya kitang kita ko na ang mukha niya. He's really Xyl. He held my hand. "I'm sorry for what I did to you. Makikinig ka ba sa explanation ko? Makapal ang mukha ko kung pati pag-iintindi mo ay hihingin ko. Pero please, I'm asking you to listen to me." He's almost pleading to me to listen to him. "Para saan ang eksplanasyon mo? Para maging maganda ang image mo sa paningin ko?" I said blankly. "No. Hindi, Sabby, hindi. Gusto kong itama ang pagkakamali ko. Please, makinig ka sakin. Please." Nagulat ako ng bigla siyang lumuhod. Nababaliw na ba siya?! "Baliw ka ba?! Tumayo ka nga dyan!" Pinipilit ko siyang itayo. "No! Hindi ako tatayo dito hangga't hindi mo gustong pakinggan ang explanation ko." Umiiling niyang saad. Tinaasan ko siya ng isang kilay. "Edi dyan ka na. Manigas ka dyan," saad ko at saka siya binitawan. Napanganga naman siya sa sinabi ko. "Sabby naman!" Hindi makapaniwala niyang saad. "Hindi talaga ako aalis dito." Dagdag pa niya. "Edi wag nga. Hindi ko na problema 'yon." Humalukipkip ako. I'm just teasing him. "Anong dapat kong gawin para makinig ka sakin?" "Tumayo ka dyan," sabi ko. Napa-huh naman siya. "Tss. Hindi ka pa rin nagbabago, Sabby. Pinapaikot mo pa rin ang usapan," aniya at saka tumayo. Nagkibit-balikat naman ako. Nagulat ako ng bigla niya akong hinila. Akala ko kung bakit yun pala ay uupo lang kami sa damuhan. Tinulungan pa niya akong makaupo dahil sa gown ko. Tumingala ako sa langit. I miss watching stars with him. Noon ay magkasama pa kaming dalawa na nanonood sa mga bituin sa langit. Hindi ko in-expect na mauulit pa ang mga iyon. "Duwag ako..." He murmured. "Naging duwag ako noon at ang resulta ng kaduwagan ko at ang nasaktan kita. Si—" "Stop." Pinutol ko ang sasabihin niya. "Let bygones be bygones. Past is past kaya hayaan na natin ang mga nangyari sa nakaraan na sa nakaraan na lang." Parang ayaw ko na rin kasing marinig ang dahilan niya. Sapat na sakin ang humingi siya ng kapatawaran. "Pero—" "Okay na. Pinapatawad na kita," saad ko. At seryoso ako doon. Matagal ko na naman siyang napatawad though hindi pa totally. Kahit naman napatawad ko na siya, I'm still waiting for his apology to fully accept what happened to us. Closure kumbaga ang kailangan ko. Yun lang. At ayoko na ring malaman ang explanation niya dahil baka mapunta na naman iyon sa mga katanungang mahirap hanapan ng sagot. "I'm sorry. I'm sorry, Sabby. Hindi ko talaga sinasadya." Now he's crying. "Salamat at napatawad mo pa rin ako sa tindi ng ginawa ko sayo." "Naiintindihan ko, Xyl. You had your reasons." What if he can't move forward because of that? I sighed. "Sige na nga, sabihin mo na. Para makamoveon ka na rin." Napatingin siya sakin at kalaunan ay nagpakawala ng mahinang tawa. "You still don't changed." Ginulo niya ang buhok ko. "Remember the gang leader who courted you before?" tanong niya. Nagusot ang aking mukha. Sinong hindi makakalimot sa lalaking iyon? Eh ilang beses noong pinagtangkaang kitilin ang buhay ko. "We made a bet. Titigilan ka niya kapag sinaktan kita." What?! What the heck?! He wants me to get hurt?! Eh bakit hindi na lang niya ako binugbog?! "Baliw ba yon?" Di makapaniwala kong tanong. "Baliw sayo. Hahahaha. Kahit ang taba taba mo, nakabulag ka talaga no—ARAY KO NAMAN!" Binatukan ko siya. Ang gago eh. "Sige lang, hindi lang yan ang aabutin mo sa'kin," sabi ko at saka ko siya inirapan. "Biro lang naman eh!" Sabay himas sa ulo niya. "Pero seryoso, we made a bet. Kapalit ng saktan kita, titigilan ka niya. Ilang beses ka ng nalagay sa panganib dahil sa kaniya kaya ginawa ko ang gusto niya. Pero totoo ang pinakita ko sa'yo, Sabby. Minahal kita." "Pero isa palang tuso yang gang leader mong manliligaw. Isa akong malaking hangal ng pumayag ako sa gusto niya. f**k. After I did that to you, he's still chasing you. At kamuntikan ka na namang malagay sa panganib ng dahil sa kagagawan ko. nasaktan kita ng sobra dahil sa maling desisyon ko. I'm so sorry, Sab. I'm sorry." Paliwanag niya. "Pero niligtas mo pa rin ako kahit gano'n." Tanda ko yun. Isa yun sa mga bagay na binaon ko na sa limot. The gang leader he's talking about is Eadgar. I met him when I was being harassed by random men and he saved me. I thought he's kind but I'm all wrong. He took advantage of my indebtedness to him and forced me to be his woman kahit ang taba taba at ang pangit pangit ko noon. Like duh, ang tanging gusto lang din pala niya ay laruan. At ako ang gusto niyang maging laruan niya. Hindi ako pumayag at iniwasan siya kaya ayun, he's always threatening my life. And I didn't know na may nangyaring pag-uusap sa kanilang dalawa ni Xyl. "Yeah. At doon na kita pinagtabuyan ng tuluyan." He smiled bitterly. "But I was so happy that I was able to save you. And I'm glad you're now okay. Ang ganda ganda mo na, Sabrina." My heart skipped a beat when he called me Sabrina. Napatingin ako sa kaniya at tila nagslow motion ang lahat. The way he turned his face to me and smiled sweetly at me. I miss his genuine smile. Napaiwas ako ng tingin. "So.. bati na tayo?" tanong niya ng may ngiti sa labi. I smiled back at him. "Hindi pa." Nabura ang ngiti niya. Pero muli siyang ngumiti. "Thank you! Bati na tayo!" aniya sabay yakap sa akin. Napatawa na lang ako. Kilala pa rin niya talaga ako. I chuckled. "Oo, bati na tayo." At niyakap siya pabalik. Ngayon, matatanggap ko na talaga ng tuluyan ang nakaraan. Hindi ko na ito iisipin pa. I won't be bothered anymore.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD