Gillian pov.
Hindi niya mapigilan tignan ang suot niya sa salamin saka nagbuntong hininga..
Wala na talagang atrasan ito...
Lumabas na siya sa kwarto niya at dumiretso sa kusina kumunot noo siya sa nakikita..
Anong mga nakain ng magulang niya at ganun nalang ang suot ng mga ito..
"Paaa bakit ganyan ang suot mo?"takang tanong niya.
Naka butler outfit lang naman kasi ito.
Nakangiting umikot ikot pa ito at nagpogi sign..
"Anak maganda ba?"sabi nito sa kanya.
"Saan mo naman nabili yan pa... Alam mo naman na kailangan natin ng pera."sabi niya.
Napapikit nalang siya.. Kailangan nila ng pera pero kong ano ano ang binibili ng ama niya.
"Anak,hindi ko naman binili ito. Bigay lang yan sa akin ni joey"sabi nito.
Kumunot noo siya. Ninong din niya si ninong joey na kapitbahay nila..
"Bigay?! Bakit ka naman bibigyan ni ninong joey ng ganyan pa... Wait may trabaho kana ba??
"Wala pa.."sabi nito.
"Kong wala pa bakit naka butler outfit ka papa."kumunot na sabi niya.
"Ahh ito ba.. Hindi kasi kasya kay joey kaya binigay sa akin. Bigay daw sa kanya ng costumer niya na may ari ng asawa nitong namatay.."sabi nito..
Lumaki ang mata niya at parang nagtaasan ang balahibo niya..
"Paaaaa..." napataas ang sigaw na sabi niya.. Balsamador kasi ang trabaho ni ninong joey niya..
"Hayaan mo na anak ang papa mo. Sampong beses niyang nilabahan yan."sabi naman ng kanyang ina na naka shade sa loob ng bahay.
"Kahit na ma.. Patay na yun tapos kinukuha niyo pa yong gamit niya.. Baka sumunod iyun sa iyo.."sabi niya na napahawak ang ulo niya.
"Anak wag kang magpapaniwala sa ganyan. Hindi naman yun totoo.. Saka anak diba bagay ko.."nakangiting sabi ng kanyang ama..
Parang sumasakit ang ulo niya ngayon. Napatingin siya sa kanyang ina na ngayon lang niya napansin na naka shade ito..
"Ma ano yan. Bakit ka naka shade."sabi niya rin dito.
"Maganda ba? Bigay sa akin ng isang costumer natin. Hindi na daw niya ginagamit. Kakatapos lang kasi ng sore eyes nito kaya binigay na niya sa akin."sabi nito.
"Maaaaa..."napasigaw ulit siya..
"Ano ka ba anak. Wag kang mag alala nilagyan ko naman ng alcohol saka sinabunan ko ng pride powder."sabi nito.
Hindi niya alam pero parang gusto na niyang matunaw ngayon para hindi makita ang ginagawa ng magulang niya..
Biglang pumasok ang kanyang kapatid na naka barong tagalog.
"Saan mo naman nakuha yan."taas kilay na sabi niya dito..
"Well binili ko ito sa ukay ukay ate. Sabi kasi sa dyaryo na nabasa ko dapat daw ako magsuot ng barong tagalog para lahat ng swerte sa araw na ito masasalo ko"sabi nito sa kanya..
Napatanga siya sa mga ito at napapikit.. Pinapakalma niya ang sarili..
"Arrghhhh..makaalis na nga dito. Mababaliw ako sa inyo..."sabi niya at nagmartsang umalis pero pinigilan siya ng ama niya.
"Ako ang maghahatid sa bagong school mo gillian.."sabi ng kanyang ama.
Oo sa brioullete high school na siya mag aaral. Paanong hindi siya papayag kong hindi naman siya tinigilan ng ina niyang putak ng putak na parang armalite at ang ama niyang nagmamakaawa na lumipat siya ng school saka yong kapatid niyang hindi umalis sa kwarto niya hanggang hindi daw siya papayag na lumipat sa school na yun..
Tumango nalang siya dahil ayaw na niyang magsalita pa..
"Mag ingat kayo ahh.."sabi ng kanyang ina at lumapit sa akin." Gillian anak galingan mo ahh.."
Ngumiti nalang siya ng alanganin saka tumango.
Sa totoo lang baka wala siyang maging kaibigan doon. Paano kasi nasisiguro niyang mga maarte ang mga kaklase niya at mayayaman pa.
"Hala umalis na kayo baka malate pa si gillian."taboy ng kanyang ina sa ama niya..
Napailing nalang siya at nauna nang lumabas sa bahay.
"Anak sumakay kana.."sabi ng kanyang ama sa service nila na para sa laundry shop.
Tumango ulit siya at saka sumakay siya sa harapan. Nakita pa niya ang kanyang ama na inaayos pa nito ang suot bago sumakay.
Napailing nalang siya.
Tinatanong niya nga sa sarili niya kong anak ba talaga siya o ampon lang dahil siya lang sa pamilya niya ang matino.
Pinaandar na ng ama niya ang sasakyan..
"Gillian sobrang ang saya ko dahil sa brioullette kana mag aaral."nakangiting sabi nito.
Pinagmasdan niya ang ama na nakangiti.. Kita niya ang saya nito..
"Alam mo ba sa school na yan ang pangarap kong makapag aral noon pero wala kaming pera para magbayad ng tiution. Sobrang ang mahal kasi. Pero ngayon ikaw na ang papasok dyan kaya sobrang saya ko kasi ikaw ang magtutupad ng pangarap ko noon."sabi nito na nag dridrive parin ang ama niya.
Hindi niya alam kong ano ang nafefeel niya ngayon sa sinabi ng ama niya.
"Basta gillian pagbutihan mo ahh. Para makapagtapos ka. Yan lang ang kaya namin ng ina mo. Wag kang mag alala mag hahanap ulit ako ng trabaho para naman malaki laki rin ang baon na ibibigay namin ng ina mo..."sabi nito.
"Paaa okey na sa akin ang baon ko. Saka binibigyan naman ako ni mama ng lunch box para sa lunch ko."sabi ko dito.
Tumingin ito sa akin at ngumiti saglit saka tumingin ulit sa unahan..
"Paaa wag kang mag alala magtatapos po ako sa school na yun."promise niya dito.
"Salamat gillian...."sabi nito. Saka napatingin siya sa labas dahil nandito na pala sila sa brioullette high school. Ilang sandali pinapasok na sila ng guard.
Bubuksan na niya sana ang pintuan para bumaba ng pigilan siya ng ama niya.
"Anak mamaya ka na bumaba.."sabi nito kaya napatingin siya dito pero dali dali naman itong bumaba saka lumiko ito sa gilid at pinagbuksan siya ng pintuan.
Napailing nalang siyang bumaba.
"Mauna na ako pa.."sabi ko.
"Fighting gillian.."nakangiting sabi pa nito sa kanya.
"Fighting.."sabi din niya saka ngumiti.
Malakas naman nito sinara ang sasakyan pero nagulat sila dahil....
VICENCIO SHOP SERVICE...VICENCIO LAUNDRY SHOP SERVICE...
Napatingin siya sa mga studyante na nagtatawanan na nakatingin sa kanila.
Napahawak nalang siya sa ulo at dahAN dahan na umalis..
Ano ba ito...
Ang ganda talaga ng araw niya...aghhhh..
Pumasok na siya sa loob at namamangha parin siya sa nakikita hindi parin siya makapaniwala na nakakapasok ulit siya dito.
Ang ganda talaga ang school na ito pero sa loob mga demonyo ang nandito..
Pero ako si gillian at hindi niya hahayaang may umapi sa kanya.
"Ahhhh...nandyan na ang F4.."sigaw ng babaeng bumangga sa kanya.
"Aray ko po.."sabi niya..
"Ahhh nandyan na talaga sila.."sigaw naman ng isang babae at dali daling tumakbo.
Lumaki ang mata niya dahil lahat ng studyante ay nagtatakbuhan..
"Aray ko po.. Aray naman.. Sandil nga..aray ko.."aray siya ng aray dahil binabangga siya ng mga studynteng nagtatakbuhan at may tumulak pa.
"Bakit ba atat na atat sila makita ang f4 na yun. Artista ba sila?"inis na sabi niya bago niya inayos ang bago niyang uniform.
Pumunta na rin sya kong nasaan ang madaming studyante na nagkukumpulan.
Napatigil siya ng makita ang limang lalaki naglalakad na parang hari.
Kumunot noo siya..
Sila ba ang sina sabi nilang f4..
Tumigil ang mga ito sa gitna. Pero ang isang lalaking nasa gitna ng apat na lalaki ay biglang lumapit ito sa isang lalaking nasa gilid.
"Ronnie may jiuce ka pa ba?"seryosong sabi ng lalaki. Parang ang yabang nito sa inaasta.
"Meron pa gusto mo?"tanong ng lalaking kasama nito saka lumapit sa lalaking mayabang..
Kinuha naman ng lalaki at binuksan iyun pero nagulat siya ng buhusan nito ang uniform ng lalaking nilapitan nito.
Nagulat din ang ibang studyante.
"Sa susunod ayokong ayoko ang nay tumutulad sa suot ko.."sabi nito at binigay pa nito ang boteng wala nang laman.
"Lets go.."sabi ulit ng lalaking mayabang bago umalis. Sumunod naman ang dalawang kasama nito pero natigilan siya dahil ang isang lalaking kasama ng mayabang na lalaki ay huminto ito sa lalaking nabuhusan..
"Sa susunod wag mo na siya gayahin."sabi nito at binigyan ng panyo..
"lets go."sigaw ng mayabang na lalaki.
Sumunod naman ito pero napatingin ito sa akin kaya napayuko siya. Bakit ganito ang nararamdaman niya. Bumibilis kasi ang t***k ng puso niya.
"Mabait talag si jc.."sabi naman ng babaeng nasa unahan niya na may kasamang dalawang babae. Pinigilan niya ang matawa dahil sa kulay ng headband ng mga ito. Pareparehas ang design pero magkaiba ang mga kulay.
"Kaya nga crush ko siya.."sabi naman ng isa na naka red headband.
"Basta ako sa akin si renz"sabi naman ng nasa gitan na naka violet headband ito.
"Well okey na sa akin si ronnie basta sino sa kanila."sabi ng babaeng nagsalita kanina na naka yellow headband.
Lumapit ako dito.
"Sino ba sila?"tanong niya.
Biglang sabay na tumingin ang nga ito sa akin.
"Ohhh my god.. hindi mo sila kilala?"sabi ng naka violet headband.
"Hindi.."sabi naman niya na nakatingin sa tatlo..
"So bago ka lang dito?! Kaya pala hindi mo sila kilala. Well kailangan mo silang makilala.."sabi ng red headband.
"Magtatanong ba ako kong kilala ko sila.."sabi naman niya dito..
"Matalas din ang dila mo. Buti bago ka lang diti kong hindi kami ang magpaparusa sa iyo."sabi ng naka yellow headband.
Napataas ang kilay niya.
"Sino ba kayo?"
"Kami lang naman ang beauties3.."sabay sabay na sabi nito..
"Ako si sam.. Ang b***h beauty."sabi ng naka red headband.
"Ako si danica. Ang grasya karisma beauty."sabi ng naka yellow headband.
"At ako naman ang leader ng beauties3. Ako si heaven na bumaba sa lupa na napaganda..."sabi nito.
Pinipigilan niyang tumawa ng malakas pero hindi niya mapigilan kaya tuluyan na siyang tumawa..
"Ano ang nakakatawa??"kumunot noo na sabi ni danica sa kanya.
"Im sorry... Natatawa lang kasi ako sa mga pinagsasabi niyo.."sabi niya..
"What?? Pinagtatawanan mo kami.."galit na sabi ni heaven at lalapit sana ito ng malapitan sa kanya ng may nagsalita..
"Ano nanaman yan heaven...."napatingin sila sa magandang babaeng pumunta sa kanila.
Para itong dyosa.
"Ohhh alyanna your here."maarteng sabi ni heaven..