Steeve pov.
"Ito ang gusto niyong mangyari diba? Sige ibibigay ko sa inyo.."sigaw ni steeve sa mga taong naghahabol sa kanya na may nga hawak na mga kahoy ng upuan,baseball,bola etc para saktan siya.
"Kong hindi mo kinalaban ang f4 hindi yan mangyayari sa iyo."sigaw ng lalaki sa kanya.
Mapait na ngumusi siya.
"Mga duwag naman kasi sila. Hindi sila lumaban ng patas. Ano sila baby na kailangan pa ng back up.."sigaw niya sa mga ito sa unti unti siyang umatras para sana tumalon dahil alam niyang pahihirapan nanaman siya ng mga ito.. Mas gusto nalang niyang mamatay pero may narinig siyang sigaw na babae.
Kaya napatingin siya sa ibaba may napansin siya babaeng tumakbo papunta dito.
"Kong humingi ka sana ng sorry sa kanila baka hindi ganyan mangyayari sa iyo. Matigas rin kasi ang ulo mo..."sabi ng isang lalaki.
"Sorry? Mga Demonyo sila. Bakit ba nakikinig kayo sa kanila.. May sarili din tayong disesyon..."galit na sabi niya dito..
"Manahimik ka!!!"sigaw ng isang lalaking may hawak na baseball.
"Sasabihin ko ito sa inyo.. Mamatay tayong lahat dito kong hindi natin pipigilan ang f4.. Tandaan niyo yan.."seryosong sabi niya..
Aatras uli sana siya ng..
"Sandali lang!!"sigaw ng babae na humihingal na nakatingin sa kanya. Gumitna pa ito sa kanila..
"Bakit? Sino ka ba?"tanong niya dito. Ito yong sumigaw kanina sa ibaba..
"Ako! Tinatanong mo kong sino ako? May delivery ako para sa iyo. 500 pesos lang magbayad ka muna."humihingal na sabi nito at tinaas ang uniform na hawak nito..
Kumunot noo siya.
"Okey,okey 450 pesos nalang. Oohh naka discount ka na ahh.."sabi ulit nito.
Nagbuntong hininga siya.
"Kapag patay na ako. Ipadala no nalang ang bill sa bahay namin. Si mommy na ang bahala dyan..."sabi niya dito.
"Ayyy wag ka naman ganyan...Ang layo layo ng tinakbo...wait..Ano magpapakamatay ka. Diyos ko lord... Kasalanan sa diyos yan.."lumaki ang mata nito na nakatingin sa kanya.
Hindi niya alam kong matatawa siya sa reaksyon nito o maiirita siya. Ngayon lang niya may nakitang babaemg gaya nito. Ibang iba ito sa mga babaeng nandito.
"Oyy wag naman...bakit ka ba magpapakamatay. "tanong ulit nito.
"Alam mo ba kong ano ang F4?"tanong ko dito.
"Ahhh??F4?? Ano yun makakain ba yun.."sabi nito at para itong nag iisip.
Hindi niya alam kong matatawa siya sa kainosentehan nito o talagang hindi lang nito alam. Napapailing na napangiti siya.. Ngayon lang siya napangiti ng ganun..
"Kapag nakatanggap ka ng red card sa kanila. Para ka naring patay na naglalakad sa skwelahan na ito. Dandaan mo yan kaya kapag nangyari iyun sa iyo lumaban ka.."sabi niya saka siya tumalon.
"Ohhh god.."rinig niya ang sigaw sa ibaba..
"AYY ANAK NG PATING.."sigaw ng babae pero nagulat siya ng may humawak sa braso niya..
"Bitawan mo ako.."sigaw niya dito.
"Alam mo. Mahal ang kabaong kaya wag ka muna magpakamatay. Sayang din yun no. Kong sino man ang f4 na iyun mga duwag sila. Bakit ka matatakot sa kanila. Ano sila diyos..."sigaw naman nito bago siya hilain ng malakas kaya napatapon sila sa simento.
"Aray ko naman. Bakit ba ang malas malas ko ngayon."narinig niyang sabi ng babae na nasa tabi niya na nakaupo.
May dumating na ring teacher at ang mga magulang niya.
"Ohh god steeve."sigaw ng kanyang ina at niyakap siya nito ng mahigpit.
May mga reporters din na pinipicturan sila.
"Okey ka lang ba?"nag alalang sabi ng kanyang ina.
Tumango nalang siya at napatingin siya sa babaeng tumayo na rin at kausap ng mga ibang reporters.
"Salamat sa kanya.."sabi niya sa babae.. Hindi niya akalain may tutulong pala sa kanya.
------))))))))
Gillian pov..
"MAY ISA NANAMAN STUDYANTENG LALAKI NA SANA AY TATALON SA BRIOULLETTE HIGH SCHOOLL PERO NILIGTAD SIYA NG BABAENG MAG DEDELIVER SANA BG UNIFORMM KAYA ANG IBANG NETIZENS AY TINAWAG SIYANG WONDER GIRL..."
Kumunot noo siya at pinatay ang tv.
"Wow gillian sikat na sikat kana.."sabi ni sonia na bff niya nandito sila sa pinagtratrabuhan nila sa maliit na flower shop..
"Manahimik ka nga dyan. Magtrabaho na tayo baka makita tayo ni boss sweet ngayon.. ."sabi ko.
"May mangyayari ngayon.."biglang lumabas si boss sweet.
"Anong mangyayari boss.."sabi naman ni sonia..
"May nakikita akong maraming kumikislap.."sabi ulit nito.
Napailing nalang siya.
"Boss mag tatapon lang po ako.."sabi niya at kinuha ang dalawang basura sa gilid. Lalabas na sana siya ng biglang may mga camerang nakatutok sa kanya kaya nabitawan niya ang basura.
"Siya nga si wonder girl."sabi ng babae.
"Dali kumuha pa tayo ng maraming picture.."sabi naman ng isang lalaki.
"Sabi ko nga may mangyayari.."narinig niyang sabi ni boss sweet.
Hindi niya alam kong ngingiti ba siya o tatakbo.. Ano ba to.. Hindi naman siya artist ahh..
---))))))))
Madam cherie pov.
"Ano ito.."galit na sabi niya at napatingin siya sa tv.
"Madam nakikipag usap na po si vhong sa press."sabi ni john.
"Sa tingin mo ba matutupok agad yan. Dapat kong sino ang nagsimula ang apoy na yan siya din ang papatay.."seryosong saabi niya.
"Ano po ang plano niyo madam.."magalabg na sabi ni john.
Hindi pwedeng masira ang school na pinatayo ng ninuno ng asawa niya. Hindi pwede..
"May ipapagawa ako sa iyo john. Siguradong mawawala yan agad...."sabi niya kay john.
Yumuko ito sa kanya..
"Yes madam."
--------)))))))
Gillian pov.
"Maaa..im home.."sigaw niya dito at binuksan ang pintuan nila pero batigilan siya dahil may bisita silang lalaki.
"Ikaw ba si Gillian.."tanong ng lalaki sa kanya.
Tumango siya kaya ngumiti ito sa akin..
"Nakuu...tamang tama ang dating mo Gillian"sabi ng kanyang ama.
"Gillian bumati ka sa kanya. Siya ang secretary ng brouillette group."sabi ng kanyang ina.
"Ahhh?!!"gulat na sabi niya na napatingin siya sa lalaki..
"Sa wakas nakita ko na rin ang personal ang wonder girl. Iginagalak kitang makita. Ako si john ang secretary ni madam cherie brouillette."nakangiting sabi nito.
Napalunok siya bago siya nagsalita.
"Hindi ko siya tinulak. Totoo po yun...yung yung...f4 ang may kasalanan sa nangyari ahh.. Saka tinulungan ko lang siya.."mabilis na sabi niya sa lalaki. Baka pumunta ito sa kanila dahil akala nito ako ang bumully sa isang lalaking studante doon.. Naku naku.. Ayaw niyang makukong no..
Ngumiti ito sa kanya..
"Nandito ako para.."
"Gillian anak.."sabi ng kanyang ina saka lumapit ito sa kanya. "Wag ka sana magugulat. Simula bukas sa brioullette high school kana papasok."
"Sa brioullette high school."excited na sabi ng kanyang ama na si andrew at si aljon..
"Bakit?"gulat na tanong niya..
"Gillian"sabi ng lalaki pero hindi ulit ito nakapagsalita ng unahan siya ng kanyang ama.
"Anak binigyan ka nila ng special schoolarship dahil sa ginawa mong pagtulong sa lalaking studyante sa school nila.."sabi ng kanyang ama na nakangiti na parang nanalo ng lotto.
"Ahh ano?? Schoolarship? Ayy sorry po pero hindi ko po yun kailangan.. May school na akong pinapasukan. "Sabi niya. Gulat na kinurot siya ng kanyang ina.
"Ano ka ba naman gillian.. Brioullette high school na yun.."sabi nito..
"Ma masakit yun.."angal niya dito..
"Gillian naniniwala kasi si madam cherie na mas magandang doon kana mag aral sa brioullette dahil nakikita niya ang kabaitan mo."sabi ng lalaki.
Tinitigan naman niya ito bg matagal.
"Ate diba swimming team ka sa school niyo. Gusto nilang sa brioullette mo nalang daw ituloy ang pagsali sa swimming contest dahil nakita nila ang record mong top 1 ka."sabi bi wakim na nakangiti.
Tinignan niya ang pamilya niya na parang hinihintay ang sagot niya. Nagbuntong hininga siya..
"Ayoko.."final na sabi niya dito.
"Ahh?"gulat na sabi ng kanyang ama.
"Ano?!!Bakit hindi.."sigaw ng kanyang ina.
"Ate.."sabi naman ni aljon..
"Sir masaya na ako sa school ko ngayon saka hindi ako nababagay...."hindi na niya napatapos ang sasabihin ng takpan ng kanyang ina ang bibig niya.
"Wag po kayong manlkinug sa kanya. Papasok po siya bukas. Kami na ang bahala.."sabi ng kanyang ina...
Lumalaki naman ang mata niya..
"Ahmmppppp..."tinatanggal naman nuya ang kamay nitong amoy sibuyas..
"Pag isipan mo gillian.. Aalis na ako dahil may inuutos pa sa akin si madam cherie.."sabi ng lalaki saka nagpaalam na umalis.
Tinanggal naman ng kanyang ina ang kamay nito na amoy sibuyas.
"Maaa naman ei.. Ang baho ng kamay niyo.."sabi niya at pinunasan ang bibig niyang lasang sibuyas.
"Anong ma naman. Alam mo ba ang pinagsasabi mo gillian.. Lahat ng studyante gustong pumasok sa school na iyun. Tapos ikaw ayaw mo. Nag iisip ka ba..."sabi ng kanyang ina na nagsisimula nanaman maging armalite ang bibig nito.
"Saka anak ang school na iyun ang pinakamayaman na school dito."sabi ng kanyang ama.
"Saka ate sa nalalaman ko hindi pa napapanganak si papa ng napatayo ang school na iyun. Ngayon 45 na si papa siguro mga 50 years na yang school na yun. Ganun katagal ang school na yun ate kaya lahat ng studyante gustong pumasok doon."sabi nanaman ni aljon.
"Ma,pa,aljon ayoko. Delikado ang school na iyun."nakasimangot na sabi niya.
"Anak makinig ka. Para naman iyan sa future mo. Para din sa amin iyun. Kapag nakatapos ka sa school na iyun siguradong parang mayaman na rin tayo."sabi ulit ng kanyang ama.
Napatayo siya ng tuwid.
"Ayoko talaga.."sabi niya saka tumakbo siya papunta sa kwarto niya at nilock dahil hinabol siya ng tatlo.
"Buksan mo ito gillian."sigaw ng kanyang ina.
"Ayaw ko ma.."siyaw rin niya.
Ayoko ngang pumasok sa school na iyun. Parang na aamoy na niyang may hindi magandang mangyayari.. Saka baka mapahamak pa siya doon..