CHAPTER ONE

1362 Words
Gillian pov. "Gillian paki deliver nga itong uniform sa brioullete high school."narinig niyang sigaw ng ina niyang si candy na nasa ibaba. Nagbunganga nanaman ang maganda niyang ina. "Ma five minutes.."sigaw din niya na nakapikit ang mga mata. Antok na antok kasi siya dahil alas kwatro na siyang nakatulog dahil ginawa pa niya ang project niya sa school na pinapasukan niya. Public school lang yun at syempre hindi yun kilalang school pero ok na rin dahil mas gusto nga niya. "Gumising kana dyan Gillian. Hindi kana nga pumasok ngayong araw."sigaw ulit nito.. "Ma wala naman kaming ginagawa sa school. Saka tinatapos ko yong project ko na ipapasa bukas.."malakas na sigaw din niya.. "Sumasagot kapang bata ka.. Bumangon kana dyan gillian.. Ang tigas ng ulo mo.."sigaw ulit nito. Nagtalokbong nalang siya dahil parang armalite kasi ang boses ng ina niya pero napabalikwas siya ng bangon ng may bumuhos na malamig na tubig sa kumot niya.. "Maaaa..."angal niya dito saka nagmulat. Basang basa siya.. Nakita niya ang kanyang ina na nakataas ang dalawang kilay nito. "Gumising kana dyan gillian. Ang hirap mo talagang gisinging bata ka. Para kang mantika.."talak nanaman ng kanyang ina. Nakasimangot na umupo siya sa kama niya. "Maa naman ei.. Pwede mo naman ako gisingin na walang tubig na ibubuhos.."sabi niya. "Buti nga malamig na tubig lang yan. Kong hindi ka pa magigising yong maiinit na tubig ang ibubuhos ko sa iyo."talak na sabi nito. Napaikot nalang ang mata niya.. Palaging yun ang linya ng ina niya pero alam naman niyang hindi nito magagawa iyun.. "Maaa naririnig na ang boses mo sa mars. Alam mo ba iyun. Baka makuha ka nila at gawin ka nilang reyna nila kawawa naman kami dahil wala na kaming inang armalite na araw araw nagbubunganga."sabi naman ni aljon ang bunsong kapatid niya na dumaan sa pintuan ng kwarto niya na kakagising lang din nito. "Manahimik ka dyan aljon pipingutin kitang bata ka. Diba may pasok kapa hala kumain kana doon sa ibaba.."talak ng kanyang ina na si candy saka pumunta ito kay aljon at tinulak tulak papunta sa labas. Napailing nalang siyang pumunta sa banyo.. Ganyan araw araw ang nangyayari sa buhay niya. May ina siyang talak ng talak at may ama siyang palaging natatanggal sa trabaho dahil ilang beses na itong napapagalitan kaya ayun tanggal. Saka may kapatid siyang weird na matalino kong ano ano napapasok sa utak nito na hindi naman niya nagegets minsan.. ------)))))) "Bilisan niyong kumain dyan. At ikaw naman andrew maghahanap ka nanaman ng trabaho. Palagi ka nalang natatanggal. Ano ka ba naman.."sabi ng kanyang ina. Nasahapag kainan na kasi sila.. "Honey my love hindi talaga sa akin ang trabahong yun.."sabi naman ng kanyang ama na kumakain ng pandesal na naghahanap ng trabaho sa dyaryo.. Napapailing nalang siya.. "Ilang beses mo na rin yan sinasabi sa akin yan andrew. Nakuu kaya hindi tayo umaasenso dahil sa iyo. Palagi nalang kasi palpak ang ginagawa mo."talak ng kanyang ina at pinapalo ito sa braso ng kanyang ama. "Honey my love masakit.."angal naman ng kanyang ama. "Kong nakinig lang ako sa magulang ko hindi sana ikaw ang pinakasalan ko at hindi ganito ang buhay ko ngayon.."sabi ulit ng kanyang ina. Sa totoo lang ilang beses na niya naririnig ang linyang yan.. "Buti nga hindi ka nakinig sa magulang mo. Ede sana walang aljon at gillian tayo ngayon."malambing na sabi ng kanyang ama. Pero ang ina niya piningot lang nito ang kanyang ama. Napailing nalang siya saka tinignan si aljon na nakatingin sa ulam nilang tuyo. "Ano pa ba ang tinutunganga mo dyan aljon. Kumain kana nga...."sabi niya. Tumingin ito sa akin. "Ate may tanong ako..."sabi nito. "Ano??"takang sabi niya dito. "Bakit tuyo ang pangalan ng isdang yan.."sabi ulit nito. Hindi niya mapigilan na mapataas ang kilay... "Haaayy naku bahala ka na nga dyan aljon.. Madami tayong problema kaya wag mo na yang idagdag sa akin...."sabi niya at kumuha siya ng tuyo at kamatis na may sibuyas.. "Gillian."sabi ng kanyang ina na tapos nang sinasaktan nito ang kanyang ama. "Ma.."sabi niya saka niya tinuloy ang pagsubo ng pagkain niya. "Bilisan mo dyan at mag dedeliver ka pa."sabi nito.. "Yes maa...."sabi niya saka ngumuya nguya. Sarap talaga ng tuyo... "Oo nga pala gillian.."sabi ng kanyang ama. Tumingin naman siya dito. "Pwede ka bang pumunta kay ninong mong janno. Kunin mo yong ipapahiram niyang sapatos sa akin.."sabi nito. Tumango naman siya. Mag bestfriend ang mga ito at ang ama ni sonia na si ninong dennis. "Yes pa. Kukunin ko nalang mamaya kapag naihatid ko yong ededeliver ko."sabi niya dito. ----)))))) "Iyan lahat ang ededeliver mo. Ingatan mo yan gillian."bilin ng kanyang ina. "Opo ma.."sabi niya saka sumakay sa pinakamamahal niyang bike na si piki piki "Ideliver mo rin kay miss alex gonzaga sa bahay nila itong order niyang cheesecake at brownies."sabi naman nito saka binigay ang naka box na cheesecake at brownies. "Opo ma.."sabi niya saka nilagay sa basket ang box na cheesecake at brownies bago niya pinaandar si piki piki.. May maliit na bake shop sila at laundry shop. Ang kanyang ina ang magmamanage pero kulang parin ang kinikita sa bake shop at laundry shop nila dahil nakasangla ang bahay nila na dapat bayaran buwan buwan.. Inihatid niya muna ang cheesecake at brownies kay aunti alex. "Salamat hija.."nakangiting sabi ni auntie alex. "Salamat din auntie.."sabi niya ng iabot nito ang bayad. "Ang bait mo talaga gillian.. Ayy sandali may ibibigay pala ako sa iyo."sabi nito saka pumasok sa loob ng bahay nito.. Hinintay naman niya si auntie alex.. Palagi din kasi ito may binibigay sa kanya. "Ito.. Sana magkasiya yan sa iyo.."sabi nito at may binigay na nakaplastic. Tinignan naman niya iyun. "Pinaglumaan ng anak ko yan.. Pero wag kang mag alala maayos pa naman yan saka parang bago lang."sabi nito sa kanya. Ngumiti naman siya. "Salamat auntie.. Sige auntie may ihahatid pa akong laundry sa brioullette high school."sabi niya. "Ayy doon din pumapasok ang pamangkin ko gillian.. Saka alam mo ba nirecomenda ko ang laundry niyo sa kapatid ko.."sabi nito. Ngumiti siya dito. "Salamat auntie.. Dont worry auntie sasabihin ko kay mama na bigyan ka po ng discount.."sabi niya. "Ikaw naman gillian. Mas kailangan niyo ang pera diba. Saka masaya na ako na kahit paano natutulungan ko kayo."sabi nito. "Salamat po talaga auntie.." "Haayyy naku.. Tama na yang pagsasalamat mo. Sige na ihatid mo muna yang laundry na ihahatid mo. Baka mainip yun at hindi ka niya bayaran."sabi nito.. "Sige po auntie.. Aalis na ako.."sabi niya at sumakay na siya kay piki piki. Papunta na siya ngayon sa brioullette high school.. Pagdating niya sa school hinarangan siya ng guard.. "Saan ka pupunta?"tanong nito. "Ahhhh ehhh...My delivery ako! Vicencio laundry shop."sabi ko kay manong guard at pinakita ang card ng laundry shop nila.. Tinignan nito ang dala niya. "Okey, pumasok kana."sabi nito. "Maraming salamat manong guard."nakangiting sabi niya saka niya pinaandar ulit si pikipiku... Pumasok na siya sa napakalaking school. May nakita siyang parkingan ng mga bisikleta kaya nilagay niya muna si piki piki doon at saka kuniha ang uniform. "Wow!!School ba ito o palasyo."namamanghang sabi niya.. Hindi ganun ang school na pinapasukan niya.. Ang laki at ang ganda.. "SI STEVE SORIANO NASA ROOFTOP."Narinig niyang sigaw ng lalaking tumatakbo. "TARA TIGNAN NATIN."sabi naman ng isang babae na may kasama itong dalawang babae na ibat iba ang kulay ng headband ng mga ito. Ano ang mga ito powerpuff girls.. "DUGUAN DAW.."Sabi ng isang kasama nito. "LETS GO GIRLS TIGNAN NATIN."sabi ng babaeng nasa gitna. Saka ang mga ito ay umalis. Steeve soriano...Parang narinig ko na iyun....steve.. Steve.. Lumaki ang matang tumakbo rin siya kong nasaan pumunta ng tatlong babae kanina. Napatingin siya sa mga maraming taong nakatingala sa taas. "ANO SABI KO SA INYO? HINDI SIYA MAGTATAGAL NG ISANG LINGGO DITO."sabi ng lalaking katabinniya na kausap ang dalawang kaibigan nito. "ANO KA!!NAGTAGAL RIN KAYA SIYA NG THREE WEEKS."sabi ng isa.. "ANG LAKAS NAMAN KASI ANG LOOB NIYANG KALABANIN ANG F4."sabi naman ng isa. Napatingala ulit siya sa taas. Ito kaya steve soriano. Duguan ang mukha nito.. "HALA MAHUHULOG SIYA.."sigaw ng babae.. Lumaki nag mataniya ng humakbang ang paa nito. "WAAAAAGGGG..."sigaw niya kaya napatingin ang lahat sa kanya.. Hindi niya pinansin iyun saka siya tumakbo...Kailangan niyang pigilan ito...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD