Isang linggo nalang at grand event na ng paaralan. Busy ang lahat sa preparasyon pero si Raffy problemado parin pagkat di na talaga siya tinatantanan ng mga golden boys. Sa lawa siya tumambay mag isa, di pa nakakaupo at may humamon ulit sa kanya. Nasanay na ang schoolmates niya at lahat nakatambay nalang sa school grounds. Si Abbey awang awa sa kanyang kaibigan at pati siya labis nang nalulungkot.
“Why the sad face iha?” tanong ni Hilda. “Nahihirapan na siya lola. I know he keeps winning pero tignan niyo o laban nanaman” bulong ng dalaga. “E wala naman ako magagawa iha. You should be proud at ginagawa niya lahat to impress you” sabi ng matanda. “I am pero seeing him like that makes me sad” sabi ni Abbey. “If you don’t want him sad then do something. O manood na tayo its about to begin” sabi ni Hilda.
Nakayuko lang ulo ni Raffy, kalaban niya daldal ng daldal at inaantay ang first move ng binata. Pinagdikit lang ni Raphael ang mga kamay niya parang nagdadasal. “Vientos debajo de mis alas” bigkas niya at ang kalaban niya napatigil at napatingin sa kanyang mga kasama. “Sige lang nang uuto lang yan!” sigaw ni Teddy. Si Abbey bungisngis nanaman pero si Hilda nanlaki ang mga mata at biglang natakot.
“Rayos de Sol brillando por encima” sabi ni Raffy at biglang hinanging ang kanyang mga buhok at ang kanyang kalaban nangatog na ang tuhod. Ang lahat ng estudyanteng nanonood napaatras, si Peter biglang sumulpot sa tabi ni Hilda at nagkatitigan sila. “Loko loko ka talaga Raffy” bulong ni Abbey.
“I flex mis alas y se orientan hacia el cielo” sigaw ni Raffy at tumindi ang hanging na tumatama sa kanyang buhok. Mga mata niya nagsparkle kaya nangangatog na ang tuhod ng kanyang kalaban, susugod na sana pero umatras at muling tinignan ang kanyang kagrupo. “What the hell is that?” tanong ni Teddy at biglang nahimatay si Diego.
“You have to stop this! Hindi maganda ito” sigaw ni Peter. “How can we stop him it’s a duel?” tanong ni Hilda at nagpapanic yung dalawa. “Bakit po? Gimik lang ni Raffy yan no” sabi ni Abbey. “Oh this is not a gimik iha” sabi ng matanda at nagulat ang dalaga.
“Quiero dejarlo ciego y le corta en pedazos!!!” sigaw ni Raffy at nagliyab ng ilaw ang kaynang mga mata at buhok niya nagtaasan na sa lakas ng hangin. “I surrender!!! I surrender!” sigaw ng kanyang kalaban at lumuhod ito sa lupa at tinaas ang isang kamay niya at niyuko ang ulo. Nagmadali sina Hilda at Peter at pumagitna. “The duel is over, he has surrendered and bowed his head in defeat” sigaw ng matanda.
Kinaladkad ni Peter si Raffy palayo at dinala sa principal’s office. Ang kanyang nakalaban nangangatog pang tumayo at lumapit sa kanyang mga kagrupo. “Are you okay mister Sabado?” tanong ni Hilda at tinignan maigi ang binata. “Principal what was that?” tanong ni Teddy. “What do you expect? Inaraw araw niyo siya kinakalaban. Ngayon he was forced to show you what he can do” sabi ng matanda.
“Dude…nakaihi ata ako sa brief ko” sabi ni mister Sabado at imbes na magtawanan ang mga kasama niya ay lalo sila natakot sa sinabi ng kanilang principal. “Mister Sabado go to the clinic to have yourself checked. Teddy, sige kalabanin niyo pa siya para mahanap niyo ang inyong hinahanap” banta ni Hilda at agad ito nawala.
Sa loob ng principal’s office laugh trip sina Abbey at Raffy. Pagalit na sumugod si Hilda at kinuwelyo ang binata. “Do you know that you could have killed him with that spell?” tanong niya at napatigil si Raffy sa gulat. “Pinatay sa takot grandmama” sabi ng binata at muling tumawa. “Do you see me laughing? Where did you learn of that spell? That is a forbidden spell and it is very destructive!” sigaw ni Hilda at natameme si Raffy at Abbey.
“Ah I didn’t know” sabi ng binata. “Oh wag kang magsisinungaling sa akin! How did you learn that spell?” tanong ng principal at pumagitna si Peter. “Let him explain” sabi niya. Naupo si Hilda at nagpakalma habang si Raffy naglakad lakad. “Grandmama I am not lying. Sir Peter taught me how to make something invisible…kaya eto o…little electric fan…ginawa ko pong invisible” sabi ng binata at pinakita ang maliit na fan.
“Ginawa ko po itong invisible kanina at ito yung nagpapagalaw sa hair ko. Para kunwari may powerful effect talaga o” sabi ni Raffy at pinaandar yung fan at hinanging nga ang kanyang buhok. Napabilib si Abbey at Peter, si Hilda napapangiti pero nagpipigil. “And how about that spell that you spoke?” tanong niya.
“Ah yon? Gawa gawa ko lang po. Pero di ko alam grandmama kasi parang naririnig ko na siya noon e. Kasi si daddy pag pagod sa work nakakatulog siya sa salas. He talks while asleep at naririnig ko yan sa kanya. Spanish kasi si lolo at lola kaya siguro nagspanish sila nung bata siya. Pag sinasabi niya yan habang tulog sinasabayan ko siya lagi at tawa ng tawa si mommy ko. May video pa nga kami e” kwento ng binata at napangiti ang tatlong kasama niya sa kwarto.
“So grandmama that was not a spell..if it was sorry po talaga hindi ko alam” sabi ni Raffy at tinabigan siya ni Abbey at hinaplos ang kanyang likod. “How about your eyes?” tanong ni Hilda. “Bakit po mga mata ko?” tanong ni Raffy. “Ah may luha ata” banat ni Peter at sinensyasan si Hilda na tumahimik. “Wala! Di ako umiyak!” sigaw ni Raffy at humarap si Abbey sa kanya. “Patingin nga…meron e” landi ng dalaga. “Wala no, di ako iyakin” sabi ng binata at biglang kinurot ni Abbey ang kamay ng binata at napasigaw ito sa sakit.
“Aray!! Masakit!” sigaw ni Raffy. “Naiiyak ka na ba?” landi ni Abbey. “Oo! Masakit e” sabi ng binata. “Good, lets go now to class” sabi ng dalaga at nginitian ang kanyang tatay at principal. Pagkalabas nung dalawa nagkatinginan sina Peter at Hilda. “Pag sinabi mo nagliyab mga mata niya the more maiintriga siya sa spell na yon” sabi ng guro. “Yes I am sorry, tinakot niya talaga ako. I really thought he knew that spell” sabi ng matanda.
“Ako din pero kita niyo naman hindi buo. He ended it with a shout dun sa half part. Dun sa parte ni Felipe pero its different, the words are different. Its good he does not know the other half” sabi ni Peter. “Ay oo nga pala. Nakalimutan ko na sa tagal. Kailangan din pala bigkasin yung other half ng spell that you know. Did you teach Abbey?” tanong ni Hilda. “Of course not! Di ako tulad ni Felipe na careless. Tignan mo natutunan ng anak niya yon dahil he talks in his sleep. Ako maingat ako and I didn’t even know my daughter would be a dragon magic user like me” paliwanag ni Peter.
“Hay naku yang batang yan talaga pinakaba ako. Nabuhay ang katawang lupa ko..” sabi ni Hilda pero natawa siya bigla pagkat ginawang invisible ni Peter yung fan at pinapahanging ang buhok niya. “Oo na oo na nabilib din ako, akalain mo pag iisip niya para makasindak” sabi niya at nagtawanan yung dalawa.
Sa classroom hiniga ni Raffy ulo niya sa lamesa. “Uy why so sad?” tanong ni Abbey. “Ubos na ako ng gimik. Wala na. Natatakot na ako” sabi ng binata. “Sus ikaw pa, alam ko makakaisip ka ulit” sabi ng dalaga. “Hindi Abbey, you have to think like them too. Wala na ako tinatagong alas. I am going to get beaten up really soon. I am going to lose at wala na ako mukhang ihaharap sa iyo…sanayin ko na ata” bulong ng binata at humarap sa malayo.
Awang awa si Abbey, gusto niya sana haplusin likod ng binata pero nahihiya siya. “Ei Raffy…mamaya hapon samahan mo nga ako” bulong niya. “Sure, saan tayo pupunta? Sukatan ako at mamili ng aking kabaong?” sagot ni Raffy. “Basta samahan mo ako” sabi ni Abbey. “Okay” sabi ng binata at muling tinago ang mukha niya.
After magic classes ni Raffy sa elementary nagtungo siya sa highschool building para sunduin si Abbey. Nagtungo yung dalawa sa may lawa kung saan may isang propesor na nag aantay. “Sorry po sir Ernie, late kami” sabi ng dalaga. “Oh its okay iha, masarap din tumambay dito paminsan minsa. So are you two ready?” tanong ng guro. “Ready for what?” tanong ni Raffy.
“Sir Ernie is going to teach us high level magic” sabi ng dalaga at nagliwanag ang mukha ng binata. “What kind of magic is that?” tanong ni Raffy. “Its nothing fancy iho, its defense magic” sabi ng guro. “Oh yeah! Teach me! Para naman at least di ako mamatay sa isang iglap” sabi ng binata at binatukan siya ni Abbey. “Wag ka ngang magsasalita ng ganyan! Di maganda pakinggan” sermon ng dalaga.
“E sir sa mga ganon na batok may depensa ba?” banat ni Raffy at nagtawanan yung tatlo. “Okay so before I teach you dapat makita niyo muna pano ito gamitin. Okay iha give me your best shot” sabi ni Ernie at lumayo siya konti at pumorma. Si Abbey naman nag inat, si Raffy pumalakpak at sobrang excited makita ang kapangyarihan ng dalaga.
Naghulma ng bolang apoy si Abbey gamit mga kamay niya, napatalon sa tuwa si Raffy at nagsisigaw. “Finish him!” sabi niya at hinagis ng dalaga ang bolang apoy sa relax na relax na guro. Tumama ang apoy sa katawan ni Ernie, ang bolang apoy nalusaw nalang bigla at pinagpag ng guro ang kanyang damit. “Wow youre really strong iha. But did you see that no effect at all. That is one of the defence magics” sabi ni Ernie.
“Me! I wanna try!” sabi ni Raffy at pumorma siya at hinarap ang kanyang palad. Pumorma din si Ernie at pinaghandaan ang liwanag kaya pinikit niya ang kanyang mga mata. Sumugod si Raffy at pinokpok ang metal wand sa ulo ng guro. “Aray ko!” sigaw ni Ernie at hinimas agad ang kalbo niyang ulo. “Sabi mo depensa? Bakit ka nasaktan?” tanong ni Raffy at sumabog sa tawa si Abbey.
“E di ko alam na popokpokin mo ako e! Akala ko magpapasabog ka ng light balls” sabi ng guro. “E bakit ko naman sasabihin sa iyo na popokpokin kita? Duel nga e!” sumbat ni Raffy. “E tinuturuan nga kita e, akala ko light balls gagamitin mo” bawi ni Ernie. “E ano pang sense ng magic defense mo kung mapopokpok din pala kita? Ikaw kasi pumikit ka e” sabi ni Raffy at nakasimangot na parang bata na lumayo. “E malakas yung liwanag mo! Anyway let me explain kasi muna” sabi ng guro.
Naupo sina Abbey at Raffy habang si Ernie naglakad lakad. “Defense magic needs a lot of your magic power. Kasi it helps absorb ng magic attack and negates it. Tulad kanina Abbey fired me with a fireball so alam ko fireball tatama sa akin. So I prepared magic absorption defense. Kita niyo naman wala epekto sa katawan ko kasi my defense absorbed the damage”
“E ikaw mister Gonzales, I prepared myself for magic absorption, my body was ready for that but you hit me physically and I was not ready for that” sabi ng guro. “Pero sir di niyo ba kaya idefend sarili niyo sa magic at physical attack?” tanong ni Raffy. “Pwede pero kailangan mo ihanda sarili mo for that and you will use more magic power. E kanina akala ko sample lang and I was not prepared kaya naisahan mo ako. Pero its all good kasi fault ko naman”
“Sa all out war you really have to be alert and cast total defense magic sa body mo kasi di mo alam saan manggagaling ang atake. Pero that takes practice and really lots of magic power. So I will teach you the basics. Tamang tama lang para sa duels niyo. Kasi for sure makikita niyo naman atake ng mga kalaban niyo diba?” sabi ni Ernie.
“Okay first I will teach the physical attack defense kasi this requires less magic power. All you have to do is focus, you both know how to mold magic so do the same but this time just focus on the magic power at no elements. Abbey same as molding fire, Raffy same as molding light. Para madali lang form niyo sa ulo niyo para matest natin” sabi ng guro.
“The opponent will not see it but you will see something sparkling in front of you. That is your molded magic forming a barrier” paliwanag ni Ernie at napangiti si Raffy. “I see it” sabi niya at pinulot ni Ernie yung wand at pinokpok sa ulo ng binata. “Wahahahaha di ko naramdaman!” sigaw ng binata. Nilakasan ni Ernie ang pagpokpok at dinidilatan lang siya ng binata. “Ah ganon ha!” sigaw ng guro at nagwala sa pagpokpok sa ulo ni Raffy na hindi tinatablan.
“Wahahahaha! I am invinsible!” sigaw ni Raffy at biglang pinagliyab ni Ernie ang wand sabay ngumisi. “Tignan natin kung magically charged physical attack” sabi niya sabay ngisi. “Oy ang daya mo!” sigaw ng binata at agad pinikit ang kanyang mga mata. Tumama ang wand sa ulo niya pero wala siyang naramdaman kaya pati si Ernie nagtaka. “Are you using magic defense?” tanong niya. “Did you teach me that already?” landi ni Raffy. “Not yet” sagot ng guro.
“Fast learner ako, so I am using it mwahahaha!” banat ni Raffy at naupo siya parang Buddha at pinagtitira siya ni Abbey at Ernie ng mga magic shots. “Come on give it to me! Sige pa! I am one with nature and nature is one with me…come hit me” udyok ni Raffy at pagsapit ng limang minuto ay napapaaray na siya at nararamdaman ang init ng fireballs ni Abbey.
“Aray! Tama na! Masakit na!” sigaw niya kaya tumigil yung dalawa at pinagmasdan ang binata. “Ayan drain na magic mo siguro. The defense used it all up. Well at least nakita mo you can survive five minutes on defense diba? Protected ka ng five minutes sa laban. Pwede ka na magdasal kay Lord” sabi ni Ernie sabay tumawa ng malakas.
“Pero sir sa five minutes naman siguro drain narin kalaban ko no?” tanong ng binata. “Hmmm oo nga, actually kakabilib you lasted five minutes using total defense in your first try even” sabi ni Ernie at napangiti si Abbey. “But sir can he last more that five minutes?” tanong ng dalaga. “Well yes but it takes practice. Pero alam mo I teach this sa college and usually wala pang one minute tinatagal nila. Meron iba two minutes pero five its amazing at first try” sabi ng guro at natuwa naman si Raffy.
“But let me add depende din pala on how strong the magic of the opponent is. Hmmm oo nga no malakas mga fireball ni miss Hizon, wow really amazing. If normal magic then you could have lasted more than five minutes then. Kailangan malaman ni Hilda ito” sabi ni Ernie. “O see Raffy I told you amazing ka” sabi ng dalaga. “E pano ikaw? Ikaw nga gawin mo din” sabi ng binata.
Nagtry si Abbey, pinokpok siya ni Ernie at nasaktan ang dalaga. “Hoy wag mo kasi lalakasan!” sigaw ni Raffy. “Hindi naman malakas yon, mahina yung defense magic niya. Come on iha try again” sabi ng guro. Nasaktan muli ang dalaga kaya tumayo na si Raffy at inagaw yung wand at pinokpok sa guro. “Sabi ko wag malakas e!” sigaw niya. ‘Hindi nga malakas yon e!” bawi ni Ernie at bigla siya pinokpok ni Raffy sa ulo. “Ganyan kalakas ginawa mo e! Sabi ko hinaan mo lang e!” sigaw niya at tinadtad niya ng p****k ang ulo ng guro.
“Ei Raffy slow learner talaga ako. Wag ka magalit kay sir. Don’t worry aaralin ko. Ang importante ikaw nakuha mo agad” sabi ng dalaga at huminahon si Raffy at tinignan siya. “Don’t worry Abbey, di naman kita iiwanan. Ako magdedepensa sa iyo. Pero look namumula na noo mo kasi si sir Ernie sabi ko wag lakasan e!” sigaw ng binata at binuwelo muli ang wand.
Nagdepensa si Ernie pero ngumiti si Raffy at hinarap ang palad niya. “Illumina” bulong niya at nabulag ang propesor at bumagsak sa lupa. “Walanghiya ka loko loko ka talagang bata ka!” sigaw ni Ernie. “Next time pag sinabi ko wag lakasan wag lakasan. You deserve that for hurting Abbey. Sige sir bukas ulit ha kasi late na e. Ihahatid ko pa si Abbey sa kanila” paalam ng binata at tumakbo yung dalawa pagkat bumangon si Ernie at hinabol talaga sila palabas ng campus.
Kinabukasan sa club house ng mga golden boys nagplaplano si Teddy at mga kasama niya. “Tignan niyo sabi ko sa inyo gimik niya lang yon e. Natakot lang siya dun sa gimik spell. Ang alam lang ni Raffy ay yung light magic at little flame sa wand. If you fight from a far distance wala na siya magagawa. Wag lang kayo magpapasindak” sabi ni Diego.
“We can wear shades, its easy to avoid his light ball. Dapat tirahin na siya agad. Wag na siya bigyan chance to make sindak” sabi ni Armina. “Oh its easy, target his legs and arms at once. After that wala na siya magagawa. Ako lalaban sa kanya today” sabi ni Teddy at biglang tumayo. “Ako nalang” sabi ni Adolph at nagkatitigan yung dalawa. “Ako! Gusto ko ako maunang magpahiya sa kanya! Then you all can challenge him after me. So let him know I will challenge him at 12 sharp. Tanghaling tapat para lahat makapanood ng pagbagsak ko sa kanya” sabi ni Teddy.
Recess, sa may library nagpapanic si Raffy pagkat umabot na sa kanya ang balita na hinahamon siya ni Teddy. Si Abbey pinapakalma siya pero di siya nagtagumpay at nagmamadali ang binata maghanap ng pwedeng aralin na magic. “Raffy please calm down” bulong ng dalaga.
“How can I calm down e mamatay na ako mamaya” sabi ng binata. “You can defend naman e” sabi ni Abbey. “Oo nga pero what if five minutes lumipas at may lakas pa siya? I am so dead” sabi ng binata. “Hay…hey Raffy do you like basketball?” tanong ni Abbey at napatingin sa kanya si Raffy. “Hmmm oo naman, I do play din konti pero me and my dad love to watch” sabi niya.
“Kami din ni daddy e. Alam mo favorite team ko? Boston, tapos sa PBA naman Ginebra” sabi ng dalaga. “Wow! Pareho tayo Ginebra fan! Pero sa NBA Lakers kami ni daddy e…and ahem Lakers beat Boston sa championship…ahem” pasikat ng binata. “Alam mo kahit natalo ang Boston I still like them. Natalo Ginebra last conference…do you still like them?” tanong ng dalaga.
“Oo naman no! Sus die hard fan kami ni daddy no. Kahit matalo sila I still like them” sabi ni Raffy at ngumiti ang dalaga. “Me too kahit matalo sila I still like them. You like a person for their qualities and traits. If they fail in something that does not make me dislike them. Its not their lose naman which defines them e. Even if they win di rin magbabago pag like ko sa kanila. Kasi like ko na sila from the start. So win or lose I still like them. Pero of course magiging sad ako konti pag natalo sila pero pansamantala lang yon…still I like them” paliwanag ng dalaga.
“Are you saying that I should lose?” tanong ng binata at nagkatitigan yun dalawa. Huminga ng malalim si Abbey at nilaro ang kanyang buhok. “Wala ako sinasabing ganyan. Its up to you. I am just saying that manalo ka man o matalo hindi naman magbabago na tingin ko sa iyo e. Ikaw parin naman si Raphael…emo nga lang pag natalo siguro” sabi ng dalaga at nagtawanan yung dalawa.
“Pagtatawanan ako ng lahat. They are expecting too much from with all these lies. Diamond rank, galing sa Norte, mapapahiya talaga ako ng husto” bulong ng binata. “So if that happens mawawala na yung funny guy that makes me laugh everyday?” tanong ni Abbey. “No naman pero siyempre I have an image to protect” sabi ng binata.
“So mas proprotektahan mo yung fake image mo kesa sa real image mo na kilala ko? So mas importante yung fake sa real? I like the real you better, yung fake you nakakaaliw lang siya. Ikaw bahala if yan ang desisyon mo then so be it” sabi ni Abbey sabay tumayo. “Your fake you will not exist without the real you. But the real you can exist without the fake you. Like I said I like the real you. Will it really be that shameful if others will get to know the real you compared sa fake you? Mas madami ka pa mapapahanga sa totoong ikaw” pahabol ng dalaga sabay umalis.
Sumapit ang alas dose, punong puno ang school grounds ng mga estudyante at propesor. Lahat sila excited sa magaganap na duelo ng number student ng paaralan at yung diamond star ranked transferee. Kinakabahan si Peter lalo na nung nakita ang pagdating ni Teddy. “Huminahon ka nga para kang natatae” sabi ni Hilda. “Hindi hahamon si Teddy pag hindi siya sure sa kalaban niya” bulong ni Peter.
Dumating si Romina at Ivy at nakisingit sa dalawa. “Don’t worry I called in the support group. Everyone will do their best to talk to Raffy at the end of the duel” sabi ni Hilda. “So even you think he will lose?” tanong ni Prudencio. “Ano gusto mo magsinungaling ako at magdasal ng isang milagro na mangyayari at manalo si Raphael?” sumbat ng matanda. “Raphael knows his limits, he might not even show up” sabi ni Peter pero nagpalakpakan ang lahat at nagsigawan nang dumating si Raffy sa gitnan ng grounds.
“O ayan he showed up, now he is dead” bulong ni Prudencio. Huminga ng malalim si Raffy at tumingala sa langit. Hinanap niya sa crowd si Abbey at nung makita niya nagngitian sila. “If he knows wala siyang laban kay Teddy bakit walang bakas ng takot sa mukha niya?” tanong ni Romina. “Yeah he seem so confident, baka may big surprise siya ulit” sabi ni Ivy.
Naglakad si Raffy palapit kay Teddy at siya ang naghamon ng laban. “Do your best” bulong niya sabay tumalikod at dahan dahan naglakad pabalik sa kanyang pwesto. Ilang hakbang sa dati niyang pwesto umatake na si Teddy ng long range magic attacks at napahanga ang crowd pagkat di tinablan si Raffy.
Humarap ang binata at inulan siya ng madaming fireballs, iceballs, light spears at kung ano anong magic ang maihagis ni Teddy. Nanatiling nakatayo si Raffy, hindi siya gumaganti at tinatanggap lang lahat ng banat ng kalaban. Todo buhos si Teddy at pinipilit buwagin ang depensa ni Raffy. “Lumaban ka naman!” sigaw ni Yvonne pero ngumiti lang ang binata sa kanya at niyuko ang ulo at tinanggap pa ang mga tira ni Teddy.
Apat na minuto ang lumipas at napatingin si Raffy kay Abbey. Ang dalaga tinungo lang ang ulo niya at ngumiti kaya agad lumuhod si Raphael at niyuko ang kanyang ulo sabay tinaas ang kanyang kamay. “I surrender!” sigaw niya na kinabigla ng lahat at pati si Teddy. “Wag kang nagbibiro ng ganyan! Lumaban ka!” sigaw niya.
“I surrender! I surrender! I surrender!” sigaw ni Raffy at nagkatinginan ang lahat ng mga propesor. “But why?” tanong ni Prudencio. “Kinakaya naman niya e, he knows how to defend. Sana nag antay ng opening” sabi ni Peter. “Sometimes you really don’t have to win to be able to win. Sometimes you have to lose and end up the winner” sabi ni Hilda at agad siya nagtungo sa gitna nung grounds para sabihin nanalo na si Teddy.
“Bakit hindi ka lumaban?!!!” sigaw ni Teddy. “Calm down Teddy, nanalo ka na. He already surrendered” sabi ng principal at in shock parin ang mga estudyante at pati ang mga golden boys hindi makacelebrate sa pagkapanalo ng kanilang pinuno. Tumayo si Raffy at pinagpag ang kanyang mga damit. Nag inat siya sabay lumapit kay Teddy at inabot ang kanyang kamay. “Congratulations” bati niya.
“Bakit hindi ka lumaban?!!!” tanong ni Teddy. “Nanalo ka na nga e. So take the win and celebrate. Everyone I lost! O ano ipagdikdikan ko pa ba? Yohooo! Natalo ako ni Teddy!” sigaw ni Raffy. “This is not over yet!” sabi ni Teddy sabay nagwalk out. Lumapit si Abbey at kinurot ang binata at nagtawanan silang dalawa. “Do you feel bad?” tanong ni Abbey. “Actually hindi nga e. I was expecting everyone to start hating me but look at them tulala lang sila at parang papalakpakan pa ata ako o” bulong ng binata at pinalakpakan nga talaga siya ng kanyang mga schoolmates.
“Everyone let this be a lesson. There is no shame in losing” sigaw ni Hilda at lalong lumakas ang palakpakan ng mga estudyante kaya inis na inis ang mga golden boys. Pati mga propesor nagpalakpakan kaya lalong natuwa si Raffy. “E di naniniwala ka na sa akin?” tanong ni Abbey at nagpacute. “You were so right, pero Abbey sorry ha, I had to defend pa konti” sabi ng binata.
“Sira, pinaganda mo nga pagkatalo mo e. Yes you lost but look sino pinapalakpakan and sino yung malungkot? Can you believe the winner is the one mad and frustrated and the loser the happy one?” sabi ng dalaga. “Even if I lost in the normal manner alam mo magiging happy parin ako” sabi ni Raffy. “Sus if I know baka umiyak ka nga e” sabi ni Abbey. “Hindi no, naisip ko kasi if I get beaten up and lose, you will be there naman for me. So happy parin ako pag ganon” sabi ng binata.
“And do you think if you lost the normal way I wont feel sad seeing you really hurt?” tanong ni Abbey. “Will you be sad?” tanong ni Raffy at nagpacute ang dalaga sabay dumilat. “Try mo kaya tapos tignan natin” landi niya at natawa ang binata. “Wag na no, tara gutom ka na alam ko. Lets go eat lunch, treat ni Grandmama” sabi ni Raffy. “Oy bakit niyo ako dinadamay?” tanong ng matanda.
“Come on grandmama minsan lang naman e. Sige na I lost comfort me” drama ng binata at napahalakhak si Abbey at Hilda. “Aysus, ikaw talaga, o siya tara na” sabi ng matanda at sumunod sa kanila ang mga propesor. “O bakit pati kayo?” tanong ni Hilda.
“Nakikiramay kami sa talo ni Raffy” banat ni Peter with matching sad face at umakting narin ang ibang propesor kaya sobrang naaliw si Abbey at biglang nayakap si Raffy. Nanigas yung dalawa at agad naghiwalay. “Nakikiramay…makikilamay” hirit ni Peter at lalo nagtawanan ang lahat.
“Raffy good job iho” sabi ni Prudencio sabay inakbayan ang binata. “Ano naman good job don sir?” tanong ng binata. “You lost in style iho. Tsk bilib kami. You lost in style. Ito yung tinatawag nilang be magnanimous in defeat!” sabi ng guro.
“At ano naman meaning non?” tanong ni Hilda. “Teka we should be sad pala” banat ni Prudencio at super laugh trip ang lahat patungo sa canteen.