Sa club house ng golden boys nagtipon sina Teddy at mga kasama niya at naglalaro sila ng baraha. “Ah excuse me” sabi ng isang boses at napatigil ang paglaro at lahat ng golden boys napatingin sa isang takot na takot na Diego. “Ang lakas din ng loob mo ha. Alam mo ba bawal ang mga mahihina dito sa club house?” tanong ni Henry at hinarap ang takot na binata.
“May alam ako, sigurado ko interesado kayo sa alam ko” sabi ni Diego. “Kami magiging interesado sa alam ng isang mahina na tulad mo?” tanong ni Teddy at sumenyas siya at agad binitbit si Diego papunta sa pintuan. “Teka! Alam ko nangangati kayo lahat kay Raffy! May alam ako tungkol sa kanya na tiyak ko magugustuhan niyo” sabi ng takot na binata at napasandal si Teddy at muling sumenyas.
“Pag hindi maganda yang sasabihin mo alam mo ano naman siguro mangyayari sa iyo no?” tanong niya. “Oo, pero bago ko sasabihin ay gusto ko ng proteksyon at gawin niyo ako member” sabi ni Diego at nagtawanan ang lahat ng estudyante sa club house. “Sige alis na ako, alam ko lang naman pano talunin si Raffy e” sabi ni Diego na parang bata. “Sandali! Ulitin mo nga sinabi mo” sigaw ni Henry.
“Oo alam ko pano talunin si Raffy” sabi ni Diego at kinaladkad siya ni Adolph palapit sa grupo. “Magsalita ka na” sabi niya. “Hindi siya totoong diamond rank at nag aaral palang siya ng basic magic” sabi ng takot na binata at lahat ng golden boys nagulat. “Imposible ka naman, niloloko na tayo nito e” sabi ni Adolph. “Mahina nga ako pero kaya ko magdetect ng magic power. Wala siyang magic sa katawan niya. Di ko lang alam pano niya ginagawa magpalabas ng illumina. Siguro may tumutulong sa kanya”
“Pano niya ba kayo tinalo? Inutakan lang naman niya kayo e. Tapos pag nagulo na isip niyo uupakan lang kayo ng suntok at sipa. Kung gusto niyo e di subukan niyo at pagmasdan niyo siya maigi kasi” sabi ni Diego at nagkatinginan ang mga golden boys. “Sabi ko sa inyo e, nasilaw lang ako noon” bulong ni Jerome. “Ako nabigla din ako at nautakan” sabi ni Wilfredo.
“What if patunayan mo muna bago kami maniwala sa iyo?” sabi ni Teddy. “E ano naman ilalaban ko? Ang hina hina ng katawan ko. Kung gusto mo isa sa inyo sumubok” sagot ni Diego. “At ano may matalo ulit sa amin para lalo kami pagtawanan?” tanong ni Henry. “Sacrifice, pero pagmasdan niyo mga galaw niya. Sigurado ko wala siya magic. Kung meron man may tumutulong sa kanya” sabi ni Diego.
“Bobo pala to e, pag duelo walang pwede makialam” sabi ni Adolph. “Sandali, what if tama siya? Wilfredo subukan mo nga ulit” sabi ni Teddy. “Siraulo ka ba? E ano kung mali siya? Magugulpi nanaman ako” reklamo ni Wilfredo at hinimas ni Teddy ang kamao niya kaya napayuko ang binata. “Tsk fine! Bwisit! Nasan ba yon?” sigaw niya at padabog na lumabas ng club house. “Hoy bata! Pag mali ka pangako ko sa iyo ipapakain ko sa iyo yung isang trophy ko” banta ni Teddy.
Samantala sa may lawa naglalakad lakad si Raffy habang sinersermonan ang kanyang sarili. “Mahiya ka naman tinatalo ka ng mga grade one. Raphael ang tanda tanda mo na. Sixteen ka na turning seventeen” bigkas niya. Di niya alam si Abbey nagtatago sa malapit na puno at kanina pa siya tinatawanan. “But I have an excuse I have no magic…but you were able to produce light…maybe I am the human flashlight” sabi ng binata at nagtakip ng bibig si Abbey pagkat sobra na siyang natatawa.
“Raphael gusto mo bang maging trabahador ng Meralco? Hindi ka lineman, ikaw mismo yung light post! Well at least napapaliwanag ko ang isang street. Oh pwede din ako tumambay sa church at ako taga sindi ng candles. Or pwede ako mag business ng birthday candle lighter” daldal ni Raffy at di na natiis ni Abbey at nagpakita na siya at sumabog sa tawa.
“Great! Nandyan ka pala. Oo na mukha na akong engot” bulong ng binata at tinabihan siya ng dalaga. “Hmmm whats the problem Raphael?” tanong ni Abbey at biglang kinilig ang binata at napangiti ng todo. “I like you calling my name” sabi niya. “Ra-pha-el” pacute ng dalaga at napainat si Raffy at napatingin sa langit. “Wala na, wala na yung init ng ulo ko” bigkas niya sabay bungisngis.
“Share your problem with me maybe I can help you” sabi ni Abbey. “Sorry I cant, gusto ko pero I really cant” sabi ng binata. “Hmmm siguro youre up to something bad ano?” tanong ng dalaga. “Uy hindi ah!” sagot ng binata. “Hmmm something good?” hirit ni Abbey. “Yes and please wag ka na magtanong kasi mapipilitan ako sumagot. Gusto ko sana surprise e” sabi ni Raffy. “Okay, pero remember if you need help nandito lang ako. Halika na sa canteen treat mo ako para makargahan tiyan mo and then gagana na ng mabuti ang brain mo” pacute ng dalaga.
Pagdating nila sa grounds ay agad humarang si Wilfredo at humawak sa balikat ni Raffy. “Hay naku eto nanaman tayo” bigkas ng binata at hinaplos ang noo niya. “Abbey please distansya konti. Kasi itong Wilfredo na ito binalik yung pagkabadtrip ko! Okay na nga ako tapos ikaw ibabalik mo lang init ng ulo ko. Wag na wag niyo ako babadtripin lalo okay?!!” hiyaw ni Raffy. “Bwisit ano pang tinatanga tanga mo diyan?! Hamunin mo na ako dalian mo!” dagdag niya at hinamon nga siya ni Wilfredo.
Pagkatapos palang bigkasin ng kalaban niya ang paghamon agad hinawak ni Raffy ang kaliwang kamay niya sa mukha ni Wilfredo sabay pinikit ang mata. “Illumina!” sigaw niya at sobrang bilis ng pangyayari, nanigas saglit ang kalaban niya at binigyan niya ito agad ng isang matinding uppercut sa panga gamit ang kanang kamay. Tumba si Wilfredo sa lupa at agad tumalikod si Raffy at tinabihan si Abbey.
“Wow I think that was the fastest duel ever” sabi ng dalaga. “Ow talaga? Record ba yon?” tanong ng binata. “Uhuhm I think so, hayaan mo na tara gutom na ako e” pacute ng dalaga at masaya yung dalawa pumasok sa canteen. Ang mga golden boys tulala, si Diego sinusubukan tumakas pero nasabunutuan siya ni Adolph. “Youre so dead” bulong niya.
“Kasalanan ko ba kung weakling yung pinadala niyo. And look same illumina and simple punch. Get rid of the illumina then madali nalang siya talunin” sabi ni Diego at lumalapit sa kanila si Wilfredo na parang lasing at hinihimas ang kanyang panga. “Yo malabo parin paningin ko men” bigkas niya at pinagtawanan siya ng kanyang club mates. “Wilfredo tanggal ka na sa grupo. Diego take his place” sabi ni Teddy at nagulat ang lahat.
“Pero naisahan lang niya ako e!” reklamo ni Wilfredo. “You bring embarrassment to our group. At dahil sa pagkatalo mo lalo mo siya pinabango. I had the fastest duel time of thirty seconds! Ngayon siya na yung makikita sa main lobby! How many seconds was that five? Lahat ng listahan sa main lobby nandon ang pangalan ko, most wins, no loses, fastest time, etcetera! Ngayon may dungis na record ko! Youre out! Diego youre in, come with us and tell us more what you know” sabi ni Teddy.
Kinabukasan pagdating ni Raffy at Abbey sa campus ay nagulat sila pagkat nagaantay ang mga golden boys sa grounds at lahat sila nakasuot ng shades. “Patay” bulong ng binata. “Alam na nila yung alas mo” bulong ng dalaga. “Hay naku eto nanaman yung isa” sabi ni Raffy pagkat may lumalapit nang golden boy sa kanila. “Yan si Emilio, he is a whip user” bulong ni Abbey at natawa ang binata.
“Whip? Papaluin niya ako?” tanong ng binata. “Sira, not normal whip, kinakargahan niya ng kuryente no” sabi ni Abbey at nakarating na si Emilio at humawak sa balikat ng binata. Napunta yung dalawang taga duelo sa gitna ng grounds, nilabas ni Emilio ang whip niya sabay inayos ang really dark shades. “Di niyo talaga ako tatantanan no?” tanong ni Raffy at dahan dahan niya tinatanggal botones ng polo niya.
“Raffy wag!” sigaw ni Abbey kaya tumigil ang binata at niyuko ang kanyang ulo. “Fine” sabi niya at agad niya hinarap ang kanyang palad at muling inayos ni Emilio ang kanyang shades. “Espiritu sancto engrande illumina!” sigaw ni Raffy, umilaw ang kamay niya pero si Emilio kinabahan bigla at napatingin sa kanyang mga kagrupo. “Ano yon?” tanong niya. “Emilio bobo ka!” sigaw ni Teddy at pagharap ni Emilio ay nakakin agad siya ng isang solid na suntok sa mukha galing kay Raffy.
Nahilo si Emilio, pinasundan ni Raffy ng malakas na suntok sa tiyan at isang matinding upper cut na nagpabagsak sa kanya. “Umagang umaga binabadtrip niyo ako!!!” hiyaw niya sabay inayos muli ang kanyang polo at ngumiting pinuntahan si Abbey. Nagpalakpakan ang ibang schoolmates at dismayado nanaman ang golden boys.
“Espiritu Sancto engrande illumina?” tanong ni Abbey at natawa si Raffy. “Thank God uto uto siya. E di ko na alam pano siya didiskartehan e. Sabi ko sana uto uto, usually pag ang tao kahit sabihin mo ready to fight…pag may kakaibang naencounter manginginig konti diba at mapapaisip. And so ayon, oh well mauubusan na talaga ako
ng gimik so you have to let me use my wand” sabi ng binata at natawa bigla si Abbey. “Espiritu Sancto engrande illumina” bigkas niya sabay kinurot ang binata. “Ikaw talaga pati ako pinaisip mo. I said wow, he is going to do something amazing” sabi ng dalaga.
“Ay, sorry ha. Alam mo naman na wala ako kwenta sa magic” sabi ni Raffy. “Sira, you were amazing. And look o, top two ka na sa fastest duel times. Five seconds yesterday and today ten seconds” sabi ng dalaga at tinignan nila yung mga magic statistic boards sa main lobby. “But you know naman na I didn’t…” sabi ni Raffy. “Ah shut up ka nga, basta youre amazing. Period. Ano sasabat ka pa?” tanong ni Abbey at napangiti nalang ang binata.
Pagkaalis nung dalawa sakto napandaan si Hilda, Prudencio at Peter. “He is already making a name for himself in the right way” sabi ni Prudencio. “Pero kahinahinala na to kasi the golden boys came prepared for him” sabi ni Peter. “But still nakagawa siya ng paraan. Pero natatakot ako that sooner or later magtatagumpay sila. Raffy will be devastated” sabi ni Hilda. “So ano binabalak mo?” tanong ni Prudencio at napatingin ang principal kay Peter.
“Wala. Maybe its good for him if that happens. I remember a student here before na bilib na bilib siya sa sarili niya. No loses sa duels until one day binalik siya sa lupa ng isang kapwa student, which happened to be his bestfriend. Natanggal ang yabang ng estudyante na yon, that made him change, that made him study harder and he indeed became stronger” kwento ni Hilda at napasimangot si Peter at tumingin sa malayo.
“Wala naman ako naalala na ganon. Peter ikaw ba yon? Wala ka naman talo noon diba?” tanong ni Prudencio at ngumiti lang si Hilda. “That case is different, Raffy is gaining confidence in every win. Pag natalo siya maaring he will lose interest agad” sabi ni Peter. “Tama ka siguro, sino ba naman ang may gustong matalo diba? Lalo na pag nagpapaimpress ka sa girl that you like” sabi ni Hilda.
“So madam ano binabalak mo talaga?” tanong ni Prudencio. “Wala, pag matalo siya e di matalo siya. We just have to be ready to console him. Tama si Peter, the difference with the student before and Raffy is that yung noon malakas na siya. Natalo siya at narealize niya na that there will always be someone no matter how weak that can pull you down. Si Raffy kabaliktaran, aminado siya mahina siya at walang alam. Tignan niyo naman lagi siya nag iisip ng paraan para makalamang sa duel…para manalo to keep Abbey impressed. Pero once natalo siya labis siyang madidismaya at maaring pagdududahan na ang sarili niya. It might break him so we must be ready for that” sabi ni Hilda.
Kinabukasan pagpasok sa magic wall agad napayuko si Raffy. Nandon nga si Abbey para batiin siya pero nandon narin sa gitna ng grounds ang isang golden boy na hahamon sa kanya. “Good morning Abbey” bigkas ng binata sa matamlay na boses. “Parang di ka naman ata masaya na nakita mo ako e” lambing ng dalaga pagkat kita niya ang pagkainis ng binata. “I am happy pero second day na ito na may nag aabang sa akin. I know who that is by the way, yan si Rene, one of Henry’s close friends” sabi ng binata.
“Oh pano mo siya kilala?” tanong ng dalaga. “E kasi si Henry dati manliligaw mo. Siyempre inalam ko sino friends niya just in case ligawan din kita. Usually kasi pag ganon mag aaway ang mga manliligaw e” sabi ni Raffy at napangiti ang dalaga. “Yes that is Rene and he is water magic user. He uses ice knives” sabi ng dalaga at napalunok sa takot ang binata. “Ei im running out of gimiks, can I use the wand?” bulong ng binata. “Yes you can” bulong ni Abbey at agad napangiti si Raffy at sumugod patungo sa gitna ng grounds.
Lahat ng estudyante sa paligid naka suot ng shades kaya natawa nalang si Raffy. “Good morning Rene, ako nalang para di ka mapagod” sabi ng binata at humawak siya sa balikat ng kalaban niya at hinamon ito sa duelo. Inayos ni Rene shades niya sabay naglabas agad ng ice blades habang si Raffy binubuksan ang kanyang polo. Nilabas niya ang isang shiny gold wand na may little star sa dulo. Nanginig mga labi ni Rene at bigla siyang sumabog sa tawa.
Lahat ng estudyante pinagtatawanan si Raffy dahil sa toy fairy wand na hawak niya. Pinailaw niya ito at lalo nagtawanan ang lahat lalo na nung nagbaklabaklahan siya. “Actually may matching hand bag pa ito…pero so you know ginawa ko ito…ayaw ko ng plastic toy…kaya ito gawa sa bakal tapos kinulayan ko!!!” sigaw niya sabay two hands hinawakan yung wand at pinokpok ito ng malakas sa bumbunan ni Rene.
Kinuha ni Raff yang shades ng kalaban sabay sinuot ito. Hinawak niya ang kamay niya sa mukha ni Rene sabay binananatan ng illumina. Napaluhod si Rene sa lupa at gigil na gigil si Raffy sa paghahampas ng bakal na wand sa kanyang kalaban with poise kaya tawa parin ng tawa ang lahat. “Sinabi ko wag na wag niyo ako badtripin sa umaga!!!” sigaw niya sabay tinuhok ang mukha ni Rene at doon natapos ang laban.
Humarap si Raffy sa golden boys at pabaklang nagpacute at nagbigay pa ng blowing kiss sabay kumindat. “Tata” bigkas niya at nag hop skip and jump steps na parang batang babae na pinuntahan si Abbey na nakahandusay na sa sahig at tumatawa.
“Alam mo Teddy pag ganito kabobo mga kasamaa mo mawawalan kayo ng respeto. Tignan mo lahat ng moves ni Raffy pang uto lang at nadadali naman kayo. Sooner or later di na takot ang mga students sa group niyo” sabi ni Diego. “I mean pag naisip ko din yun siguro baka natalo ko din si Rene e. Cant you see I am giving you a chance but youre friends are not capable pala. Yan ba ang kinakatakutan na golden boys?” hirit niya at nanggalaiti sa galit sina Henry, Adolph at Teddy.
Napsugod si Prudencio sa opisina ni Hilda at nagwawala ito. “Did you teach him about the wands?” tanong ng propesor ng ancient magic. “At sa tingin mo gagawin ko yon? Of course not” sagot ng matandang babae. “Why does Raffy have a wand?” tanong ni Prudencio. “Nakita mo ba pano niya ginamit?” tanong ni Hilda at napasugod sa opisina sina Peter, Erwin at Eric na tumatawa.
“O ayan kita mo epekto? Raffy used it as props pang uto. Element of surprise Prudencio. Dapat mabilib ka sa bata at nag iisip siya ng paraan to take advantage” sabi ni Hilda at pati yung matanda natatawa na. “Ah akala ko kasi you were teaching him to use wands. Sorry my bad” sabi ni Prudencio at nagtuloy ang laugh trip ng mga propesor.
After lunch sa canteen lumapit si Henry sa grupo nina Abbey. “Excuse me, nais ko kausapin si Raffy” sabi niya. Dinabog ni Raffy ang mga kamay niya sa lamesa at biglang tumayo. “Oo na oo na dinadaan daan mo pa sa cute voice. Sus paglabas natin hahamunin mo din lang ako. Isuot mo na shades mo at tara na” sabi ni Raffy at kinaladkad si Henry palabas ng canteen.
Tumakbo palabas sina Abbey at Yvonne kasama sina Cessa at Felicia. “Wow youre boyfriend is really pissed huh” sabi ni Cessa. “E pano naman di nila tinatantanan” sabi ni Abbey. “Uy, uy napansin niyo di siya nagreact nung sinabi ni Cessa na boyfriend” landi ni Felicia at natauhan si Abbey at nagpanic. “Gaga di ko narinig” sabi niya at lalo siya pinagtutukso ng mga kaibigan niya.
Sa gitna ng grounds agad nilabas ni Raffy yang wand niya at tinawanan lang siya ng kalaban niya. “Nadaan mo kami sa pang uuto, pero this time ako na ang kaharap mo” sabi ni Henry. “Oh shut the hell up Henry Peste!” sigaw ni Raffy at pinailaw ang wand niya at tinutok sa kanyang kalaban. “Bumenta na yan!” sigaw ni Henry.
“Oh yeah? Bumenta your face!” sigaw ni Raffy. “Illumina ball” bigkas niya at nagulat ang lahat nang may lumabas na maliit na bolang ilaw mula sa wand at mabilis tumama sa dark shades ni Henry na nakatayo ten feet away. Basag yung shades at may isa pang bolang lumabas sa wand, “Illumina ball” bigkas niya ulit at nagsteady yung maliit na bola sa harapan ng mukha ni Henry. “Blind!” sigaw ni Raffy sabay pinikit ang mga mata, ang maliit na bola biglang sumabog ng napakalakas na liwanag.
Nanigas si Henry, lahat ng estudyante nagsigawan sa kakaibang kapangyarihan na pinapakita ni Raffy. Si Teddy at Adolph hindi rin makapaniwala sa kanilang nakikita. Si Raffy sumugod at may maliit na apoy lumabas sa dulo ng kanyang wand. “Why wont you people leave me alone?!!!” hiyaw niya at parang espada ginamit ang wand. Napunit punit ang damit ni Henry dahil sa maliit na apoy. Lumipad sa ere si Raffy at nagpakitang gilas ng twisting double kick na tumama sa mukha ng kanyang kalaban.
Paglanding niya sa lupa, isang super strong side kick naman tinama niya sa tiyan ni Henry at tumalsik ang kalaban sobrang layo. “Leave me alone!!!” sigaw ni Raffy at tinutok ang wand niya sa golden boys na lahat tulala. Sa malapit pati si Abbey at mga kaibigan niya di makapaniwala sa kanilang napanood. Ang mga propesor naglabasan at lahat napatingin kay Hilda. “At sabi mo kanina hindi mo tinuruan. So how do you explain that?” bulong ni Prudencio. “Honestly I didn’t…di ko alam pano niya ginawa yon” bulong ng matanda.
Galit na galit si Raffy pero paglapit niya kay Abbey ay agad siya ngumiti. “Oh good you got my sandwich. Bwisit mga yan kumakain ako e nambabadtrip e” sabi ng binata at agad kinuha ang natirang sandwich niya at kumagat. Nagtilian sina Cessa, Yvonne at Felicia pagkat super sparkling eyes si Abbey na nakatitig sa binata. “Ang galing mo” bulong ng dalaga. “Di naman, uy tara late na tayo for class. Bye girls alis na kami” paalam ng binata at naglakad na sila ni Abbey papunta sa kanilang classroom.
Bago pa sila makapasok ng classroom ay naharang na sila ni Peter. “Principal’s office Raphael” sabi ng guro. “Fine, sige Abbey go ahead sunod ako later” sabi ng binata. “No, im coming with you” sabi ng dalaga at napakamot si Peter at sinamahan yung dalawa.
Pagpasok nila sa opisina ni Hilda nakita nila si Prudencio at ang principal na nagbabangayan parin. “Don’t lie to me Hilda, we cant teach students the wand yet! How did he learn about that e dalawa lang tayo dito ang nagtuturo non?” sigaw ni Prudencio. “Ahem” singit ni Peter at tumigil yung dalawa. “Grandmama did not teach me. Nabasa ko sa ancient section but I did not intend to use it sa laban”
“I just wanted to use it to enhance my magic kasi may balak ako gawin na surprise for everyone on the grand event coming soon” sabi ni Raphael. “The boy is not lying, I know you can sense it” sabi ni Hilda. “Yes I know. Pero iho students are not allowed to use the wands yet” sabi ni Prudencio. “Yes sir I know that. Naubusan na ako ng gimik ko, I cant afford to lose in front of Abbey. They just wont stop kasi” bulong ng binata at niyuko ang ulo niya.
“Pero iho how did you learn the magic that you used?” tanong ni Hilda. “Grandmama hindi naman dapat panglaban mga yon e. Iba po dapat pag gagamitan ko. I cant explain it kasi maspoil yung surprise pero pagdating ng grand event natin I will show it to everyone I promise. And after that you can judge me. Napilitan lang po talaga ako kasi ayaw ko matalo sa harapan ni Abbey. Alam ko hindi rason yon kaya if I need to be punished then tatanggapin ko po” sabi ng binata.
“That will be all iho, you can go back to your class” sabi ni Prudencio at agad umalis yung dalawa. Habang papunta sa classroom binangga ni Abbey ang binata at sinikong pabiro. “So preview ba yon ng surprise mo?” landi niya. “Oo nga e, naspoil ko na ata yung balak ko” sabi ni Raffy. “Hmmm I still have no idea what youre going to do to be honest. Pero bilib ako sa iyo, Illumina ball? Then yung Blind? Ang galing mo sobra” sabi ni Abbey.
“Ei are you saying that just to cheer me up?” tanong ng binata. “Sira, ang galing mo talaga. I was surprised talaga ang galing e, ang cute nung light ball. Tapos nag suspend pa siya sa air then, boom! Naeexcite na tuloy ako sa surprise mo” sabi ng dalaga at guminhawa ang loob ni Raffy pagkat kita niya na totoong proud sa kanya si Abbey. “Oh trust me you will be amazed when you see my surprise” sabi ng binata. “Kahit nga wala pa amazed na ako. Tara na dali” sabi ni Abbey at pumasok na yung dalawa sa classroom.
Samantala sa oposina ni Hilda masaya si Prudencio at di matanggal ang ngiti sa kanyang mukha. “O kanina nagwawala ka at galit na galit” sabi ni Peter. “Oh im very impressed with Raffy. Did you see the shape of that cute light ball? Did you know that light magic is the hardest to control? Oo madali kontrolin yung lakas o hina pero para hulmahin mo sa bolang ganon? And then be able to suspend it in air and make it explode? Wow this boy has potential” sabi ni Prudencio.
“Kahit na simple lang mga magic niya he has control. Si Abbey very powerful pero hirap magcontrol. Raffy is taking advantage of what he has. Kahit illegal ay proud ako sa kanya. He is not determined to use magic to fight, maganda tong motivation niya. Just like the old days, where we used magic to impress. Pasikatan lang sa pagandahan. Nowadays iba motivation ng students, they use it to take advantage sa duels. I cant blame them”
“But Raphael will take us all back to the good times” sabi ni Hilda. “Alam mo na near to impossible yan” sabi ni Prudencio. “Of course he wont be alone, Abbey will always be there im sure…and we will be there to support them” sabi ng matanda.