Sa loob ng isang coference room ng isang office building nagtipon ang kampon ni Gustavo. Ang pinuno hawak ang video recorder at muling pinapanood ang laman nito. Tahimik lang lahat pagkat ramdam nila ang pagkainis ni Gustavo, si Ignacio nagsindi ng tobacco niya at naglakad lakad sa paligid.
Si Charlie hinarap si Deo sabay ngumisi at pasimple sumenyas ng pag gilit sa kanyang leeg. “Youre dead” bulong niya. Napatingin si Deo kay Gustavo, nagkatitigan yung dalawa kaya dumistansya yung ibang kampon pagkat si Gus nanggagalaiti na sa galit. Nagbukas ang pinto at may isang matipunong lalake na naka barong tagalog ang pumasok. “Good morning, sorry I am late” bati ni Santiago at naupo siya at tinitigan ang lahat.
“Okay narinig ko ang balita na nagpunta daw kayo sa Sentro?” tanong niya. “Oo, false alarm…at hindi ko alam bakit ako naniwala sa kutong lupa na ito at anak niya!” sigaw ni Gustavo at biglang hinagis ang video camera sa mukha ni Deo. Bago pa tumama ang camera sa mukha niya ay tumigil ito sa ere kaya naduling si Deo at agad lumihis. “At ano naman ang pinunta niyo doon?” tanong ni Santiago.
Lahat nakatingin sa lumulutang na video camera na lumulutang papunta sa gitna ng lamesa. “Nagpunta kami doon para icheck itong sinasabi nilang malakas na estudyante” sabi ni Ignacio at sumandal si Santiago at nagsindi ng yosi. “And so ano natagpuan niyo?” tanong niya. “Wala! False alarm” sagot ni Gustavo. “O wala ba kayong back up plan sa pagpunta doon?” tanong ni Santiago.
“Meron, nagbalak kami magtalaga ng isang sleeper student. Pero yung estudyante na yon napalaban agad at natanggal yung manipulation spell na nalagay namin” sabi ni Cardo. “Minalas lang kami” sabi ni Gustavo at mabilis na sumugod yung camera sa mukha niya at doon nabasag. “Minalas?!!! Estupido ka Gustavo! Isa ka pa Ignacio. Mga bobo!” sigaw ni Santiago at nagulat yung iba pagkat minamaliit lang nung lalake yung kanilang boss at isang elder.
Duguan ang mukha ni Gustavo pero agad siya ginamot ni Rosella. Tumayo si Santiago at nagtungo sa likod ni Gus sabay sinabunutan ito at pinatingala. “Bastos kang hayop ka! Akala mo kung sino kang iganyan ganyan si boss!” sigaw ni Charlie at binugaan siya ng usok ng yosi ni Santiago. Napahawak si Charlie sa kanyang leeg, hindi siya makahinga kaya bumagsak siya sa sahig.
Tumayo si Rosella at may ilalabas na sanang wand mula sa bag niya pero yung yosi ni Santiago biglang nagbago at naging wand. Tinutok niya ito sa noo ni Rosella, nanlisik ang mga mata ni Santiago, “Muerte…” bigkas niya pero pinigilan siya ni Ignacio. “Santiago!!! Tumigil ka!” sigaw niya sabay tinutukan din ng wand ang mapormang lalake. “At sa tingin mo Ignacio kaya mo ako?” tanong niya.
“Alam ko hindi pero malay mo” sagot ng matanda at natawa si Santiago at huminga ng malalim. “Kailangan respetuhin ang opisinang ito…hindi pwede tumulo ang dugo” bulong niya at hinumpay niya ang wand niya sa ere at biglang sumigaw. “Congelar!” Lahat ng nasa kwarto nanigas at tanging si Santiago lang ang nakakagalaw.
“Ang tigas ng ulo mo Gustavo at ikaw matanda ka! Bakit hindi kayo nag stick sa plano? Mga bobo! Estupido! Ngayon naalerto si Franco, ngayon magkakakaibigan na ulit yung tatlong schools! Binabantayan na kayong dalawa at bawat galaw niyo pinaghahandaan nila! Kung sana nag antay pa kayo, nagtiis, e di sana maayos ang lahat”
“Ngayon bawat kilos niyo bantay sarado. Wala na tuloy kayong silbi sa akin! Isang mali niyo mabubuking na lahat! Okay na sana nung naalerto sila sa banta sa buhay ng presidente. Yun naman ang gusto natin mangyari, pero di ko alam ano iniisip niyo at gumawa pa kayo ng non sense move! Estupido kayo! Mga gunggung! Ngayon kailangan natin mag ingat ng todo!”
“Ngayon ang gusto ko mangyari manahimik kayo! Cardo ituloy mo lang mga eksperimento mo. Nakuha na natin atensyon nila pero sumobra dahil sa estupidong Gustavo at Ignacio na ito. Stick to the plan! Ano pakialam ko kung matatagalan, ang importante magtagumpay. Pag nabalitaan ko may ginawa ulit kayo tandaan niyo ako mismo ang tutugis sa inyo”
“Well in fairness…at least nakita natin ang saklaw ng magiging kalaban natin kung sakali. Hayaan niyo sila magbantay sa presidente. Cardo kilitiin mo pa sila konti para tumibay ang kanilang paniniwala sa maling binabalak natin. Ikaw Gustavo at Ignacio…manahimik kayo! Kung ayaw niyo manahimik ako magpapatahimik sa inyo! Binabantayan na kayo at pag mabuking man itong plano natin…alam niyo na ang mangyayari. Umalis na kayo dito sa harapan ko” sabi ni Santiago at muling nagsindi ng yosi.
Pagkaalis nina Gustavo may dalagang pumasok sa opisina at naglapag ng mga papeles sa harapan ni Santiago. “Congressman smoking is bad for your health” sabi niya. “Catherine talaga concerned lagi para sa akin. Anti stress ko lang ito kasi alam mo na gaano tayo kabusy” sagot ng politko. “Still sir that is not an excuse. Anyway sir mamayang hapon yung feeding program natin” paalala ng dalaga. “How about the funds?” tanong ni Santiago.
“Sir sobra sobra yung sponsors. Ang lakas niyo talaga humatak. Kasi youre a good guy sir so stop smoking para di mabahiran ng dungis image niyo” sabi ni Catherine at agad pinatay ni Santiago ang yosi niya. “Okay so ano nanaman mga tong papeles?” tanong niya. “As usual sir, mga gusto humingi ng donation at scholarships” sabi ng dalaga. “Oh okay, sige pirmahan ko lahat to, importante ang edukasyon. Ah did you check them out? Are they legit?” tanong ng congressman. “Yes sir, I did a background check at totoo lahat yan” sabi ni Catherine.
“O sige approved na lahat to, hay pirmahan nanaman” sabi ni Santiago at sinimulan pirmahan ang mga papeles. “Masyado kayo mabait sir” bulong ng dalaga sabay haplos sa kamay ng congressman. “Catherin please its office hours” sabi ni Santiago at natawa ang dalaga at kinurot ang pisngi niya. “Masyado ka talaga mabait. Sige sir iwan muna kita. By the way who were the people here a while ago?” tanong ng dalaga. “Mga alam mo na, sumusubok manuhol but you know me” sagot ng congressman. “Kaya naman pala mukhang frustrated sila pag alis. Sige sir” paalam ng dalaga.
Lunes ng umaga sobrang init sa campus. Naglibot libot si Abbey at nahanap si Raffy nakatampisaw sa lawa. “Hala ka! May klase pa tayo bakit ka lumalangoy diyan?” tanong niya. “Ang init e. Bakit bawal ba?” tanong ng binata. “Hindi naman pero ikaw palang nakita ko nakagawa niyan” sabi ni Abbey. “I am sure a lot would have wanted to pero takot sila. E ako takot din naman pero ano magagawa ko ang init talaga at kay sarap ng water at inakit ako nung dumaan ako kanina” palusot ng binata.
Sa malayo hinihimas ni Hilda ang noo niya habang tumatawa si Peter. “Diyos miyo manang mana sa ama” bulong ng matanda. “Sabi mo you miss him, o ayan may pumalit na sa kanya” sabi ng guro. “Oo pero ano nanaman sasabihin ng ibang students na hinahayaan nalang natin siya?” tanong ni Hilda. “Okay I get it, ako na bahala” sabi ni Peter at agad siya nagtungo sa lawa.
Sumisid si Raffy at pag ahon niya nagulat siya pagkat nandon na si Peter. “That is enough. Pag naiinitan ka use this” sabi ng guro at naglabas ng isang battery operated fan. “Five minutes pa po sir” hirit ng binata. “Okay then” sabi ng guro at biglang kumulo ang tubig kaya napatalon si Raffy at agad lumabas sa tubig. “Sabi mo okay?” sigaw niya. “Oo nga, o bakit ka umalis?” tanong ni Peter. “E pinakulo mo yung tubig e. Gusto mo ba magkaroon ako ng boiled eggs?” sumbat ng binata at tumalikod si Abbey at natawa.
“Magdamit ka na Raphael” sabi ni Peter. “I cant, my boxer shorts are wet” sagot ng binata at sa isang iglap natuyo ang underwear niya. “O ayan bihis na iho” sabi ng guro. “O baka naman heated underwear ito ha, baka di na ako makapagkalat ng royal bloodline ko sir” banat ni Raffy at nagsuot na ng pantalon niya. “Royal blood ka diyan, sige na bilisan mo bago pa may makakita” sabi ni Peter at biglang nawala.
Habang nagsusuot ng sapatos ang binata pinulot ni Abbey yung polo at nalaglag ang isang toy wand may star sa dulo. Natawa ng todo ang dalaga at pinokpok sa ulo ang binata gamit yung toy wand. “Raffy! Nagbibiro lang ako about the wand” sabi ng dalaga. “Oh I know, wala trip trip ko lang yan no” sabi ni Raffy.
“Ha? You knew na niloloko lang kita tungkol sa wands?” tanong ni Abbey. “Yup, ride on lang ako kasi tuwang tuwa ka e” sagot ng binata. “Uy sorry ha, pinagtritripan lang kita noon nakalimutan ko sabihin that it was just a joke” sabi ng dalaga. “Sus wala yon no, alam mo ba nung binili ko yan…nakita mo sana itsura ni mommy. Siguro akala niya gay na ako kasi may ribbon pa na pink yan no” kwento ng binata at nagtawanan yung dalawa.
“E ano naman balak mo gawin dito at bakit mo dinadala?” tanong ng dalaga. “E di gagamitin. Element of surprise diba? Para sigurado tatawanan ako o di take advantage ulit ako. I really have to prepare for duels lalo na wala pa ako masyado alam. I feel that mauubusan ako ng mga tactics kaya isa yan sa mga surprise attacks ko” sabi ni Raffy. “Pero wala naman na kumakalaban sa iyo lately diba?” lambing ni Abbey. “Yup, emergency lang yan just in case may magbalak. Lapit ka share tayo dito sa small fan kita ko pawis mo” sabi ni Raffy at nagtabi sila sa dulo ng lawa at nagpahangin gamit yung maliit na fan.
Miyerkules ng hapon pagkatapos ng magic class ni Abbey ay nagulat siya pagkat nagwawala si Raffy sa gitna ng grounds. Tumakbo agad ang dalaga at nakita niya nakikipagbangayan ang binata sa kanilang section adviser na si Ivy. “Please teacher please” makaawa ng binata. “Tsk Raphael magagalit si principal sa akin iho” sagot ng guro. “Ito naman killjoy o. Sige na kasi please kailangan na kailangan ko talaga. Konti lang naman e” sabi ni Raffy.
“Ano yon?” tanong ni Abbey at napasimangot ang binata at naglakad palayo. “Mam bakit po yon?” tanong ng dalaga. “Hay naku he wants me to teach him ice magic” sabi ni Ivy at natawa si Abbey. “Kasi pinagalitan siya at pinagbawalan lumangoy sa lawa e. Di pa siya nakakaadjust sa weather dito sa campus natin” sabi ng dalaga.
“Lumangoy siya? Sus manang mana talaga siya sa ama niya” sabi ni Ivy. “Ha? Teacher do you know his dad?” tanong ni Abbey at natauhan ang guro at tumingin sa malayo. “Not really, pero as your section adviser I need to know who your parents are. E balita ko swimmer ata tatay niya. Di ko alam kung siya o iba. Hala baka mali ako. O sige iha I have to go may meeting kami” palusot ni Ivy at nagmadaling umalis.
Sinundan ni Abbey si Raffy sa loob ng library. Nahanap niya ang binata sa ancient magic section kaya agad nagalit ang dalaga. “Baliw ka ba? Bawal tayo dito” bulong niya. “Shhhh…alam ko pero di naman ako nagbabasa ng ancient magic no. Nagtatago lang ako kasi nakakahiya pag nakita nila binabasa ko tong basic magic book” sabi ni Raffy at nakitabi ang dalaga.
“Alam mo sanayin mo nalang body mo sa heat ng campus. Aanhin mo ice magic? Isasaksak mo sa kili kili mo?” tanong ng dalaga sabay tumawa. “Hindi, basta may balak ako gawin di ko pwede sabihin sa iyo” sabi ng binata. “Wait, pano ka nakapasok dito?” tanong ng dalaga. “Hello, di ba all professors are keeping my secret too? E di pinapasok ako ni professor Katya dito. Sabi niya wag daw ako magbabasa ng ancient books. As if naman magbabasa ako ng ancient books, para ano matuto ng dinosaur magic?” banat ni Raffy at nagtawanan sila.
Kita ng dalaga na seryoso si Raffy sa pag aaral ng ice magic kaya iniwan niya yung binata at naglibot. May nakitang lumang libro ang dalaga, kinuha niya ito at dinala sa lamesa. “Hala ka! Sabi ni professor Katya wag magbabasa ng ganyan” bulong ni Raffy. “Duh! Look its not a spell book no. It’s a story book ata or myths about ancient magic” sabi ni Abbey. “Ah okay” sabi ng binata at tinuloy niya yung pagbabasa niya ng ice magic.
“Lookey lookey Raffy, Four Celestial Creatures, Dragon, Phoenix, Tortoise and White tiger o” sabi ni Abbey at napasilip ang binata at ngumiti. “Ano naman daw mga yan? Di naman totoo mga yan e” sabi niya. “Kaya nga mythical book e. Pero look sabi mo these creatures are powerful and possess celestial magic” sabi ng dalaga.
“Hmmm dragon sigurado ko fire yan. Tapos yung Phoenix, tulad sa movie pag namatay siya masusunog siya tapos dun sa abo niya magkakaroon ng egg at dun ulit lalabas yung Phoenix sisiw tapos alive ulit siya. White tiger? Ano ba power niyan? E di nangangagat lang at nag rawr rawr” banat ni Raffy at tawa ng tawa yung dalawa.
“Tapos yang tortoise…hmmm giant turtle yan e…sigurado ko yan yung ninja powers. Kasi pag may kalaban magtatago yan! Bestfriend niyang monkey tapos may ate Sienna yan at kuya Bodjie…tapos kakanta sila ng pagmulat ng mata laging nakatawa sa Batibot” kanta ni Raffy at napahalakhak ng todo si Abbey at pinaghahampas siya. “Hay naku Abbey itigil mo na yang pagbasa diyan kalokohan lang yan” sabi ni Raffy.
“Ay Abbey tapos yang mga tortoise ay ninja turtles din pala tapos tignan mo unggoy pa boss nila si master Splinter” hirit ng binata at napahalakhak talaga si Abbey. “Sira daga yon!” sabi niya. “Ha? Daga ba boss nila?” tanong ni Raffy. “Oo kaya, tapos kalaban nila si master Shredder. Pinapanood ko din yan no” pasikat ng dalaga. “Daga pala yon? Akala ko unggoy, bakit kasi nila ginawang brown, e itim naman yung daga. So the turtle can talk to many animals ha” bulong ni Raffy at halos maiyak na ulit sa tawa ang dalaga.
“Hay naku magbasa ka na nga diyan. Wala ako magawa so babasahin ko nalang tong dragons” sabi ng dalaga. “E pwede ka naman na umuwi e” sabi ni Raffy. “E ayaw ko pa, bakit gusto mo na ako umuwi?” sagot ng dalaga at nagkatitigan sila. “Hmmm nope…dito ka kasi muna Abbey para may kasama ako. Wag ka muna umuwi” balikatd ng binata at muling natawa ang dalaga.
“Jericho Pelaez…lawak naman ng imagination ng taong ito. Oh well basahin ko na nga” bulong ni Abbey. Lumipas ang trenta minutos ay kinalbit ng dalaga ang kaibigan niya. “Look o, magic user possessing dragon powers daw o” sabi niya at napatingin si Raffy. “Ano sabi?” tanong niya. “Basahin mo ang haba e, basta very powerful daw ang dragon magic user” sabi ng dalaga. “E may turtle magic user din ba?” banat ni Raffy at muli sila nagtawanan at pagbuklat nila may tortoise magic user nga kaya super laugh trip yung dalawa.
“I said no reading of ancient magic books” sermon bigla ng isang babaeng guro. “Sorry po maam pero mythical book lang naman poi to o. As if naman may dragon user at turtle user talaga. Pang cartoons at fairy tales lang yan” sabi ni Raffy at agad kinuha ni Katya ang libro. “Kaya nga so stick to the real magic books” sabi niya sabay umalis.
Pag alis ng guro ay nagsimangot si Abbey. “Feeling ko dragon user ako kasi mahilig ako magpaapoy” bulong ng dalaga. “Masyado ka maganda para maging dragon. Ang pangit ng dragon kaya may sungay pa tapos naglalaway” biro ng binata at agad napatingin sa malayo ang dalaga at kinilig. “Basta feel ko dragon ako” bulong niya.
“Psst Abbey…pag dragon ka tignan mo ano ako” sabi ni Raffy at paglingon ng dalaga agad siya natawa pagkat tinago ng binata ang ulo niya sa loob ng kanyang polo. “Turtle ako Abbey” sabi ng binata at nagtawanan ulit sila kaya muli silang napagalitan at pinaalis.
Habang naglalakad palabas ng campus ay di maalis ni Abbey sa isipan niya yung kanyang mga nabasa. “Ei Abbey pag dragon ka e ano kaya ako?” tanong ni Raffy. “Hmmm ako dragon kasi I love fire magic. Pag ikaw…flashlight ka” landi ng dalaga at napakamot ang binata at natawa. “Naman creature pinag uusapan tapos ako flashlight? E kaya ko narin mag small flame ah” sabi ng binata.
“E di yung maliit na lighter na may maliit na flashlight” banat ni Abbey at muli nagtawanan yung dalawa. “Grabe ka ang lakas kaya ng light ko” reklamo ni Raffy. “E di spot light na may lighter” sabi ng dalaga. “Madaya ka, ano ba dun sa mga creature ang naglight? Phoenix diba? Hindi ata pero alam mo may napanood ako cartoons. Yung dragon wings niya may mga tusok tapos naglalabas siya ng strong light. E di dragon din ako” sabi ni Raffy.
“Hmmm…baby dragon kasi small flame tapos kakabitan ng spot light sa likod niya” pacute ni Abbey at natawa si Raffy at muling napakamot. “Pwede na basta dragon. At least may chance magkatuluyan, dragon to dragon o diba?” banat niya at natahimik si Abbey at bigla niya binangga ang binata. “Tapos ikaw na yung gagawing sasakyan ni Santa kasi mas malakas ilaw mo kesa kay Rudolph” landi niya.
“Pwede rin pero mas gusto ko maging liwanag mo sa dilim” banat ni Raffy at napahalakhak si Abbey. “And I will keep the flame burning in our hearts” sabi ng dalaga at napatigil sila sa paglakad at kay bilis nila naglayo ng titig. Tahimik sila naglakad muli at sa taas ng isang puno kinikilig si Hilda. “Di mo bagay masyado ka na matanda” sabi ni Peter.
“Tumigil ka, kahit sa edad ko I can still find love” sabi ni Hilda. “Oo na tara na at lumiko na sila sa kanto” sabi ni Peter at nawala sila at sumulpot sa tuktok ng isang building. Namalagi sila doon pagkat sa may kalsada tumigil sina Abbey at Raffy para kumain ng streetfoods. “Tignan mo sila Pedro, so happy being together. Di nila alam how valuable they are” bulong ni Hilda.
“Abbey knows she has responsibilities with her power” sabi ni Peter. “Yes I know pero kailan mo nakita siya ganyan kalaya? Dati lagi mo siya nakikita being careful, pag umuuwi maingat siya sa surroundings niya. Ayaw niya nabubulaga pagkat baka makalabas kapangyarihan niya. Look at her now, di niya yon iniisip, she is at ease with him” sabi ng matanda.
“Do you think we should tell them already? Para naman mabantayan nila sarili nila?” tanong ni Peter. “No, that would be disastrous at maaring masira normal lives nila. Hayaan mo na silang ganyang masaya. By telling them how special they are will just bring them burden, mapaparanoid sila. Let them enjoy life Pedro, tayo nalang magbabantay sa kanila” sabi ni Hilda.
“Pag nakikita ko sila naalala ko talaga kayong dalawa dati ni Felipe” sabi ng matanda. “Excuse me Felipe and I was strong, we could take care of ourselves. Raffy is different” sabi ni Peter at natawa yung matanda. “Di ka parin nagbabago iho, may angking yabang ka parin. Oo na ikaw yung inborn powerful at talented but Felipe was weak pero siya humila sa iyo pababa ng trono mo remember that”
“Felipe knew his limits, he knew what he was capable of at alam din niya weakness niya. He kept reading and studying and he did not learn magic in the way normal users do. He learnt them in his own way. Ikaw yung kampante na sa kakayahan mo at may sobrang tiwala sa sarili kaya di ka na nagbabasa at nag aaral”
“Look at Raphael, he knows too what he is capable of and he thinks of ways to use that to his advantage to survive. Lagi siya nag aaral, lagi daw siya sa library. Nakukulitan na nga daw yung ibang professors sa kanya lately kasi ang dami niya gusto matutunan. He is trying so hard to impress her. Si Abbey naman kampante na dati pero I saw her alone one time trying to control her powers”
“They have positive effect on each other. Manang mana sa inyong dalawa ni Felipe. Kaya lang kayong dalawang damuho away ng away, bangayan ng bangayan pero sa totoo youre egging each other to be better. Yang mga anak niyo naman ibang approach, the love approach” sabi ni Hilda sabay pabirong siniko si Peter.
“Oo na alam ko nanaman sasabihin mo, pag isa sa amin naging babae baka kami nagkatuluyan ni Felipe” sabi ni Peter at natawa si Hilda. “Exactly. You love Felipe and he loves you too” sabi niya. “Kadiri ka talaga mamita o” reklamo ng guro. “In denial ka pa. But its not the kind of love you are thinking of. You love him as your brother and he loves you in the same way. Ang problema sa mga lalake they show their concern and affection in a rough manner”
“Mga bangayan niyo at laging pag aaway was your version ng paglalambing at bonding sa isat isa” landi ni Hilda at tinakpan ni Peter ang mga tenga niya. “Pero mga anak niyo…girl and boy…alam mo pag isa talaga sa inyo ang naging babae ganyan din kayong dalawa. Look how sweet they are to each other” hirit ni Hilda at kumakanta na si Peter para hindi marinig ang boses ng matanda.
“Pero buti nalang pareho kayong lalake…or else wala sila…”
“Live teleserye in the making ang love story nila…wag tayo kukurap”