Meet the Parents

5000 Words
Isang Lunes sumapit ang dismissal tumambay sina Abbey at Raffy sa hallway ng building nila. Kunwari nagtatawanan habang inaantay magsialisan ang ibang estudyante. Ilang saglit pumasok sila sa isang classroom at nagbungisngisan yung dalawa. “O just like last Friday ha” sabi ng dalaga. “Of course” sagot ng binata sabay naghubad ng kanyang pantaas. “Wala ka na bang technique na iba? Masyado mahirap kasi yung ginagawa mo” sabi ni Abbey. “E yun lang kasi nabasa ko e, di ka ba comfortable?” tanong ni Raffy at nakaramdam siya ng batok sa ulo at pagsakal sa leeg. “At ano naman ang ginagawa mo kay Abbey?” tanong ng boses ni Peter. “YayaPete…I cant breath” bulong ni Raffy at nagpanic si Abbey pagkat hindi niya makita yung guro. “Ano ang gagawin niyo dito ni Abbey?!” tanong ni Peter. “Maglalaro ng apoy” banat ni Raffy sabay ngumisi at lalo siya sinakal ng guro. “Daddy Stop it!” sigaw ni Abbey at nagulat ang binata. “Maglalaro ng apoy ha” sabi ni Peter. “Daddy! Isa! Itigil mo yan!” sigaw ng dalaga at napaluhod sa lupa si Raffy at naghahabol ng hininga. Nagpakita na si Peter at galit na galit nito tinitigan ang kanyang anak. “Anong naglalaro ng apoy? Bakit siya naghuhubad?” tanong niya at napahalakhak si Abbey. “Ei,bakit daddy ang tawag mo sa kanya? Ikaw gaya gaya ka porke tinatwag kong grandmama si grandmama nakikitawag ka naman lola. Ngayon yung yaya ko tinatawag mong daddy. Ano ka Pinoy teleserye, yung hardinero pala yung ama chorvah chorvah?” tanong ng binata. “Raffy he really is my dad” sabi ni Abbey at napahaplos sa noo si Peter. “I told you not to tell anyone that. We have been protecting this secret tapos kay dali mo sinasabi sa kanya?” bulong ng guro. “Daddy,its okay. At no we are not doing anything naughty here. I am teaching him fire magic” paliwanag ng dalaga. “See told you naglalaro kami ng apoy” sabi ni Raffy at muli siya binatukan ni Peter sa noo. “E bakit ka naghuhubad? At ano yung techniquetechnique na yan?” tanong ng guro. “Kasi dad nagbasa siya ng old magicbook as in super old magic book” sabi ni Abbey. “Opo and its in Spanish but my lola taught me how to speak Spanish pero di ko maintindihan masyado” sabi ni Raffy. “I know that book at walang nakalagay doon na maghuhubad ka. Ano yung technique na sinasabi mo?” tanong ni Peter. “Yun na nga maghubad ng damit, ah pantaas lang naman sir. Para maka flow maigi yung aking magical energy na siguro hinaharang ng aking clothes” paliwanag ng binata. “Abbey nung naghubad siya ng pantaas nakapagpaapoy siya?” tanong ni Peter. “Ah yes dad” bulong ng dalaga at bigla siya piningot ng guro. “E kasi ikaw yung nagpapalabas ng apoy!” sigaw ni Peter at agad tumalikod yung dalaga at pasimpleng tumawa. “Totoo bang ikaw yung tatay niya?” pacute ni Raffy. “Oo at wag mong ipagsasabi. Walang kinalaman paghuhubad mo sa magic. Magdamit ka nga, ako magtuturo sa iyo” sabi ni Peter at agad nagdamit si Raffy pero agad ngumisi. “Teach me two” sabi niya. “Anong two?” tanong ng guro. “Fire and invisibility” sabi ng binata at bigla siya binatukan ng guro. “Invisibility tapos may ngisi ka sa mukha?” tanong ni Peter. “Dad ako din turuan mo ako” sabi ni Abbey. “Ah pati ikaw nakangisi? Kayong dalawa bata pa kayo ha, gusto niyo ba paghiwalayin ko kayo?” banta ng guro at napayuko si Raffy. “Sir di naman po ako ganon e. Abbey said may trust issues siya. Sabi niya she does not trust me that much yet. I am trying to gain her full trust so I wont do anything stupid” “Dito sa school tatlong tao lang pinagkakatiwalaan ko ng lubos, yes I trust all professors pero tatlo lang talaga yung labis ako nagtitiwala. Si Grandmama, kayo po tapos si Abbey. I wont do anything bad to your daughter, if you want you can cast me a curse, tulad dun sa movie ba. Kung may ginawa akong masama sa kanya that curse will kill me agad” bulong ng binata. Napabuntong hininga si Peter at naupo, “Abbey first, mas madali ka turuan then you can help me teach Raffy” sabi niya kaya agad naupo ang dalaga habang ang binata pinagmasdan ang mukha nung mag ama. “Totoo bang mag-ama kayo?” bulong niya at tumaas ang kilay ni Peter. “Okay tatahimik nalang ako…pero totoo ba?” hirit ni Raffy at natawa si Abbey. “Oo! Gusto niyo ba matuto o hindi?” tanong ni Peter at sumandal ang binata at tinakpan na bibig niya. “What I am about to teach you is one of the higher level magic, taught only to those true and noble at heart. Invisibility does not mean removing yourself from the earth plane. You are just going to hide from sight. Hindi madali gawin ito so focus. For beginners mauubos talaga magic niyo so you will really get tired” sabi ni Peter. “Opacity,that is the key word and you have to go beyong transparent. Alam mo na magbago ng anyo diba? So it’s the same. Istead of changing colors you really go opaque and transparent anak. Sige try mo” sabi ng guro at nagfocus si Abbey at talagang pinagmamasdan siya ni Raffy. Ilang segundo lang lumabnaw ang kulay ng dalaga at sobrang natuwa ang binata. “Sige pa Abbey! Malapit na o, right now multo ka na” sabi ni Raffy at natawa ang dalaga at bumalik siya sa dating anyo. “Hay naku sabi ko kasi focus e. Ikaw naman iho wag kang magpapatawa. Come on anak one more try” sabi ni Peter. “Buti pa kayo no, nakaka bonding kayo na ganyan. I mean may something in common kayo so you can spend time with each other” bulong ng binata. “Sana ganyan din kami ng dad ko” hirit niya at naawa yung dalawa sa kanya. “Karatista din naman tatay mo ah” sabi ni Peter at nagulat si Raffy. “How did you know karatista tatay ko?” tanong niya at napalunok ang guro. “Of course magaling kang karatista so sigurado nagmana ka sa kanya” palusot niya. “Kung fu fighter yon sir, ako Taekwondo, magkaiba yon. Mommy ko walang sport pero siya yung super black belter namin at pareho kaming takot sa kanya” sabi ni Raffy at nagtawanan yung tatlo. “E yung lolo mo iho?” tanong ni Peter. “Rocker yon tulad mo, pero bihira kami magkita. Judge siya kaya lagi siya busy kahit nung nagretire na. Yung sa mother side ko naman di ko rin nakikita…so I somehow miss them kaya pag may matanda tawag ko agad grandmama or grandpapa, tulad ni grandmama Hilda” paliwanag niya at lalong naawa yung mag ama sa kanya. “Forget the sad stories iho, alam mo naman sa school kami ang second parents niyo” sabi ni Peter. “Oh I know dad” landi ng binata sabay nag beautiful eyes kaya natawa nanaman si Abbey. “Bakit mo ako tinatawag ng dad?” tanong ni Peter. “Sabi mo second parent, e di dad tawag ko sa iyo” sabi ni Raffy. “Pwede namang tito diba?” hirit ng guro. “Pwede rin naman, ganon naman sa simula tapos magiging dad in the end” sabi ng binata. “Pwede din naman na daddy e…tapos si Abbey sister mo” sabi ni Peter sabay ngisi. “Ano kami twins? Magkaedad kami kaya. Ano siya yung lumabas sa tiyan tapos ako yung singaw?” banat ng binata at napahalakhak si Abbey. “Hindi ampon ka” sabi ni Peter at nagsimangot yung binata, “Sinasayang mo oras namin, turuan mo na kami” sabi niya. Sa pangatlong subok medyo nakukuha na ni Abbey pagkat di na nakikita ang mga kamay niya at paa habang ang katawan ay malabnaw. “Practice nalang iha, oh now ikaw ano gusto mo unahin natin?” tanong ni Peter. “Apoy!” sigaw ng binata sabay tumawa na parang demonyo. Isang oras ang lumipas at nanlaki ang mga mata ni Raffy nang nakapagpalabas siya ng apoy sa dulo ng kanyang hintuturo. Si Peter at Abbey pagod na pagod sa pagtuturo at pag iintindi sa kakulitan ng binata. Bungisngis si Raffy na tumayo at nagtungo sa isang wall. Humarap siya doon sabay yung hintuturo niya tinapat niya malapit sa kanyang pwet. “At ano naman ang ginagawa mo?” tanong ni Peter. “Gusto ko lang malaman kung flammable talaga ang utot” sabi ni Raffy at super laugh trip ang mag ama. “Come on iho its getting late, turuan na kita nung invisibility” sabi ni Peter. “Okay…wala din ako iuutot, pag pinilit ko baka iba mangyari” sabi ng binata at muling naupo. “Okay game…wait wait…” sabi ni Raffy at nilabas ang hintuturo niya at nagpalabas ng apoy. “I can do magic” bulong niya na parang nang aakit. “Oo na oo na patayin mo na yan” sabi ni Peter at pinatay ng binata ang apoy pero pinasindi ulit. “I can do magic…be afraid…be very afraid” hirit niya at halos maiyak na sa katatawa si Abbey. “Ikaw ang maging afraid” sabi ni Peter at naglabas ng bolang apoy sa kanyang palad kaya agad nagbehave ang binata. “Okay iho, nakikinig ka naman kanina so it’s the same process” sabi ni Peter. “You can call me anak din if you want” banat ni Raffy at tinakpan ng guro ang mukha niya mga kamay niya. “Aabutin tayo bukas pag ganyan ka” bulong niya at sumabog sa tawa si Abbey pagkat nagpaapoy nanaman si Raffy at nilalapit sa nakatakip na mukha ni Peter. “I can do magic” palanding bulong niya ulit. “Hindi ka ba titigil?!” sigaw ni Peter. “Dad…pagbigyan mo naman na siya o. Cant you see kahit simple lang nagagawa niya happy na siya. Intindihin mo naman o” sabi ni Abbey at nakonsensya si Peter at nakitang nakayuko sa hiya ang binata. “Nagugutom ako, diyan muna kayo at magbonding” sabi ng dalaga at lumabas ng classroom. Sampung minuto ang lumipas at nakabalik ang dalaga, wala parin improvement si Raffy kaya inabutan niya ito ng brownies. “It is clean?” tanong ng binata. “Yes its clean, I washed it” sagot ng dalaga at nagtawanan yung dalawa. Nakitawa din si Peter pero biglang nanlaki ang mga mata niya at tinuro ang kamay ng binata. “Bakit dad?” tanong ni Abbey. “Raphael…nasan yung brownies mo?” tanong ni Peter. “Eto o” sabi ng binata at lahat sila nagulat yung mag ama pagkat wala naman hinahawakan ang binata. “Youre holding it diba?” tanong ni Abbey. “Oo kaya, naka drugs ba kayo?” tanong ni Raffy. “Iho, nagawa mong invisible ang brownies mo” sabi ng guro at natawa ang binata. “Kayo talaga o niloloko niyo ako to cheer me up” sabi ni Raffy. “Ayan o nakikita ko naman” hirit niya sabay pinagpipisil pa yung brownies. Naglabas ng mirror ang dalaga at tinapat sa kamay ni Raffy. “Tignan mo kasi” sabi niya at pagtingin ng binata ay wala yung brownies sa salamin pero nandon naman ito sa kamay niya. “Aha! Magic mirror yan e!” sabi niya. “Iho, tignan mo yung brownies, are the edges shiny?” tanong ni Peter. “Yes, why is it shiny?” tanong ng binata. “Kasi nagawa mo talaga siyang invisible. Pag naging invisible ka makikita mo parin sarili mo pero you are a bit shiny. Tulad niyang brownies mo” paliwanag ng guro at nanlaki ang mga mata ng binata. “That is not a magic mirror?” tanong niya. “Nope, nagawa mo talaga Raffy” sabi ni Abbey at sasabog na sa tuwa ang binata pero nagpipigil. “Bakit hindi ko magawa invisible katawan ko tapos itong brownies kaya ko?” tanong niya. “Iho malaking improvement na yan considering kapapasok mo palang sa school na ito” sabi ni Peter. “Hmmm are you saying that my batchmates cant do this?” tanong niya. “Kaya siguro pag tinuro sa kanila pero that is really high level magic and nagawa mo” sabi ng guro at biglang tumayo si Raffy at tumawa. “Pag kinain ko ba ito invisible din tae ko?” banat niya at nagtawanan ang mag ama. “Oo pero pag umutot ka may kulay na” sabi ni Peter at napatingin sa kanya yung dalawang estudyante. “Joke!” pahabol niya at sumabog sa tawa yung tatlo. Sa sobrang katuwaan di nila namalayan na alas siyete na pala ng gabi. Nilabas ni Raffy phone niya at agad siya pinigilan ng guro. “Iho bukas na, wag mo na itry diyan. Late na o at gutom na si Abbey so we have to go home” sabi ni Peter. “Oh I know…hello mommy magdidinner diyan teacher ko at asawa niya tapos kasama si Abbey” sabi ng binata at nagulat yung mag ama. Pagpatay ng binata ng phone, “Iho wag na, bad idea, and look wala dito yung mommy ni Abbey” sabi ni Peter. “Aysus naghanda na mommy ko, sir kawawa ako pag hindi kayo dumating sa house. Baka bukas dumadalaw na kayo sa lamay ko” sabi ng binata at nagkatinginan yung mag ama. “Raphael iho wag nalang, kausapain mo nalang mommy mo” sabi ni Peter. “Sige pero magpractice na kayo kumanta. Malilimutan ba ng ina, ang anak na galing sa kanyaaaa” birit ng binata at napatawa nanaman si Abbey. “Tapos paki sabi naman sa parents ko na gusto ko violet yung kabaong ko, tapos ayaw ko ng barong ha” banat ng binata. “Fine, mauna ka na sa inyo at susunod kami” sabi ni Peter. “Tapos pakisabi na mahal na mahal ko sila, then kayo na bahala magsabi sa school ha” sabi ni Raffy. “Oo pupunta kami! Susunudin lang namin asawa ko at magbibihis kami” sabi ng guro at tinapat ang daliri niya sa noo ng binata at tineleport ito pauwi sa kanila. Naging busy si Raphael at Violeta sa paghahanda ng pagkain. “Ang tagal naman ni daddy umuwi. Dapat nandito din siya para makilala teacher ko at si Abbey” reklamo ng binata. “Anak naman biglaan to, and youre dad is in a meeting kaya di siya sumasagot sa phone niya. Kung sana nakaplano ito e di sigurado umuwi siya ng maaga” paliwanag ng nanay niya. Tumunog ang doorbell at tumakbo ang binata papunta sa kanilang pintuan. “Mommy dali come here naman!” sigaw niya. Sabay nila binuksan ang pinto at ngiti agad ni Abbey ang sumalubong sa kanila. “Mommy, this is Abbey, her dad sir Peter and her mom…di ko pa alam name kasi ngayon ko din lang nakita” pakilala ng binata. “Oh by the way ito pala mommy ko si Violeta” pahabol ng binata. “Pasok kayo” sabi ng nanay niya at lahat sila naupo sa salas. “Mommy ko si Abigail” sabi ni Abbey. “Oh hello, teka lang ha, tatapusin ko lang niluluto ko. Give me ten minutes, sorry wala pa husband ko may meeting kasi sila but he will arrive on time don’t worry” sabi ni Violeta. “Nasan yung mga trophy mo? Patingin nga” sabi ng dalaga. “Ah dito halika ginawan ako ni daddy ng trophy room, sir, madam sama din kayo if you want” sabi ni Raffy at dinala niya si Abbey sa maliit na kwarto malapit sa kitchen. Bumalik agad si Violeta sa salas at naupo, “Long time no see” bulong niya. “Oo nga e, your house changed so much from the last time we were here” sabi ni Abigail. “Its been fifteen years” sabi ni Peter at nagngitian yung tatlo. Narinig nila ang isang kotse sa labas ng bahay kaya biglang kinabahan si Peter. “Siya na yan ano?” tanong niya. “Oo siya na, ito naman o I am sure he will be happy to see you too” sabi ni Violeta at nagtungo sa pinto para buksan ito. “Sorry im late, meeting e” sabi ni Felipe na yumakap sa asawa niya at humalik. “Love, I have a surprise” sabi ni Violeta at hinila ang asawa niya papunta sa salas. Tumayo si Peter at nagkatitigan yung magbestfriend. “Pedro” bigkas niya. “Felipe” sagot ni Peter at agad nagyakapan yung dalawa. “Hoy daddy may gusto ka ba aminin? Boys do shake hands only” sabi ni Raffy at napabungisngis si Abbey. “Oh my God, is that Abbey?” bulong ni Phil at agad niya nilapitan ang dalaga at niyakap. “Ahem daddy…distansya” bulong ng binata at pinaghiwalay yung dalawa. “Oh come on pwede na siguro yung naluto ko, come on everyone sa dining table” sabi ni Violeta at halos hindi mapaghiwalay si Peter at Philip. Pagkaupo ni Peter ay agad siya niyakap ni Raffy mula sa likod at bumulong. “Sir wag magbanggit ng magic magic” bulong niya at natawa ang guro. “Of course iho” sagot ni Peter at nagets agad ni Abbey. Ang di nila alam magkakakilala talaga ang kanilang mga magulang at alam nila ang lahat. After dinner nagpakitang gilas si Raphael at siya naghugas ng mga plato at sinamahan siya ni Abbey. Si Violeta at Abigail sa salas naupo at tinignan ang baby album ni Raffy habang ang magbestfriend sa garden namalagi at nag inuman konti. “Fifteen years, ang bilis ng panahon…pero pare bakit ka nagpahaba ng buhok. Ako dati ang long hair e” sabi ni Phil. “Tribute to you pare, you saved my life. Pag hindi sa iyo wala sana si Abbey” bulong ni Peter. “Dramatic actor ka talaga pare, so kwentuhan mo naman ako tungkol sa anak ko. Is he good?” tanong ni Phil. “Good? Pare he is just like you” sabi ni Peter at nagtawanan yung dalawa. “So my son is awesome huh, seryoso pare kumusta siya sa loob. What can he do? Wala akong idea e” sabi ni Phil. Humawak si Peter sa kwintas niya at nagkatitigan yung dalawa. “He can remove this and reconnect it” sabi ni Peter at nagulat si Phil. “Oh my God…he has my powers?” tanong niya. “Its seems so pero pare wala siyang magic trace, as in zero” sabi ng bestfriend niya. “Ha? Wala? How can he do magic if he has no magic trace? Imposible naman ata yan” sabi ni Phil. “Trust me pare natanggal niya ito, hinawakan niya lang. That is why natakot ako kasi baka umapaw kapangyarihan ko at may makadetect. At that point nagpanic kami ni Hilda at binalak ka namin ipatawag pero nakabit ulit ni Raphael” paliwanag ni Peter at biglang natuwa si Phil. “Wow, so he is going to be like me huh” sabi niya. “Pare alam mo naman si Abbey nagmana sa akin, we had to come to you before tinanggalan ka nila ng magic” “Kinabit mo yung kwintas niya at malaking tulong talaga pagkat hindi pa siya nahahalata” sabi ni Peter. “Parang nagdududa ka pa sa kapangyarihan ko pare. I told you I will protect you two. So nagmana anak mo sa iyo at nagmana ang anak ko sa akin. Parang history repeating itself lang no?” sabi ni Phil. “No pare, they have something greater than us” sabi ni Peter at muli sila nagkatitigan. “What do you mean greater? Boyfriend girlfriend sila? Natural dalawa tayo lalake ano gusto mo isa sa atin sumanib sa federasyon noon?” banat ni Phil at nagtawanan yung dalawa. “Walanghiya ka kadiri ka, manang mana sa iyo anak mo sa kalokohan” sabi ni Peter. “Pero pare ilan na talo niya?” tanong ni Phil. “Wala pa pare” sagot ng bestfriend niya at napatayo si Phil at muling naupo. “Wag kang magbibiro ng ganyan, alam ko ayaw mo lang sabihin sa akin ang bad news” sabi niya. “Seryoso ako pare, wala pa siya talo at lahat ng tinalo niya were really strong students” sabi ni Peter at napatalon talaga si Phil sa sobrang tuwa. “My God how is that possible?” tanong niya at kinuwento ni Peter ang lahat ng naging laban ni Raffy at kita niya na sobrang masaya ang kanyang bestfriend. “But pare there is something you should know. One day naglelesson siya sa grade one magic subject.He blinded his classmates, si Romina and himself with Illumina” kwento ni Peter at natawa si Phil. “Kalokohan na yan, may mabubulag ba sa illumina?” sagot niya. “Yan din sinabi namin e,one duel I didn’t mention. He used that same illumina and it paralyzed his opponent. Now that student cannot do magic kasi may punit yung magic body niya. Raffy paralyzed him using illumina then he punched him and kicked him to submission. Pare the magic body of that student was severely injured and ripped” sabi ni Peter at napahawak si Phil sa dibdib niya. “Just like me…I cant do magic anymore” bulong niya. “Are you listening to what I am saying?” tanong ni Peter. “Oo di tulad mo ako yung palabasa at may nabasa na ako tungkol diyan sa ancient magic section. Cursed dragon illumina, where the wings of the dragon absorb the sun’s light and likewise has the ability to reflect that same light whenever it chooses to.It is used by the dragon to blind and paralyzes then to give them time to rip them apart. Loko ka sinasabi mo naman may dragon magic anak ko” sabi ni Phil sabay tumawa. “Our children have it. Abbey has the body and your son is the wings” sabi ni Peter at napailing si Phil.“Wag mo ako biruin ng ganyan pare. Alam mo napaka imposible niyan. Only once in one hundred years pwede lumabas ang dragon magic user at alam mo tayong dalawa yon. Its impossible for them to have the same power we have” sabi niya. “Totoo yang sinabi mo pare pero nagbasa din ako lately, its true that dragon magic users only come out every one hundred years” “Yan ang kasabihan sa normal dragon magic user. Di mo ba nabasa?” tanong ni Peter at biglang nanlaki ang mga ng kaibigan niya. “Sabi sa libro dragon magic users cannot co-exist at the same time. If the user lives beyond one hundred years the dragon leaves them and goes to the chosen next wielder” bigkas niya.“But sabi sa book that there was a time that the dragon magic user were killed by dragon magic user” “Contradicting? Hindi dapat, kasi yung pumatay sa dragon magic users na yon ay cursed dragon magic users. Simple logic pare, if it was a myth then how did the author of that book write about its powers? O sabihin natin he made it up pero pano sumakto yung illumina ni Raffy sa illumina ng cursed dragon wing user? Sabi sa libro ang apoy ng cursed dragon ay kakaibang apoy. Apoy na labis ang sunog at kay tagal humupa” “When Abbey was grade one she burned the school clinic accidentally. Ngayon may new clinic tayo sa school pero pare…di lang building yung nasunog, nagkabutas pa yung underground…fifty feet deep and it kept burning for one month kaya after one month pa namin bago napatayo yung bago” “No one connected her power to a dragon kasi nga they know tayo yung dragon magic users at imposible magkaroon siya. Akala namin lahat its just a mutation of my power plus Abigail’s power kaya ganon kalakas. So binantayan siya ng lahat at tinuruan maigi” kwento ni Peter. “So our children are in big trouble”bulong ni Phil at nag aalala. “No pare they are safe. Sino ba mag aakala na may cursed dragon users talaga? And look pare, yung nauna sa atin, si Jericho Pelaez, he was a single person. He never found his wing. Pati yung nauna sa kanya ganon. We were lucky we found each other…that is why nung nalaman nila may dragon user…they didn’t expect there was two…separate body and wing…and you sacrificed yourself at inamin mo ikaw yon” “You sealed my magic from them. Tignan mo napaniwala sila. They don’t know, kasi it never happened nagtagpo ang wing at body. And you know the wing cannot exist without the body that is why nagsakripisyo ka. The mere fact di nila alam mga ganyan ano pa kaya yung legendary or mythical cursed winged dragon user?” sabi ni Peter. “But who else knows?” tanong ni Phil. “Lahat ng mapagkakatiwalaan lang. Lahat ng prinoktehan mo, kami mga professors. Pare kita mo sana gaano kaexcited ang lahat lalo na si Prudencio at mamita Hilda” kwento ng bestfriend niya. “Wow di ko alam kung matutuwa ako or kakabahan sa news mo pare. What if they find out? Binabalak pa sana namin ni Violeta magbakasyon sa ibang bansa” tanong ni Phil at matagal natahimik si Peter at nagdadalawang isip kung sasabihin na niya yung pagbisita nina Gustavo at Ignacio. “Pare, relax ka lang.Yung school wala na sana ngayon kung di dahil sa iyo. Buhay ko, buhay ng anak ko at pamilya ko wala na rin siguro pag hindi ka nagsakripisyo. You have done so much, you deserve to enjoy life pare after what happened. Sa tingin mo ba papabayaan namin si Raffy? I promise you babantayan ko siya at aalagaan” sabi ni Peter at nagkamayan yung dalawa. “Sayang no, sana may magic parin ako para maturuan ko mismo anak ko” bulong ni Phil. “Sus ako bahala, pare youre son will learn from the strongest wizard, me! Mas mabuti ako magturo para lalo siya gumaling no” pasikat ni Peter at napangisi si Phil. “Ah ganon? May angking yabang ka parin hanggang ngayon baka gusto mo nanaman turuan kita ng leksyon” sabi niya at natawa si Peter at ngumisi din. “Ows? You have no magic” landi niya at sabay tumayo yung dalawa pero si Peter biglang na groggy. “Wala nga pero mautak parin ako,daldal ka ng daldal kanina pa di mo napapansin ang lalaki ng tagay ko sa iyo.At hello nasa labas tayo you cant use magic” bawi ni Phil. “Walanghiyaka…teka…if I remember correctly bago ka inalisan ng magic you cast a spell here around your house…I can use magic and they wont detect it” sabi Peter. “Di mo bagay ang long hair, mukha kang bading. Di mo keri, mas bagay ko yan. Since may long hair ka…sabunutan nalang kita!” sigaw ni Phil sabay tumawa ng malakas at sinabunutan ang bestfriend niya. Nagkagulo talaga yung dalawa kaya nagpanic sina Raffy at Abbey na tumakbo sa salas. “Mommy!Si daddy nakikipag away. Lasing na ata sila” sumbong ng dalaga. “Sus hayaan mo sila, ganyan talaga sila no” sabi ni Abigail. Napatigil sina Abbey at Raffy, nagkatitigan sina Abigail at Violeta. “Oh what she meant to say was ganyan talaga ang male bonding. Hayaan niyo sila, Alak lang yan, in the morning magtatawanan lang mga yan” sabi ni Abigail. “Pero ma! Si daddy…you know baka…you know” sabi ni Abbey. “Hush iha,hayaan mo na sila” sabi ni Violeta at nagbungisngisan yung dalawang nanay. “Hindi parin sila nagbabago” bulong ni Abigail. “And I thought nagmature na si Felipe, nagkita lang sila para nanaman silang bata” sagot ni Violeta at naghalakhakan yung dalawa. Nagtungoyung dalawang bata sa pinto ng garden at pinanood ang bangayan ng kanilang mga tatay. Nagsasakalan yung dalawang ama nila pero nagtatawanan kaya gulong gulo ang isipan nung dalawa. “I know they just met pero parang matagal na sila magkakilala no?” sabi ni Abbey. “Kaya nga e. Maybe we should stop them now” sabi ni Raffy kaya sumigaw yung dalaga. “Daddy!” Sabay napatingin sina Peter at Phil at sabay pa sila sumagot. “Yes anak?” kaya nagtawanan yung dalawang bata. “Bakit ka sumagot e anak ko yan?” tanong ni Peter. “Sinasanay ko lang siya, ganon din lang itatawag niya sa akin in the future” banat ni Phil sabay tumawa kaya sinakal ulit siya ng bestfriend niya. Bungisngis si Raffy at dahandahan niya tinignan si Abbey. “Dika ata nagreact sa sinabi ng dad ko” tanong niya. “Bakit ako magrereact e usapang lasing lang naman yan. Tara sa loob” sabi ng dalaga at pagtalikod niya agad sya ngumiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD