Sa loob ng isang mall isang Sabado nag aantay si Diego sa harapan ng isang toy shop. May dumating na isang matandang lalake at agad binati ang binata. “Hello Diego did you wait too long?” tanong ni Gus at nagulat si Diego pagkat nagbago ang anyo ng matanda. “Nagpalit kayo ng face sir?” tanong niya. “Oh yes kasi alam mo mahirap na baka may makakilala sa akin. So before we buy your toys iho tara kain muna tayo at ipakita mo sa akin ang mga video na nakuha mo” sabi ni Gus.
Sa loob ng isang restaurant kumain yung dalawa at pinakita ni Diego ang maliit niyang video camera. “Sir nahirapan ako kumuha ng video kasi bawal naman po magdala ng ganyan sa school” sabi ng binata. “I understand iho, pag magaganda tong kuha mo mas madami akong ireregalo sa iyo” sabi ni Gus at sabay nila pinanood ang laman ng video camera.
“He is really good tito Gus, tignan mo ang bibilis ng laban o” sabi ni Diego at napasimangot ang matanda at wala naman siyang nakikitang kagalingan. “Tapos eto po yung latest he can heal” sabi ng binata at nanlaki ang mga mata ni Gus. “Oh wow…oo nga no” bulong niya. “Kita mo yan tito ang galing niya no? Pero tito hindi ko talaga masense magic level niya kahit na Diamond rank na siya” sabi ni Diego.
“Diamond? Diamond rank siya? Are you sure?” tanong ni Gus at tinuro ni Diego ang nameplate ni Raffy sa video. “Ayan o tito, diamond rank” sabi niya at lalo naintriga ang matanda ang tinuloy ang video. “Hahaha diamond rank tapos Illumina?” tanong ni Gus pero agad nagtakip ng mata si Diego at napasigaw ang matanda at nabitawan ang camera pagkat pati siya nabulag sa liwanag.
“Ano yon!?” sigaw niya sabay ginamot ang kanyang mga mata. “Sorry tito di ko nasabi, at that point nahimatay ako ulit kasi biglang nang tumaas magic level niya pero sabi nila lahat daw nabulag pero nung makakita na sila ay bagsak na si Jerome at tapos na laban. Thirty seconds lang daw ata tito e” kwento ni Diego at hinihimas ni Gus ang mga mata niya at di makapaniwala sa kakaibang kapangyarihan na pinakita ni Raffy. “Ano daw tawag niya sa power na yon?” tanong niya. “Titwa daw po” sabi ni Diego at natawa ng todo ang matanda.
“Iho excuse me may tatawagan lang ako. Order anything you want” sabi ni Gus at lumabas siya ng restaurant at nilabas ang kanyang cellphone. “Hello Ignacio may nais ako ibalita sa iyo na makakatulong sa plano natin” bulong niya sabay ngumisi.
“Nyeta ka! Sabi ko wag kang tatawag dito sa linyang ito!” sigaw ng matanda sa kabilang linya. “May makapangyarihan na estudyante sa sentro” sabi ni Gus at huminahon si Ignacio. “Gano kalakas?” tanong niya. “Nakuha ko din atensyon mo. Ngayon ko lang tinawag pagkat gusto ko makasiguro, malakas na malakas siya at apo siya ni Franco” sabi ni Gus. “I see. Ano naman binabalak mo?” tanong ni Ignacio.
“Mukhang kailangan mo bisitahin ang iyong kaibigan at kumuha ng impormasyon tungkol sa apo niya. Pero wag kang magpapahalata. Pakiramdaman mo muna siya tapos balitaan mo ako para makagawa tayo ng sapat na plano” sabi ni Gus. “Sige, bigyan mo ako ng hanggang mamayang gabi” sagot ni Ignacio.
Sa isang pribadong subdivision may isang itim na SUV biglang tumigil sa tapat ng isang malaking bahay. Bumaba ang isang matanda na nakatungkod at dahan dahan nag inat. “Ignacio?” tanong ng matandang babae na nagaayos ng mga halaman. “Esmeralda! Ako nga” sagot ng matandang lalake. “Oh my, Franco! Franco nandito si Ignacio!” sigaw ng matandang babae.
Ilang segundo lang nagbukas ang pinto ng bahay at may matandang lalake na may mahabang puti na buhok at lumabas. “Ignacio? Panyero! Long time no see!” sigaw ni Franco na agad nagtungo sa driveway. Nagkamayan yung dalawang matanda at nagyakapan sabay nagbuntalan ng dibdib. “Di ka parin nagbabago Judge Franco Gonzales, hanggang ngayon long hair ka. Buti di ka napagsasabihan ng ibang mga hurado?” tanong ni Ignacio.
“Retired na ako panyero, ikaw kumusta sa States? Balita ko e big time na mga anak mo don ah” sabi ni Franco. “Baka naman gusto mo ako papasukin at paupin, di na tayo bata Franco” biro ng kaibigan niya at nagtawanan yung dalawa. “O teka may dala akong mga pasalubong, ang paborito mong…alak” bulong ni Ignacio at bungisngis yung dalawa. “Hoy narinig ko yon! Sige ngayon lang naman” sabi ni Esmeralda at pumasok yung tatlo sa bahay kasama ang mga body guard ni Ignacio.
Sa salas nag inuman ang magkaibigan, “Mas gusto ko parin ang buhay dito Franco. Sa States iba ang buhay don. Mga anak ko sixteen hours pag magtrabaho para lang gumanda ang buhay. Saka na ako babalik don pag magka apo na ako” sabi ni Ignacio. “Siya nga pala kumusta na anak mo? Yung apo mo din?” hirit niya at nagsimangot si Franco at napatingin sa isang picture frame kung saan buhat buhay niya si baby Raffy.
“Yan yung last na nakita ko apo ko” sabi niya. “Bakit? Di sila dumadalaw?” tanong ni Ignacio. “Hindi, as usual alam mo na. Di siya sang ayon sa napangasawa ni Felipe” bulong ni Esmeralda. “I see. You don’t miss your apo panyero?” tanong ni Ignacio. “No, not at all. Wag na natin pag usapan yan panyero at iinit lang ulo ko” sabi ni Franco.
Pagkalipas ng isang oras umalis na si Ignacio. Pagkalayo ng SUV ay agad pumasok yung mag asawa sa loob ng bahay. “They already know” sabi ni Franco. “Di naman siguro” sabi ng asawa niya. “Alam na nila, pumunta si Ignacio dito para manguha ng impormasyon. Di ko alam ano binabalak nila” sabi ng matandang lalake. “So ano gagawin natin ngayon?” tanong ni Esmeralda.
“Its too early to tell pero kailangan natin maghanda. How did they find out about Raffy?” bulong ni Franco. “Maybe we should tell Felipe and Violeta” sabi ni Esmeralda. “Hindi pa, if we do that lalo sila maghihinala. Feeling ko nagdududa pa sila. I need to call Ricardo and Hilda” sabi ni Franco.
Pagsapit ng gabi sa loob ng isang jazz lounge natipon tipon ang mga matatandang lalake. “I spoke to Franco this afternoon at wala silang contact sa pamilya niya. Matigas ulo talaga ng matandang yon” sabi ni Ignacio. “So he does not know about Raffy?” tanong ni Gus. “Binanggit ko palang ang sama na ng itsura niya” sabi ni Ignacio. “Yun din sinabi ng mga agents natin, ni dalaw, tawag, o sulat wala” sabi ni Charlie.
“Tsk tsk tsk, so ibig sabihin nito di natin magagamit pang blackmail yang bata” sabi ni Gus. “But if we can get him to our side sigurado ako valuable weapon siya” sabi ni Bert. “At gaano ka nakakasiguro na malakas nga yan? Baka yang pinakita mong video ay hanggang doon nalang. We have to test him for ourselves” sabi ni Ignacio. “Tama ka, bata pa yan. Unstable pa siya so kailangan natin itesting yan tapos pag totoo nga makapangyarihan siya gawin natin lahat para sumanib siya sa atin” sabi ni Gus.
“The problem is how do we enter the school?” tanong ni Charlie at napasimangot sila lahat. “Alam ko bago lang ako dito pero may I suggest that you approach the Institute?” sabi ni Deo at lahat napatingin sa kanya. “I don’t think that is a good idea, di na natin sila mauuto like last time” sabi ni Gus. “Ah…what if may concerned parent na lumapit? To tell them that the school has accepted a non magic user? Diba sabi ng anak ko he senses no magic in Raffy” hirit ni Deo.
Napangiti si Gus at pinagtuturo si Deo. “Hmmm I like you. Ikaw lalapit sa kanila to complain. An investigation will commence, we all know that Raffy did not come from the North school too so this is a really good idea. The institute will be forced to conduct an on the spot inspection and makakapasok tayo” sabi ni Gus.
“Isnt it easier to kidnap him outside?” tanong ni Bert at bigla siya binatukan ni Charlie. “At sa tingin mo pag totoong malakas yang bata walang nagbabantay sa kanya na guardian? Ano gusto mo mabulaga tayo at mapalaban kung saan madedetect ng Institute at mapapahamak tayo? Mag isip isip ka nga” sermon niya.
“Gentlemen huminahon kayo. This will be the plan. We enter the school with the institute. If they find out na guilty yung school, Hilda will be explelled at papalitan siya…im sure damay din sina Ricardo at Lani pagkat kakutsaba sila. Then their replacements will come from our side and we take over the school”
“Now if that happens we say we let Raffy stay at turuan siya ng maayos” sabi ni Gus. “And what if they don’t find them guilty? What if lang naman” tanong ni Bert. “Then mag iiwan tayo ng isang espiya sa loob na magkukumbinsi kay Raffy na tumiwalag at the same time…nababalitaan ko may mga bigating estudyante sila tulad nung Teddy na yon at grupo niya”
“So it’s a win win situation” sabi ni Gus. “Pano ka magpapasok ng espiya e napaka strikto ng paaralan na yan. They can detect an outsider” sabi ni Deo. “Not if our spy is one student of theirs…not your son…masyado siyang childish…si Cardo na bahala don” paliwanag ni Gus.
Lunes ng hapon sa underground entrance ng paaralan may dumating na mga bisita. “Diosdado what a surprise. Why are you here?” tanong ni Hilda. “Hilda nice to see you again but we have received a complaint from one parent. Bilang pinuno ng Institute kailangan ko mag imbestiga so will you let us in” sabi ng matandang lalakeng na may puting buhok at makapal na salamin.
“Anong klaseng inspeksyon? At bakit kahinahinala ang iyong mga kasama?” tanong ni Hilda. “Will you just let us in. May nagfile ng complaint alleging that you have enrolled in this school a non magic user” sabi ni Diosdado. “Very well, guards papasukin sila” sabi ng principal pero ang sama ng tingin niya sa mga kasama ni Diosdado.
Nagtipon sila sa isang conference room at agad sinabi ng pinuno ng Institute ang complaint. “So is it true or not?” tanong niya. “Oh I am sure you are talking about Raphael Gonzales. Halika dalawin natin ang bata” sabi ni Hilda at lahat sila nagtungo sa elementary campus kung saan nagklaklase si Raffy.
“As you can see Diosdado the boy is learning basic magic. Would you like me to call him?” tanong ni Hilda. “Yes, lets have him examined by our own magical physician if you don’t mind” sabi ni Diosdado at pinatawag si Raffy at dinala siya sa clinic kung saan inexamine siya ni Cardo. “Oh akala ko ba si Jude and official doctor niyo? Sino naman yan?” tanong ni Peter na kararating lang.
“Para walang bias kumuha kami ng outside consult. To be fair” paliwanag ni Diosdado. Habang ineexamine ang binata ay pinagmasdan ni Hilda ang mga kasama ng pinuno ng Institute. “Elder Ignacio its nice to see you again. Gustavo…alam niyo pag walang complaint iisipin ko you came to take over our school. And Gustavo I cannot say the same because I really wished I would never see you again” banat ni Hilda.
“Please Hilda, wag mo nanaman ungakatin ang issue of yesterday. Trabaho lang ito at may nagfile talaga ng complaint” sabi ni Diosdado. “Since this was a bit of a serious matter sumama ako, wala naman ako ginagawa” sabi ni Ignacio. “I come in peace Hilda” bigkas ni Gustavo. “Sabi mo e, go ahead examine the boy all you want. I will be at my office if you need me” sabi ni Hilda at umalis na sila ni Peter. “Teka baka gusto mo mamalagi dito?” tanong ni Diosdado.
“Hindi na, to be fair lang para wala kayo masabi na may tinatago kami. At aayusin ko pa yung mga papeles para sa diretso ko na ibibigay sa iyo yung request for salary increase namin. Para wala kang rason ulit at sasabihin na hindi mo nakita yung request namin” sabi ni Hilda sabay ngumisi. “If you like you can come with me and leave your doctor to the examination, mag antay nalang kayo sa conference hall for some refreshments” hirit niya kaya lahat sumama at naiwan si Cardo.
Isang oras ang lumipas at pumasok si Cardo at Raffy sa conference room. “The boy is normal. His magic levels are of a normal teenager” sabi ng doctor at napatayo si Gustavo. “Are you sure? Check again!” sigaw niya. “I already checked six times” sabi ni Cardo at napakamot si Raffy. “Ano ba meron?” tanong niya. “Okay so everything seems to be normal then” sabi ni Hilda.
“Not just yet, why is he wearing a diamond rank nameplate?” tanong ni Gustavo at tumayo si Hilda at nilapitan ang binata. “This one? Oh this is a fake one. Late bloomer si Raphael. Only this year niya nalaman na may magic powers siya. So what do you expect? Pag aralin namin siya sa grade on in all of his classes? Take note we are an academic school too”
“This boy has graduated normal high school, alangan na balik grade one siya dito. In terms of magic yes he is grade one level only. Ano gusto mo dumaan sa kahihiyan tong bata? My God common sense Gustavo. That is why we had to tell a lie, he is a regular Junior in terms of academics pero in terms of magic he takes grade one classes. Nakita niyo naman kanina” paliwanag ni Hilda.
“And why did you say he came from the North?” tanong ni Ignacio at biglang may kumatok sa pinto. “Excuse me po madam may mga bisita pa” sabi ni Eric at nagulat si Hilda pagkat yung dalawang dean ng other schools ang dumating. Si Ernesto Tibayan ang dean ng Norte at si Janina Del Carmen ang dean ng South magic school. “Oh perfect timing” sabi ni Gustavo at ngumisi.
Pumasok si Ernesto, isang matandang lalake na namumuti na ang buhok pero masculado ang katawan. “Grandpa!” sigaw ni Raffy at sumugod. “Raphael?” sagot naman ni Ernesto at yumakap ang binata sabay sinikmuraan ang matanda. “That is for kicking me out of your school” sabi ng binata sabay nagtago sa likod ni Hilda. Tulala sina Diosdado, Gustavo at Ignacio sa nangyari.
Napaubo si Ernesto at tumawa habang hinihimas ang tiyan niya. “Loko loko ka parin talaga Raphael” sabi niya at muling lumapit si Raffy at sinaksak ang daliri niya sa ilong ng matanda. “Oh look grandpa I can do magic now” bulong niya sabay ngisi. “Raphael! Behave!” sigaw ni Hilda at napayuko si Raffy at muling nagtago sa likod ng matanda.
“Wait! Are you saying this boy really enrolled in your school Ernesto?” tanong ni Diosdado. “Yes nung summer pero hindi siya fit sa standards namin kaya pinatapon namin siya dito, no offense meant Hilda” sagot ng matanda at halatang dismayado sina Gustavo at Ignacio. “Raffy kindly go out at mag uusap usap kami, this might get ugly iho” sabi ni Peter at pumasok narin sa kwarto sina Erwin at Eric paglabas ng binata.
“If he is a grade one level magic user then how do you explain his duel wins? Balita ko magagaling at gold rank lahat ng tinalo niya” sabi ni Gustavo sabay ngumisi. “Oh yes indeed. May potential yung bata, let me tell you that he is a Taekwondo champion too. Whatever he lacks in magic skill he compensates with his brain. Mautak siya at dinadaan niya sa element of surprise”
“I remember his first battle, he just ran and ran. Nagpahabol talaga siya hanggang nakaisip siya ng paraan para magulo isip ng kalaban niya. Eto panoorin niyo nalang kaya. Eric please” sabi ni Hilda at pumalakpak si Eric at sa isang dingding may video nagplay. “This is the first battle of Raffy” sabi ng propesor at lahat nanonood.
Pagkatapos ng video napapalakpak si Diosdado, “All physical attack, mautak nga tong batang to ha” sabi niya. “And another video” sabi ni Eric. Napanood ng lahat ang laban ni Raffy kung saan nabutas ang dingding ng gym at muling napapalakpak ang pinuno ng Institute. “He knows about the gym right? Alam niya di pwede gumamit ng magic doon. Mahusay siya ha” sabi niya.
“With that medyo takot na higher ranks na kalabanin siya. Plus nakakatulong yung fake diamond rank niya. Of course madami talaga gusto sumubok kalabanin siya, natural galing siya sa Norte e. Ernesto dapat matuwa ka dahil hindi binibigo ni Raphael ang pangalan ng school niyo. We all know how kids are, pag alam nila galing ibang school gusto nila talaga subukan, its school pride” sabi ni Hilda.
“How about the latest battle? Nagpasabog daw siya ng malakas na liwanag. Hindi basic magic yon” sabi ni Gustavo at natawa si Hilda. “Wow Gustavo do you have a spy in our school?” sabi niya. “Well are you avoiding the question?” tanong ni Ignacio at napangiti ang principal. “Malinaw na magkasabwat kayong dalawa. Eric please play the video.
Sa video kita si Raffy nagpalabas ng simpleng ilaw sa palad niya sabay sumabog ng napakalakas na liwanag. “Yan! How do you explain that?” tanong ni Gustavo. “Patience Gustavo, Eric please play the other video first” sabi ni Hilda at pinakita sa video ang bangayan ni Raffy at Teddy kung saan lumapit ang batang si Kimmy at nagflash ng dirty finger. Sunod na eksena kasama na ang buong grade one students na gumaya kaya natawa si Diosdado. “Hilda you should teach your kids manners” sabi niya.
“Its not her fault, sure ako si Rapahael yan” sabi ni Ernesto. “E ano naman kaugnayan niyan sa tanong?” sabi ni Ignacio. “Eric please show the next video” sabi ni Hilda. “Now this is the same battle but taken from another surveillance camera. If you will notice by the trees there are kids…Raffy’s classmates…all doing the Illumina magic. Sa dami ng kids sumabog talaga ang malakas na liwanag at agad pinatay ang video.
“As you can see napamahal na si Raffy sa kanila. Nung nakita nila mapapaaway kuya nila they tried to help with the magic that they only know” sabi ni Hilda. “Hoy hindi pwede makialam ang sinuman sa isang duelo” sabi ni Gustavo. “Yes I know, but the kids do not know that. At hindi naman nila naapektuhan si Jerome, ang natamaan nila ay yung crowd. Eric again please the final video” sabi ni Hilda.
Kita sa video ang putol na segment kung saan nakasuntok na si Raffy at nakasipa hanggang matumba si Jerome. “Ayan, physical attacks, yes Raffy did use Illumina at tinawanan lang siya nung kalaban niya. He took advantage and there you go another win. We did not bother to explain about the strong light anymore to the students para lalo gumanda ang cover ni Rapahael. Its for his own safety” paliwanag ni Hilda at dismayado na talaga sina Gustavo, Cardo at Ignacio.
May malakas na pagsabog ang narinig mula sa campus grounds. Lahat napatakbo sa bintana at nakita nila ang isang estudyante nakahiga sa lupa at umuusok ang katawan. Katatapos lang ng isang duelo at panalo si Teddy pero pansin ang labis pag iling ni Cardo. “Kung wala lang dito si Diosdado kanina pa kita hinamon Gustavo” bulong ni Peter kaya agad humarap si Ignacio. “I guess we better go, Gustavo and Cardo” sabi niya at agad nawala yung tatlo.
Pinagdikit ni Eric ang mga kamay niya at pinikit ang kanyang mga mata. “We are safe they are out of the campus already” sabi niya kaya nakahinga ng maluwag si Hilda. Lahat naupo at nagkatinginan, “I know you don’t trust me because of what happened years ago. Patawad talaga” sabi ni Diosdado at biglang lumuhod siya at nagmamakaawa. “You all know bagong upo ako bilang pinuno noon. Siyempre gusto ko magpakitang gilas at kay daling naniwala sa pag uuto nila. I am so sorry” bulong niya.
“Tumigil ka nga Diosdado. We all know that. Sit down” sabi ni Hilda. “I came because there was a formal complaint…and I expected them to come kasi tinawagan ako ni Elder Franco” sabi niya at nagulat ang lahat. “Pati ako he called me up” sabi ni Janina. “Of course you know he called me up too” sabi ni Ernesto.
“Yes Elder Franco called us all up. He warned us of this” sabi ni Hilda. “And yes Diosdado he told me about you crying for his mercy years ago so we can trust you since he trusts you” sabi ng matanda. “Naman dapat di mo na sinabi yon” bulong ni Diosdado at nagtawanan ang lahat. “Ernesto maraming salamat, maraming salamat talaga” sabi ni Hilda.
“Hilda just like Diosdado, ito na pagkakataon para humingi kami ng tawad. Nauto din nila kami noon” sabi ni Ernesto. “Oo Hilda, I am really sorry. This time we know better who to trust” sabi ni Janina. “Tama na nga yang old issue, we have current issues to tackle at now we know sino ang magkakasama, Elder Ignacio at Gustavo” sabi ni Hilda.
“Diosdado there were several attempts on the life of the president, magic users ang may sala” sabi ni Hilda. “Yes I know and hindi nag alarm sa Institute so napasok na kami. Nag iingat na ako sa bawat galaw ko at hindi ko pinapakita that I know. That is why when Ignacio approached me sumama ako agad para ipakita nila that there is nothing wrong”
“I will be needing the best fighter graduates, one from you each. Papalitan ko security details ko. I have to be protected before I make a move and cleanse the Institute. I can justify the changes, sasabihin ko para walang bias towards one school kaya kukuha ako one from each. Let them send applications para legal na paraan at hindi sila magduda” sabi ni Diosdado.
“How serious is this problem?” tanong ni Janina. “Very serious, they have managed to manipulate non magic users and turn them into magic users. The two attacks on the president, they used them. Take note president of the Philippines ang tinarget for their test” sabi ni Hilda. “How sure are you siya lang? Maybe hindi tayo aware nasubukan na nila sa ibang tao, nakafocus tayo masyado sa high profile personalities. Don’t you think nagtry sila sa common people bago nag level up sa president?” tanong ni Ernesto.
“Tama ka, Diosdado can you research on that?” tanong ni Hilda. “I cannot make any surprise moves maghihinala sila remember?” sagot ni Diosdado. “Eric do some research on unusual abductions or crimes. Send out operatives to investigate them and ask witnesses if they found something unusual” utos ni Hilda. “Teka how did you two manage to make Raffy normal?” hirit niya.
“Ahem, I did a magical scan on a male student that resembles Raffy’s physical attributes. I recorded it and Eric did the rest” sabi ni Erwin. “Madam, gumamit po ako ng magical electronic patches na dinikit ko sa katawan ni Raphael. This patches will simulate that same magical body that Erwin recorded. Its good that Cardo did not do a physical scan on Raffy or else makikita niya yung mga patches. All he did was a magical scan therefore ang nakita niya lang ay yung simulation” paliwanag ni Eric at pinalakpakan yung dalawa.
Nagbukas ang pinto at pumasok si Raffy. “Grandmama! Did I pass? Officially enrolled na ba ako?” tanong niya. “Oh yes iho, you passed and congratulations” sabi ni Hilda at nagsisigaw sa tuwa ang binata pero agad nilapitan si Ernesto. “Sir, sorry po pala kanina. Narinig sa utak ko from sir Peter that kayo yung dean kaya sorry po talaga. I just had to do what I had to do” bulong niya at napatayo si Ernesto at hinimas ang ulo ng binata. “Its alright iho, just promise me you become the greatest wizard ha” sabi ng matanda.
“Sorry I cant, second best siguro po kasi si Abbey yung magiging first. She is stronger than me” sabi ng binata at agad tinakpan ni Peter ang bibig niya. “Okay iho you can go at may pag uusapan pa kami” sabi ni Peter at habang inaaalalayan lumabas ang binata biglang pumasok naman si Teddy. “Madam, you were right. They manipulated one student. You asked me to be alert and so I found that student and beat him in a duel. I made sure that the manipulation spell was cut” sabi ng binata.
“Thank you Teddy, as agreed ako mismo maglalakad nung usapan natin” sabi ni Hilda at nagpaalaam na ang binata at lumabas. Pagkabalik ni Peter ay napakamot si Ernesto, “Officially enrolled?” tanong niya. “We had to lie to the boy. We told him that the Institute will be coming to check on him to approve his enrollment” sabi ni Hilda.
“Bakit kailangan pa gawin yan?” tanong ni Janina. “Because he does not know that his grandfather and father are great wizards” sabi ni Hilda. “Franco never mentioned that, basta sabi niya may apo siya dito” sabi ni Diosdado. “So how did that boy enroll here then?” tanong ni Ernesto at napangiti si Hilda. “Because of a girl, it’s a cute story” sabi ni Hilda at kinuwento niya ng buo ang nangyari.
Napangiti ang lahat at lalo nila naintindihan ang mga pangyayari. “But still he should know” sabi ni Ernesto. “I told Franco I will tell him pero wag daw. He is right, it should be them na magsabi kay Raffy. Let the boy learn in his own pace and with his own motivation. Mahihirapan ang bata if he learns that his grandfather is an elder and his father a great wizard. Can you imagine the pressure if ever malaman niya?” tanong ni Hilda.
“Yes I do understand. Mahihirapan siya talaga if he learns he has big shoes to fill up. Let it stay that way then” payo ni Janina. “At baka maging revenge ang motive niya after he learns what happened to his father” sabi ni Ernesto. “And we all know revenge is not a good motivation to learn. It will just bring hate and chaos. Let Raffy learn through love and in due time bahala na sina Franco at Felipe magpaliwanag sa kanya” sabi ni Hilda at napahaplos sa noo si Peter.
“So ladies and gentlemen, we have a serious problem at hand. Para hindi sila maging suspicious we have to move discreetly. I do not know yet who I can trust at the Institute pero makakaasa kayo kakampi niyo ako. We know two of the enemies pero hindi natin alam if may ibang kasama pa sila. I know you have loyal fighters, tell them to get ready”
“If the need arises let them fight, ako na bahala sa justification at licenses if needed. I have to go, kailangan niyo maiwan dito at pag usapan ang inyong mga kilos at meetings. I must not be here so that just in case they scan my mind wala ako maibubulgar sa kanila. Do what you all have to do and please hindi ako fighter, I really need a security group that I can trust” sabi ni Diosdado at agad siya naglaho.
Nagtinginan ang tatlong matatanda at napailing si Hilda. “He knows that he is the first target” sabi niya. “Indeed, its common sense. Before the enemies will make a big move itutumba muna nila ang head ng Institute pag hindi nila kakampi ito” sabi ni Janina. “And you all know when the Institute goes down isusunod narin tayo mga school heads” dagdag ni Ernesto.
“For sure they are going to target us” sabi ni Hilda at nagkatitigan yung tatlo.