Magkasama si Raffy at Abbey sa lawa ng recess at pinapanood nila sa malayo si Felicia at isang member ng golden boys na nagbabangayan. “Sino yung kaaway ni Felicia?” tanong ng binata. “Ah yan si Jerome, matagal nang suitor ni Felicia. Nabasted na many times but he is so makulit” kwento ng dalaga. “Like Henry?” landi ni Raffy at natawa si Abbey. “Yes like Henry” sabi niya.
“Oh teka bakit parang malala na away nila? Look he looks really mad” sabi ni Raffy pagkat nakikita at naririnig nilang sumisigaw na si Jerome. “Masyadong prangka kasi si Felicia minsan. For sure may nasabi nanaman yan. Don’t worry she can handle it, palaban din yan no just watch” sabi ng dalaga at si Felicia naman ngayon ang nagsisisigaw at nagduduro sa dibdib ng binata kaya natawa si Raffy. “Para siyang lion, very scary” bulong niya at nagtawanan yung dalawa.
“Alam mo ang sarap sarap nitong strawberry cupcakes. Bakit wala akong nakitang ganito dati sa canteen?” tanong ni Raffy at sarap na sarap siya kumakain. “Di naman binebenta yan diyan e. I baked them for you” sabi ni Abbey at nagulat ang binata at napailing sa tindi ng kiliti na nararamdaman sa tiyan. “For me? Wow, bakit naman?” tanong ng binata. “Kasi one month ka na dito sa school and youre still alive. Sabihin nalang natin na celebration ng buhay mo” landi ng dalaga at muli sila nagtawanan.
Sa malapit magkakasama sina Hilda, Prudencio, Peter at Erwin at patagong pinapanood yung dalawa. “Sino magbabantay sa kanila ng tanghali? Oy Hilda dapat extra pay ito ha” sabi ni Prudencio. “Para tayong stalker nila” bulong ni Erwin. “Pwede ba wag na ako kasama? Geez anak ko yan e at napaka awkward naman na naririnig ko sila being mushy mushy anone” reklamo ni Peter at nagtawanan sila.
“We are here to avoid accidents just in case Abbey loses control of her powers. I need you here kasi you can easily kill her flames. Si Erwin just in case may madamay na students at si Prudencio naman bahala just in case she emits her dragon power” paliwanag ng matanda. “So far so good naman e, nothing has happened” sabi ni Peter.
“Yes kasi pareho sila kinikilig. The emitted flames of Abbey are being killed by Raffy’s winds” paliwanag ni Hilda sabay adjust sa suot niyang special red glasses. “Patingin nga, madaya ka talaga dapat sinabi mo para pati kami nagsuot ng ganito” sabi ni Prudencio. “Oy bagong gawa ni Eric yan, special glasses to detect their dragon powers” sabi ng matandang babae.
Pagsuot ni Prudencio ng glasses agad siya namangha. Kita niya ang lumalabas na mga apoy sa katawan ni Abbey pero pinapatay sila ng mistulang hanging na galing naman sa katawan ni Raffy. “Oh marvelous sight…grabe so the legend is really true…pwede na ako mamatay at this moment” bulong niya sa naiiyak na boses. “Ayaw mo ba sila makitang mag evolve?” landi ni Hilda. “Okay Lord disregard what I said” banat ni Prudencio at muli sila nagtawanan.
Kinabukasan pagpasok ni Raffy sa magic wall, matamis na ngiti ni Abbey ang agad sumalubong sa kanya. “Clothes change?” pacute ng dalaga. “Yes please” sagot ng binata at sa isang iglap naka uniform na si Raffy pero agad niya kinapa ang pwet niya. “I wont do that anymore to you” sabi ni Abbey at natawa ang binata.
Naglakad yung dalawa pero may sumulpot na dalawang estudyante agad sa sentro ng grounds. Si Jerome hinamon si Felicia para sa isang duelo kaya napatakbo yung dalawa. Sobrang bangis ni Jerome at walang patawad na pinagpapalo si Felicia gamit ang isang nagbabagang asul na bat. Naglabasan narin ang mga propesor pagkat hindi na pangkaraniwang duelo ito at sobrang nakakawawa si Felicia.
“Hoy tama na babae yan!!” sigaw ni Raffy at susugod na sana pero pinigilan siya ni Abbey. “Hindi tayo pwede makialam sa duel” sabi ng dalaga at tumutulo na luha niya. “How about the professors?” tanong ng binata. “Pati sila di pwede makialam” bulong ng dalaga at bigla ito nanginginig sa galit. May kakaibang nararamdaman si Raffy at umiinit ang buong paligid.
“Abbey calm down” sabi ni Peter na biglang sumulpot sa tabi nila kasama si Hilda. Nagulat si Raffy nang nagliliyab na mga mata ng dalaga, “Abbey I said calm down” ulit ni Peter. “Ei Abbey…tahan na” bulong ni Raffy sabay hinaplos ang kamay ng dalaga at humupa ang mga apoy sa mga mata nito.
Natapos ang duelo at tumatawa ng malakas si Jerome habang naglalakad palayo. Agad sumugod si Abbey at Raffy sa tabi ng bagsak at sugatan na si Felicia. Ang binata agad humawak sa pisngi ni Felicia at sa isang kamay nito. Nanginginig sa galit si Abbey pero tuloy tuloy lang ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata.
“Ei Abbey…gets ko…I feel your anger but you cant show it kasi something bad will happen” bulong ng binata. “Yeah” sagot lang ng dalaga. “Calm down Abbey…ako nalang” sabi ni Raffy pero nagulat ang dalawa at biglang napatayo at tinuro siya. “What? What did I do?” tanong ng binata at lumapit din sina Hilda at Peter na gulat na gulat. “How are you doing that iho?” tanong ng matanda.
“Ha? Doing what? Oh hala uy Abbey wait, normal reaction to diba? Pag may naaksidente you have to make alalay or make haplos the face to let them know they are in safe hands na. Uy walang meaning ito promise” sabi ng binata. “Raffy…look” bigkas ni Abbey at naglapitan narin ang ibang estudyante at namangha sa pag gamot ng binata kay Felicia.
Ang mga sugat ng dalaga sa mukha dahan dahan nawawala at ilang segundo pa ay nagising si Felicia na wala nang bakas sa katawan ng matinding duelo. “Good morning” bigkas niya sabay tumayo at nag inat. Nanatiling nakaluhod si Raffy at pinagmasdan ang mga kamay niya. Lumuhod sa tabi niya si Abbey, Hilda at Peter at pinagmamasdan siya. “I did that?” bulong ng binata. “Yes..you healed her” sabi ni Abbey.
“Excuse me! Excuse me! Padaanin niyo ako dali!” sigaw ni Erwin pero nagulat siya nang makitang nakatayo si Felicia. “Ayos sinong nagpatawag sa akin? Hindi magandang biro ang nagsasabing may naaksidente or lubhang nasugatan. Bad joke!” sigaw ng propesor. “No Erwin, she was severely wounded a while ago but Raffy healed her” sabi ni Hilda at nagpalakpakan ang mga estudyante pagkat hindi tinuturo ang ganong level ng mahika sa kanila.
Lumuhod si Erwin at pinagmasdan ang mga kamay ni Raffy. “I didn’t teach him” bulong niya. “How did I do that?” tanong ni Raffy. “Wow so mukhang kaya mo pa pala huh” sabi ni Jerome na lumapit muli kay Felicia. Ihahawak na sana ng binata ang kamay niya sa balikat ng dalaga pero mabilis ito nahawakan ni Raffy at tinapat sa kanyang balikat. “Ako nalang kaya” bigkas niya at dahan dahan nag atrasan ang mga estudyante.
“Wag kang nakikialam sa di mo away Karne Norte!” sigaw ni Jerome. “Babae lang kasi kaya mong labanan?” tanong ni Raffy. “Sabi ko wag kang pakialamero masyado!” bulyaw ng kalaban niya sabay naglakad palayo. “Ei Abbey, does everyone know the soothing spell?” tanong ni Raffy. “Yes, its basic magic” sagot ng dalaga. “How long will it take?” hirit ng binata. “Five to ten seconds” sagot ng dalaga.
“Just enough” bulong ni Raffy at napatingin siya kay Hilda. “Do what you have to do iho” bulong ng matanda at hinila niya si Abbey at Peter palayo. Naiwan sa sentro si Raffy at huminga siya ng malalim. “Jerome! Duwag! Babae lang kaya mo labanan!” sigaw niya. Humarap si Jerome at naglakad pabalik, humawak siya sa balikat ni Raffy sabay hinamon ito sa duelo.
Naglabas ng tatlong dark shades si Hilda at sinuot agad yung isa sabay binigyan ng tig isa sina Peter at Abbey. “Bakit lola?” tanong ng dalaga. “Suot mo iha…by the way its going to take beyond ten seconds to heal what he is going to do” sabi ng matanda at agad sinuot nung dalawa ang shades nila.
Si Jerome nilabas muli ang kanyang nagbabagang bat habang si Raffy huminga ng malalim at hinarap ang kaliwang palad niya at pinikit ang mga mata niya. “Illumina” bulong niya at agad umilaw ng dilaw ang palad niya at natawa ang kanyang kalaban. Ang simpleng liwanag sa palad ni Raffy biglang nagsabog ng napakalakas na liwanag kung saan nabulag pansamantala ang lahat ng nanonood. Parang liwanag ng araw ang lumabas mula sa palad ni Raffy, si Jerome sobrang nagsisigaw at kinakapa ang kanyang dinadaanan.
Napuno ng sobrang ingay ang grounds ng sigawan ng mga estudyante, bagsak sila lahat sa lupa at nakahawak ang lahat sa mga mata. Tanging sina Hilda, Abbey at Peter ang natirang nakatayo at kitang kita nila ang pagsugod ni Raffy patungo kay Jerome. Isang side kick sa tiyan at agad napakuba si Jerome habang hawak niya mga mata niya. Isang malakas na upper cut, sunod ang right and left straight punches sa dibdib lalo nagpahina sa kanya.
Nakatayo parin si Jerome pero parang lasing na pagewang gewang. Si Raffy galit na galit at tumalon sa ere habang pinapaikot ang kanyang katawan. Twisting kick na solid na tumama sa kaliwang bahagi ng ulo ni Jerome. Tutumba na sana siya pagbagsak ni Raffy sa lupa pero ang binata hindi pa tapos ang gigil. Tumalon ulit siya sa ere at nagtwist pakabila naman, mas malakas na twisting kick tumama sa kanan na mukha ni Jerome na nagpatumba na sa kanyang ng tuluyan.
Nagamot na ng mga estudyante ang kanilang mga mata at ang una nila nakita ay si Raffy nakatayo sa tabi ng bagsak na si Jerome. “Impressive” sabi ni Peter habang ang anak niya super ngiti at muling napahanga ng binata. Tumakbo si Felicia at niyakap si Raffy para magpasalat at biglang umapoy ang mga paa ni Jerome. “Abbey!” bigkas ni Peter at tinaas ng dalaga ang dalawang kilay niya. “Antipatikang babae yayakap pa e, pwede naman sabihin simpleng thank you lang” bulong niya at pacute siyang lumapit sa gitna.
Natawa si Hilda at tinapik ang balikat ni Peter. “Selosa din pala anak mo” bulong niya sabay tawa. Lumapit narin yung dalawa para patayin yung mga apoy sa paa ni Jerome. “Raffy ano tawag sa ginamit mong power?” may estudyanteng nagtanong at napakamot ang binata at ngumiti. “Ah…titwa” sabi niya at napahalakhak si Abbey at nagtago sa likod ng binata at pinagkukurot ito.
“Titwa? High level magic ba yon? Yan ba epekto?” hirit ng isang estudyante. “Oh no, its my creation. Combination lang ng basic magic, tinawanan pa nga niya e diba? Pero ayan ang epekto ng Titwa. Look at him” pasikat ng binata at lahat pinagmasdan ang duguan at nanghihinang Jerome. “Sir Erwin help” bigkas ng sugatan na estudyante pero si Erwin napatingin sa relo niya at umirap. “Di naman bali yang paa mo so maglakad ka papunta sa clinic. Gamutin kita mamaya at may lakad ako” sabi niya at nagtawanan ang mga estudyante.
Yayakap nanaman sana si Felicia pero agad sumingit si Abbey at siya ang nayakap. “Oh sis I am glad you are okay” banat niya. Si Raffy tinulungan si Jerome makatayo sabay inalalayan maglakad patungo sa clinic. “Help! Papatayin ako nito” sigaw ni Jerome. “Shut up ka nga! Tinutulungan na nga kita e. Tapos na yung duelo and I am just helping you. Di ako tulad niyo na nagtatanim ng galit pa. Ikaw siguro masama loob mo dahil tinalo kita kaya ayaw mo magpatulong kasi basag ang ego mo. If I wanted to kill you nililibing na sana kita no”
“So shut up and let me help you” sermon ni Raffy at napahanga niya muli ang mga schoolmates niya lalo na si Abbey. “Sis amoy sunog” bulong ni Felicia at nagpanic yung dalawa pagkat nasusunog ang kanilang mga skirt. Mabilis na naaupula ni Peter ang sunog at napailing nalang at tinignan ang anak niya. “Its his fault” sabi ni Abbey sabay nagpacute kaya natawa nanaman si Hilda.
“Felicia iha go with sir Erwin to have yourself checked” utos ng principal. “Pero madam I am fine and he said he was busy” sabi ni Felicia. “Busy busyhan lang para naman matuto yang Jerome na yan. Let him feel the pain a little bit longer” banat ni Erwin at nagtawanan sila. “I know you are fine iha but just let him check” pilit ni Hilda. “Raffy wait for me! Kukunin ko lang yung pala at body bag” banat ni Abbey at napasigaw sa takot si Jerome.
Lunch break sina Abbey at Raffy lang ang magkasama sa canteen kaya hinahanap ng binata yung iba. “Cessa and Yvonne are with Felicia sa clinic” sabi ng dalaga. “Hala is there something wrong with her?” tanong ni Raffy. “Wala, nagsasakitsakitan para may rason sila saktan pa lalo si Jerome mentally” sabi ni Abbey at nagbungisngisan sila.
“By the way you were amazing, you didn’t tell me you can heal” sabi ng dalaga. “Uy…sa totoo hindi ko alam pano ko nagawa yon” bulong ng binata. “Ows? Seryoso ka?” tanong ni Abbey. “Oo kaya, I was just comforting her and I thought you were mad at me nga e. I didn’t know I was healing her until you made pansin” kwento ni Raffy. “Wow, pero alam mo high level magic yon” sabi ni Abbey.
“High level magic? How did I do that? Baka naman sina grandmama lang yon” sabi ng binata. “No, only sir Erwin can do that. Lola can heal pero not that high level kasi powers ni lola more on combat” sabi ng dalaga. “Pero di ko talaga alam pano, is that why they had Felicia checked again?” tanong ni Raffy. “Yup, hayaan mo na pero titwa magic?” tanong ng dalaga sabay bungisngis.
“E di ko naman alam ano itatawag ko don kasi. E naisip ko lang yung mga baby diba? Pag naglalaro ng hide and seek, some parents say tit-wa. Kaya ayun kasi nakakabulag naman ginawa ko” kwento ni Raffy at tawa sila ng tawa. “Hmmm so yung titwa magic mo…yun ang nangyari sa grade one classroom no?” tanong ni Abbey at napangisi yung binata. “Accidentaly, I didn’t even know I could do that pero sabi ko it’s a good surprise attack” sabi ni Raffy.
“Sobrang lakas kaya, kahit naka shades na kami medyo nabulag pa kaming tatlo. Pero the whole school is talking about you again. Astig kasi porma mo nung una then boom! They think you unleashed a super strong magic, when they were able to see again tapos na. But even if they were able to see the truth ang galing mo parin” sabi ni Abbey at biglang humangin ng malakas sa loob ng canteen pagkat kinikilig ang binata.
“Hey Abbey kung di ka nakapagpigil kanina you might have killed him ano?” bulong ni Raffy at napasimangot ang dalaga. “Shhh secret natin, kahit di ko pa alam yung buong secret but don’t worry I wont tell. Saka mo na sabihin when you trust me already” bulong ng binata. “Kaya umiiwas din ako sa mga ganon kasi I fear that I may lose control” sabi ni Abbey. “Relax ka lang, nandito na ako. I will keep you calm if ever mangyari ang ganon”
“If someone pisses you off just smile at ako na lalaban sa kanila…dasalan mo nalang ako” banat ni Raffy at natawa ang dalaga. “I will help you learn” bulong ni Abbey at nagkatitigan sila. “Really? Pero di ko na maisisingit yon kasi busy ako sa dami ng nagtuturo sa akin” sabi ni Raffy. “E di sasama ako” sabi ng dalaga. Sobrang sumaya si Raffy at biglang uminit ang buong canteen dahil sa kakaibigang mainit na hangin na nagmula sa kanilang dalawa.
Sa Clinic nung hapon nagtipon ang lahat ng propesor dahil pinatawag sila ni Erwin. Sa gitna ng examination room nakahiga ang katawan ni Jerome kaya nagbubungisngisan ang ibang mga guro. “Is he dead?” tanong ni Prudencio at sumagot na sa katatawa ang lahat. “No, pinatulog ko lang siya dahil may gusto ako ipakita sa inyo” sabi ni Erwin. “Sana sinabi mo agad, natakot naman ako at akala ko autopsy na ang gagawin mo” sabi ni Hilda at super laughtrip ang nangyari.
“Wait, di niyo ba napansin na we have not had this much fun for a long time? Tapos yung mga magkakaaway magkabati na o” sabi ni Eric at lahat sila napangiti sa isat isa. “Anyway you asked kanina Prudencio if he is dead? Almost died should be right” sabi ni Erwin at nagulat ang lahat. “Just by looking at him akala niyo kung simpleng galos lang at pasa mula sa atake ni Raffy. But by using magical scanning his wounds are really severe but don’t worry nagamot ko na siya. Buti naagapan natin” dagdag niya.
“How severe?” tanong ni Hilda. “Raffy attacked using really super powerful light. The same power he unleashed sa mga elementary students. Siguro tinatanong niyo that time bakit si Romina hindi agad nag apply ng soothing spell sa sarili niya. I am sure pinagdudahan niyo siya but I have an explanation to that”
“Romina was exactly beside Raffy when he unleashed the light. Nakatingin siya diretso habang yung mga bata nakatalikod. Hindi lang mata ang inaapektuhan ng ilaw na ito. It goes beyond the eyes affecting the brain causing to temporarily paralyze its functions and the body. That is why she could not think straight but after a few seconds imbes na gamutin sarili niya ay nauna pa niya naisip yung kaligtasan ng mga estudyante” paliwanag ni Erwin.
“Ahem pinagtatanggol” bulong ni Eric. “Ahem oo nga” banat ni Peter at biglang namula si Erwin at Romina. “Ayon sa dalawang eye witness na tanging nakasuot ng shades dahil alam pala nila ano ipapasabog ni Raffy” sabi ni Erwin at bigla siya binatukan ni Hilda. “Sorry po, anyway sabi nila Raffy attacked taking advantage of Jerome being stunned. Sabi nila normal karate shots and kicks pero I beg to disagree”
“May palaman po ang bawat tira niya. Hindi nakikita ng ordinaryong mga mata pero everyone please wear the special glasses that Professor Eric made” sabi ni Erwin at lahat nagsuot at natulala sila pagkat halos durog durog ang totoong itsura ni Jerome. “Oh my God! Did Raffy do that?” tanong ni Hilda. “Yes madam, sabi ko sa inyo may palaman ang bawat suntok at sipa niya. What you are seeing with those glasses are Jerome’s magic life force and not the physical body”
“Our magic life force takes the shape of our body at hindi nakikita ng normal na mata. Pero with the help of Eric ayan we can see it and as you can see Jerome’s magical life force body is broken. His face is crushed, there is a hole in his stomach and his neck is also severed”
“But please listen. Hindi basta basta pwede mangyari ito kahit gaano pa siya kalakas. This happened because Jerome’s brain was temporarily paralyzed therefore paralyzed din yung magic system niya. We can take shots like this at agad magrereact ang magic body natin to suppress the damage but in Jerome’s case wala siyang kalaban laban man lang”
“That is why nung first duels ni Raffy, ang mga kalaban niya did not suffer this way. Naka react in time magic bodies nila to absorb the damage” paliwanag ni Erwin at natulala lang ang lahat. “That ladies and gentlemen is the power of the cursed dragon wing” pasikat ni Prudencio at lahat nagtanggalan ng mga glasses at nagkatinginan.
“How about the Felicia incident?” tanong ni Hilda. “I did a magic scan on Felicia at she is super healthy. Amazingly pati yung hika niya nawala” sabi ni Erwin at nagulat nanaman ang lahat. “So are you saying Raffy can heal? That is not one of the traits of a cursed dragon wing, they are more on destruction” sabi ni Prudencio.
“Well I found traces of my healing magic” sabi ni Erwin. “What do you mean? You were not even on the campus grounds” sabi ni Peter. “Kaya nga e pero meron talaga e. Lahat tayo may specific magic trace and I found mine on her body pero…enhanced. What I use to heal inuries is magic that I invented myself and I cannot believe how Raffy managed to copy and enhance it e di ko pa naman siya tinuturuan” sabi ni Erwin.
“What does this mean madam Hilda?” tanong ni Romina at huminga ng malalim yung matanda ang ngumiti. “I really don’t know but isn’t it exciting?” sabi niya at nagngitian ang lahat. “Lately its been really hot in campus…you can blame Abbey for that nagdadalaga e. And its been really windy too at times…you can blame Raffy”
“This means we all have to take care of them and help them grow properly” sabi ng matanda. “Madam pasensya na po ha pero ang hirap turuan ni Raffy. He does amazing stuff randomly pero pag tinuturuan nahihirapan siya mag cope up” bulong ni Peter. “Then we exert more effort, ano ba kayo? We are not simple magic teachers, we are also educators and licensed at that. Alam natin potential niya so as long as we know there is something hidden inside him we cant just give up” sabi ni Prudencio.
“It does not matter how long it takes para matuto siya. I ask you all to be patient” sabi ni Hilda. “Dragons are known to be hard headed and hard to train…impossible to train” dagdag ni Prudencio at bigla siya siniko ni Peter. “At ano tawag mo sa anak ko? Pet dragon?” tanong niya at nagtawanan ang lahat.
“If I may add may movie na How to Train your Dragon” banat ni Eric at lalo sila nagtawanan. “I thought this will be easy, I guess we all have to study on how to tackle these two. Prudencio ano suggestion mo?” tanong ni Hilda. “Ahem, being the only one interested in ancient magic ang tanging naiisip ko ay lagi pagsamahin yung dalawa” sabi ni Prudencio at napahaplos sa noo si Peter. “Seventeen palang anak ko” bulong niya at napailing kaya pinagtawanan siya.
“Without the dragon the wings are quite useless, wheras the dragon can exist alone. Let Abbey come to Raffy’s lessons. Pag nandon siya siguro lalo gaganahan matuto si Raffy” sabi ni Prudencio. “Ganyan ba yung nakasulat sa mga libro?” tanong ni Peter. “Bobo common law of puppy love, its called inspiration” singit ni Erwin sabay kinidatan si Romina. “Indeed, but can we force her? Ano nanaman sasabihin natin?” tanong ni Eric.
Magsasalita na sana si Hilda nang may kumatok sa clinic. “Sir Erwin lesson time ko na. Ikaw ang naka schedule sa listahan ko. Kasama ko si Abbey at tutulungan daw niya ako” sigaw ni Raffy at lahat napangiti. “Nandyan pa daw si Jerome kaya pwede natin siya gawin test subject! Sir EW open up alam ko nandyan ka!” hirit ng binata at nagtawanan ang lahat ng propesor. Huminga ng malalim si Hilda at tinignan ang lahat.
“The dragon has found her wings…and so it begins…”