Attraction

4141 Words
Nagtipon tipon ang lahat ng propesor ng highschool sa audio visual room para panoorin ang dalawang surveillance camera footages. “Everyone professor Eric of the IT department has called my attention yesterday to show me two clips. One is what happened doon sa elementary class last week and the other is the clip inside the gym during the duel of Raffy and Julius” sabi ni Hilda. Humarap si Propesor Eric at naplay ang video sa giant wide screen. Unang eksena ay sa classroom kung saan nakikita nila si Raffy nageensayo sa pagpapalabas ng ilaw pero halatang galit siya. “Let us enhance the audio” sabi ni Eric. “Peste ha…peste pala ako ha…so peste pala ako sa tingin mo” binubulong ni Raffy na narinig nila at biglang sumabog ang isang malakas na liwanag mula sa kanyang mga kamay. “I already applied EV filters to the video pero sa actual footage pati kami ng IT staff ko nabulag saglit sa lakas ng liwanag. If we slow down the video, please focus your attention sa mga mata ni Raffy at wag sa mga daliri niya” sabi ni Eric. Sa video kitang kita ng lahat ang pagliyab ng mga mata ng binata at sumabay na yung pagsabog ng liwanag mula sa kanyang mga daliri. “Sad to say we don’t have magic level detectors sa elementary classrooms but we do have one installed in the gym. So this was the footage yesterday” sabi ng propesor at sinalang yung pangalawang video. Napanood nila ang nakadiaper na si Raffy kaya nagtawanan ang lahat. Kita nila yung biglang liko ng binata pagkapasok sa butas at ang ganda ng timing niya ng pagsuntok sa mukha ni Julius pagkapasok nito. Sapol sa panga ang kalaban, imbes na matumba nahawakan agad ni Raffy ang ulo ni Julius para bigyan pa ng isang tuhod at ang finale ay isang high kick straight to the chin kung saan ito ang nagpatumba at nagpatulog kay Julius. Palakpakan ang mga propesor, “He deserves that, mayabang din yan noong nandito siya e” sabi ng isang guro. “Bilib ako kay Raffy, kahit walang powers akalain niyo dinala niya si Julius sa gym knowing na di gagana powers niya doon. Then he physically attacked him” sabi ng isa pa. “Ah excuse me, there is another anomaly. Please observe the magic sensors as we replay the video” sabi ni Eric at may maliit na gauge ang lumitaw katabi ng video. “Ladies and gentlemen, bago pumasok yung dalawa look at the gauge. Zero siya. Then nung pumasok si Raffy…” sabi ni Eric at nagulat ang lahat pagkat gumalaw konti yung gauge. “Impossible!” sigaw ng isang propesor. “Correct pero please keep watching” sabi ni Eric at nakita ng lahat ang pagsuntok ni Raffy at ang pagfull bar ng gauge. “Teka lang po bago magreact, let us slow the video down again and look closely at Raffy’s eyes and hands” sabi ng propesor. Bago sumuntok si Raffy ay nagliyab ulit ang mga mata niya at nag full bar yung gauge. Yung kamay ng binata nagliliyab din sa kakaibang kulay na halos hindi makita ng ordinaryong mata kahit na magic user. “We enhanced the video so we can see clearly his hands, I know as magic users nakita niyo konti ang liwanag sa mga kamay niya but a little bit of infrared and here you go” sabi ni Eric. Imbes na simpleng liwanag lang, kita sa tulong ng infrared ang pag aapoy talaga ng mga kamay ni Raffy. “Ano yan?” tanong ng isang propesor at biglang tumayo si Hida at ngumiti. “Do you really have to ask Prudencio? You all know what that is” sabi niya. “Maldijo ala del Dragon…the cursed dragon wing magic” bigkas ni Peter at nagulat ang lahat ng propesor. “But that is impossible! I don’t believe this. The wing cannot exist without the dragon body magic. Imposible yan na magkaroon ng Maldijo ala del dragon pag wala yung Maldito dragon mismo” sabi ni Prudencio na propesor ng ancient magic. “You got it wrong Pruds, the mere fact that the wings have appeared this means that the dragon body is nearby. Yes it is true that the wings cannot survive without the body but the dragon can survive without the wings. But when they are together they bring the most destructive magic force there is” paliwanag ni Hilda. “Is Raffy the first anomaly? Hindi ba may inaalagaan na tayo at tinuturuan ever since grade one siya? We just thought she was different and we never tested. We kept her in the dark always and told her not to use her magic. We all thought advance learner lang siya and she was strong…we never thought that she was really very strong” sabi ni Hilda sabay tinignan si Peter na napabuntong hininga. “The two parts will always be attracted to each other…legend says they will always find a way to be together” bigkas ni Prudencio. “And I already told you the story of how Raffy found this school. So ladies and gentlemen I know you are all excited pero please calm down. Wag tayo makikialam dapat. If the legend is true then they will be together” sabi ni Hilda. “Ahem” entrada ni Peter, “My daughter is only seventeen, wag muna banggitin na to be together na yan please” sabi niya kaya nagtawan ang lahat. Samantala sa tabi ng lawa nakaupo si Abbey at nakasawsaw ang mga paa niya sa tubig. Dumating si Raffy at naupo sa tabi niya at nakisawsaw din ng paa. “May alipunga ka ba?” tanong ng dalaga. “Wala ha” sagot ng binata. “Athletes foot?” hirit ni Abbey. “Excuse me wala, kung nandidiri ka sabihin mo lang ng maayos” sabi ni Raffy at natawa yung dalaga. “Joke lang, pero siyempre kadiri naman pag meron ka germs tapos sisirain mo tong lawa tapos hahawaan mo pa ako” pacute ni Abbey. Kinalbit ni Raffy ang dalaga sabay inabutan ito ng sandwich. Tulala si Abbey at nakitang hindi nakatingin sa kanya ang binata. “Pano mo nalaman nandito ako?” tanong ng dalaga. “Ewan ko, naglalakad lakad lang ako” sagot ni Raffy. “And nagkataon may dala kang extra sandwich?” tanong ni Abbey. “Wala ka kasi doon, sabi nila di ka pa nila nakita so I asked what sandwich you like and bumili ako just in case I see you” paliwanag ni Raffy at napangiti ang dalaga. “Ei Abbey, kung magself study ba ako ng magic sa tingin mo kaya ko?” tanong ng binata. “Why would you do that?” sagot ng dalaga. “You know why. Ayaw ko pa mamatay” bulong ng binata at nagtawanan sila. “Hmmm try mo sa library. Meron books doon pero sa lagay mo kailangan mo talaga ng teacher e” sabi ng dalaga. “Kaya nga e. Try ko sa library mamaya. Basic muna baka mag nose bleed ako pag high level na inaral ko” sabi ng binata. “Hey, kung may gusto kang matutunan na magic…wag mo isipin muna mga duels ha, ano yung magic na yon?” tanong ni Abbey. “Flight…gusto ko lumipad” masayang sabi ni Raffy. “Bakit naman?” tanong ng dalaga. “Wala lang parang ang sarap lumipad e. Alam mo I practiced jumping. Kaya favorite ko yung jump kicks, mga turn around, basta yung nasa ere ka kahit for one moment at kahit saglit lang nakakagalaw ka ng malaya. Minsan nga alam mo pag mag isa ako ginagaya ko yung turn ng ballerina. Yung tatalon tapos iikot with matching poise pa ha” kwento ng binata at tawa ng tawa yung dalawa. “Kaya naman pala sa duel you climbed that wall and flew kunwari” sabi ng dalaga. “Yeah it gives me added energy lalo na pag nalanghap ko hangin at body ko wala talaga sa lupa. Pero uy wag naman as kaluluwa ha” sabi ng binata at napahalakhak si Abbey at kinurot braso niya. “Ewan ko ba, mula nung bata daw ako gusto ko lagi tumatalon or lagi nasa mataas na lugar. One time umakyat daw ako sa bubong e and I jumped. Pero my dad caught me, timing siguro na nandon siya pero at that moment naalala ko nung pabagsak ako I thought I could fly…pero di pala…sermon at palo inabot ko” “So whenever I get a chance sa competition kahit di kailangan I just jump. I feel stronger when I am not on the ground kasi. E ikaw ba?” kwento ng binata. “Gusto ko apoy. Ever since bata ako apoy apoy apoy. Mahilig ako magsunog ng kung ano ano. Sinunog ko pa nga bahay ng lola ko e” sabi ni Abbey at natulala si Raffy. “Seryoso ako, I was three years old. Tinosta ko talaga lahat tapos nung grade one ako dito sinunog ko yung clinic. Kaya tignan mo sa lahat ng building dito sa campus yung clinic lang ang mukhang modern” sabi ng dalaga at agad napalingon ang binata at totoo nga sinasabi ni Abbey. “Siguro kaya wala humahamom sa iyo sa duel kasi sinusunog mo ano?” tanong ni Raffy at natawa ang dalaga. “Di naman, siyempre tao din sila e. Kaya oo sinusunog ko talaga sila bago pa sila makalapit. Burn! Burn! Mwahahahaha” tawa ni Abbey at biglang kinilabutan ang binata. “Youre starting to scare me…kaya pala two gold bar level ka…pero dapat ata five or diamond pa” sabi ng binata at muli sila nagtawanan. “Ewan ko naaliw lang ako sa fire. Parang at home ako. Kung ikaw you feel adrenaline rush sa wind or air ako naman sa fire. Pero mali ata sagot ko since I know fire magic already. Pareho tayo…I too want to fly” bulong ng dalaga sabay kumagat sa kanyang sandwich. Ngumiti si Raffy at tumingala sa langit. “When I learn how to fly ikaw una ko isasama” bulong niya. “Sa level mo? Sus maunahan pa kita matuto, ako magdadala sa iyo” sabi ng dalaga at nagtawanan ulit sila. “Raffy tone down ka konti sa pagiging brave. I know you mean well and you have to live the lie but tone down konti” bulong ng dalaga. “Yeah I know, natatakot narin ako e” sagot ni Raffy. “Incoming!!!” sigaw ng isang boses at paglingon nung dalawa may malaking bato na tatama sana kay Abbey pero mabilis kumilos si Raffy at nahila ang dalaga papunta sa tubig. “Oops sorry Abbey I was not aiming for you. My bad” sigaw ng binata sa malayo at pagtingin nila isang alagad ni Adolph, si Ulyses ang estudyanteng kaya magmanipula ng bato at lupa. Sa tubig sumisigaw sa sakit si Raffy pagkat naligtas nga niya si Abbey pero tumama yung bato sa kanyang kanang kamay at sobrang nabali ito. “Raffy! Okay ka lang?” tanong ng basang basa na dalaga. “Alam mo nakahawak ako sa braso mo” sabi ng binata pero nagpapatawa lang siya pagkat nakikita naman niya bali na ang kanyang braso. “Hang on I will take you to the clinic” bulong ng dalaga at bigla sila nawala. Sa loob ng clinic nagsisigaw si Abbey. “Professor Erwin!!! Si Raffy po!!!” hiyaw niya at nataranta ang propesor na agad nakita ang baling kamay ng binata. “Relax iha, ako bahala sa kanya” sabi ni Erwin at agad hinawakan ang kamay ng binata at nagliyab ng puti ang kanyang mga kamay. “Its not working” sabi ng propesor at lalong nagpanic si Abbey. “Try one more time!” sigaw niya. “Iha relax ka nga lang, tignan mo si Raffy so calm ang collected even in pain” sabi ni Erwin. “Kasi unconscious siya duh!” sabi ng dalaga at natawa yung propesor at sumubok ulit. Nagliyab ang mga kamay niya at unti unti naayos ang kamay ni Raffy. “Ayan, see told you kaya gamutin lahat” pasikat ng propesor at namulat si Raffy at napangiti. “Kung nabasted ako pupuntahan kita” bulong niya at natawa ang propesor. “Di ko nagagamot ang ganong sakit” sabi niya. “E di wala kang kwenta” banat ni Raffy. “Abbey ididretso ko lang kamay niya pero di ko papaganahin ha” landi ni Erwin. “Harsh ka professor EW, pano ko siya yayakapin gamit one hand lang?” bulong ni Raffy sabay kindat. Napangisi si Erwin at natawa, “Like mo ba siya?” bulong niya. “Super like, bagay ba kami?” sagot ng binata. “Oo, bagay na bagay” landi ni Erwin at nagbungisngisan yung dalawa. “Ano pinag uusapan niyo?” tanong ni Abby. “Wala naman iha, o ayan Raffy your hand is as good as new” sabi ng professor at pinagmasdan ng binata ang kamay niya sabay tinignan ang mga daliri. “Come on baby close open, come on close…open…close…open” banat ni Erwin at game na game sumunod si Raffy. “Prof wait baka palpak ka gusto ko try kung tama pag ayos mo” sabi ng binata at nilabas niya hintuturo niya at nagpalabas ng ilaw sa dulo nito. Nilapit ni Raffy daliri niya sa mukha ni Erwin at halos naduling ito pero biglang sinaksak niya sa butas ng ilong ng professor at lalong pinabaga ang ilaw. Sumabog sa tawa si Abbey, “Loko loko kang bata ka!” sigaw ni Erwin at agad tumayo si Raffy at hinila ang dalaga at tumakas sila palabas ng clinic. “Im sorry I got your clothes wet” sabi ng binata. “Sira simple magic can solve that pero…thank you ha” sagot ng dalaga. “Ako dapat magsorry kasi pati ikaw nadadamay ka. Alam ko target nila ako, muntik ka na natamaan nung engot na yon. Sana gumaling na ako para magantihan ko sila. Sa ngayon gusto ko talaga gumanti pero natatakot ako e. I may not be that lucky tulad ng mga last duels ko na panay tsamba lang. Baka pag hinamon ko siya matalo ako e di lalo ako mapapahiya kasi epic fail yung paghiganti ko para sa iyo” sabi ni Raffy. “Para sa akin? E ikaw naman yung target” sabi ni Abbey. “Pero ikaw yung muntik natamaan. Utang ko muna ha, paghihiganti kita soon promise ko yan. As of now…kunwari magheal muna kamay ko” sabi ni Raffy at napangiti ang dalaga at may biglang sumigaw na estudyante na nadaanan nila. Paglingon nila nagpapanic yung binata pagkat nasusunog ang kanyang pantalon pero biglang sumulpot si Peter at sa isang palakpak may malakas na hanging ang pumatay sa sunog. “Yaya na bombero pa” sabi ni Raffy pero seryoso ang titig ng guro sa kasama niyang dalaga. “Bilisan niyo lakad niyo bago kayo malate sa class niyo. Abbey I will talk to you later” sabi ni Peter at agad siya naglaho. “Hala may ginawa ka ba?” tanong ni Raffy. “Wala no, baka may ipapagawa lang siya kasi member ako ng arts club ng school” palusot ng dalaga. “Ay oo nga wala pa akong club” sabi ng binata. “Madaming sports club, meron pang taekwondo” sabi ni Abbey. “Hmmm ayaw ko don, arts club nalang ako” sabi ni Raffy. “Bakit artistic ka ba?” landi ng dalaga. “Hindi pero ikaw artistic ka diba?” sabi ng binata. “Hmmm medyo, e bakit ka sasali sa arts club pag di ka naman pala mahilig sa arts?” tanong ni Abbey. “Syempre nandon ka e. Tara na dali late na tayo” sabi ni Raffy at muling napangiti ang dalaga. Pagpasok nila ng building ay may nagsisigaw nanaman na estudyante, sumulpot nanaman si Peter at pinatay ang nasusunog na bag ng dalaga. Pagsapit ng Biyernes nagkaroon ng graded recitation at nabilib ang lahat kay Raffy pagkat sagot siya ng sagot. “Wow nerd” biro ni Abbey at natawa ang binata. “Di naman, ngayon lang to no” sabi niya. “Weh, perfect lahat ng quizzes at seatworks tapos ngayon buwaya much ka sa recitation…well kasi walang ibang may alam ng sagot so abswelto ka” bulong ng dalaga. “Alam mo di naman ako ganito talaga e, ngayon lang” sabi ng binata. “Imposible ka, humble epek ka nanaman” sabi ni Abbey. “Totoo naman, kasi gustuhin ko man magpaimpress sa magic e alam mo naman wala talaga ako magic. Alam mo naman panay tsamba lang ako so at least dito nalang diba? At least dito kaya ko gamit konting effort. E sa magic halos magtae na ako ng dugo wala talaga, unless gusto mo magpailaw ako ng magpailaw kasi yun lang kaya ko. So dito nalang sa academics para naman di mo ako tawagin walang kwenta” paliwanag ng binata. Tumingin sa malayo si Abbey at humawak sa desk niya at kinilig. Bigang lumiyab ang white board sa harapan pero agad napatay ang sunog dahil wind magic ng kanilang guro. During lunch nilalaro laro lang ni Abbey pagkain niya at napansin yong ng kanyang mga barkada. “Bakit wala ata si Raffy?” tanong ni Yvonne. “Hmmm he is with sir Peter taking special lessons” sagot ng dalaga sabay ngumiti. “Grabe naman yon monster, malakas na nga siya gusto pa niya magpalakas lalo?” tanong ni Cessa. “Hoy babae, bakit nagsparke sparkle eyes mo nabanggit lang ni Yvonne name niya?” landi ni Felicia. “He is an amazing guy you know” sabi ni Abbey at pinagtutukso siya bigla. “Uy, nagdadalaga na si Abbey” landi ni Yvonne. “May tanong ako, would you do something you don’t like?” tanong ng dalaga at napaisip ang mga kaibigan niya. “Ha? Bakit mo gagawin ang isang bagay na ayaw mo? Pag ako no” sabi ni Cessa. “What if lets say may type kang guy tapos nasa Judo class siya. Will you enroll sa Judo class too?” tanong ni Abbey. “Judo class? Sino ba ang nandon? Hmmm wala ako kilala don” sabi ni Yvonne. “Judo? Wala din ako kilala e” sabi ni Cessa. “Sira kayo, example lang yon. What if the guy you like is there, would you join?” sabi ni Abbey. “And break my bones? Ay wag na” sabi ni Felicia at nagtawanan sila. “Its stupid diba? Kunwari a guy likes a girl tapos that guy risks his life to be with that girl. Alam niya may big chance he could die but still go parin siya to be with her. Katangahan no?” tanong ni Abbey. “Ay sobra” sabi ni Cessa. “Stupid as it may seem but doon mo naman makikita na super like niya yung girl” sabi ni Felicia at biglang nalusaw ang tinidor na hawak ni Abbey at umusok ang lahat ng pagkain ng mga estudyante na nandon sa canteen. State of panic ang sumunod nang magkagulo, takbuhan palabas ang mga estudyante at sa entrance biglang sumulpot si Peter at Raffy. “Abbey!” sigaw ng binata. “Hoy exaggerated ka katabi mo na nga ako” sabi ng dalaga. “Ay di kita nakita, are you okay? We heard may nangyari at agad ko niyaya si yaya Peter dito. Are you okay?” sabi ng binata. “Oo naman, its nothing. You can go back to your training” sabi ni Abbey sabay ngumiti. “Oh good, o sige then. Lets go sir Pedro, back to training” sabi ni Raffy pero si Peter masama ang titig sa dalaga. “Principal’s office after class” sabi ni Peter gamit isipan niya. “Ano naman gagawin ko sa Principal’s office after class?” tanong bigla ni Raffy at nagulat si Abbey. “Ah..wala papakita natin kay principal ang progress mo” palusot ng guro at napangiti ang binata. “Did you hear that Abbey? Progress daw. Sir Pedro what are you waiting for? Lets go na and make more progress…grabe the faster I improve the more I don’t need to make puyat reading books…quick quick time is gold” banat ng binata. Sa principal’s office nung hapon nakasimangot si Abbey habang kaharap ang tatay niya at si Hilda. “Iha balita ko out of control daw powers mo” sabi ng matanda. “Lola as if naman sinasadya ko gawin mga yon. You all taught me well how to control my powers and nakita niyo naman kaya ko. Are you sure ako may gawa ng mga yon? Malay niyo may nagseset up sa akin” palusot ng dalaga. “Abbey? And how do you explain the incident at the canteen kanina?” tanong ni Peter. “Wala gusto ko lang lahat ng students makatikim ng sizzling food” sabi ni Abbey sabay nagpacute. “Hindi joke time ito Abbey. What if hindi lang yung pagkain ang nagsizzle? What if all the students doon nasunog mo? You are going out of control lately” sermon ng tatay niya. “Pedro tumahimik ka nga. Magpasalamat ka at dalawang lalake kayo noon ni Felipe at di kayo umabot sa ganito” sabi ni Hilda. “Felipe? Dad may gusto ka ba sabihin sa akin?” landi ng dalaga sabay tumawa sila ni Hilda. “And Pedro hindi mo din nacontrol powers mo nung nililigawan mo si Abigail. Yes iha ganyan din nangyari sa tatay mo nung nainlove siya sa mama mo” sabi ng matanda. “Wait wait wait! Are you saying I am in love with Raffy? Oh no Lola!” sigaw ng dalaga. “Wala naman kaming sinasabing ganon iha” sabi ni Hilda. “But you were comparing me to daddy falling in love with mommy. I am not falling in love” pilit ng dalaga. “Not yet?” hirit ni Hilda. “Daddy o, ang kulit ni lola” sabi ni Abbey. “So you just like him?” tanong ni Peter at natawa ang dalaga at biglang tumayo. “Kayo ha pinagtutulungan niyo ako. Of course not I don’t like him. Siya he told he likes me pero in return wala. As in wala” sabi ng dalaga. “E bakit hindi mo nakokontrol powers mo lately? Parang hindi ikaw” tanong ni Peter. “I don’t know” sabi lang ng dalaga at muling naupo at nagsimangot. “Okay iha that’s all for now. Iwanan mo muna kami ng daddy mo” sabi ni Hilda at agad lumabas ng opisina si Abbey. Naupo si Peter at napahimas sa noo niya. “Oh come on Pedro relax your daughter is undergoing a normal stage in life. Ayaw niya lang aminin but I feel that is starting to like Raffy. And you know how emotions have a big effect on our powers diba?” sabi ni Hilda. “Yes I know pero delikado ito e. What if she reaches a point where di niya kaya kontrolin powers niya? That seal on her neck is supposed to help contain her powers pero look umaapaw lately dahil sa emotions” “Aantayin pa ba natin yung point na masira yung seal at tuluyan lumabas kapangyarihan niya? I don’t want them coming here attacking us and taking my daughter away. This has to stop kasi anak ko yan” sabi ni Peter. “So anong gusto mo mangyari? We expel Raffy? Or expel your daughter? Ayaw mo ba antayin yung point where Abbey will be able to adapt and control her powers and emotions?” tanong ng matanda. “What if she cant? Will you take the risk of them coming here again? What if that seal Felipe put around this school will not hold? I am willing to sacrifice myself…I will be forced to expose myself to save my daughter pero do you think that will work like the last time?” tanong ni Pedro at biglang bumukas ang pinto at nagliliyab ang mga mata ni Abbey. “Don’t worry! You don’t have to expel anyone! Ako na gagawa ng paraan!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD