Paghanga

4041 Words
Lunes ng umaga pagpasok ni Raffy sa magic wall ay nagulat siya nung makita si Abbey. “Good Morning Abbey” bati niya at ngumiti ang dalaga. “Good morning Raffy, here let me help you with your uniform” sabi ng dalaga at isang pitik ng mga daliri at agad nagbago ang damit ng binata at naging school uniform. “Grabe naman nakakahiya, pero salamat ha. Wala kasi si yaya Peter. Siya kasi nagdadamit sa akin e” bulong ni Raffy at biglang natawa si Abbey. “Yaya Peter?” tanong niya. “Oo wag mo na sasabihin baka pag initan ako non” bulong ng binata. Habang naglalakad yung dalawa papunta sa building nila napatigil sa paglakad si Raffy at kinapa kapa ang pwet niya. “Bakit?” tanong ni Abbey sabay nag beautiful eyes. “Parang may mali” sabi ng binata. “Ano namang mali?” pacute ng dalaga at napakamot si Raffy at nagtry maglakad. “Parang naka diaper ata ako” sabi niya. “Yes you are, bakit ano ba dapat?” landi ni Abbey at nagtakip ng mukha ang binata at di niya alam kung tatawa siya o maiinis. “Abbey naman! Bakit diaper? Brief o boxer shorts sana. Naman o bakit diaper? Pinagtritripan mo naman ako e” reklamo ng binata at sumabog sa tawa si Abbey. “Excuse me kasi babae ako, conservative ako so I don’t know what boys wear. Gusto mo ba panty sinuot ko sa iyo? Siyempre alam ko wrong yon. Para hindi ako magkamali diaper nalang” pacute ulit ni Abbey at halos maiyak na si Raffy. “Bakit si yaya Peter di naman ginagalaw brief ko e. Bakit ikaw pati brief ko napalitan mo?” tanong niya. “Kasi po teacher siya at controlado na niya powers niya. Ako student palang so I cant control my powers well” paliwanag ng dalaga sabay ngumiti. Huminga ng malalim si Raffy at ngumiti. “Lets go to class then” sabi niya at nagulat ang dalaga. Sa loob ng classroom naglalaro si Raffy, enjoy na enjoy siya nagbabounce sa seat niya. “What are you doing?” tanong ni Abbey. “Ang kapal ng diaper ang sarap mag bounce bounce” sabi ng binata at napahalakhak ang dalaga. “So youre okay wearing a diaper?” tanong ni Abbey. “Yup, no problem at all” bigkas ni Raffy at talagang aliw na aliw siya sa pagbounce. Ngumiti ang dalaga at pinagmasdan ang binata. Pinitik niya daliri niya at ilang saglit pati siya nagbounce bounce narin sa upuan. Napatingin sa kanya si Raffy at biglang natawa. “Pati ikaw nagsuot no?” bulong niya at tumingin lang sa malayo si Abbey at pasimpleng nagbounce bounce kaya bungisngis yung dalawa. After lunch magkasamang napadaan yung dalawa sa administration building at may nabasa silang announcement. “Abbey ano ang Grand Welcome? Its tomorrow already” tanong ni Raffy. “Ah pagwelcome sa mga grade one students at pati narin ata sa iyo kasi ganon ka narin” sabi ng dalaga. “Aha! Siguro ito yung isosort kami ng magic talking hat ano? Pipiliin saang house kami like Griffindor! Slitherin!” bigkas ng binata sa tuwa at natawa ang dalaga. “Hindi e sorry. Walang magic talking hat. Bale simple grand welcome lang naman. Formality lang ito kasi nakapagstart naman na yung grade one students e. So the principals and the dean will just make major announcements kung meron man. Oh and awarding of last years grand duel event” sabi ng dalaga. “Grand duel event? Ano yon?” tanong ni Raffy at naupo sila sa isang bench at nagpaliwanag ang si Abbey. “Grand duel ay isang formal event ng school natin. Lahat ng year levels magkakaroon ng duels and for each year level there will be one champion. Then the champions will fight each other hanggang magkaroon ng iisang grand champion” sabi niya. “Wow, so sino naman yung champion niyo last year?” tanong ni Raffy. “Si Henry sa aming grade ten. Then there is Adolph sa junior. Hmmm si Armina sa grade nine tapos sa seniors si Lander but nasa college na siya. From the college division si Teddy and he was the grand champion, actually three straight years na siya champion e” kwento ni Abbey at napalunok si Raffy. “Henry? Adolph? Champions sila?” bulong niya. “Yup, and Teddy fought Adolph sa finals and beat him for three consecutive years narin” dagdag ng dalaga at lalo natakot ang binata. “So magkaribal talaga yung dalawang yon ha” sabi ni Raffy. “Not really, lahat ng Champions member ng Chicos De Oro” sabi ni Abbey. “Oh Goldiocks, I beat one of them remember?” pasikat ng binata. “Wilfredo was the weakest, bagong recruit at pinakawalang kwenta sa kanilang lahat. Siya lagi yung pinapasabak para itest yung isang student. Then if he wins e di waste of time lang para pansinin nila. Pero if he loses then expect more tests from them. They like collecting the strongest students para isama sa group nila” sabi ni Abbey. “Wait what does the winner get?” tanong ni Raffy. “They are taught rare secret magic” bulong ng dalaga. “Oh boy, so yang Teddy na yan super lakas na siguro no?” bulong ng binata. “Yes but don’t worry di ka naman makakaabot sa finals if ever you join” sabi ng dalaga sabay humalakhak. “But he can come here and challenge me anytime he wants to” sabi ni Raffy at napansin ni Abbey ang takot sa mata ng binata. “Kaya mag aral ka pa maigi” sabi nalang niya at ngumiti ang binata. “So tomorrow ano ba dapat isuot?” tanong ni Raffy. “Buti you asked, any dark blue robe. Kahit bathrobe kasi formality lang yon kasi underneath you will be wearing that uniform” sabi ni Abbey. “E pano yung hat? Diba magic robe and hat?” tanong ng binata. “Hay naku Raffy too much movies ka. Wala nang hat no, just a robe and let it match the uniform” sabi ng dalaga. “Ah yes my mom has a robe ata pero glossy siya e” bigkas ng binata. “E di mas maganda para stand out” sabi ng dalaga at napangiti ng todo ang binata. Kinabukasan pagpasok ni Raffy sa magic wall ay nandon ulit si Abbey. “Youre late, dalian mo doon tayo sa college campus. Kanina ka pa inaantay ng lahat” sabi ng dalaga kaya tumakbo yung dalawa papunta sa outer right side ng highschool campus at may nagbukas na portal. Namangha si Raffy sa laki ng college campus pero hindi na siya nakalingon lingon pa pagkat hinila ni Abbey shirt niya at muli sila tumakbo papunta sa napakalaking coliseum. Sa entrance humarap ang dalaga at pinatayo ng maigi ang binata. “You brought the robe?” tanong niya. “Yes its in my bag” sabi ni Raffy. “Sige ako na bahala, come on we have no time” sabi ni Abbey at pinalakpak kamay niya at nagbago ang anyo ng suot ng binata. “Dali doon ka sa sumama sa grade one students, tabihan mo si teacher Romina” utos ng dalaga kaya tumakbo si Raffy sa malawak na grounds ng coliseum kung saan napatayo yung mga nasa stands at pinalakpakan ang pagdating niya. Punong puno ang stands ng coliseum, sa grounds nagkalat ang maraming upuan kung saan nakaupo ang mga elementary students at sa pinakaharapan ay yung mga grade one. Sa stage nakaupo ang lahat ng mga propesor at guro at napataas ang kilay ni Hilda ng nakitang late na dumating si Raffy pero kumaway lang ang binata sa kanya. Nagstart na ang simpleng program at pagdating sa dulo umakyat si Hilda sa podium. “We do have one special transferee, everyone I would like to introduce Raphael Gonzales. Raffy come to the stage” sabi niya at tumayo ang binata at naghiyawan agad ang kanyang section mates pero pagakyat niya nahiya siya konti pagkat pati mga grade one cassmates niya nagsigawan ng “Classmate” paulit ulit. Tumabi si Raffy kay Hilda, proud na proud siya sa magara niyang robe na maayos na nakasara. “Raffy here is a special student, he comes from another school which teaches in a different manner. So if you see him at the elementary campus don’t be surprised since he said he wants to learn and re-learn in the way our school teaches. Sana gayahin niyo siya, di porke marunong na kayo e feeling niyo kaya niyo na lahat” sabi ni Hilda sabay napatitig sa section sa bleachers kung saan nakaupo ang grupo ni Teddy. “I know you all heard about his rank pero hindi niya pinagmamalaki. He wants to learn properly and he wants to learn more, not like the others who think they know enough. So I hope a lot of you follow Raffy, let him serve as an inspiration to everyone especially to the younger ones. We must keep learning even if we think we know enough” sabi ni Hilda at nagpalakpakan ang lahat ng estudyante at si Raffy kumayaw sa crowd pero biglang nagbago ang kulay ng kanyang robe. And dark blue naging pink at biglang nagbukas ang robe niya kung saan sumabog sa tawanan ang buong coliseum. Wala siyang suot sa ilalim kundi diaper muli kaya agad siya nagtakip at nakita niya sa crowd si Abbey na halos mamatay na sa tawa. “Raise your hand, bilisan mo then istrike mo pababa…dali” bulong ni Hilda at sumunod si Raffy at sa isang iglap nagbago ang suot niya at naging magjestic blue formal suit. “Rumampa ka” bulong ni Hilda at naglakad lakad si Raffy sa stage kung saan nagtilian ang mga babae sa crowd. “As you can see he too can be funny” banat ni Hilda at nagpalakpakan ulit ang mga estudyante nang bumaba na si Raffy. Si Ricardo naman ang umakyat sa podium para magsalita. “There will be a major change in our Grand Duel starting this year. We professors have all agreed to return the traditional Grand Duel” bigkas niya at may isang binata ang napasigaw sa bleachers. “Basura!!!” hiyaw niya. “Teddy calm down and listen first” sabi ng dean. “Ginagawa niyo yan kasi ayaw niyo ako magtuloy tuloy ang champion!” sigaw ni Teddy. “No iho, if you remember our history, the grand duel has always been a dual member event. Certain events in our history has made us change it to singles competition. Now we want to bring back the two man partner duel system because lately majority of the students are being individualistic. In the real world no one man can stand alone no matter how powerful you are. You will always need others” “Don’t worry this will only be applied to the grand duel event, for the normal duels it is still singles” sabi ni Ricardo. “Whooo BS yan! Just say you don’t want me to make history!” sigaw ni Teddy at biglang tumayo si Raffy at tinuro siya. “E di ikaw na! Kung gusto mo maging grand champion forever e di sige ikaw na! History lang naman pala habol mo e, sige ikaw na individual grand champion!” “You are missing the point of the partnership system. Oo na malakas ka na! How sure are you when you go outside that isa lang makakaharap mo? Pano kung dalawa? Tatlo? Apat? Tapos malalakas din sila. Oo siguro pag isa isa laban kaya mo pero be real dude! Kahit away kanto na dapat one on one may sumasawsaw e para matapos agad ang laban. And you think there are rules outside? Wala! Oo na grand champion ka na pero paglabas mo dito sa school di mo maipagmamalaki yan sa mga makakalaban mo!” sigaw niya. “Everything will be easier pag may kasama ka. With a partner you can grow together. Blend your powers to be more powerful as a unit. At ease ka lalaban kasi alam mo someone is there to guard your back. You teach each other! If you win you celebrate with someone, mas masaya yon. Kesa na manalo ka tapos ikaw lang yung masaya!” “Pag natalo kayo may karamay ka agad. Mas madali kayo makamove on kumpara sa pag mag isa ka tapos natalo ka, sure ka bang may makikiramay sa iyo sa pagkatalo mo? Lalo na ikaw feeling ng lahat super power ka na…pag natalo ka ano sa tingin mo mangyayari? May maawa sa iyo? O pagtatawanan ka at sa isang iglap bababa tingin nila sa iyo at agad sila hahanga sa tumalo sa iyo” “If you are alone, wala kang karamay. Kahit siguro yang mga alipores mo hindi ka dadamayan. Iiwanan ka nila! Kaya malakas ka nga siguro, oo na ikaw na. At kahit nasa tuktok ka ng mundo sa ngayon, mag isa ka naman. Di ka ba nalulungkot pagkat wala kang kasama mag enjoy sa mga nakikita mo sa taas? And when you fall from the top, you just fall hard. But if youre with someone, you can be assured that someone will hold your hand and try to stop your fall. If they fail to pull you back up I am sure they would be happy to fall with you…and you two will miss the view from the top so masaya ulit kayo susubok umakyat na magkasama. Pag mag isa ka…kung ano lungkot ng bagsak mo mas malungkot ang pagbalik mo sa taas” sigaw ni Raffy. Napatayo ang lahat ng propesor at nagpalakpakan, ilang saglit lahat na ng mga estudyante tumayo narin at pinalakpakan ang binata maliban sa grupo ni Teddy. Halos limang minuto tumagal ang standing ovation at palakpakan, si Abbey parang estatwa na nakatayo lang at nakatitig kay Raffy. “Why aren’t you clapping?” bulong ni Yvonne. “Sis I cant” bulong ni Abbey. “Bakit naman?” tanong ng kaibigan niya at ngumiti ang dalaga at huminga ng malalim. “Basta I cant…wag ka makialam” sabi ni Abbey at di talaga niya magalaw ang katawan niya sa labis na paghanga niya sa binata. “So the duel system stays right?” tanong ni Teddy. “Of course” sagot ni Ricardo. Tinuro ng binata si Raffy sabay sumenyas ng pag gilit sa kanyang leeg gamit ang kanyang kanang kamay. May batang tumabi kay Raffy at biglang naglabas ng nagbabagang dirty finger sign kay Teddy sabay dumilat. “Kimmy! No! Bad yan!” sigaw ni Raffy pero umariba na sa tawa ang mga estudyante. Ilang saglit lang lahat na ng kaklase ni Raffy na grade one students nagflash ng nagbabagang dirty finger kay Teddy kaya napakamot nalang si Raffy at hiyang hiya. Natapos ang event at nagsibalikan na ang mga bawat estudyante sa kanya kanyang campus. Bidang bida nanaman si Raffy pero sa gitna ng high school grounds nag aantay ang grupo ni Teddy. May isang college student ang nag inat at nagflex ng muscles, lahat ng highschool students nag atrasan pagkat isa sa mga bigating golden boy ang dahan dahan lumalapit kay Raffy. “Walang personalan brod, trabaho lang ito. Ako pala si Julius” pakilala ng semi kalbong college student at inabot ang kanyang kamay. Nakipagkamayan naman si Raffy at ngumiti pero biglang nalusaw ang suot niya at natira nalang ang isang pink na diaper. Super tawanan ang mga golden boys lalo na nung humawak si Julius sa balikat ng binata. “Hinahamon kita sa isang duelo!” sigaw niya. Sa sentro ng grounds nakatayo ang dalawa magkaharap. Hiyang hiya si Raffy dahil sa suot niya pero walang tumatawa sa mga schoolmates niya at takot ang mas nangibabaw. Si Julius bungisngis parin kaya si Raffy paspas na sumugod habang nakayuko ang kalaban at nakahawak sa tiyan niya. “E ano ngayon kung naka diaper ako? Sa laban wala kang oras para maging choosy!!” sigaw niya sabay nahawakan agad ang ulo ng kalaban at binigyan ito ng malakas na pagtuhod sa mukha. Nahilio talaga si Julius pero nagpasabog ng isang malakas na bolang apoy. Nakaiwas si Raffy at yung bolang apoy tumama sa gilid ng gym at nagkabutas ang side wall nito. Tumakbo siya patungo sa buong wall at humabol agad si Julius. “Di uubra yang style mo napanood ka namin noon” sigaw niya. Imbes na ulitin ni Raffy ang nagawa niya noon dumiretso siya sa butas at pumasok sa gym. Sumunod si Julius at nagulat ang lahat nang makarinig sila ng matitinding sigaw. Isang minuto ang lumipas lumabas si Raffy na nakangiti at kinakaladkad ang unconscious na katawan ni Julius. Dinala niya katawan ng kalaban niya sa sentro sabay huminga ng malalim at humikab. “Boring naman ito, next!” sigaw niya at sumabog sa saya ang mga highschool students. Kahit naka diaper ay siga siga lumapit si Raffy kay Teddy at pinagduduro ang dibdib nito. “Ako ang hihila sa iyo sa pababa!!! Ako ang papalit sa iyo sa tuktok!!! At pag malapit ka ulit sa taas ibaba ko tong diaper ko tapos uututan ko mukha mo” sigaw niya sabay humawak siya sa balikat ni Teddy at napasigaw ang kanyang mga kaklase. “Pero ayaw ko maging emo sa tuktok kaya ikaw nalang diyan. Pero tandaan mo wag kang magsasaya dahil nandyan ka! Tandaan mo anytime kaya kita palitan pero ayaw ko maging malungkot! Kaya solohin mo yang tuktok! Magpaka emo ka diyan forever! Ikaw na! Oo ikaw na!” sermon ni Raffy sabay tumalikod at dahan dahan naglakad palayo at pilit tinatago ang pangangatog ng kanyang mga tuhod sa takot. Sa malayo nakita niya si Hilda na kumindat sa kanya kaya tinaas niya agad kamay niya sabay bumomba sa ere. Sa isang iglap nadamitan siya ng normal school uniform. Sa inis sumugod si Teddy, narinig ni Raffy ang sigaw ni Abbey pero wala na siyang oras para makareact pagkat hahawak na ang kalaban sa kanyang balikat. Dadapo na sana ang kamay ni Teddy sa balikat niya nang may maglabasan na mga three inch metal thorns sa bawat balikat niya. Napasigaw si Teddy sa sobrang sakit pagkat bumaon ang isang thorn sa kanyang kamay. “Yan ang nababagay sa mga traydor. Kung gusto mo lumaban, hamunin mo ako harap harapan. Humarap si Raffy at kinuha ang isa pang kamay ni Teddy at pinatong ito sa kanyang balikat. Lalo sumigaw si Teddy pagkat dalawang kamay na niya ang nasugatan. “Ay oo nga di ko naalis thorns. Sorry ha” lambing ni Raffy at super laugh trip ang kanyang batchmates. Nanahimik ang lahat nang humawak si Raffy sa balikat ni Teddy. “Hinahamon…” sigaw niya palang pero sumulpot bigla si Peter sa likod niya at tinakpan ang kanyang bibig. “Bitawan mo ako! Tuturuan ko ng leksyon tong mayabang na Teddy Bird na to!” sigaw ni Raffy. “Mister Gonzales that is enough! Teddy Bird…oh Teddy go get your hand healed in the college clinic. Bring along your friends. Everyone back to your classes. Quickly!” sigaw ni Hilda. Nagkatitigan si Teddy at Raffy, “Sir bitawan mo ako, ang sakit ng tingin niya o! Sasamahan ko siya magpagamot promise” banat niya at binilisan ni Teddy paglakad niya kasama ang kanyang alipores. “Hoy Teddy Bird! Pagalingin mo kamay mo! Bibisitahin kita bukas. Oo lahat kayo. Sir bitawan mo ako sabi e!” sigaw ni Raffy. Nung nawala na yung grupo ni Teddy kumalma si Raffy at napaupo sa lupa. “Oh my God…oh my God what have I done?” bigkas niya. “Hush iho, Abbey will you accompany him back to your class” utos ni Hilda kaya tumayo si Raffy at sumama sa dalaga. Habang naglalakad papunta sa building kinakabahan ang binata at ngayon lang lumabas ang labis na takot niya. “Malapit na ako mamatay Abbey” bulong niya at natawa yung dalaga. “You were amazing” sabi ng dalaga. “Ha? Amazing? You know I have no magic and yung change clothes si grandmama yon. Then siguro pati yung spikes. Pero yung sa last narinig ko boses ni yaya Peter sa isipan ko. Sabi niya magsiga sigahan lang ako ang take advantage at lalo ko sila takutin. Oo yung first part after I beat Julius sinisindak ko lang sila. Dinadaan ko lang sa psychology yon pero in the end sabi ni sir Pete itodo ko pa kaya todo acting naman ako pero deep inside nakaihi ata talaga ako sa takot” kwento ng binata. “Not the fighting part…what you said inside kanina…you were amazing” bulong ni Abbey at napakamot si Raffy at napangiti. “I was?” tanong niya. “Yes you were. Kahit wala kang powers you stood up and confronted him. And everything you said, super galing” sabi ni Abbey. “Di naman, masyado na siyang mayabang kasi. Ramdam ko din naman yung takot ng lahat sa kanya e. So if I didn’t stand up to him then who will? Tapos yung mga sinabi ko totoo naman mga yon. Di sa pagmamayabang pero champion ako sa Taekwondo. Malungkot sa taas, sobra” “Nung bata ako dream ko maging champion. Ginagawa ko lahat, train hard, work hard and keep learning. I became a champion pero pag nandon ka sa taas e parang tingin nila sa iyo mayabang ka. Mas naenjoy ko pa maging champion as a team nung sumali ako sa varsity. Yes may individual events din where champion ako pero di ko enjoy yung individual wins. Mas gusto ko yung team championships kasi lahat kami masaya and wala ako takot matalo kasi may tiwala ako sa team mates ko that they would win. Mas masaya mag compete sa ganon kasi less pressure” “Kita ko din enjoy din team mates ko kasi iniisip din nila if they lose I am still there. Funny ano? Pero yung ata yung essence ng team work, you learn to depend on each other. And we practice as a team and teach each other. You cannot know your mistakes if you are alone, you need others to tell you your faults kasi nakikita nila. Pag tayo tayo lang nangingibabaw ang pride and ego so usually feel natin wala tayo mali. Sa individual events, malungkot magtrain mag isa. Gusto mo ishare win mo pero kanino? E mag isa mo nag effort.” “Pag nagshare ka sasabihin nila mayabang ka or plastic much. So in the end kimkimin mo mag isa panalo mo tapos extra effort sa pagiging humble. At pag nasa taas ka magiging paranoid ka kasi takot ka mag fail. So I know how he feels but he is just too greedy” sabi ni Raffy. “Basta youre amazing” bulong ni Abbey at nagngitian yung dalawa. Sa principal’s office nagtatawanan si Peter at Hilda habang pinagkwekwentuhan nila ang mga kaganapan kanina sa grounds. “First time ko nakita ang takot sa mukha ni Teddy and friends” sabi ni Peter. “Oo nga e, ano sa tingin mo mangyayari if he finds out walang powers yung nanakot sa kanya?” sagot ni Hilda at lalo pa sila nagtawanan. “But Peter I don’t like the spikes on Raffy’s shoulder. You injured a student” sabi ng matanda. “That wasn’t me, akala ko nga ikaw e” sabi ni Peter. “Are you serious? Hindi ako yon. I thought it was you so I just kept quiet” sabi ni Hilda. “Tsk…Abbey” sabi ni Peter at napabuntong hininga yung dalawa. “Madam Hilda you have to come see this quick!” sigaw ng isang propesor na sumugod sa opisina. “Ano yon?” tanong ng matanda. “Basta dalian niyo po, you really have to see this. Its about Raffy!” sabi ng propesor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD