Isang linggo lumipas at kagagaling ni Raffy sa elementary campus. Mainit ang ulo niya pagkat hanggang ngayon hindi parin siya makapagpalabas ng kahit munting ilaw sa kanyang mga kamay. May nagduduelo sa gitna ng campus grounds kaya nakisiksik siya para sumilip. Isang matipunong binata na gwapo ang nakikipaglaban sa isang maskuladong estudyante. Tilian ang mga babaeng estudyante pero si Raffy namangha sa mga kapangyarihan na pinapasiklab nung dalawang tagaduelo.
“Ang gwapo talaga ni Henry” tili ng isang dalaga. “Henry Potter?” biro ni Raffy at nagtawanan ang mga babaeng katabi niya at lalo siya pinasingit. “Ikaw talaga Raffy palabiro ka” sabi ng isang dalaga. “Teka Henry yung isa, sino yung muscle man?” tanong ng binata. “Ah si Chad yan, pareho silang malakas. Two gold bars mga yan e” paliwanag ng isa pang dalaga. “Im sure kaya mo mga yan, ikaw pa diamond ka e” dagdag ng isang dalaga pero ngumiti lang si Raffy at nangilabot sa tindi ng kapangyarihan nung dalawa.
Si Chad susuntok sa lupa, lilindol at ma off balance si Henry at doon siya susugod gamit ang kanyang light blade na lumalabas sa kanyang kamao. Di nagpapatao si Henry at mabilis ang pag ilag niya gamit ang flash steps. Nalusutan niya si Chad at naglabas siya ng malakas na hangin galing sa lupa na nagpatapon kay Chad sa ere. Tumalon si Henry at sinugod ang dalawang kamao niya, may asul na liwanag na lumabas sa kanyang mga kamay at pagtama nito sa katawan ni Chad ay napasigaw ang maskulado sa sakit.
Bagsak si Chad sa lupa hawak ang nagyeyelong tiyan niya. Si Henry agad lumapit at tinignan ang kanyang kalaban. “Sabihin mo suko ka na para tanggalin ko yung pagyeyelo ng katawan mo” sabi niya. “Suko na ako” sigaw ni Chad kaya sa isang humpay ng kamay naglaho ang yelo at tinaas ni Henry dalawang kamay niya. Palakpakan ang lahat pati na si Raffy na talagang napabilib nung dalawa.
“Sige palakpak ka pa para ibuking mo sarili mo” bulong ni Abbey kaya dahan dahan binaba ni Raff yang mga kamay niya. “I was just appreciating their duel” palusot niya. “Loko pag ikaw papalakpak para kang nagmamayabang. Parang minamaliit mo sila” sabi ng dalaga. “Ha? Ganon ba? Hala di ko naman alam” sabi ni Raffy. “Hoy Karne Norte may araw ka din sa akin” biglang sigaw ni Henry. “See told ya” bulong ni Abbey. “Kahit na diamond rank ka, sa tingin ko maiisahan din kita” hirit ni Henry sabay turo pa kay Raffy pero bigla siyang ngumiti at kumayaw. “Hi Abbey” pacute niya.
Nagulat ang lahat nang tinuro din ni Raffy si Henry, “Siga siga tapos pacute, hi Abbey” banat niya sabay kinawayan din niya ang katabi niyang dalaga. Natawa ng todo si Abbey kaya nairita si Henry at lumapit. Si Raffy dinikit ang kanang kamao sa kaliwang palad niya at biglang nagbubulong ng kung ano ano. Napaatras sa takot si Henry at lahat ng estudyante naintriga.
“Dude chill, wag ngayon at pagod ako. Pag lalake ka you can respect that” sabi ni Henry kaya binaba ni Raffy mga kamay niya at tumalikod. “Hi Abbey” banat niya sa malanding boses kaya napahalakhak nanaman ang dalaga pero si Henry biglang sumugod kaya nagsigawan ang ibang mga estudyante. Mabilis humarap si Raffy at nilabas ang dalawang daliri niya at tinuro sa pasugod na kalaban.
Napatigil ulit si Henry at napatitig sa dalawang daliri na muntik nang tumama sa kanyang mukha. “Just kidding pre…sige aatras na ako…see you later Abs” sabi niya at dahan dahan siyang tumalikod at naglakad palayo habang si Raffy seryoso ang titig at pinanatiling nakataas ang kamay niya. “At ano naman daw ilalabas mo sa fingers mo?” bulong ni Abbey. “Wala, its either susundutin ko mata niya o kakalmutin face niya sabay meow meow” bulong ng binata at sumabog nanaman sa tawa ang dalaga. “Wala ka talagang kwenta” sabi niya at naglakad narin palayo.
Humabol si Raffy at nahihiyang niyuko ang ulo. “Hey Abbey, di ko talaga magets pano. Can you teach me” bulong niya. “Dismissal na, gusto ko na umuwi” sabi ng dalaga. “Oh okay, sige thanks” sabi ni Raffy at tumigil sa paglalakad at lumingon sa campus. “Di ka pa ba uuwi?” tanong ni Abbey. “Hindi pa, puntahan ko ata si sir Peter at magpapaturo ako. Nahihiya na ako sa mga bata e” sagot ng binata. “Talagang desidido ka matuto?” tanong ng dalaga. “Oo e, bakit?” sabi ni Raffy.
“Ah wala, good luck sa iyo” sabi ni Abbey at nagtuloy ng lakad palabas ng campus. Naglibot si Raffy pero hindi niya mahanap si Peter. Nagtungo siya sa opisina ni Hilda at nilakasan ang loob. “Grandmama…” bulong niya pero ang matanda agad pinadilim ang opisina niya at nagulat ang binata. “Sige try mo magpalabas ng ilaw” sabi ng matanda. “Grandmama ive been trying for a week pero ayaw talaga” sabi ng binata. “Try it again iho. Sige na. Say the spell clearly sa utak mo, pag di kaya ibigkas mo” sabi ni Hilda.
Huminga ng malalim si Raffy at sa dilim nagfocus. “Illumina” bulong niya pero walang nangyari. “Iho seryoso ka ba kasi?” tanong ni Hilda. “Opo, I really am doing my best” sabi ng binata. “Well your best is not good enough. If you want to stay here in this school then you should push yourself. Dig deep, focus, wag ka umasa sa binibigkas mong spell. Tell your body what to do. Wag mo isipin na wala kang magic. Wag negative isipin mo. Come on Raphael” sabi ng guro.
“I will kick you out if you cant do it right now” banta ni Hilda. “Grandmama!” sigaw ni Raffy. “Im not kidding Raphael. I will give you one hour to try. Pag wala then that’s it. Say goodbye to her” sabi ng matanda. “Don’t be so unfair grandmama. Fine, simpleng ilaw lang Raffy di mo pa magawa mahiya ka naman sa mga bata. Tell your body what to do…okay…I have magic and I want light in my finger…okay? Okay. Dig deep…dig deep…isa kang pala na naghuhukay ng malalim”
“Illumina” bulong ng binata at biglang umilaw ang dulo ng hintuturo niya. “Oy grandmama pinapaligaya mo lang ako. Alam ko ikaw mag gawa nito” sabi ni Raffy. “Well that’s good enough, so youre staying. Keep practicing at makukuha mo din” sabi ni Hilda. “Grandmama! Oh come on, ikaw ito e. Ikaw nagpapailaw sa finger ko” landi ng binata at pilit tinatago ang tuwa niya. “No iho, its all you” sabi ni Hilda at sumigaw sa tuwa ang binata.
“Oh yeah! Oh yeah! I have magic now. Oh yeah!” kanta ni Raffy at sa tuwa biglang dumilim sa paligid. “Oh did you kill the light?” tanong ni Hilda sa dilim. “Nangungulangot ako grandmama. Di ba umiilaw nose ko?” tanong ng binata at sinindi agad ni Hilda ang ilaw at totoo nga sinasabi ng binata at nakapasok ang hintuturo niya sa kanyang butas ng ilong. Napatawa ng husto si Hilda at painosenteng nagpacute ang binata at dahan dahan nilabas ang daliri niya.
“Hay naku bukas ka na magpractice iho. At least now you know how. Come on go home and spend time with your parents” sabi ni Hilda at natatawa parin habang hinahatid ang binata palabas ng kanyang opisina. “Grandmama…tinatamad ako magcommute” pacute ni Raffy. “Hay naku spoiled ka talaga, o siya. To your room?” tanong ni Hilda. “Oh no wag po. Baka maatake si mama, sa garage nalang po at least di ako makikita don ng kahit sino pag sulpot ko” sabi ng binata. “Okay, see you tomorrow Raphael” sabi ni Hilda at tinuro ang noo ng binata at agad ito naglaho.
“Hay naku Felipe, manang mana sa iyo anak mo” bulong ng matanda at isasara na sana niya ang pinto niya pero iniwan niya itong nakabukas at bumalik sa lamesa niya. “Abbey why are you still here?” tanong niya at dahan dahan pumasok ang dalaga sa opisina. “Wala po lola” sabi ng dalaga. “Oh okay, he got it” sabi ni Hilda. “He did? Ows? Napailaw niya daliri niya?” tanong ni Abbey sa tuwa. “You came back to teach him didn’t you?” tanong ng matanda at nagsimangot ang dalaga at tumalikod.
“Napailaw niya daliri niya at sinaksak niya agad sa nose niya para pailawin daw” kwento ni Hilda at napatawa ng matindi si Abbey. “Iha continue watching over him” pakiusap ng matanda at lumingon lang ang dalaga at ngumiti. “Sige lola uwi na ako” paalam niya at biglang naglaho si Abbey. Ngumiti si Hilda at humarap sa bintana at pinagmasdan ang campus grounds. “Manang mana talaga sila sa inyo Felipe at Pedro” bigkas niya sabay ngumiti.
Kinabukasan habang recess nakasama na si Raffy sa lamesa ni Abbey at mga barkada niya. Biglang dumating si Henry at napatingin sa binata. “Don’t tell me he is teaching you? Wow Karne Norte bilib ako style mo, using your so called fame to get the girls” sabi niya. “He is just my classmate” sabi ni Abbey. “Oh so Felicia you better be careful with this guy then” sabi ni Henry. “At kami ni Cessa etse pwera ba ganon?” tanong ni Yvonne.
“Henry Potter that is not the right manner to talk with girls” banat ni Raffy with British accent kaya nagtawanan ang mga dalaga. “Namumuro ka na sa akin ha” banta ni Henry at tumayo si Raffy at kumuha ng isang pirasong French fries tapos nilapit ito sa mga mata ng binata. “Nakikita mo ba ito? Ha? Can you see this?” tanong ni Raffy.
“Yeah so what?” tanong ni Henry. “With this I can write something on your forehead..just like this” sabi ng binata at kunwari may sinusulat siya sa ere at si Henry naduduling na at sinusundan ang French fries. Nang tumuldok kunwari si Raffy at nagtawanan ang mga girls kaya agad humawak sa noo si Henry. “Yeah right as if meron” sabi niya at si Abbey humalakhak talaga at pinagtuturo ang noo ng binata.
“Anong nakasulat?” tanong ni Henry habang tinatakpan ang noo niya. Ang mga girls tawa lang ng tawa kaya naglabas ng panyo ang binata at pinagpupunas ng matindi ang noo niya. Punas siya ng punas habang nakangisi lang si Raffy sa kanya. “Dude sige pa may natira pa konti, nababasa ko pa yung Peni…pero okay burado na yung S” sabi niya kaya lalo nagpupunas si Henry at namula na ng todo ang noo niya.
Pagkalipas ng limang minuto ay nag thumb up sign na si Raffy kaya tumigil si Henry pero super pula ng noo niya. “Abbey wala na ba?” tanong ni Henry. “Wow you just looked at her and your forehead is blushing. How cute naman” landi ni Raffy at sumabog nanaman sa tawa ang mga dalaga kaya sa inis tumayo si Henry at nag walk out. “Ay nahurt siya” hirit ng binata kaya si Abbey pinagkukurot na siya para tumigil at bigla sila pinagtutukso ng iba.
Tumakas si Abbey sa magic class nila nung hapon para silipin si Raffy sa elementary class niya. Sisilip palang sana siya sa classroom ay matinding tawanan ang narinig niya at lumabas pa yung guro ng mga bata para maghabol ng hininga. “Bakit po? Anong nangyari?” tanong ng dalaga. “Tignan mo” sabi ng guro kaya sumilip si Abbey at nakita niya si Raffy nakasaksak two finger sa loob ng ilong at umiiliaw ito. Aliw na aliw ang mga batang kaklase niya at pati sila gumagaya.
Super tawa si Abbey at ang guro habang sumisilip sila. “No! Kimmy no! Bad! Don’t put your fingers in your mouth na kasi pinasok mo na sa nose mo. Dirty na yan. Okay? Pati kayo ha. After this class we go wash hands okay?” sabi ni Raffy at lahat ng bata sumangayon kaya naantig ang puso ni Abbey. “Sige po teacher balik na ako sa class ko” paalam ng dalaga. Bago siya umalis nakita niya pinailaw ng guro ang dalawang hintuturo niya at sinaksak ito sa kanyang ilong. “Teacher?” tanong ng dalaga. “Oh come on, its just for fun” sagot ng guro at pumasok ito at lalo tumindi ang tawanan sa loob.
Kinabukasan ng lunch dumating nanaman si Henry pero agad ito naupo sa tabi ni Abbey. Si Raffy katatapos lang mag order at naghanap nalang ng ibang lamesa. Kumikirot ang puso niya nang nakikita niya masayang nag uusap si Abbey at Henry kaya agad siya nawalan ng gana at lumabas nalang at naglakad lakad. Sa gitna ng grounds may nagduduelo, si Chad ulit at kalaban ang isang kaibigan ni Adolph. Ang masculadong estudyante panalo sa duelo kaya nangilabot si Raffy at naisip gaano kalakas ang kanyang karibal sa puso ni Abbey.
“Hey Raffy long time no see. Sayang di tayo magkaklase” sabi ni Giovani at agad umakbay sa kanya. “Yo pare…whoa pare one gold bar ka na” bigkas ni Raffy at super ngiti naman si Giovani at pinasikat ang nameplate niya. “Oo pare naka duel ako ng malakas kahapon pero tsamba lang. Ginaya kita pare e. Nagpahabol din ako pero di ako nakataas sa wall, alam nila bestfriend tayo pero tumapak lang ako tapos quick turn para batuhin siya ng flame balls sa chest” kwento ng binata.
“Astig! Flame balls? Cool pare” sabi ni Raffy sa inggit. “Thanks to you pare. Kasi akala niya siguro tatalon din ako sa ere like you. So nung tumapak feet ko sa wall agad nagtwist ako ng body to throw the balls. Di niya alam habang tumatakbo ako nagfoform na ako ng ball. Astig pare e, dami ko natutunan sa moves mo dati” sabi ni Giovani at natawa nalang kunwari si Raffy pero sa totoo lalo siyang nanliliit.
“Pare tapos alam mo ba ang dami nang nagkainteres sa PE subjects nila after seeing how strong your super punch was sa first duel mo. Lahat nagpapalakas narin ng body nila. Pati ako no” kwento ni Giovani. “Wow may positive effect din pala ako” bigkas niya. “Yup super pare. Everyone wants to be like you. Kasi inisip namin ano bang pagkakaiba natin? Wala naman, training lang lamang mo, alam namin hardcore talaga sa Norte so in a few months expect everyone here to be stronger, thanks to you” sabi ni Giovani at talagang natakot lalo si Raffy kaya ngumiti nalang at napatingin sa langit.
“Lord malapit na kita makilala” bulong niya. “So pare kumusta kayo ni Abbey?” tanong ng kaibigan niya at napatingin si Raffy sa kanya. “Abbey? Bakit kami ni Abbey?” tanong niya. “Oh come on pare, wag ka na magdeny. Kita ng lahat na lagi ka nakabuntot sa kanya. Kaklase mo pa o” landi ni Giovani at nakiliti si Raffy pero agad nagsimangot. “Henry” sabi niya lang.
“Henry? Ah oo suitor din niya yon. Matagal na nanliligaw yon pero no progress. Sus kaya mo yon pare. Ligawan mo kasi si Abbey para umtras si Henry. I think Abbey does not like him naman e. Grabe elementary palang kami nanliligaw na yon don no” sabi ni Giovani. “Di e, parang super close sila. Lamang siya and I cant just use my powers naman. Di ganon ang pag gamit ng magic pare. Never use it to take advantage or make braso” banat ni Raffy.
“E di kay Felicia ka nalang, wow the prettiest girl. Cute eyes, super long black hair at fair complexion. Oha pare wala nanliligaw don ata. Sa kanya ka nalang” sabi ni Giovani at natawa si Raffy. “She is pretty pero wala ako maramdaman sa kanya e. She is attractive pero never ko naisip ligawan. Si Abbey iba siya e. Mula nung makita ko ewan ko ba, deep inside I knew she was the one” bulong niya. “E di ligawan mo kasi” sabi ng kaibigan niya. “Too early pare, and besides wala pang isang buwan kami magkakilala, sila ni Henry years na pala. Layo ng hahabulin ko” sabi ni Raffy.
Humarap si Giovani sabay humawak sa balikat ng binata. Nagulat si Raffy at nagkatitigan sila. “Dude” bulong niya at ngumiti si Giovani at tumawa. “Di pa ako nasisiraan ng bait. Maybe one day pag ready na ako. To naman o babatiin lang kita ng good luck kay Abbey. Ikaw talaga war freak ka” sabi ng binata at nagtawanan yung dalawa. “I need all the luck pare, salamat” sabi ni Raffy at naghiwalay na yung dalawa.
Sumapit ang Biyernes at maaga pumila sa counter si Raffy para makasama sa grupo ni Abbey para sa tanghalian. Ang mga girls nakayuko at nagkwekwentuhan habang nakasimangot si Abbey. “O late ata yung peste mo” tukso ni Yvonne. “Oo nga e, mas maganda nga pag wala siya e” sagot ng dalaga. “Grabe ka naman peste agad tawag mo sa kanya” sabi ni Cessa. “E ano pa itatawag mo sa kanya? Dikit ng dikit tapos sulpot ng sulpot kahit ayaw mo makasama. E di peste tawag sa kanya diba?” paliwanag ni Abbey sabay tawa.
“Oh sorry I didn’t know I was a peste already” sabi ni Raffy at nagulat ang mga girls nang nandon na pala sa tabi nila ang binata. Nilapag ng binata tray niya sa bakanteng lamesa sabay lumabas ng canteen. Si Abbey agad humabol pero di na niya mahanap ang binata sa campus grounds.
Sa classroom nung hapon wala din si Raffy kaya nag aalala na ang dalaga. Sa opisina ni Hilda doon nagtago ang binata at kinausap ang principal. “So youre going to drop out already?” tanong ng matanda. “Yes, its pointless grandmama. She called me a peste. E ano pang gagawin ko dito? I came to this school for her, now I know where I stand sige na burahin niyo na memory ko. Clean it well” sabi ng binata.
“Iho, naisip mo din ba ang epekto nito sa buhay mo sa outside world?” tanong ni Hilda at nagsimangot lang ang binata at sumandal sa upuan. “Listen to me, if you drop out and I erase your memory. Late ka na masyado mag enroll sa normal college. Lets say makakahabol ka nga pero what if hindi? E di babagsak ka? Parang nagsayang ka ng one sem pag ganon” sabi ng matanda.
“Can you not just stay as a normal student here? Heart break is common naman iho diba? Kahit pag nasa labas ka then you have a classmate you like. If she turns you down do you drop out? Ang sinasabi ko lang iho sayang narin nasimulan mo dito. Look you were able to use magic already” sabi ni Hilda.
“And what? Get myself killed here for nothing? Siguro nga mas maganda magpatalo nalang ako sa next duel. Sino ba yung pinakamalakas at hahamunin ko para sigurado tigok ako?” sabi ni Raffy. “Hay naku iho. Sige ikaw bahala. I will give you five minutes to think it over. Then whatever you decide sige” sabi ni Hilda at nagsimangot.
“And youre mad at me?” tanong ni Raffy. “Yes I am. Frustrated kasi sayang potential mo. But sino ba naman ako na papakinggan mo? Buhay mo naman yan iho. So makikinig nalang ako sa iyo” sabi ng matanda. “Grandmama give me a reason to stay here? If you give me a good reason then I might stay” sabi ng binata.
“Iho what Giovani told you a while ago is all true” sabi ni Hilda at natawa si Raffy bigla. “Youre spying on me?!” tanong niya. “Taking care of you is the right word. Well narinig ko lang naman iho yung pinag usapan niyo” sabi ng matanda at lalo natawa ang binata. “Wow grandmama this far? Oh oo nga magic” sabi niya.
“So as I was saying kahit na nagpapanggap ka e may positive effect ka sa students. Its true that a lot are trying to improve their bodies, thanks to you. Then you can just feel the excitement and see the students trying to enhance their magic powers. Up to now pinag uusapan yung magic kick mo, that is why there are so many asking and even researching how they can modify their powers”
“This is a good sign for evolution iho. And then the elementary students in your class are very happy learning magic. Nahawa yung teacher niyo don at siya nakwento niya sa kapwa teachers niya. Now they are so enthusiastic teaching the kids. Alam mo kahit nagpapanggap ka tignan mo naging epekto mo sa kanila. Imagine if you stay here longer…and imagine if you suddenly left” sabi ni Hilda.
“How about me grandmama? I am living a lie already and now I have to live in pain if I stay here” sabi ni Raffy. “But you have the chance to make that lie into reality” sabi ng matanda. “How about the pain?” tanong ng binata. “Pain na ba talaga agad? Everyone undergoes heartbreak so suck it up and be a man. Para kang hindi lalake” banat ni Hilda at nagulat si Raffy at natawa.
“Transfer me to a different section then I will agree to stay” sabi ng binata at napaisip si Hilda. “Sigurado ka? If I transfer you hindi ka na talaga aalis?” tanong ng matanda. “If I go pano na ang positive effect? Grandmama naman, for the greater good titiisin ko yung pain. Kaya ilipat niyo na ako sa ibang section. And if I stay you owe me” landi ng binata at natawa yung matanda. “Fine sige bukas ibang section ka na” sabi ni Hilda at nagkamayan yung dalawa.
On the way na si Raffy para sa magic lessons niya sa elementary campus nang harangin siya ni Henry. “Peste” bulong ng binata sabay ngumiti. “Pare wala ako sa mood makipagbiruan” sabi ni Raffy at tinuloy ang kanyang lakad. “Pesteeeee” landi ni Henry at naiinis na ang binata pero pinakalma lang ang sarili. “Peste peste peste peste!” sigaw ni Henry sabay tumawa ng napakalakas. Agad humarap si Raffy at nagulat na nandon si Abbey sa tabi ng binata.
Magagalit sana siya pero huminga nalang ng malalim at nagtuloy sa elementary campus. “Hoy peste ano gagawin mo diyan sa elementary campus? Epic fail ka dito kaya hahanap ka ng mas bata na pepestehin mo?” banat ni Henry at nagtuloy lang ng lakad si Raffy. Sa kanyang classroom galit na galit siya nagprapractice habang binubulungan ang sarili na peste siya.
Busy si Abbey sa magic class niya pero naiisip parin niya si Raffy. May pumasok na isang propesor sa klase at agad nagsisigaw. “Professor Erwin! Emergency! Elementary campus ASAP!” sigaw niya at napatayo ang guro at lahat ng estudyante nagtinginan. “Stay here everyone finish your lessons, I will be back” sabi ni Erwin at bigla siya naglaho.
Si Abbey lumabas ng building at nagtungo sa elementary campus. Pero nasa grounds palang siya nakita na niya si Raffy sa lupa at gumagapang. Tumakbo ang dalaga papunta sa kanya at agad sinubukan patayuin. “What happened?” tanong niya. “Di ko sinasadya…wala ako makita” bulong ng binata at naglabasan na yung ibang propesor pati na ang principal. “Raffy what happened?” tanong ni Hilda. “Grandmama I cant see…its my fault…di ko po sadya” sabi ng binata.
Pagapang din ang gurong babae ni Raffy at wala din siya makita. “Madam Hilda help the kids…I cant see” bigkas niya. “Romina what happened?” tanong ng principal. “I will explain later…Raffy? Are you there? Don’t blame yourself iho…the kids will be fine” sabi ni Romina at napakamot si Hilda. “Abbey take him to the side and heal his eyes with the soothing spell” utos ni Hilda at agad tinapat ni Abbey ang dalawang kamay niya sa mga mata ng binata at yon din ang ginawa ni Hilda kay Romina.
“Grandmama anong shooting spell?” tanong ni Raffy at natawa si Abbey. “Soothing spell yon” bulong ng dalaga at ilang segundo lang nakakita na agad ang binata. “Hey I can see you” bulong niya. “I can see you too” sagot ni Abbey. “Alam mo sana iniwanan mo nalang akong bulag e. Para di ko makita nasan ka at di na kita masusundan at mapepeste” sabi ni Raffy.
“Oo nga naman Abbey. Dapat iniwan mo nang bulag yang peste na yan” sabi ni Henry na biglang sumulpot sa tabi ng dalaga. Agad tumayo si Raffy at hinarap ang palad niya malapit sa mukha ng binata. “Raffy huwag!!!” sigaw ni Romina at agad tumakbo ang guro at niyakap ang binata. “No Raffy! Bad!” sigaw niya at natawa si Raffy at tinignan ang guro niya. “Teacher di ako bata” banat niya at nagtawanan yung dalawa. “Hoy alam ko na yung pekeng sinulat mo, wala naman yon. Di na ako magpapauto sa iyo peste ka” sabi ni Henry at pinilit ni Raffy iharap ang kanyang palad pero pinigilan na siya nina Romina at Abbey. “Raffy don’t” bulong ng guro.
“Pakawalan niyo yan teacher at tuturuan ko yang peste na yan” sabi ni Henry. “Hindi siya yung tinutukoy kong peste kanina! Ikaw yon! Ikaw ang peste Henry! Nagkataon lang he was there and he thought it was him but ikaw yung totoong peste sa buhay ko!” sigaw ni Abbey bigla. “Siya yung peste at hindi ako?” tanong ni Raffy. “Yeah, you ran away too fast at di kita nahabol to explain” sabi ng dalaga at agad ngumisi yung binata sa karibal niya.
“Ah ganon, so ako pala ang peste mo. Youre not even worth my time” sabi ni Henry at talagang nilapit ni Raffy ang palad niya at humarap na si Hilda. “Raphael! Henry go away now quickly before I turn you to a real pest” banta ng principal kaya umalis si Henry pero tinuro si Raffy at tinignan ng masama.
“Grandmama hindi ako yung peste” bulong ni Raffy. “So? Ano gusto mo sabihin?” tanong ng matanda sabay ngumisi. “Yung pinag usapan natin kanina grandmama wag mo na ituloy” sabi ng binata. “Sorry too late, nagawa na e” sabi ni Hilda. “Ano yon?” tanong ni Abbey. “Itong si Raffy kasi kanina…” sabi ng matanda pero hinarap ni Raffy ang palad niya malapit sa mukha ng principal.
“Oh at sa tingin mo tatalab yan sa great wizard na tulad ko?” tanong ni Hilda. “Yes madam its really powerful” sabi ni Romina at napalunok si Hilda at umatras. “Hay, I never transferred you” sabi niya. “What?! Ginusto mo talaga ako mag live in pain araw araw?” tanong ni Raffy at natawa ang matanda. “Hindi, feel ko magkakabalikan kayo. Sige you two go home now, Romina follow me and magmeeting tayo lahat about this incident” sabi ni Hilda.
Paglayo ng dalawang guro ay nag inat si Raffy at tinignan ang kanyang palad. “What happened kanina?” tanong ni Abbey. “Akala ko kasi ako yung peste so nagpatransfer ako” sabi ng binata. “Hindi yon, yung sa elementary class niyo. What happened? What did you do?” sabi ng dalaga. “Ah wala yon, isa lang sa mga super powers ko yon” pasikat ng binata. “Yeah right, pati sarili mo tinamaan mo ganon?” landi ni Abbey. “Oo naman para mafeel ko din powers ko paminsan minsan” banat ni Raffy at biglang nagtawanan yung dalawa.
Tahimik lang si Abbey at naglakad sila patungo sa magic wall. “I really want to be your friend Abbey. Para kang on and off switch. Minsan friendly then mamaya stone cold. Sana wala nang stone cold” bulong ng binata. “So ano gusto mo mangyari?” tanong ng dalaga. “Let me get to know you more” sabi ni Raffy.
“Sus if you get to know the real me aayaw ka din lang” sabi ng dalaga. “Try me” banat ng binata at nagkatitigan sila. “Seryoso ka?” tanong ni Abbey. “Oo ano bang masamang mangyayari diba? Grabe naman to” sabi ng binata.
“Sige ikaw bahala” bigkas ng dalaga sabay ngumisi.