Pagpapakilala

4258 Words
Nagsimula na ang normal classes sa ikatlong araw. Late si Raffy pagkat hindi niya mahanap ang kanyang classroom. Sa third floor ng Junior’s building niya nahanap ang kanyang section classroom kaya agad siya pumasok at agad nagsigawan at nagsaya ang mga estudyante sa loob. “Just in time mister Gonzales, we were about to start. So before we do why don’t you come in front and introduce yourself to your section mates” sabi ng isang dalagang guro. Nagtungo si Raffy sa harapan at agad siya napangiti nang makita niya kaklase pala niya si Abbey. “Good morning classmates. My name is Raphael Gonzale but you can call me Raffy. Di ko alam ano ang narinig niyong tsismis tungkol sa akin pero sana wag kayo masyado maniwala” “Bago lang ako dito at gusto ko sana matuto in the right way. I promise I will not use my powers at sana wag niyo na pansinin itong nameplate ko. Kung pwede sana treat me normally. Yun lang, maraming salamat” sabi ng binata at nagpalakpakan ang kanyang mga kaklase maliban kay Abbey. “Well said mister Gonzales so why don’t you seat beside miss Hizon. She is one of our top students so I am sure she can help you get acquainted to this school better. By the way I am Professor Ivy Flores you section adviser” sabi ng guro at nagkamayan yung dalawa. Sobrang saya ni Raffy nang maupo siya sa desk na katabi ni Abbey. Pagkaupo niya agad niya tinignan ang dalaga na ngumiti sa kanya. “I promise I will not use my powers” bulong ng dalaga at napakamot si Raffy at napangiti din. “Hi ako si Raffy” bulong niya at inaabot niya ang kanyang kamay. “I know who you are, at pag hindi ka bingi I am sure you know who I am” pataray na sagot ng dalaga sabay umirap at humarap na sa guro. Huminga ng malalim si Raffy at hinaplos niya noo niya. Pinagbintangan niya yung kinakalat ni Giovani na tsismis kaya nagmukhang ang dating niya kay Abbey. Di siya natinag at nagdesisyon na ipapakilala niya tunay na siya sa dalaga dahan dahan. Sa ngayon masaya na siya na kaklase niya si Abbey at katabi pa niya kaya imbes na sa guro siya nakatingin ay nakatitig lang mga mata niya sa dalaga. Sumapit ang recess at sinundan ni Raffy si Abbey papunta sa canteen. Napatigil ang dalaga bago pumasok at hinarap ang binata. “Are you following me?” tanong niya. “Ah no, gutom ako so dito din punta ko sa canteen” sagot ni Raffy. “So hindi mo talaga ako sinusundan?” tanong ng dalaga at napakamot ang binata at ngumiti. “Well yes kasi di ko alam saan ang canteen. I heard you tell our classmate pupunta ka canteen so sinundan nalang kita” sabi niya. “Excuse me saan yung canteen? Excuse me can you tell me where the canteen is. Hindi ba kayo marunong makipagcommunicate sa pinanggalingan mo? Kailangan niyo ba talaga magkimkim at maging stalker?” banat ni Abbey. “Nahihiya ako magtanong sa iyo e” palusot ng binata sabay tawa. “Ang dami natin kaklase e di sana dun ka sa iba nagtanong. Diba? Oh well this is the canteen and we do use Philippine money here” sabi ni Abbey sabay tumalikod na at pumasok. Biglang umingay sa loob nang makita ng lahat si Raffy. Sinundan nanaman niya si Abbey sa counter at agad niya niyuko ang kanyang ulo. “Oy classmate pag gentleman ka ililibre mo ako” sabi ng dalaga at agad nagliwanag mukha ni Raffy. “Sure oo ba” bigkas niya at nakitabi siya sa dalaga pero si Abbey tinignan siya ng masama. “Porke ililibre mo ako tatabihan mo na ako?” banat niya at sa sobrang hiya yumuko si Raffy at bumalik sa likod ng dalaga. “Sige pili ka lang ako na magbabayad” bulong niya. Nang naka order si Abbey inantay pa niya matapos ang binata. “Ei classmate, can we share a table?” tanong ni Raffy. “Oo ba, tara” sabi ng dalaga at naghanap sila ng lamesa. Nakita ni Abbey si Yvonne kasama ang ibang barkada nila. Isa nalang ang bakanteng upuan at agad naupo doon ang dalaga. Napatigil si Raffy at lahat ng dalaga nakatingin sa kanya. “Wala nang seat e, if you like upo ka sa floor” banat ni Abbey at nagtawanan ang mga babae. “Yeah maybe next time” sabi nalang ng binata at naghanap siya ng bakanteng lamesa. Sa pinakadulo ng canteen naupo si Raffy, mag isa siya at tila walang gusto makitabi sa kanya dahil sa malapit nakaupo ang grupo ni Adolph. “Sis you were harsh” bulong ni Yvonne. “Oo nga he is kinda cute pa naman” sabi ni Felicia na pinakamagandang estudyante sa buong campus. “Nakakaawa tuloy siya o, sana you pulled a chair nalang ang let him join us” dagdag ni Cessa, ang academic nerd ng grupo. “Hanggang dito ba? Kaklase ko na nga, section mate I mean tapos seat mate ko pa. Pati ba dito?” reklamo ni Abbey sabay kumagat sa kanyang sandwich. “Uy, remember he was shouting your name nung hinahabol siya ni sir Pete. May tinatago ka atang sikreto sis ha” landi ni Yvonne at lahat ng girls napatingin kay Abbey. “Excuse me we formally met this morning. Aminin ko last week on the way here I saw him pero he was at the local university outside. I smiled at him and he smile back, that’s it” sabi ng dalaga at nagtilian ang mga barkada niya. “You like him!” bigkas ni Cessa. “Che! Excuse me nagsmile lang ako I like him na?” sagot ni Abbey. “E bakit mo ngingitian? O sige nga? You don’t know him tapos you smile? Then he knows your name? Oh come on Abbey” sabi ni Felicia. “Ewan ko ba, I don’t even make lingon while walking to school but that day I did and saw him. I don’t even know why I smiled, basta ngumiti lang ako” kwento ng dalaga at lalong nagtilian ang mga kaibigan niya. “Usually if you like someone you smile at them” landi ni Cessa. “Tumigil nga kayo, I don’t like him okay? I don’t know how he knows my name and for sure madami naman Abbey dito ha” sabi ni Abbey. “Actually ikaw lang” sabi ni Yvonne. “O para matigil na, he likes you and he asked for your name. Uy he likes you” landi ni Felicia at natawa si Abbey at tinaas ang dalawang kilay niya. “He is cute and a powerful student wizard daw, pag ako sasagutin ko siya agad” sabi ni Cessa at biglang natawa si Abbey. “Powerful student wizard, yeah right” bigkas niya. “You don’t believe powerful siya?” tanong ni Yvonne. “Nope” sagot ng dalaga. “But di ka kumontra sa cute, uy” landi ni Cessa at napangiti si Abbey at napalingon kay Raffy. “Okay so he is cute. Lets leave it at that” sabi niya at muling nagtilian ang mga barkada niya. “O ano nanaman? Sumangayon na nga ako sa inyo e. I have eyes and marunong din naman ako mag appreciate ng cute no” reklamo ni Abbey. “Yeah pero all this time ngayon ka ang nagjudge ng isang guy saying cute siya” sabi ni Yvonne at napatawa si Abbey ng malakas. “E cute nga e ano magagawa ko? At hanggang don nalang yon. Hay naku kain na nga tayo…oh by the way he treated me” bulong niya at umariba nanaman sa tili ang mga barkada niya. Sumapit ang lunch break at mag isa ni Raffy naglalakad lakad sa grounds ng school pagkat di nanaman siya nakasabay sa grupo ni Abbey. Ilang saglit may mga estudyante lumapit sa kanya at nakipagkilala. Sumaya ang binata pagkat may nakakausap na siya pero hirap siyang magsinungaling pagkat ang dami nilang tanong tungkol sa Norte na pinagaakalang pinanggalingan niya. Sampung minuto ang lumipas at biglang may nagsulputan na binata at dalaga. Lahat ng mga schoolmates ni Raffy nagtakbuhan palayo at ilang saglit lang napalibutan ang binata ng mga bagong salta. Sa loob ng canteen masayang kumakain sina Abbey at barkada niya nang may sumugod na estudyante sa loob ng canteen. “Si Raffy!!! Mapapalaban! Mga college students!” sigaw niya at nagtayuan ang lahat at sumugod sa grounds. Paspas na tumayo si Abbey at tumakbo, “Uy concerned” landi ni Yvonne. “Sira! Gusto ko siya mapanood magulpi” banat ni Abbey kaya nagmadali siyang tumakbo palabas ng canteen. Sa gitna ng grounds kinikilabutan si Raffy pagkat pinagmamasdan siya ng mga college students. “So ikaw yung sinasabi nilang taga Norte” sabi ng isang binata. “Ah oo pero peace lover ako kaya lumipat ako dito” sabi ng binata at nagtawanan ang mga college students. “Diamond rank…hmmm subukan nga natin” sabi ng isa at hahawak na sana sa balikat ni Raffy pero nakaiwas ang binata at tinaas ang dalawang kamay niya. “Please ayaw ko ng duelo. Sige na talo na ako. Okay?” sabi niya at lalong nagtawanan ang mga college students. Lalong natakot si Raffy nang makita ang nameplates ng mga kaharap niya. Lahat sila four gold bar ranked kaya napalunok siya at lumuhod sa lupa. “Please I really don’t want to fight” sabi niya. Sa malapit nakatayo si Abbey at medyo naawa sa itsura ni Raffy. “Sige plead your way out…mamatay ka pag lumaban ka” bulong niya. “Duwag pala to e. Nakakahiya naman at tinaggap pa siya dito” sabi ng isang college student at medyo nairita si Raffy. “Oo nga, sisirain lang nito pangalan ng school natin. What a shame they let a loser enroll here” sabi ng isang dalaga. “Buti nalang graduating tayo, for sure mapapahiya tayo dito sa transferee na to. Diamond star nga duwag naman” kutya ng isa at biglang tumayo si Raffy at humawak sa balikat ng binatang kaharap niya. “Hindi ako duwag! Hinahamon kita sa isang duwelo!” sigaw niya at naitapon palayo ang ibang college students at natira sa gitna si Raffy at isang college student. “Sige ito gusto mo diba? Di ako duwag! Ano banat na! Di kita lalabanan! Pinagbigyan ko lang kayo para ipakita na di ako duwag! Di ako lalaban!” sigaw ni Raffy at agad nagliyab ang mga mata ng kalaban niya at sa bilis ng galaw nasuntok sa dibdib si Raffy at napatapis. Babangon palang si Raffy nasipa siya sa mukha. Ramdam na niya yung sakit at naririnig niya ang hiyawan ng mga schoolmates. Napailing si Abbey at pinagdikit niya mga kamay niya pero nagulat siya nang may humawak sa kanyang balikat. “You cannot interfere” bulong ni Peter. “But he is going to die” sabi ng dalaga. “I know pero you cannot disrespect the rules of the duel. If he dies then he dies” sabi ng guro. “And youre just going to let him die? Wala siyang powers” sabi ng dalaga at nagkatitigan yung dalawa. “How did you know?” tanong ni Peter at hinila sa isang tabi ang dalaga. “I can sense it” sabi ni Abbey. “Since when?” hirit ng guro. “I don’t know, ever since?” sabi ng dalaga. “Why didn’t you tell me?” tanong ni Peter. “I thought it was normal. I am going to lola and tell her to stop this duel” sabi ni Abbey. “She is watching, if she wanted this stopped she could have done it already. You just watch” sabi ni Peter. “He is going to die” sabi ng dalaga. “Why are you concerned?” tanong ng guro. “I don’t know. I just am” bulong ng dalaga at nagtago sa likod ng guro pagkat di na niya kaya mapanood ang pag gugulpi ng college student kay Raffy. Napatingin si Peter sa langit at ngumiti at pinilit ang dalaga humarap para manood. “Cheer him on” utos niya. “What?” tanong ng dalaga. “Cheer him on, trust me” bulong ng guro. “As if he is going to hear me, tignan niyo lahat ng iba are already doing that” sabi ni Abbey. “Cheer him on, just try” sabi ni Peter. “Hoy Raphael lumaban ka!!!” sigaw ni Abbey ng malakas. Ang duguan na binata nakaluhod sa lupa, ang kalaban niya umatras na at pinag apoy ang dalawang kamay. “Tumayo ka diyan at lumaban ka sabi e!!!” sigaw ni Abbey at napangiti si Raffy at pinunasan ang dugo sa labi niya at dahan dahan tumayo. Sumugod ang kalaban at nakita ng binata ang nag aapoy na mga kamay nito. “Fire! Fire!” sigaw niya at tumakbong palayo. Ang kaninang kaawawang mga eksena naging comedy pagkat parang bading na tumatakbo si Raffy habang sumisigaw at tumatawag ng bombero. Super laugh trip ang mga schoolmates niya, pero si Abbey napakapit kay Peter at kinakabahan parin. Naghagis ng bolang apoy ang kalaban, nakatalon si Raffy pero nadali konti ang pantalon niya. Binilisan niya ang kanyang takbo papunta sa isang wall, pansin ng lahat na bumabagal ang takbo niya at nakakahabol ang kalaban. Dalawang hakbang nalang ang pagitan nila, doon binilisan ni Raffy takbo niya at napasigaw si Abbey. “Bulag ka ba may wall o!” Ang mga sumunod na kaganapan nagmistulang slow motion sa mga mata ng lahat. Imbes na babangga si Raffy sa wall ay ginamit niya ang bwelo niya at tumalon patungo sa wall, nakatakap siya ng two steps at sumerko siya sa ere at paglanding nandon na siya sa likod ng kalaban niya. Ang college student nag preno pagkat babangga na siya sa wall pero sumubsub parin siya pagkat nasipa siya ng malakas ni Raffy sa likod. Hilo konti ang college student, si Raffy nagbend konti at muling tumalon sa ere at nabilib ang lahat nang umikot katawan niya para sa isang malakas at mabilis na spinning head kick. Napuruhan ang college student sa temple, bagsak ito agad sa lupa at nakatulog. Nakahinga ng maluwag si Raffy at dumagungdong ang ingay sa sa campus lalo na nung umusok ng puti ang katawan ng tumbang kalaban. Gulat na gulat ang binata pero nakita niya sa malayo si Peter na pasimpleng nagbibigay ng thumb up sign. “Sabi mo bawal makialam sa duel” bulong ni Abbey. “Di naman ako nakialam, pinausok ko lang katawan nung kalaban para kunwari magic kick nagawa niya” bulong ni Peter at papito pito itong lumayo. Napatawa si Abbey at bigla sila nagkatinginan ni Raffy. Umirap lang yung dalaga sabay bumalik na sa canteen. “Raffy bakit ka nagpabugbog nung una?” may nagtanong kaya si Abbey napatigil sa pinto at tumakbo papunta sa crowd para pakinggan ang sagot ng binata. “Oo nga tapos bakit ka tumakbo?” hirit ng isang estudyante. Napakamot si Raffy at napangiti, “Well nais ko ipakita sa inyo na kahit ako pwede parin masaktan. See the blood on my face? I have a busted lip and sure ako bruised body parts. Alam niyo kahit na sabihin niyo na may power kayo minsan kailangan niyo din ng wake up call” “Paminsan minsan kailangan natin matauhan. Masakit itong mga tama ko, but I let him hit me kasi gusto ko maramdaman yung fear. I wanted to show all you that wag kayo masyado maniwala sa hype about me. Tao din lang ako o. See I am just like you all” palusot ng binata. “So why did you run?” tanong ng isang dalaga. “E alam ko na kaya niya physical attacks. Nung nagliyab ng apoy hands niya gusto ko malaman kung ano pa powers niya. Alangan na susugod din ako tapos may surprise power pala siya. O diba? Pag close range so easy niya ako tostahin. I had to run para makita ko if kaya niya ihagis apoy niya, e kaya pala pero di malayo. Kasi even if I was running pag asintado talaga siya o long range fighter e di natamaan parin niya ako. Pero hindi diba?” banat ni Raffy at namangha ang lahat sa kanyang sagot pero si Abbey pasimpleng tumatawa sa likod. “Yung super move mo, pinag isipan mo ba yon? I mean astig yung wall climb mo tapos serko sa ere e” sabi ng isang dalaga sabay nagpacute. “Ah siyempre, kasi alangan na titig ako at haharap nalang bigla sa kanya. I used the wall to my advantage. Sabi ko since pareho kami tumatakbo gamitin ko yung element of surprise. Ayun nakita niyo naman, he didn’t expect it. I was at his back, I had to make his mind busy. He had to stop himself from running bago siya tumama sa wall. E pag ganon it takes full body control to stop our momentum diba? Physics yon, tapos since nandon na ako sa likod niya sinipa ko siya para medyo maging dizzy siya” “Then i did a simple spinning kick” pasikat ng binata sabay ngisi. “Simple? E umusok siya, meaning may laman yung sipa na yon” sabi ng isang binata at ngumiti nalang si Raffy at napakamot. Sumingit sa crowd ang ibang college students kaya muling umatras ang highschool students. “Whatever we said a while ago, we are sorry. Geronimo pala pare” sabi ng binata at inabot ang kamay niya kay Raffy. Nagkamayan yung dalawa at isa isa narin nagpakilala ang mga college students. “Halika samahan ka namin sa clinic” alok ni Geronimo. “Ay di na” sabi ni Raffy sabay hinaplos ang namamagang labi niya. “I want to let this remain a little bit more on my face…para maalala ko that she cheered for me” sabi ng binata sabay tinignan si Abbey at ngumiti. “Sorry ulit pare ha, if you ever need anything eto number ko” sabi ni Geronimo at muling nagkamayan yung dalawa. Sa loob ng classroom after lunch hinahaplos ni Raffy ang labi niya. Kinalbit siya ni Abbey at inabutan ng panyo, “May dugo pa sa chin mo” sabi ng dalaga. “Salamat” sabi ng binata at pinunasan ang kanyang baba. “Salamat din sa concern kanina” hirit ng binata sabay ngiti. “I wasn’t concerned about you. Ayaw ko lang binubully tayo ng mga college students” palusot ng dalaga. “I see. Well they wont bully us anymore” sabi ng binata. “I hate liars” biglang sabi ni Abbey at napalunok si Raffy at niyuko ang kanyang ulo. “Wala akong powers and I didn’t come from that school they say I came from” bulong ng binata at gulat na gulat ang dalaga sa biglang pag amin niya. “Why are you telling me that?” tanong ni Abbey. “You said you hate liars” sabi ni Raffy. “Kahit di mo sinabi alam ko na yan from the moment I saw you. Ang tanong ko lang bakit ka pa nandito?” sabi ng dalaga. “What makes you so special at tinanggap ang isang walang kwenta na tulad mo?” hirit niya at labis nasaktan ang binata. “If you didn’t smile at me that day wala dapat ako dito” bulong ni Raffy. “So sinasabi mo kasalanan ko pa kung bakit ka nandito ganon ba?” pataray na sagot ni Abbey. Huminga ng malalim si Raffy tinignan ang dalaga. “Yes, its your fault. All I wanted was to get to know you. I was surprised to find this school. I managed to con my way in and they caught me. They erased my memory pero the next day naalala ko smile mo then everything came back. Nakapasok ulit ako and I don’t know what happened, they decided to let me stay. And how can I resist? Gusto kita makilala e. Can you blame me? Yeah so I had to live the lie that Giovani started, pano pa ako tatanggapin ng ibang students pag di ko gagawin yon?” “Nakilala na kita, I can drop out already. Buburahin nila memory ko pero what If I remember your smile again? Id be back here again. So since im here I want to get to know you more” paliwanag ng binata. Umirap lang si Abbey at tumingin sa malayo sabay pasimpleng ngumiti at nilaro ang kanyang buhok. “Kung tatagal ka dito you can really die. Alam mo eventually mabubuking ka ng iba” sabi niya. “Yeah I know. That is why I am willing to learn” sabi ni Raffy at nagulat ang dalaga at tinignan siya. “Hindi ka takot mamatay?” tanong niya. “I already talked to grandmama Hilda about this. To be a man you have to stand by your decisions whether they are wrong or they are right” sabi ng binata. “Ah ewan ko sa iyo” sabi ni Abbey at muling tumingin sa malayo. Sumapit ang magic subject nila at nagulat ang lahat nang dumating si Principal Hilda para sunduin si Raffy. Nagbulong bulungan ang lahat at natawa nalang si Abbey. “For sure higher level subject na siya” sabi ng isa kaya lalo natawa ang dalaga at nagpa excuse. Nagtungo si Abbey sa labas ng building at nakita niya si Hilda. “Why are you not in class?” tanong ng principal. “Lola naman you know namaster ko na mga subjects ko kasi you teach me” sabi ng dalaga. “That does not give you the right to just go out iha, remember yung pinag usapan natin” paaala ni Hilda. “I was just curious about Raffy. Saan mo siya dinala? And lola I know wala siyang powers” bulong ng dalaga at natawa ang matanda. “Oo alam ko sinabi ng daddy mo kanina sa akin” sabi ni Hilda. “Halika ka silipin natin siya” dagdag ng matanda at agad sila naglaho. Sumulpot sila sa labas ng isang classroom ng elemtary campus. Pagsilip ni Abbey nakita niya si Raffy kasama ang mga grade one students sa kanilang magic class. Tawa siya ng tawa pero agad natahimik nang magsalita si Hilda. “He really wants to learn kasi he wants to stay in this school. Do you want to know why gusto niya dito?” sabi ng matanda. “He told me, dahil sa akin. Pero lola he can die you know” sabi ni Abbey. “Yes he knows that. If I remember right he said mas maganda nang mamatay at nakilala ka daw niya at least may happy thought siya na babaunin sa langit. Mas maganda na daw yon kesa namatay siya with the regret of not knowing you at all” sabi ni Hilda at napangiti ang dalaga at lalong sumilip sa classroom. “He wants to learn to keep himself alive for a much longer time para mas madami daw memories siyang babaunin if ever he dies” dagdag ni Hilda. “Bakit ba kayang kaya niya sabihin ang ganyan? Doesn’t he value his life?” tanong ni Abbey. “Do you find that stupid iha?” tanong ni Hilda at napangiti nang makita si Raffy sa loob at nakikipagkulitan sa mga bata. “Yes it is stupid lola. Isnt it?” sagot ni Abbey. “Are you not flattered at all? That one person is willing to give his life para lang makasama ka?” tanong ng matanda. “We barely know each other tapos kaya niya agad sabihin ang ganyan? Buti naman kung may relasyon kami then that is flattering. Pero we just met kanina” sabi ng dalaga. “They why are you so concerned for him?” tanong ni Hilda. “Lola naman who wouldn’t? He is powerless and he can really die” sabi ng dalaga. “Yun ba talaga?” landi ng matanda. “Lola! E ano pa dapat?” reklamo ni Abbey at ngumiti si Hilda at naglakad palayo. “Sabi mo e, come on then lets go back to our campus” sabi ng matanda. “Can I stay a little longer?” tanong ng dalaga. “As you wish iha, I will go ahead then” sabi ni Hilda at tuluyan nang napangiti. Si Abbey muling sumilip sa classroom at natawa nang makita si Raffy na halos natatae na sa pagconcentrate. Basic light reproduction magic ang tinuturo sa kanila at ang mga batang kasama niya lahat nakapagpailaw na sa mga daliri nila habang siya wala pa. May isang cute na bata ang lumapit kay Raffy sabay pinapasikat ang maliit na ilaw sa dulo ng kanyang hintuturo. Napatingin ang binata sa guro sabay pasimpleng binigyan ng dirty finger ang bata sabay ngumisi. Natawa ng todo si Abbey at napakamot, “Wala kang kwenta…try harder kasi” bulong niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD