Pagtipon

3645 Words
Second day of school at nagulat si Raffy pagkat nakita niya si Hilda sa dead end. “Grandmama!!” bati ng binata at masaya ito lumapit sa matandang babae. “Good morning Raphael, come kanina pa kita inaantay” sabi ni Hilda at sabay sila pumasok sa magic wall. Pagkapasok nanatiling nakatyo si Raffy kaya napalingon ang matanda. “Lakad lakad tayo iho halika na” sabi niya. “Grandmama…you have to change my clothes kasi wala si yaya Peter. Wala ako magic remember?” bulong ng binata at natawa ang matanda. “Relax Raphael classes are suspended today but you have activities. You can wear normal clothes. Halika samahan mo ako sa lawa” sabi ni Hilda kaya masayang sumama ang binata. Pagdating sa lawa nagtanggal ng sapatos si Hilda at naupo sa isang maliit na bato sa gilid at sinawsaw ang mga paa sa tubig. “Namiss ko ang ganito” bulong niya kaya gumaya si Raffy at naaliw pa siya nang dumugin ng maliliit na isda ang kanyang mga paa sa ilalim ng tubig. “Grandmama…safe ba tong mga fishy? Baka magical sila at pagahon ko mamaya buto nalang natira sa feet ko” tanong ng binata at napatawa nanaman ang matanda. “Iho you remind me so much of someone. Anyway, how do you like the school so far?” tanong ni Hilda. “Wala ako masabi sa campus, parang nagkaroon ng school sa paraisio. Pero kinakabahan po ako kasi magmumukha akong engot sa classes for sure. Siguro sa real academic lessons kaya ko pero magic lessons, delikado na talaga ako at baka mabuking pa ako” sabi ng binata. “Relax iho, kakausapin ko lahat ng propesor mamaya” sabi ni Hilda. “Pero grandmama, sabi niyo grade school up to college dito. Oo malaki yong campus pero bakit parang mga high school level lang nakikita kong students. Don’t tell me supersized ang elementary students niyo” sabi ni Raffy at natawa muli ang matanda. “Iho, If you are a very powerful wizard makikita mo ang buong lawak ng campus na ito. You see this big campus is actually divided into three” paliwanag ng matanda. “Wow! Tatlo? Tapos yung dalawa hindi ko nakikita?” tanong ni Raffy. “Yes exactly. One campus for grades one up to grade eight. This campus is for grades nine to twelve. But of course grades eleven and twelve are known as junior and senior highschool. Then one campus for the college level” sabi ni Hilda. “Oh grabe e di ang laki talaga nitong campus pala. I mean pag nakikita ko sana yung two campuses pa e di super laki pala nito” sabi ng binata. “Don’t worry iho makikita mo lahat one day” sabi ng matanda. “Pero grandmama, parang di ata maganda na laban nalang ng laban ang mga students. Yes I understand para maenhance magic at skills nila pero sana naman wag na sa mga lower grades. Sa high school level siguro pwede but still sana may other way para magpraktis” sabi ng binata. “Grades one to eight are taught basic magic. They are not taught yet how to fight. They are taught how to use their magic powers into good or even art. Kaya pag makabisita ka sana sa elementary campus makikita mo may competition doon but pagandandahan ng gamit ng magic” “Alam mo years ago lahat ng campuses ganon lang. Pero the world turned into a violent place which is full of greedy people. So we had to adapt. We decided that once the student reaches grade nine they are already taught how to defend themselves using magic kasi there are so many threats. Pero alam mo naman if you keep defending you don’t stop the problem. Sometimes you have to fight back that is why even offense tinuturo na” kwento ni Hilda. “Yes I understand grandmama. Tulad din ng CAT sa highschool. They prepare us just in case may gera ganon. Tapos higher level sa college, ROTC. Para just in case mapagera ang bansa natin medyo ready narin ang mga students to defend their country if needed. So may threat po pala talaga just like in the comics and movies” sabi ni Raffy. “Yes iho, sad to say meron mga tao who use magic for other purposes” sabi ni Hilda. “So grandmama, what do they do in college? Do they still fight?” tanong ni Raffy. “Yes but higher level of fighting already. You see iho we have to teach the students step by step. Stronger magic requires more responsible and mature students so in college expect really damaging battles” “Pero mas kokonti ang mga duels doon kasi you see the students are more concerned about their future and studies” paliwanag ni Hilda. “Oo nga I wanted to ask about that, pano yung college degree if this school is hidden? I mean pano yung diploma namin pag unknow yung school?” tanong ng binata. “I should not be telling you this yet pero sige, once college ka na dito you only come here for magic subjects. You get to enroll in any university or college that you want for free. You go to school like any normal student would” sabi ni Hilda at nanlaki ang mga mata ng binata. “Really? Any school? Wow!” bigkas ni Raffy. “So you see iho we don’t require students to live here in campus tulad ng napapanood mo. We want all students to live normally. Uwi tuwing hapon ang mga bata para makapaglaro or do normal stuff” sabi ni Hilda. “Pero grandmama, live normally pero pano na pag may friend na nagtanong saan ka nag aaral? Ano naman ipapalusot ng lahat? And pano yung mga diploma ng elementary at highschool? Diba hahanapin yon sa college enrollment?” banat ni Raffy. “Oh good buti natanong mo yan, I forgot to tell you that whenever someone asks you saan ka nag aaral you say, Fin De La Luz Academia. Don’t worry it is listed as a super exclusive school. Really very expensive and very high standards. We do have a website and yes there are entrance examinations for those who get curious” paliwanag ng matanda. “And no one passes that exam” sabi ni Raffy at nagtawanan silang dalawa. “Then if they ask saan ba yung location, we say we cannot reveal the location for security reasons. Wag mo na problemahin yan iho at we are certified by the Department of Education. Pag magduda pa sila they can simply go online and check out the worldwide branches” sabi ni Hilda. “Ay oo nga sabi ni sir Pete. Pero grandmama pano kung may student na magpasikat? You know magreveal to friends” tanong ni Raffy. “Sa tingin mo pag pinasikat mo tong school sa friends mo may maniniwala sa iyo?” banat ni Hilda at muli sila nagtawanan. “You see bago pa pumasok dito ang student kinakausap na ng parents yan. So they know how to keep a secret kasi dito din nag graduate parents nila” sabi ni Hilda. “Ah talagang special case pala ako. My parents don’t know” bulong ng binata at tinitigan siya ni Hilda at nginitian lang. “Why don’t you go and look for her at kailangan ko narin pumasok for our meeting” sabi ni Hilda sabay kumindat at biglang nakiliti si Raffy. “Wait if we all go home bakit kokonti lang nakikita ko pumapasok sa magic wall?” tanong ng binata. “Elementary students hatid sundo ng parents, just like normal kids pero they teleport from their houses. College students do the same kasi they are taught that magic already. As for this campus, well madami naman siyang entrance sa totoo, ang alam mo lang ay isa. Saka na ang kwentuhan at late na talaga ako” sabi ni Hilda. Naglaho ang principal sa lawa at sumulpot sa underground hall ng administration building. Pagpasok niya sa main hall ay nandon na lahat ng mga propesor at guro ng tatlong campuses. Agad nagtungo si Hilda sa stage kung saan may isang mahabang lamesa at may nakaupo na doon na dalawang matanda. Si Ricardo Pascua and dean ng College at Lani Madrid ang principal ng elemtary level ay agad tumayo para batiin si Hilda. Naupo na yung tatlo at agad nagsimula ang kanilang meeting. “Alam ko madami sa inyo nagtataas kilay sa aking pagpasok ng isang outsider” sabi ni Hilda at biglang may tumayo na isang propesor sa crowd. “Di lang outsider, non magic user pa” sabi niya at tinaas ni Ricardo ang kamay niya para pakalmahin ang lahat. “Silence, I too am against this but lets hear her out first” sabi niya. “Please makinig muna kayo sa aking paliwanag bago niyo ako husgahan” pakiusap ni Hilda kaya lahat muling nanahimik. “His name is Raphael Gonzales. The son of Felipe Gonzales” sabi ni Hilda at lahat ng propesor nagulat muling umingay sa hall. “How sure are you he is the son of our Felipe?” tanong bigla ni Ricardo. “There was an incident, this boy managed to con his way to enter our school. His reason was so simple, naantig siya sa isang dalaga, our very own Abbey. So kinailangan niya magpanggap na transfer student at nauto naman ang isang student natin and so he let him in” “Pedro caught him, they had a talk. Pedro erased his memory, at alam ko alam niyo gano kalakas si Pedro sa mga ganitong bagay. Raphael came back the next day, nagpanggap na nasisiraan ng bait kaya naawa si Pedro. Sa sobrang panic he decided to bring the boy in para magamot natin pero nautakan siya” kwento ni Hilda. “He remembered everything and his memory was not erased” dagdag niya at muling umingay sa hall at lahat napapabilib na. “Sino ang estudyante natin noon na nakaimbento ng magic to further enhance our security? To hide our school’s magic presence” tanong ni Hilda at lahat napasigaw, “Felipe!” “Alam ko naalala niyo pa yung nangyari seventeen years ago. We had the strongest wizard, kahit na estudyante palang siya, si Pedro. Lahat napansin yung strong magic aura niya kaya inatake tayo ng ibang schools at pati narin ng Institute kasi akala nila gagamitin natin siya bilang weapon. They said he could be a threat. You all know what happened…do you remember?” “Ayaw ko na ikwento at masakit lang sa loob ko. Pero Felipe sacrificed himself for us all. Bago siya na expel dito he cast a strong spell sa school to protect us para di na tayo pwede sugurin basta basta ng kalaban o kakampi na kalaban pala. He sealed Pedro’s magic presence before he turned himself over to the Institute…umamin siya na siya ang strong wizard. They expelled him and it took several elder magic lords to drain his magic powers” kwento ni Hilda at tumulo ang luha sa kanyang mukha. “Ilang nang strong wizards natin ang sumubok alisin ang kwintas ni Pedro? Walang nagtagumpay…but Raphael did it. At naikabit pa niya ito ulit” sabi ni Hilda at napatayo si Ricardo at ibang mga propesor sa crowd. “Pedro totoo ba ito?” tanong ng matanda. “Yes sir, we have it all on tape, captured by the surveillance camera sa grounds. You can check it later” sabi ni Peter. Nagkaroon na ng very happy aura ang lahat ng propesor, ramdam na ramdam pa ang excitement at tila nabuhayan sila lahat. “I take back what I said, sang ayon na ako sa ginawa mo Hilda” sabi ni Ricardo. “So are you saying his magic presence is sealed from us?” tanong ni Lani. “No, wala talaga siyang magic powers whatsoever. I had him secretly scanned by our resident nurse, Professor Erwin” sabi ni Hilda sabay turo sa binatang propesor na agad tumayo. “Wala po talaga siyang magic power. Wala din siyang suot na sealing items or sealing marks. Yesterday he had a duel, at usually ang magic powers natin automatic activated pag nasense ang danger or anger pero wala. He won the duel using physical force and right timing” sabi ni Erwin. “So if you ask me paano niya natanggal kwintas ni Peter at kinabit muli ito di ko masasagot. Pero we all know it takes really strong magic to do that” dagdag niya. “So now do you all understand why I accepted him?” tanong ni Hilda at lahat sumangayon. “Now we all can sense na wala siyang magic pero can you deny what he did? He was able to use strong magic at hindi niya yon alam. If the dark forces are training and teaching ordinary people to use magic siguro kaya din natin…” “At isa pa. Yesterday after he won I had a hunch. I told Pedro to take out the nameplate of Felipe. You all know it takes one week to make a nameplate. Kasi curious lang talaga ako at since enrolled na siya he needed one. Alam natin lahat na pag higher rank name plate sinuot mo tapos lower rank ka sa totoo, magkakaroon ng reaksyon agad at masasaktan yung user. At pag hindi mo nameplate magkakaroon talaga ng matinding reaksyon” “Kinabit ko yung nameplate ni Felipe kay Rapahel. Amazingly the one diamond rank didn’t go down and there was no reaction whatsoever. Remember one student last semester stole the nameplate of a higher year at sinuot niya ito. Yung two gold bars nawala to show his true three bar silver rank plus nacoma yung bata for two weeks. Raphael came to school today, nakausap ko pa kaninang umaga. Wala man tayong nasesense na magical presence ng bata pero the magical nameplates never lie” sabi ni Hilda at agad tumayo si Lani. “I understand the situation, grade school teachers I instruct you to do overtime to teach the boy the basics. Hilda you create a schedule for the boy which will not interfere with his normal classes. Grade school teachers are you okay with this?” tanong ni Lani at masayang sumangayon ang mga guro. “Include him in my class” sabi ni Romina na isang grade school teacher. “High school professors konting pag unawa at alaga lang sana kay Raphael kung pwede” pakiusap ni Hilda. “Teka dapat kasama din kami diyan, college professors are busy so I will come out of retirement and teach at highschool” sabi ni Ricardo at nagulat ang lahat. “Me too, bigyan mo ako ng subject, gusto ko din turuan si Raphael” hirit ni Lani at huminga ng malalim si Hilda at napangiti. “Ako nga din magtuturo na ulit just for him” sabi niya at nagtayuan na ang mga professor sa crowd at nagpalakpakan pagkat yung tatlo sa stage ang mga pinakamagaling na guro ng mahika. “Ah excuse me po, baka gusto niyo muna magtraining kasi new age na po ngayon at di na uso yung nagpapaupo sa monggo na parusa” banat ni Peter at lahat ng mga propesor sa crowd nagtawanan pagkat nakatikim narin sila nung bagsik nung tatlo sa stage. Habang nagtatawanan ang lahat may biglang sumulpot na dalawang binata sa stage. Matipuno ang kanilang mga katawan at pareho pang nakabarong tagalog. “Sorry po late kami at mukhang nagkakasiyahan kayo pero kailangan niyo makinig sa amin. Gahol kami sa oras at kailangan namin bumalik agad” sabi ng isa. “Andy, Andrew anong nangyari? Ano ang masamang balita?” tanong ni Ricardo. Twins ang bagong sulpot at porma nila ay ayon sa suot ng isang Presidential Security Guard. Humarap si Andy at lahat napatingin sa kanya. “Nagkaroon ng dalawang banta sa buhay ng pangulo pero hindi na pinalabas ito sa media pagkat naagapan naman agad at ayon kay Presidente ay wag nang ipaalam para wala magpanic” sabi niya. “Sa totoo hindi naman talaga grabe, parang sinusubukan lang nila yung seguridad ng pangulo. At oo ramdam namin ang mga umatake ay gumamit ng mahika” sabi ni Andrew. “Sigurado ba kayo? Nagreact ba kayo?” tanong ni Hilda. “Opo sigurado po kami. Ramdam namin ang pag gamit ng mahika pero nagpigil kami ni Andrew at hinayaan nalang yung ibang kasamahan namin ang gumalaw para masukol ang mga salarin” sabi ni Andy. “So ano? Nahuli sila?” tanong ni Lani. “Patay po sila at buti nalang po malapit sa bukirin yung pangyayari. Pinagbabaril sila ng ibang kasamahan namin na non magic user. Two times parehong malapit sa bukirin kung saan walang tao. Malamang sinusubukan lang nila o tinitignan kung may magic user na nagbabantay sa pangulo” sabi ni Andrew. “Parang gawain ng amateur, o talagang tinetesting lang nila ang seguridad. Pero two times may nasense kaming mahika kaya kinailangan na namin ito ireport. At yung mga namatay po mga normal na tao na tinuruan gumamit ng mahika. Yung unang atake mahina lang pero yung sa pangalawa medyo malakas ang pinadala nila” kwento ni Andy. “Kaya hindi na po nakadalo si Gerardo at ayaw niya po iwanan ang pangulo” dagdag ni Andrew. “Bakit hindi pinaalam sa atin ng Institute ito? Pag may ganyan na pangyayari lagi nila tayo pinagsasabihan” tanong ni Lani. “Hindi ho kaya nagtagumpay na sila sa kanilang eksperimento na kaya nila takpan ang magical presence ng isang user?” tanong ni Peter at nabalot ang takot ang lahat. “O kaya kasabwat sila” sabi ni Hilda at lahat napatingin sa kanya. “Wag niyo ako titignan ng ganyan. Alam niyo ang ibig ko sabihin. Dapat happy sila noong meron tayong strong student wizard, pero ano ginawa nila? Imbes na sabihin sa atin na lalo turuan at hasain ay sila mismo nagtungo dito at sumama sa pag atake sa atin. Tayo pa ang pinag isipan nila na magrerebelde!” sigaw ni Hilda sa galit. “Hilda naiintindihan namin bakit ka galit. Kakampi mo kami pero isipin mo maigi mahirap pagbintangan ang Institute. After that incident wala na tayong graduates ang nagtrabaho para sa kanila. Kahit na malalakas sila they decided to live a normal life instead rather than work for them. If we decide to confront them tandaan mo they have the power to stop our school. If we decide to fight kokonti lang tayo kumpara mo sa dami ng top graduates from other schools who joined them” sabi ni Ricardo. “But we stil have older graduates who are working for them” sabi ni Lani. “Yes but iilan nalang sila? Once we contact them maghihinala ang Institute, baka tanggalin sila so think about their families naman. All we can do now is gather evidence. Pag sapat na we can go to the higher council of elders and ask for help or show the evidences to the other schools” sabi ni Ricardo. “Seryoso ka? Other schools? Ni hindi man lang sila nagtanong bago sila sumama sa pag atake sa atin. Feeling ko magkakasama sila” sabi ni Hilda. “Wag ka naman ganyan mag isip. Malay mo napilitan lang sila sumama kasi alam mo how powerful the Institute is. If we love this school I am sure they love their school too at ayaw nila mawala yon. So please Hilda hinahon konti at kailangan natin ng sapat na ebidensya bago tayo kumilos” sabi ni Ricardo. “Fine, but we must activate our sleeper agents. Tell them to be alert and be on call just in case” sabi ni Hilda. “Of course. Pero hindi natin sila pwede tipunin minsanan kasi sigurado ako mapapansin yon ng Institute. So everyone listen, this is just a precaution. I know a lot of you are friends with our sleeper agents. So kung pwede inform them discreetly. Kayo na bahala magdiskarte. Family outing, gathering but make sure wag masyado madami magsasama sama. Parang chance encounter yung iba para di tayo mahalata” “Let me repeat this is just a precaution. Just tell them to be alert and ready” sabi ni Ricardo. “Kailangan na po namin bumalik” sabi ni Andy. “O sige mga iho, ingat kayo. If anything happens don’t hesitate to call upon us” sabi ni Lani at agad naglaho yung twins. “Sorry for the mini scare. I hope its just nothing. So that is it for now. Wag kayo sana magfocus sa nagbabantang panganib, kundi magtuon pansin kayo sa mga bata, ang kinabukasan” sabi ni Hilda at doon nagtapos ang pagtitipon. Samantala sa isang amusement park may mga matatandang lalake ang nagkatuwaan. Lahat sila sumakay sa carrousel na kung saan pinagtatawanan sila ng mga staff at ibang tao. “Sige na iha pagbigyan niyo na kami, alam namin pangbata lang ito pero malapit narin kami sumalangit at gusto lang namin maging bata ulit” pakiusap ng isang matanda. Bente na matatandang lalake ang sumakay at pag andar ng caroussel ay natuwa ang ibang magulang ng mga bata sa paligid at pinagkukunan sila ng litrato at video. Habang umiikot ang sasakyan ay nagtatawanan ang mga matatanda. Ang di nakikita ng normal na tao ay may kahiwagaan nang nagaganap. Sa paningin ng iba nakaupo parin ang mga matatanda pero sa totoo nagsibabaan na sila at nagtungo sa sentro ng caroussel at may nagbukas na portal kung saan sila lahat pumasok. Sa illaim ng amusement center may isang malaking conference room kung saan may malaking lamesa sa gitna. Naupo ang mga matatanda at isa isa nagbago ang kanilang mga anyo. “Sigurado ka ba hindi tayo mahuhuli dito?” tanong ng isang matanda na may mahabang buhok at bigote. “Charlie hanggang ngayon ba kabado ka parin sa lahat ng bagay?” tanong ng isang matanda na kalbo. “Bert di naman sag anon, naninigurado lang ako” sagot ni Charlie. “Wag niyo sasayangin oras ko. Bakit niyo pinatawag tong meeting na to?” tanong ng isang matanda na crew cut at may salamin. “Sir, ipinapakilala ko sa inyo si Deo at ito ang kanyang anak na si Diego” sabi ni Bert. “Ah sir itong anak ko nakakaramdam ng magic presence ng sinumang tao” sabi ni Deo at tumayo bigla ang matandang nakasalamin at nagalit. “Yan lang ang sasabihin mo sa akin? E ano ngayon? Oo di normal sa mga bata ang ganyan pero ano gusto mo mangyari? Kupkupin ko siya dahil siguro prodigy?” sigaw niya. “Sir Gus makinig po kayo muna” sabi ni Charlie. “Naka enroll po anak ko sa centro at may naramdaman siyang napakalakas na magical presence. Sa sobrang lakas po ay umangat siya sa ere at nahimatay pa po. Nakwento niya sa akin po nung umuwi siya at naalala ko po dati naghahanap kayo ng malalakas na kakampi. Naalala niyo po ba isa ako sa mga nag try out pero bumagsak ako” kwento ni Deo sa nanginginig na boses. “Gaano kalakas? Ako ba ramdam mo bata?” tanong ni Gus at pinaramdam niya ang magical aura niya sa bata. Si Diego namilipit konti at niyuko ang kanyang ulo. “Mas malakas pa po” bulong niya at nanlaki ang mga mata ni Gus at agad napaupo. Lahat ang tao sa conference room napatingin sa kanilang lider na napaisip ng todo. “At kanino nanggaling yon?” tanong ni Gus. “Hindi ko po alam. Wala naman po ganon kalakas noon. Pero may transfer student po kami” sabi ni Diego at lahat nagulat. “Estudyante? Nanaman? Sa centro nanaman? Ano ba tinuturo nila doon at nakagawa nanaman sila ng malakas?” tanong ng isang matandang babae. “Bingi! Sabi nga transfer student e” sermon ng katabi niyang matandang babae at nagtawanan ang iba. “Itong transfer student nakilala mo na ba?” tanong ni Gus. “Yun na nga po e, nalapitan ko na siya nung manalo siya sa duelo” kwento ng binata. “O ano nangyari? Ano pinakita niyang lakas? Pano niya tinalo yung kalaban niya?” tanong ng isang matanda. “Ah…sinuntok lang niya po e. Simpleng suntok pero halos mamatay na kalaban niya” sabi ni Diego at lalong namangha ang mga matatanda. “Hindi man lang siya nagpasiklab iho?” tanong ni Gus. “Wala po e. Pero sabi niya nung nanalo siya, hindi lagi kailangan gumamit ng kapangyarihan” sabi ng binata at napahaplos sa baba ang lider. “Tinatago niya kapangyarihan niya” bulong ni Gus. “Ah pero sir balita ko siya yung nagpatumba sa isang propesor nung araw at oras na nahimatay ako” dagdag ni Diego. “Anak sabihin mo sa kanila ang pangalan nung transfer student” udyok ni Deo. “Raphael Gonzales” sabi ng binata at napatayo si Gus at yung ibang matatanda. “Anak ni Felipe! Pero paano? Inubos na natin magical powers niya at normal na tao ang asawa niya!” sigaw ni Gus. “Pano ba yan Rosella burado agad ang pagdududa mo na mali yung nahuli natin noon? Sabi mo hindi si Felipe ang dapat nahuli at sabi mo naitago nila ang tunay na makapangyarihan” sabi ni Charlie at nagsimangot ang isang matandang babae. “Kailangan natin makuha yung batang yon. Kung di natin nakumbinsi noon si Felipe na sumama sa atin baka mas madadalian tayo sa batang yon. Kung ayaw niya pigain din ang kapangyarihan niyan” sabi ni Gus. “Pero sa tingin mo ba mauuto nanaman natin ang Institute ngayon at yung iba schools?” “Tandaan mo Gus apo ni Elder Franco Gonzales yang sinasabi mong bata. Last time hindi nakialam ang mga elders dahil hindi nila alam na anak pala niya ang makapangyarihan. Actually lahat tayo hindi natin alam. Nung nalaman niya ang ginawa natin sa anak niya muntik na tayo natigok lahat sa galit niya. Pasalamat ka gumamit talaga si Felipe ng forbidden spell kaya medyo humupa galit ni Elder Franco” “Mag ingat ka sa binabalak mo Gus. Kailangan natin makasiguro na siya nga talaga. Malay mo ibang estudyante lang yon na ngayon din lang nagmanifest ang magic. Malay mo coincidence ang yung timing ng paglipat ng bata” payo ni Charlie. “Pero isipin mo din ang sinasabi nitong bata. No magical presence felt during the duel pero one punch halos mamatay ang kalaban” sabi ni Rosella. “Lets say lucky punch. Pero imposible na walang magical powers na nasense itong bata. No one can hide their magical powers unless makapangyarihan sila which is very rare” sabi ni Deo. Huminga ng malalim si Gus at pinagmasdan si Deo at ang anak niya. “Magresign ka sa trabaho mo Deo, you will now work for my company. Years of service mo will be carried. Salary tripled and you don’t have to report for work” sabi niya at natuwa ng todo si Deo pero agad napatingin sa anak niya. “Diego iho, tell me what you want” tanong ni Gus at nahiya pa ang bata. “Sige na sabihin mo na anak” bulong ni Deo. Ang daming binanggit na laruan ang bata kaya nagulat ang mga matatanda. “Pasensya na kayo isip bata” sabi ni Deo at napangisi si Gus. “Iho, pwede mo bang bantayan si Raphael para sa akin? Lahat ng galaw niya gusto ko malaman. Magreport ka sa akin weekly tapos kahit ano hilingin mo ibibigay ko” sabi niya at sobrang natuwa ang binata. “Gus what are you trying to do?” tanong ni Rosella. “Ano nanaman? Sinusunod ko lang payo niyo. Sabi niyo mag ingat tayo. Gusto ko makasiguro na siya nga yon talaga bago tayo kumilos. Pag siya nga talaga madali nalang yon, kahit ako na kakausap sa batang yon. At pag napasaatin siya hindi tayo magagalaw ng elders pagkat sigurado ko hawak natin sa leeg si Elder Franco” “Lalong gumanda ata ang mga plano natin with this new development. Deo and Diego maraming salamat makakaalis na kayo” sabi ni Gus at agad nagteleport paalis ang mag ama. “Totoo yang sinabi mo Gus, mas maganda talaga pag may mga elder pa tayong kasama sa mga plano natin. Pero how sure are you na yang bata talaga ang makapangyarihan?” tanong ni Rosella. “Connect the dots bruha ka! Felipe…tapos anak niya Raphael…oo anomalya talaga dahil asawa niya normal na tao pero may tsansa parin na siya nga” sabi ni Charlie. “Tama na yang bangayan, balitaan niyo ako tungkol sa mga operasyon” sabi ni Gus at biglang tumayo ang isang matanda at ngumiti. “Success yung first two attempts natin. Yes nadetect ng magic users na PSG ang pag gamit ng mahika pero ang akala nila galing sa mga umaatake. Hindi nila nasense yung pagpalit natin sa ibang kasamahan nila. May two undercover agents na tayo na kabilang sa PSG” sabi niya at nagpalakpakan ang lahat. “Mga undercover agents natin sa Institute nagawa nila takpan yung detection so we are good. I am sure yung PSG magic users nagsumbong na. At sigurado ko pinagdududahan na ang Institute which is good for us. This is our plan B. So far wala pang galaw ang centro but sigurado ko lalo tumindi ang pagdududa nila” “Pero bigyan niyo pa ako ng sapat na oras pagkat medyo mahirap itago ang magic presence niyo sir Gus pero malapit na ako. So far ang naipasok ko ay yung mga normal na tao na pinalitan natin ng anyo at tinuruan ng mahika. I am proud to say hindi sila nadedetect hanggang ngayon. Pati pamilya nila napalitan na natin para sure ball ang cover. Yung mga totoong tao niligpit na ng maayos” “Bigyan niyo pa ako ng konting panahon para ayusin ang cover spell. Pag nagtagumpay ako mismo susubok muna bago kayo sir Gus” sabi ng matanda at biglang nagpalit ng anyo ng lider nila at naging kamukha niya ang Presidente ng Pilipinas. “Salamat Cardo. Mga kasama pag nagtagumpay tayo makakamit na natin an gating minimithi. Ang ihayag sa madalang tao na may mga magic users. Hindi na natin kailangan magtago at papabilibin natin sila sa ating kakayahan” “Imagine the Philippines as the first country to do that. Then pag namangha na ang mga tao sa kakayahan natin lalo pa natin sila papabilibin. At pag ayaw nila tayo tanggapin…gagawa tayo ng isang sakuna kung saan ang presidente nila mismo ang magpapakitang gilas gamit ang mahika. Magugulat sila lahat pero dahil sa kagitingan na ipapakita ko mapapaamo natin sila at lalo nila matatanggap an gating presensya” “Pagkatapos ng drama na yon, I will go live on TV to ask for forgiveness for keeping my identity. Sasabihin ko I will step down if they want but I am sure they wont let me at lalo nila tatanggapin ang mga tulad natin. We shall rule this country and I know for sure the rest of the other countries will follow” sabi ni Gus at lalong nagpalakpakan ang lahat. “Nakakasawa na ang magtago. Tao din tayo at kailangan din natin maging malaya. Malaya gawin ang gusto natin. People will accept us whether they like it or not” dagdag niya. “How sure are you ikaw ang magcocontrol talaga? Tandaan mo tuta lang tayo ni boss” bulong ni Charlie at dinabog ni Gustavo ang mga kamay niya sa lamesa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD