Lunes ng umaga punong puno agad ang campus grounds ng highschool at college students na gustong manood ng grand opening ng duel events. Si Ricardo nakatayo sa isang podium sa tabi ng grounds at sa likod niya ay si Lani at si Hilda na may isang malaking band-aid pa sa kanyang noo.
“As you noticed there are huge screen around the highschool and college campus. Once the duel bell sounds everyone should look at the screens para malaman niyo sino yung mga lalaban. The two campuses, highschool and college are open to you all just in case you want to watch. Three duels in one day for each campuses, that makes it a total of six. On the screens you will be able to see kung sino yung lalaban sa college division at sino sa highschool”
“As I have said you are allowed to watch and go to each campuses but after the set duels you have to go back to your own campuses for we shall close the entrances and open them again if there is a set duel. I aready explained the rules a while ago so as a treat for everyone, we are going to start the duel events with some of your professors dueling each other. Oh by the way this is voluntary, let the duel events begin!!!” sigaw ni Ricardo.
Palakpakan ang lahat pero lalo nagwala ang mga estudyante nang makita nila ang apat nilang guro nagtungo sa gitna ng grounds. Bumaba sa stage and tatlong pinuno at nakita nila sina Raffy at Abbey na masama ang tingin kay Hilda. Konting sabay na irap at lumayo ang dalawang estudyante kaya nagtawanan ang tatlong pinuno.
“Galit ata sila sa iyo” bulong ni Lani. “Oh its normal for kids to be like that especially when they lost” sabi ni Hilda. “Lost? But they won” sabi ni Ricardo. “Yes I know but when they woke up ang akala nila natalo sila at ako nagdeliver ng final blow kaya sila nahimatay” paliwanag ng highschool principal kaya nagtawanan yung tatlo.
“Hindi mo ba sasabihin sa kanila na nanalo sila?” tanong ni Lani. “Hindi, mas maganda ang ganyan para di sila maging over confident” sabi ni Hilda. “Pero what if maulit yung nangyari pag lumalaban na sila sa fellow students?” tanong ni Ricardo. “No it will not. Ganyan din nangyari noon kina Felipe at Pedro remember? After the awakening ay their dragon powers they will adapt to it and it shall remain hidden within them until they use it”
“Ang diperensya lang ay sina Felipe at Pedro naging aware agad kung ano meron sila kaya they could easily control it and use it when needed. Samantala itong dalawa mas malakas yung cursed dragon powers nila kaya it was too strong that they could not handle it so nahimatay sila. Nabigla ang katawan nila at di nakayanan yung pagsubside ng dragon powers nung kumalma sila” paliwanag ni Hilda.
“Pero grabe ka, you put them at risk” reklamo ni Lani. “E ano gusto mo mangyari? That their cursed dragon will awaken while dueling fellow students? Remember what happened yesterday was not a formal duel so anytime pwede kayo makialam to stop them. If they enter a formal duel then can you imagine what would happen sa makakalaban nila?” sabi ni Hilda.
“Pero naisahan kayo ni Ernie ha” landi ni Lani at napahaplos si Hilda sa kanyang noo. “Oo nga nakakahiya sobra. I didn’t even notice they changed forms. I asked them how they did it at sabi nila before going to the grounds ay nagplano na sila to do that. Then sabi nila alam nila malakas pandinig ko kaya todo acting sila”
“Bilib ako sa kanila sobra, imagine Abbey attacking as Raffy, lumipad talaga siya sa ere for a drop kick on Ernie. Kaya naman pala mahina, then I attacked her…they were ready for me. Abbey na nagpapanggap na Raffy used all her magic to put up a strong magical defense kaya lahat ng tira ko na kidlat wala epekto pero todo acting siya”
“Si Raffy pretended to be Abbey and manipulated fire, making it look big. Grabe nahihiya ako pagkat hindi ko man lang nadetect na mahina yung flames. My iced ball attack can penetrate magic defense…nagulat ako nang wala ito epekto at ngumiti siya and then ayon the big reveal. I pity Ernie kasi hindi siya handa sa atake ng totoong Abbey. Up to now hindi naghihilom ang mga sugat na natamo niya sa fireball ng dalaga”
“Aminado naman ako talo kami ni Ernie. Nabigla kaming dalawa sa gimik nila” kwento ni Hilda. “Pero how did they manage the change form? That is really high level magic already” tanong ni Lani. “Hay naku remember when I changed Raphael’s form into Abbey when he fought Henry? Minemorize ng loko ang spell at yun ang ginamit nila” sabi ng matanda.
“Kahit na, even if he knows the spell he does not have high magic to produce it” sabi ni Ricardo. “Oh doon ka nagkakamali. As long as they are together they can do anything. Pag mag isa si Raphael wala kayong madedetect na magic sa kanya. Pero if Abbey is close by he gains dragon magic, naattract power niya lumabas kasi kasama niya yung dragon body. Remember the wings cannot survive without the body” paliwanag ni Hilda.
“So if Abbey is not around wala siya magic?” tanong ni Lani. “Dati oo, pero ngayon na awakened na cursed dragon magic nila he already has magic inside him kahit magkalayo sila. Kaya lang pag magkasama sila…they will be stronger” sabi ni Hilda.
Napalingon yung tatlo pagkat lumabas mula sa building si Ernie at tumatakbo ito. Hinahabol pala siya ni Abbey na dala yung malaking wooden staff. Nadapa ang guro at pinokpok ng dalaga ang ulo ng guro ilang beses. “Ikaw babae ako pinokpok mo ako nito. Tignan mo mga bukol ko! Bad ka sir!” sigaw ng dalaga at nagtawanan yung tatlong pinuno. “Sorry na! Hindi ko naman alam na ikaw yon e. Akala ko si Raffy yon” sabi ni Ernie. “At wag mo sasaktan si Raffy sabi ko sa iyo noon e!” hirit ng dalaga.
“Abbey iha tama na” sabi ni Hilda. “Pero grandmama! He hit Abbey sa head” sabi ni Abbey at biglang tumayo si Ernie at inagaw yung staff. “Raphael?!!!” sigaw niya at tumawa ng malakas ang dalaga at nagpalit ng anyo. “Surprise! Binabawin ko lang si Abbey! Babae yon tapos sasaktan mo kasi e” sabi ni Raffy at lalong natawa yung mga pinuno pagkat naisahan nanaman ng binata si Ernie.
“Raphael please return the staff sa bodega iho bago makita pa ng iba yan” pakiusap ni Ricardo kaya umalis agad ang binata at galit na galit si Ernie. “Galit ata ang Diyos sa akin, pinagtritripan na nga ako noon ni Felipe, pati ba naman anak niya?” bigkas niya at inakbayan siya ni Ricardo at pinakalma. “Matalik kayong magkakaibigan nina Pedro, tapos ikaw pa nagboluntaryo maging ninong ni Raffy. Pasalamat ka di niya alam kung hindi sisingilin ka ng mga utang mo” sabi niya at nagtawanan yung dalawa.
“Hay naku Ernie nagkukunwari ka lang. If I know gustong gusto mo na ginaganyan ka ni Raffy kasi namimiss mo si Felipe. Ikaw nga yung di matigil ang iyak nung naexpell siya dito” banat ni Hilda. “Ah excuse me mamita he was not officially expelled here, kusa siyang nagdrop dahil sa utos ng Institute. And yes bonding moments kami ng inaanak ko and you see I even taught him defense” pasikat ni Ernie.
Kinabukasan bandang recess masayang kumakain sina Raffy at Abbey sa canteen nang nagsisigaw si Giovani. “Bestfriend may laban kayo in five minutes!!!” sigaw niya. Parang kidlat naubusan ng tao sa canteen at nag unahan sa grounds. Sina Abbey at Raffy natawa pagkat pati mga kasama nila sa lamesa inunahan sila makalabas. “Badtrip naman ang sarap ng pagkain tapos may duel” sabi ng binata. “Uy bestfriend dali na. Kalaban niyo sina Virgil at Emil, dali na mauna na ako para maganda pwesto ko” sabi ni Giovani at nagmadaling lumabas.
“Ei Rapahel, ayaw ko na matalo” sabi ni Abbey. “Yeah I know, I am sure they are prepared for us. They know what I can do pero they don’t know what you can do” sabi ng binata. “Meaning?” tanong ng dalaga. “Magpigil ka muna hanggang kaya. Konting pasiklab lang and lets save your super duper powers sa finals” sabi ng binata.
“Virgil and Emil, never heard pero batchmates natin sila. Magpractice kaya muna tayo ng mga attacks natin. I am sure pinaghahandaan tayo ng marami so may plano ako” sabi ng binata at nagbulong sa tenga ng dalaga. Napangiti si Abbey at nagmadali na sila angtungo sa school grounds.
Sobrang dami ng estudyante sa grounds. Pati mga college students nakisiksik para mapanood yung dalawa. Palakpakan ang lahat at hiyawan, si Abbey siga siga habang naglalakad, si Raffy pakendeng kendeng with poise at laging inaayos ang buhok. Pagdating nila sa center grounds nagbow ang dalawang grupo. Nagstep ba na sila at dumagundong ang bulungan, sina Emil at Virgil napangisi at pareho tinignan si Raffy.
“Nagform change sila…we attack the fake Raffy” bulong ni Emil at agad sumugod yung dalawa. Sumugod din si Abbey with burning fists pero iniwasan siya at nilampasan ng dalawang kalaban. Si Raffy pinagdikit ang legs at nagsisigaw na parang babae. Malapit na yung dalawa, si Abbey tumalikod at tumakbo pabalik.
“Game!” sigaw ni Virgil at nagbaga ang kanilang mga kamao, tumakbo si Raffy na parang babae palayo. “Hoy harapin niyo ako mga duwag!” sigaw ni Abbey at sina Emil at Virgil pilit hinabol si Raffy. Walang nagpapasiklab ng magic, habulan lang ang ginagawa nila hanggang sa nakatago si Raffy sa likod ng dalaga. Napatigil ang kalaban nila pagkat hinarap ni Abbey ang palad niya.
“Don’t let him attack with Illumina!” sigaw ni Emil at naghagis sila ng mga magic attacks kung saan umiwas sina Abbey at Raffy at napaghiwalay sila. Hinarap ulit ni Abbey palad niya, yung mga kalaban sinugod si Raffy, tumayo lang ang binata at hinarap ang dalawang palad niya at ngumisi. Napapreno sina Emil at Virgil, paglingon nila nakangiti si Abbey at bumigkas ng illumina magic. “Tol wag ka titingin sa kanya” sigaw ni Emil.
Humarap yung dalawa kay Raffy, si Abbey nagtakip ng mata, “Illumina” sigaw ng binata at sapol sina Emil at Virgil ng controlled illumuna flash balls na sumabog sa mga mukha nila. Sigawan yung dalawa at humaplos sa kanilang mga mata, “Game Abbey tulad kahapon!” sigaw ni Raffy. Sabay sumugod ang magpartner mula sa magkabilang dulo. Pareho sila papunta sa gitna at sabay lumipad sa ere. Double drop kick, si Abbey tinamaan si Emil sa likod, si Raffy nasapol si Virgil sa dibdib.
Bagsak agad si Virgil pero si Emil napayuko lang kaya pinasundan pa siya ni Raffy ng isang uppercut na tuluyan nagpatumba sa kanya. Knock out yung dalawa pero si Abbey sigurista at tinignan yung dalawang kalaban sa lupa, “Surrender or else” bulong niya kaya agad dumapa si Emil at nagtaas ng kamay. “We surrender” sigaw niya sabay bagsak ulit sa lupa at hinahaplos ang kanyang dibdib.
Palakpakan ang lahat, si Abbey sobrang saya at with poise bow siya ng bow habang si Raffy nakangisi at tinutulungan ang mga kalaban tumayo. Dinala ng magpartner ang kalaban nila sa clinic at doon iniwan. Paglabas nila nagsimangot si Abbey, “O bakit nanalo naman tayo ah” sabi ni Raffy. “Hmmm yeah pero mahina yung kick ko. Gusto ko sana yung parang sa iyo na natumba agad kalaban. Ako nagbend forward lang siya e” sabi ng dalaga. “Ah konting practice pa, siguro hesitant ka pa kasi. Next time just go all out, run faster para sa bwelo” paliwanag ng binata.
“Ahhh okay, pero I want you to teach me how to punch din sana” lambing ng dalaga. “Tara turuan kita tapos turuan mo din ako ng magic. Kasi bawal daw magturo mga professor habang ongoing duel events. Ano deal?” sagot ni Raffy. “Sige lunch break, wag na tayo manood tapos magpractice tayo sa bodega” sabi ng dalaga at masya umalis yung dalawa.
Samantala sa loob ng clinic pinatulog ni Erwin sina Emil at Virgil at agad pinatawag si Hilda at Peter. Wala pang isang minuto dumating yung dalawa at agad pinakita ni Erwin ang mga magic scans. “Napanood niyo ba yung laban?” tanong niya. “Yes, it was a simple battle. Inutakan nanaman nila kalaban nila. They are taking advantage of the fear everyone has on Raffy” sabi ni Hilda.
“Simple battle? Are you sure?” tanong ni Erwin at naintriga tuloy yung dalawa. “I am sure Raffy used Illumina again, may traces pa ng konting brain freeze yung dalawa. What happened next?” hirit niya. “Sabay sila umatake ng drop kick, Abbey hitting Virgil at the back, then Raffy hitting Emil sa chest. Bagsak agad si Emil, si Virgil nakayuko lang kaya pinasundan ni Raffy ng uppercut” kwento ni Peter.
“I see. Medyo damaged magic body ni Emil sa chest but that is expected. Virgil konting damage din sa chin pero look at his back. Damaged din just like Emil’s chest” sabi ni Erwin at nagulat yung dalawa. “Pero mahina lang sipa ni Abbey e, di nga siya natumba e” sabi ni Peter. “Hmmm mahina physically pero magically she paralyzed Virgil’s magic body. Sapol yung spine ng magic body niya kaya nayanig konti ang kanyang physical body. But relax both are simple damages and expected sa laban” sabi ni Erwin.
“E bakit mo pa kami pinatawag?” tanong ni Peter. “Mukhang nacrack na namin ni Prudencio ang isang skill ni Raphael” sabi ni Erwin at naintriga ng todo si Hilda. “Oh? Tell me” sabi niya. “Naalala niyo ba yung nagamot niya si Felicia? I remember he broke his arm. I tried to heal him and at first try it didn’t work. Pero sigurado ako I applied my best magic. Second try doon siya nagamot” sabi ng propersor.
“He absorbed my healing magic at yun ang ginamit niya kay Felicia” dagdag niya. “So tama si Prudencio? Nung inatake siya ng sabay sabay nung anim he absorbed them” sabi ng matanda. “Luckily I should say madam. Buti nalang sakto talaga at sabay sabay sila umatake. If nauna lang yung isa yun lang naabsorb niya and the rest damage ang matatanggap niya. Raphael is not aware of his ability to do this” sabi ni Erwin.
“Teka ang ibig mo sabihin ay pag naabsorb niya yung magic nasa kanya na yon? Kasi he used that six attacks on Henry diba?” tanong ni Hilda. “No madam, absorb then discharge lang. Yesterday nung ginagamot ko sila, if he truly has my magic then nagamot na sana niya sarili niya pero nag scan ako at walang traces ng magic ko sa kanyang body. That means he absorbed my magic, once he used it wala na. Ganon din nagawa niya dun sa six attack combo” sabi ni Erwin.
“So tama nga si Prudencio, the wings can absorb and reflect. Pero Felipe was not able to do that” sabi ni Peter. “Kasi they are not the same. You and Felipe are basic dragons and your children are cursed dragons” sabi ni Hilda. “To further prove this theory madam antayin niyo next laban nila” sabi ni Erwin. “At bakit naman?” tanong ng matanda. “You said your iced ball can penetrate magic defense…he didn’t defend your iced ball kaya di siya tinablan. He absorbed it” sabi ni Peter.
“At maaring gamitin niya yon sa laban if he knows he has it” sabi ni Erwin. “Oh trust me he knows. Kasi nung lalabanan niya si Henry he told me he feels something good. He knows may naipon siyang power at sa tingin ko Raffy is aware of his ability at di niya lang sinasabi. Humble talaga tulad ng tatay niya, di tulad ng isa diyan pasikat” banat ni Hilda. “Excuse me nagbago ako” sumbat ni Peter at bungisngisa nalang si Erwin at Hilda.
Sumapit ang Sabado punong puno ang college campus pagkat unang laban ng araw ay si Teddy. Magkasama sina Raffy, Yvonne at Abbey para manood, nasa isang tabi sila at ang binata may dalang maliit na notebook. “Ano naman yan?” tanong ni Yvonne. “Sinusulat ko mga moves nila para mapaghandaan namin sila” sabi ni Raffy. “Well at least you can see medyo takot din si Teddy kasi kumuha siya ng strong partner. Isnt that Stanley alyas Totoy Bato?” tanong ni Abbey.
“Totoy Bato? What a nickname naman” sabi ni Raffy. “Sira wag mo tawanan yan kasi he is the best at defense. He can turn his body to stone, malakas physical attacks niya tapos malakas defense against magic” kwento ni Yvonne. “Wow naghahanda din siya pala” bulong ni Raffy at lahat sila nanood pagkat nagsimula na ang laban.
Mabilis umatake si Stanley gamit ang rushing physical attack. Naging bato ang katawan niya at para siyang bulldozer na sumusugod. Si Teddy naman pasiklab ng pasiklab ng magic attacks. Di nakaporma ang kanilang kalaban pagkat umiwas man sila sa mga magic attacks e nahahabol sila ng physical attacks ni Stanley. Wala pang isang minuto tapos ang laban at tinuro ni Teddy si Raffy sabay ngumiti. “That’s how you do it” sigaw niya at napapalakpak ang binata.
“Why are you clapping?” tanong ni Abbey. “E ang galing nila e. Fast and swift attack. Gulpe de gulat. Kailangan natin paghandaan yon” bulong ng binata at biglang tumunog ang duel bell at sa screen pinakita ang mga pangalan ng mga susunod na kalahok. “Raphael Gonzale and Abbey Hizon versus Sammy Chua and Von Cortez” basa ni Yvonne. “Sammy Chua? Stanley Chua? Are they related?” tanong ni Raffy. “Brothers, si Sammy si Baby Boy Bato” sabi ni Abbey at lahat ng estudyante napatakbo sa highschool campus kasama sina Teddy at Stanley.
Siksikan ang lahat ng estudyante, nakita ni Raffy at Abbey na binubulungan ni Teddy at Stanley ang kanilang kalaban kaya medyo kinilabutan yung dalawa. Nagsuot pa sina Von at Sammy ng makapal na dark shades bago sila nagtungo sa gitna. Nagtagpo yung dalawang grupo sa gitna at nagbow sa isat isa. Mabagal ang lakad ng dalawang grupo habang naghihiwalay kaya tumindi ang bulong bulungan sa paligid.
“Ano gimik natin?” tanong ni Abbey. “Walang gimik, we fight head to head” sabi ni Raffy. “So ano plano mo?” tanong ng dalaga. “We have to test Sammy kaya you fire the first shot. Ikaw sa harap at ako susunod sa iyo. Wag ka matakot” sabi ng binata sabay nagbulong sa tenga ng dalaga.
Nag final bow yung dalawang grupo sabay agad humarap si Abbey, sa kabila humarap agad si Sammy na inaasahan ni Raphael na mangyayari. “Stanley alyas Totoy Bato…Sammy alyas Pebbles!!!” sigaw niya at nagtawanan yung crowd. “Wag kayo magpapaapekto!” sagot ni Teddy.
Nagkasuguran at agad tumira ng fireball si Abbey sa pasugod na Sammy. Tumama ang fireball sa dibdib ng binata pero tumawa lang ito pagkat di siya tinablan. Sa likod ni Sammy tumalon sa ere si Von para maghagis ng dual magic attack balls patungo kay Abbey. Sa malayo kinabahan si Peter pero hinawakan ni Hilda ang kamay niya. “Relax, just watch” sabi ng matanda.
Parang luksong baka tumalon si Raffy at mabilis na pumaharap para saluhin sa dibdib niya yung dalawang atake. Binilisan ni Sammy takbo niya, ganon din ginawa ni Raffy pero sa dalawang kamay niya may nahuhulmang ice balls. “Di ako tatablan niyan!” sigaw ni Sammy at nagkasalpuksan yung dalawa sa gitna, dalawang iced balls nabaon ni Raphael sa dibdib ng malabatong dibdib ng kanyang kalaban.
“Bobo! Parang di ka na natuto kanina” sigaw ni Stanley sabay tumawa pero napasigaw ng malakas si Sammy, “Intergalactic Bombastic Ice balls!!!” sigaw ni Raphael at nagulat ang lahat pagkat nakita nila naging yelo ang dibdib ng batong katawan ni Sammy at napatapis siya ng napakalayo. “Abbey!” sigaw ni Raffy at isang luksong baka move ulit ang dalaga nasa ere may hawak na dalawang fireballs sa kamay.
Di na nakareact si Von pagkat mabilis naitapon ni Abbey ang fireballs niya sa dibdib ng binata. Sa slow motion unang bola unang tumama na nagpaluhod sa isang paa ni Von, doon tumama yung pangalawa na nagpatapon sa kanya. Talsik din sa malayo ang binata kaya hiyawan ang lahat ng manonood. Bulagta ang dalawang kalaban at hinihimas ang kanilang dibdib. Nag high five sina Abbey at Raffy sabay nakangiting humarap sa crowd at nag bow. Humarap si Raffy kay Teddy at ngumisi, “No pare, that’s how you do it. Organized précise attack with artistic effect at hindi wild chonggo gorilla mode like you two” sigaw niya at nagtawanan ang crowd.
“Magkita kita tayo sa grand championship” sabi ni Teddy sabay kumaway. “Oo pare see you there” sagot ni Raffy at nagpalakpakan ang mga estudyante inasta nung dalawa. Pagtalikod nina Teddy at Stanley agad kumuba si Raphael at nag acting uranggutan na ginaya yung pag atake ni boy bato kanina. “Uh uh ah ah rawrrrr…me eat stone..me pupu stone…tummy hurt…pwet hurt” banat niya at super laugh trip ang mga estudyante. Nairita si Stanley pero inakbayan siya ni Teddy, “Let it go pare totoo naman e” sabi niya. “Walanghiya ka dapat kampihan mo ako” sabi ni Stanley. “Kakampi nga kita pero totoo naman kasi ganon ka kanina” sabi ni Teddy. “E ikaw parang kang out of control na roman candle!” sumbat ni Stanley at nagtawanan nalang yung dalawa.
Sa malayo nakangiti si Hilda habang pinapanood sina Teddy at Stanley. “Tignan mo, kung dati inasar mo siya hahamunin ka agad. Pero look at him now, mukhang nahawa kay Raffy. Di na siya mayabang. Parang ikaw dati no” banat ng matanda. “Ako nanaman nakita mo. I have a question, yung tinira ni Von kanina, inabsorb ni Raffy or nalusaw sa magic defense niya?” tanong ni Peter.
“Nalusaw. He can only absorb one magic at a time. Kita mo naman he had my iced balls” sabi ni Hilda. “Tsk wag mo sabihin ng ganon ang pangit pakinggan. Just say ice magic wag balls” reklamo ng guro at natawa ang matanda. “I think Raffy understands his powers already, excited ako sa next laban nila. Sabihin mo nga kay Eric na doctorin yung matches” bulong ni Hilda. “Aysus mamita nagbabago ka na. I cant believe ipapagawa mo yan” sabi ni Peter at natawa muli yung matanda. “I was just kidding, ikaw talaga makitid utak mo. Learn to have fun” sabi ni Hilda at napakamot nalang si Peter.
Nagpapahinga sina Raffy at Abbey sa ilalim ng isang puno. Ang dalaga tawa ng tawa dahil sa pangalan na binigay ng binata sa kanyang kakaibang atake. “Well wala ako maisip at ayaw ko magkamali so binigyan ko nalang ng kakaibang pangalan” paliwanag ng binata. “Ang saya saya ko sobra. Two wins already. Sana may laban ulit tayo mamaya” sabi ng dalaga. “Ei…I wanna ask….di ba bawal ang magdala ng video cameras dito? Bakit kanina nakita ko kasama ni Henry he had one. He was taking a video of our match”
“Pati first match natin I saw that guy taking a video din” sabi ni Raffy. “Sus hayaan mo na baka pinaghahandaan lang tayo ni Henry no” sabi ng dalaga. “Hmmm siguro nga pero it does not feel right. Dapat patas, remind mo nga ako sa next fight natin” sabi ni Raffy. “Bakit ano gagawin mo?” tanong ng dalaga. “Di ako mapakali kasi, parang may mali. Isusumbong ko kay grandmama” sabi ng binata. “Tapos madisqualify si Henry? Wag na, gusto ko din makaganti sa kanya” sabi ni Abbey. “O sige sabi mo e, tara scout natin mga makakalaban natin” sabi ng binata. “Hmmm tara nalang sa mall treat mo ako” lambing ng dalaga sabay pacute.
“E pano na yung planning? Dapat ready tayo sa kung sino man makakalaban natin no” sabi ng binata. “Sige naaaa. Magaling ka naman magplano ng mabilis. Tara naaaa” todo lambing ng dalaga. “Sige na nga pero you promise to work on your defense ha” sabi ni Raffy at todo pacute ang dalaga.