Raphael

4114 Words
Biyernes ng hapon sa opisina ni Eric nagmamakaawa si Raffy sa propesor.”Please sir parang awa mo na sir” sabi ng binata sabay lumuhod at yumakap sa mga paa ng guro. “Ano ba kasi Raffy? Di ko pwede gawin yang gusto mo that is unfair iho” sabi ni Eric. “Sir naman please, kahit paglabanin niyo kami two times sa susunod. Please sir parang awa mo na sir. Gusto ko lang sana ipasyal si Abbey bukas sir please” “Sir alam mo naman siguro na kahit sabihin niyo this school wants to let their students live a normal life. Sir inisip ko naman na di pwede maging normal sa totoo. Kasi they have to keep secrets from neighbors and friends. At dahil doon di sila makapasyal naman ng normal. Yes she goes to the mall but Abbey has less friends outside. Sige na sir please” sabi ni Raffy. “Hay naku Raphael unfair itong ginagawa mo iho” sabi ni Eric. Bumitaw ang binata at nagtungo sa pinto. “Sige sir salamat nalang. Gusto ko lang naman sana siya ipasyal ng maayos. I understand” drama niya at napahaplos ang guro sa noo niya at huminga ng malalim. “Sus naman o drinamahan pa ako. Fine sige sige. Tomorrow only, I will take you off the list para sure wala kayong duels. No one should know” sabi ni Eric. “Mwihihihihi salamat sir I promise” sabi ng binata at bigla nalang napahalakhak ang guro kaya nagtaka si Raffy. “Sir bakit kayo tumatawa?” tanong ng binata. “Ah wala sige na umalis ka na bago magbago pa isip ko. Enjoy your date tomorrow” sabi ni Eric. “Sir, its not a date. Ipapasyal ko lang siya mwihihihihi” sabi ng binata at muling natawa ang guro kaya lumabas agad si Raffy. Kinabukasan pagadating ni Abbey sa magic wall nagulat siya pagkat nandon si Raffy at agad siya sinalubong. “Tara pasyal tayo” sabi ng binata. “But Raffy we might have a duel today” sabi ng dalaga. “Wala, tara na dali ipasyal kita sa dati kong school” sabi ni Raffy. “Sira, I know I said gusto ko makita dati mong school pero remember if we have a duel at pag wala tayo talo na tayo” sabi ni Abbey. “Wala tayong duel today, call it premonition” sabi ni Raffy at natawa ang dalaga. “Yeah right as if may ganon ka. Saka na tayo mamasyal” sabi ng dalaga. “Trust me naman o, sige na tara pasyal tayo” pilit ng binata at tinitigan siya ng dalaga at napaisip. “O sige tara” sabi ni Abbey at nagmadali silang umalis bago pa sila makita ng ibang estudyante. Dinala ni Raffy si Abbey sa kanilang bahay kaya napataas ang kilay ng dalaga. “Oh its not what you think, I would like to invite you in pero mabubuking tayo. I need to sneak in carefully so wait here” sabi ng binata. “Bakit ano gagawin mo ba?” tanong ng dalaga. “Itatakas natin yung kotse ng tatay ko” bulong ni Raffy at nanlaki ang mga mata ng dalaga at natuwa. “Sige dali dali” bulong niya at nagtago siya sa poste. Pumasok si Raffy sa loob ng bahay nila at kinuha ang susi ng kotse na nakalapag sa divider. Agad siya lumabas at tinawag si Abbey. Pinapasok ang dalaga sa driver’s seat kaya nagulat ang dalaga. “I don’t know how to drive” sabi niya. “Shhh…alangan na ako diyan tapos ikaw magtutulak. Di natin pwede paandarin dito yung kotse baka magising sila. So eto yung middle pedal yung preno, alalay ka lang diyan” “Ilalagay ko sa neutral tong car, push ko siya then paglabas natin sa garahe just keep the steering wheel steady hanggang sa makaabot tayo doon sa curve, you steer it to the right. Basta alalay ka sa preno, don’t step on it too hard” sabi ng binata at natawa ang dalaga at sobrang excited. Nailabas nila yung kotse at nung makaabot sa kalsada ay halos ayaw pa lumipat ng upuan ni Abbey. “Urong na para makaalis tayo” sabi ni Raffy. “Hmmm next time you teach me how to drive” pacute ng dalaga at lumipat na ng upuan. Papunta na yung dalawa sa dating paaralan ng binata. Bungisngis si Abbey kaya nagtataka ang binata. “Ano naman tinatawanan mo?” tanong ni Raffy. “Nasanay lang ako na si daddy lagi nakikita ko magdrive. I never rode a taxi or any car driven by other people. Natutuwa lang ako” sabi ng dalaga. “Over protective dad mo e” sabi ni Raffy. “Oo nga pero di ka ba magkakaproblema kasi tinakas mo tong kotse?” tanong ng dalaga. “I will pero ayos lang. Sermon at suspension of allowance siguro pero ayos lang yon wag mo isipin yon” sabi ni Raffy. “Hmmm okay lang ako naman magtreat sa iyo pag mangyari yon. So dali lets go. Teka after your school can we go to a beach? May malapit ba?” tanong ni Abbey. “Oo naman its just two to three hours drive. Madami sa Batangas. Bakit gusto mo lumangoy?” sagot ng binata. “Hindi, gusto ko lang sa beach. Can we go later?” pacute ni Abbey. “We got car, we got gas money, we can go anywhere” pasikat ng binata at sobrang saya ng dalaga. Nakarating sila sa dating paaralan ni Raffy. Pagkalabas nila ng kotse unang nakita ni Abbey ang malaking poster ng binata na may suot na three gold medals at may hawak ng malaking trophy. “Wow its you” sabi ni Abbey. “Ah yeah tagal na yan e. Dapat tanggalin na nila” sabi ng binata. “It just shows how proud they are of you” sabi ng dalaga. Pinasyal ng binata ang dalaga sa campus at eksakto may kaganapan don kaya agad sila nakita ng ibang mga guro. “Raphael!” sigaw ng isang guro at naalerto na yung iba kaya napatigil ang kaganapan at sinugod yung dalawa ng mga guro at ibang estudyante. “Naks celebrity ka ha” bulong ni Abbey sabay nagtago konti sa likod ng binata. “Raphael its good to see you iho, oh is she your girlfriend?” tanong ng isang guro. “Oh no teacher, ah this is Abbey, she is my schoolmate. Abbey this is my class adviser mister Jude Hidalgo. Tapos ito naman math teacher ko na si Miss Ellen Cruz, tapos PE teacher and coach Ronald Gomez tapos our principal Leo Cordova. Abbey is my schoolmate sa highschool” pakilala ni Raffy at nagulat ang mga guro. “Kasi po tinuloy ko pag aaral ko, K-12 studies so I am a regular junior, next year senior then I graduate K-12 and go to college” paliwanag ng binata. Parang turista yung dalawa at mga guro ang kanilang tour guide. Madaming highschool girls ang nagtitilihan kaya si Abbey pasimpleng yumakap sa isang braso ni Raffy sabay ngumisi. Pagkalipas ng trenta minutos ay nalibot na nila ang buong campus kaya dinala sila sa PE office pinasikat sa dalaga ang mga medals at trophy ni Raphael. “Kung sana K-12 din tayo e di sana sa atin parin si Raffy” sabi ni Ronald at nagtawanan ang mga guro. “Sir naman retired na ako at sure naman ako madami mas magaling sa akin na bago” sabi ni Raffy. “Wala, meron nga magagaling pero mayayabang naman. Nanalo lang lately akala mo kung ikaw na sila” sabi ng PE teacher. “Kung sana they were as humble as you iho” sabi ni Leo at napangiti lang si Raffy. “Maybe you can give them an inspirational talk” sabi ni Abbey at sumangayon ang mga guro kaya lahat sila nagtungo sa gym kung saan nageensayo ang mga tae kwon do athletes. Nandon ang mga dating team mates ni Raffy. Masaya sila lahat makita siya maliban sa isang bagong estudyante. “So you have a new recruit” sabi ni Raffy. “I took your spot, and I think I am doing well” sabi ng binata at agad nahaningan sina Raffy at Abbey. “Yeah I remember you now, Erol right? Ikaw yung di nakasali last year sa team kasi you had a broken wrist” sabi ni Raffy at tinaas ni Erol kamay niya at pinaikot ikot ito. “Eto o ayos na, wanna spar with me?” sagot ng binata. “Bumibisita lang ako, pinapasyal ko lang si Abbey” sabi ni Raffy. “Oh come on, they all got to spar with you tapos ako hindi? Sige na, o baka naman takot ka” banat ni Erol at napalingon si Raffy at ngumiti lang. “Maybe next time” sabi ng binata. “Ano irarason mo no uniform? You can borrow or you can take down your uniform from the wall. Mabilisan lang naman to e, labhan nila ulit tapos isasabit. Come on give me that chance to spar with you. Para naman maniwala ako na totoo ka” sabi ni Erol at bago pa makasagot si Raffy ay naibaba na ni Abbey ang uniform niyang naka lagay sa loob ng isang case mula sa wall. “What are you doing?” tanong ng binata. “I want you to shut him up” bulong ng dalaga. “Oo nga I cant control him, turuan mo nga” bulong ni Ronald kaya natawa si Raffy at napakamot. Nagbihis si Raffy at pagbalik niya agad siya pumagitna sa mat. “O baka kailangan mo ng warm up” sabi ni Erol. “Ikaw nga warm up ko” sagot ni Raffy at nagbungisngisan ang lahat ng atleta na nahahanginan kay Erol. “Charyot Sogi stance…they bow” bulong ni Ronald kay Abbey. Nagbow yung dalawa pero si Erol titig na titig kay Raffy kaya nagreact ang lahat ng atleta. “Whats wrong?” bulong ni Abbey. “You should not look directly at your opponent while bowing, disrespect yon” paliwanag ng guro. Agad nag fighting stance si Erol habang si Raffy nanatili sa command position. “Why isn’t Raffy in fighting form?” tanong ni Abbey. “He is offering his whole body as target, usually you stand a bit side ways para konti lang ang target” bulong ni Ronald. “But why?” tanong ng dalaga. “Di pa niya kilala si Erol e, kikilalanin niya muna…just watch” sabi ng guro. Umatake agad si Erol pero agad na block ni Raffy sabay sumigaw, “Wae Sun Palmok! Single forearm block!” sabi niya kaya tumawa si Erol at muling sumipa ng mas mababa. “Najunki Makgi! Low Block!” hirit ni Raffy at nagtatawanan na ang mga atleta. “Ganyan si Raffy during practices to show everyone that the basics do matter. He was not just a good athelete pero he even teaches and inspires the newbies” bulong ni Ronald. Lahat ng atake ni Erol na block ni Raffy, nag level up tuloy atake ni Erol kaya napansin ni Abbey ang pagbago ng stance ng kaibigan niya. “Bum Sogi!” sigaw ni Raffy. “The tiger stance, now he is going to attack” bulong ni Ronald. Sumugod si Erol pero ang bilis ng sipa ni Raffy sa tiyan ng binata sabay sumigaw. “Ap Chagi!” sabi niya at si Erol napaatras ng todo sabay himas sa kanyang tiyan sa lakas ng pagtama ng snap kick ng binata. Sumugod muli si Erol, tinaas ni Raffy tuhod niya at humarap konti katawan niya sa humaharap sa kaliwa sabay sumipa ng malakas at muling napuruhan sa tiyan ang kalaban. “Yeop chagi!” hiyaw niya at talsik muli si Erol at napaluhod sa isang tuhod. Palakpakan ang hiyawan ang mga atleta, si Abbey gigil na gigil pagkat nag iba ulit stance ng kaibigan niya. “Patay na siya…walking stance…he is going to stalk him. Ganyan kaingat si Raphael, he learns who his opponents are then he gets a feel of what they can do. May tiwala siya sa depensa niya, at pag kaya niya he plans very quick and attacks. His biggest asset is his defense skills, tinuro ng tatay niya daw ever since bata siya. His attacks he learned himself” bulong ni Ronald. Parang sumasayaw yung dalawa sa gitna, naglalakad si Raffy habang si Erol paatras ng paatras at naka depensa. Nauuna ang kaliwanag paa ni Raffy, nag fake move siya at kunwari sisipa gamit kanan kaya si Erol dumepensa para sa kanan na paa. Sa isang iglap konting skip ni Raffy, kanan na paa niya lumipat sa pwesto ng kaliwanag paa, sabay kaliwang paa nag snap ng mahinang sipa sa tiyan ni Erol. Natawa si Erol sa hina ng sipa na tumama sa tiyan niya pero di niya nakita ang mabilis na right high sweeping kick ni Raffy sa ulo niya. Tutumba sana siya pakanan pero kaliwang paa naman ni Raffy tumama sa kanyang ulo, hilo si Erol pero muling nag snap kick si Raffy gamit ang kanan ng malakas at napatapis ang kalaban sa malayo at napaupo pa ito. Palakpakan ang lahat pati si Abbey, pero si Erol ayaw magpatalo kaya bara barang sumugod gamit kamao niya. Kita ng lahat humawak si Raffy sa hita niya at nagbend konti sabay inantay ang paglapit ng kalaban. Ang ganda ng timing niya, nagpasabog siya ng outward crescent kick gamit kaliwang paa, sapol si Erol sa baba. Pagbaba ng paa ni Raffy sakto napalikod siya para pasundan ang kalaban ng isang reverse side kick na ang lakas ng pagkasa. Sapol ulit si Erol sa tiyan, sa lakas ng kasa sobrang layo ng tinalsik niya. Lahat ng mga galaw na yon naganap sa isang kisap mata kaya bilib na bilib si Abbey sa kanya. “Now you know why he has a big poster inside this gym and even all over campus” bulong ni Ronald na tumakbo papunta kay Erol para tulungan ito makatayo. Dinumog si Raffy ng mga dati niyang team mates pero mas inuna paniya hinarap si Abbey at nahihiya itong kumamot sa ulo. “Wala ito sa plano” bulong niya. “I know pero now I understand you now” sabi ng dalaga. “What do you mean?” tanong ng binata. “Basta tara na baka mapa flying kick din ako ng di oras” sabi ni Abbey pagkat masyadong nagiging makapit ang mga lady athletes kay Raffy kaya natawa ang binata. Pagkatapos mag shower ng binata ay agad sila nagpaalam. Dalawang oras lumipas at nasa isang restaurant na sila sa Batangas. Napansin ni Raffy na may kakaibang ngiti ang dalaga sa kanya kaya natutuwa siya. “Pano yan e di basag na si Erol? Pano na school niyo? Baka ayaw na niya lumaban” sabi ng dalaga. “Nope, I spoke to him sa shower room. I told him wag niya masyado itaas noo niya. Nakatikim lang siya ng isang championship ganon na siya. Saka na niya itaas noo niya pag sure siya na siya na talaga pinakamagaling” sabi ng binata. “E ikaw bakit di mo tinataas noo mo?” landi ng dalaga. “Madami man ako natalo pero alam ko may mas magaling parin sa akin. E pano kung magyabang din ako tapos may humamon sa akin bigla tapos natalo ako. E di nakakahiya” paliwanag ni Raffy. “And so you think there are lots out there better than you?” tanong ng dalaga. “Oo naman, kung wala man you still have to think meron kasi pag inisip mo ikaw na ang magaling may chance na di ka na mag improve at magtiwala ka sa masyado sa kakayahan mo. While youre enjoying the others are improving and aiming for you” “Pag na threaten ka or natalo ka doon ka mag eensayo ulit? Di maganda yon. Mas maganda yung ready ka lagi and if ever you lose at least masasabi mo sa sarili mo na you did your best and you just have to accept na yung tumalo sa iyo ay mas magaling sa iyo. Pangit naman yung natalo ka knowing na you could have done something, mahirap matalo tapos sisihin mo sarili mo. Mas maganda matalo na walang sisi at kusang loob na tanggap mo kasi hanggang doon ka lang talaga” “If you fall from the top, you climb back up. Pero mahihirapan ka umakyat pag karga mo pa yung pagsisisi mo. Mas maganda umakyat pag dala mo motivation to do become better, pag kasama yung pagsisisi magiging distracted ka lang” sabi ni Raffy. “E pano yan sabi mo retired ka na” sabi ni Abbey. “Well since nakita mo na ako lumaban I have to unretire and keep training” sabi ng binata. “Bakit naman?” tanong ng dalaga. “Nakita mo na ako e, so ayaw ko mapahiya sa iyo. You know what I can do at nakita ko napahanga ata kita. Kaya i don’t want to lose, kasi mapapahiya ako sa iyo. Mas masakit yon talo ganon. Kilala mo na ako Raffy the champ, gusto ko ganon parin forever” paliwanag ni Raffy at napangiti si Abbey. “Sira ka talaga at matigas ulo mo. Yes I was impressed sobra kanina pero win or lose ikaw parin si Raphael. Ikaw talaga o. Gusto mo idikdik ko yan sa ulo mo?” banta ng dalaga at nagtawanan sila. “Yes ikaw si Raffy the taekwondo champ, Raffy the wizard wonder..daw, Raffy the mister amazing, Raffy the mabait, Raffy the etcetera etcetera. Hay naku Raphael if you lose one of those tags ano paki ko ang dami mo pang tags. Mahirap sabihin lahat so baguhin mo yang pag iisip mo na if I lose nakakahiya naman kasi you know me as the champ chorvah” “You may fail and lose all the tags such as Raffy the wizard wonder, Raffy the karate champ and all those other tags…but I am not really impressed with those tags you attained by excelling in activities. I am much more impressed with the tags that describe your character, the ones that define who you really are and no one can take away from you. If people would ask me to describe you I wont mention the amazing and bombastic stuff you have done, that would be easy and wont tell them who you are” “I would be forced to think hard and recall all those adjectives, there are too many. Nagets mo ba ako? Stop impressing me with what you can do, because I am already impressed in who you really are” sermon ng dalaga at todo ngiti si Raffy at kay bilis ng t***k ng kanyang puso. “Hoy hindi sapat na rason yan para matalo tayo sa duels ha. Baka lalampa lampa ka dahil sa sinabi ko. I want to win, ibang rason yan so do your best so mananalo tayo” banta ng dalaga at muling nagtawanan yung dalawa. Tumambay yung dalawa sa beach pagkatapos mananghalian. Sa ilalim ng puno ng niyog sila sumilong at pinagmasdan lang ang tahimik na tubig. May isang binata ang lumangoy sa malayo at pagkalipas ng limang minuto umahon ito at naglakad patungo sa dalawa. “Kilala mo?” tanong ni Raffy. “Hindi, akala ko kilala mo kasi nakangiti sa iyo” bulong ng dalaga. “Oh my baka swordfigter ito” bulong ng binata at nagbungisngisan yung dalawa. “Raphael?” tanong ng basang binata at tumayo si Raffy at pilit inaalala ang kaharap niya. “Ah oo pero have we met?” sagot ng binata. “Actually hindi pa, ako pala si Froilan, nice to meet you” sabi ng bagong salta at inabot kamay niya. Makikipagkamayan si Raffy pero bigla nalang nagliyab kamao ng bagong salta at sinapak siya sa mukha. “You are not allowed to use magic out of the school!” sigaw ni Abbey at siya naman ang susuntukin sana ng binata pero agad niyakap Raff yang dalaga kaya nasuntok ulit siya sa likod ng ulo niya. “Bitawan mo ako Raffy!” sigaw ni Abbey at nagliyab ang mga mata niya. “Wag…we cant” bulong ng binata at niyakap ng mahigpit ang dalaga. Pinagbaga ni Froilan ang mga kamay niya at pinagsusuntok at pinagsisipa ang likod ni Raffy. “I see, youre defense is good” bigkas niya kaya umatras siya at naghulma ng kakaibang orange flames sa kamay niya at pinagtitira ang likod ng binata. Sigaw ng sigaw ni Raffy sa sakit pero di parin niya binitawan ang dalaga. “Alam mo harapin mo nalang ako kasi kaya ko basagin depensa mo in due time. Ikaw ang pinunta ko dito” sabi ni Froilan. “Magsawa ka animal ka” sagot ni Raffy kaya tuloy ang pagtitira ng kalaban, si Abbey sinusubukan pumiglas at gumanti pero di niya maintindihan bakit hindi siya makapaghulma ng kanyang kapangyarihan. “Stop trying…please…” bulong ni Raffy at iniinda na talaga ang sakit. “Ilama paja rojo” bigkas ni Froilan at nagbagang orange ang buong katawan niya. Bumitaw si Raffy at humarap sa kalaban, tinira siya ni Froilan ng kakaibang burning orange flames pero sinalo ito ni Raffy gamit katawan niya. “Imposible!” sigaw ni Froilan. “Abbey…run away now…please. Remember the school rules…sa next tira niya please teleport away…call for help. Please Abbey…please” bulong ni Raffy. “Bibilisan ko…promise…just defend okay?” sabi ng dalaga at umiiyak na. “Yes I promise” sabi ni Raffy. “Ilama paja rojo!!!” sigaw ni Froilan at pagbaga niya nagteleport paalis si Abbey. Lumuhod si Raffy at tinanggap ang pagtama ng kakaibang kapangyarihan. Napasigaw siya ng malakas sa tindi ng sakit, nagluha siya ng dugo at tila sasabog ang kanyang buong katawan. “Buhay ka pa? Ilama paja rojo!!!” hiyaw ni Froilan pero bago niya naitira ang kapangyarihan niya nagsulputan biglang ang tatlong matatanda. “Tigre blanco colmillos muerden!!!” sigaw ng isang matanda at may puti na liwanag na lumabas sa kamay niya na humulma sa pormang ulo ng tigre at kinagat si Froilan sa balikat. “Apocalypta!” hiyaw ni Hilda, nakaiwas si Froilan at nakatalon pero narapido siya ng mababagsik at nag aapoy na suntok ng isang matandang may mahabang buhok. “Punyeta ka apo ko yan!!!” hiyaw ni Franco. Durog agad mukha ni Froilan, basag din ang kaliwang kamay at kanang paa sa bagsik at pagwawala ng isang tanyag na elder. “El Fuego del Dragon!!!” sigaw ni Franco at nag apoy ang kanyang mga buhok at mula sa bibig niya nanggaling ang kakaibang matingkad na pulang apoy na tumosta sa buong katawan ni Froilan. May sumulpot sa gitna ng apoy at hinila ang binata sabay bigla sila nawala. Si Franco agad sumugod kina Ricardo at Hilda pagkat buhat nila ang duguan at walang malay na si Raffy. Sumulpot si Diosdado, Erwin, Peter at Abbey. Sumigaw ang dalaga sa galit kaya nilayo siya ng kanyang tatay. “Gamutin niyo agad apo ko!” sigaw ni Franco na galit. “Ako po bahala sa kanya Elder Franco” sabi ni Erwin at agad niya binuhat si Raffy at nawala sila. “Diosdado! I want to know who that boy was” sigaw ni Hilda. “Of course samahan niyo ako ngayon din at alamin natin” sabi ng pinuno ng Institute. “Huminahon ka Franco, we arrived on time. Raffy will be okay” sabi ni Ricardo. “Bakit ganon siya? Sabi ko sa kanya mag defend e! Binilisan ko naman e” sigaw ni Abbey. “Iha kumalma ka, that boy na umatake sa inyo is very powerful iha” sabi ni Hilda. “Pedro take your daughter back to the school right now…nagbabaga na kwintas niya” sabi ni Franco. “Raffy will be okay, come on lets go” sabi ni Peter at agad sila nawala. “Franco walang may gusto mangyari ito. Buti natawagan tayo agad ni Abbey” sabi ni Ricardo. “E ano pang tinatayo tayo niyo dito?! Puntahan niyo apo ko! Diosdado tara na! Hilda make sure Raffy will be okay, if not…” banta ni Franco. “Kayo ang pag iinitan ko”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD