Sa school clinic humahagulgol si Abbey habang hinahaplos ang walang malay na Raphael. “Sir Erwin please naman o” makaawa niya. “Iha mas maganda kung doon ka nalang sa labas mag antay. I am doing my best already at itong mga sugat niya hindi ordinary kaya matatagalan ito” sagot ni Erwin. Samantala sa isang gilid humawak si Ernie sa leeg niya sabay nagdial sa cellphone ni Raffy. “Shhhh tatawagan ko na parents niya” bigkas niya at nagulat si Abbey pagkat kaboses na bigla ng guro ang kanyang kaibigan.
“Voice manipulation iha, everyone quiet now” sabi ni Hilda. “Hello mommy? May event kami dito sa school pala, dito kami mag overnight kasi…sa Art group may gagawin kami” sabi ni Ernie. “Opo may mga quarters naman po sila dito at opo hiwalay ang boys and girls” hirit niya. “Okay po paki sabi nalang po kay daddy, bye bye” sabi ng guro sabay pinatay ang cellphone.
“Ano sabi?” tanong ni Hilda. “Okay naman daw basta mag ingat lang but of course may pagdududa sa umpisa” sagot ni Ernie. “Pinaalam niyo na kasi malubha kalagayan niya ano?” tanong ni Abbey at lahat ng guro napatingin sa kanya. “Be honest with me! Ayaw ko lumabas dito, I want to stay here! Tell me the truth naman!” sigaw ng dalaga at biglang nagbaga ang kanyang mga mata.
“Abbey! Calm down! We will let you stay if you want basta kumalma ka and stop crying” sabi ni Peter. Ang dalaga pinunasan mga mata niya at tinignan si Raffy. “Wake up please” bulong niya at dahan dahan lumapit sa tatay niya at yumakap. “Erwin kumusta ang mga scans?” tanong ng principal at huminga ng malalim ang guro at niyuko ang kanyang ulo.
“I don’t even know how he survived. Madam pag inalis ko kamay ko sa dibdib niya he will only have a few hours to live” sabi ni Erwin at muling sumigaw si Abbey. “Tignan mo sabi mo gusto mo maiwan dito, calm down” sabi ni Peter sabay niyakap ng mahigpit ang kanyang anak. “Peter kailangan mo sumama sa akin pati ikaw Ernie. Erwin do what it takes to keep him alive. Babalik kami agad” sabi ni Hilda.
“Madam saan po kayo pupunta?” tanong ni Erwin. “To get help from the healers of other schools. Abbey iha please stay here, sigurado ako Raffy would like you to be here okay? Wag ka na iiyak iha at kukuha kami ng tulong” sabi ng matandang babae at agad nawala yung tatlo.
Bumalik si Abbey sa ulunan ni Raffy at pinagmasdan ang mga kamay ni Erwin. “Sir…please” bulong niya. “Yes iha I am doing my best, hindi kasi pangkaraniwang sugat ito e like the duels that we have here. Yung nakaharap niyo talagang gusto kayo patayin at mukhang malakas ang ginamit niyang magic kay Raffy” sabi ng guro.
“Ilama paja rojo…yung ang spell na sinabi niya. If was great red fire. Alam ko magaling si Raffy magdefend. Kayang kaya niya, sabi ko alis nalang kami pero sabi niya mauna ako at kumuha ng tulong. Iniwan ko siya kasi kaya niya di ko naman alam na hindi pala. Dapat sumama nalang siya sa akin” bulong ng dalaga. “Abbey…matalino si Raffy, he knows pag nagteleport kayo pareho kayong defenseless”
“Alam mo naman pag nagteleport ka e you cant use any other magic kasi pumapasok kayo sa magic travel stream. Doon sa lugar na yon di kayo pwede gumamit ng kapangyarihan, isipin mo pag nag open yung stream at nakabahol yung tira nung kalaban niyo e di nasapol kayo pareho. Raffy knew that kaya he kept defending to let you escape safe. Pero iha he defended well, kasi look buhay pa siya. Alam mo pag ako siguro yon patay na ako agad” paliwanag ng guro.
Nilapit ni Abbey mukha niya sa mukha ni Raffy sabay tinuluan ng luha. “Ano naman daw ginagawa mo?” tanong ni Erwin. “Diba sir sa movies at stories pag natuluan ng luha bigla nalang mabubuhay” sabi ng dalaga. “Abbey, this is real life” paalala ng guro. “What if lang naman e, we must try everything” sabi ng dalaga at nilawayan daliri niya sabay pinahid sa pisngi ng binata.
Natawa si Erwin kaya pati si Abbey medyo nahawa. “Magagalit yan pag nagising at nalaman na nilawayan mo siya” biro ng guro. “Hindi siya magagalit sir…tatawa lang siya alam ko” bulong ng dalaga sabay hinaplos muli ang ulo ng kaibigan niya. “Well maybe you should try the most sadsad technique there is” sabi ni Erwin.
“Ano po yon sir?” tanong ng dalaga. “E ano pa nga ba ginawa ni prince Charming kay sleeping beauty?” banat ng guro at nanlaki mga mata ni Abbey at nagtakip ng bibig. “Loko ka sir ha” bulong niya. “Tinuluan mo na ng luha, nilawayan mo na, edi isagad mo na at halikan mo na. Malay mo diba?” sabi ni Erwin at nagbungisngisan yung dalawa.
Hinaplos ni Abbey mga labi ni Raffy at muli siya natawa at natili. “Ano ba yan first kiss ko sa walang malay pa” banat niya at muli sila nagtawanan. “But its with the guy you like naman” sabi ni Erwin at nagulat si Abbey. “Ha? Sino naman nagsabi?” tanong niya. “Sus, you wont be that concerned if you didn’t” sabi ng guro at tumingin sa malayo si Abbey at biglang nilaro ang buhok niya. “But it sucks…the first that I like might die in front of me…sir if he wakes up don’t tell him” bulong ng dalaga.
Humarap si Abbey at nilapit mukha niya sa mukha ni Raphael. “Kung nagtutulug tulugan ka gumising ka na” bulong niya. Huminga ng malalim ang dalaga at tinignan si Erwin, ang guro agad naman nilayo tingin niya kaya muling humarap ang dalaga sa kanyang kaibigan. “Uy…gising ka naman o. Mas maganda…pag gising ka habang hinahalikan kita” bulong niya. “Raffy…uy sige na…promise hahalikan parin kita basta gumising ka lang” hirit ng dalaga.
Di talaga nagising si Raffy, huminga ng malalim si Abbey at nanginig konti nang dumampi konti labi niya sa labi ng binata. Pinikit niya ang kanyang mga mata, “And what are you doing?” tanong ni Peter kaya nanlaki agad mga mata ni Abbey at nagpacute na humarap. “CPR?” tanong niya at natawa si Hilda. “CPR pag hindi humihinga, he is breathing kaya lang wala siyang malay” sabi ni Peter. “Hayaan mo na ang bata, she was just trying to help out in the way she can. Pero iha kindly move away now, pati ikaw Erwin magpahinga ka na muna at sila na muna ang bahala” sabi ng matanda.
Nagtabi si Erwin at Abbey sa dingding at pinagmasdan ang dalawang matandang babae na sumusubok gumamot kay Raffy. “Sir sino sila?” bulong ng dalaga. “Spice girls” bulong ng guro at natawa ang dalaga. “Bakit naman spice girls?” tanong ni Abbey. “Kasi may asim pa sila” bulong ni Erwin at bigla siya tinignan ni Hilda ng masama. “Ano nanaman kalokohan binubulong mo diyan? This is Alicia of the north and Leonida of the South, both resident healers like you Erwin. Kaya magpahinga ka na at tutulong ka sa kanila mamaya” sabi ni Hilda.
Sumapit na ang gabi at naiiyak nanaman si Abbey pagkat nahihirap sina Erwin, Alicia at Leonida sa pag gamot kay Raffy. Dumating si Prudencio, may hawak itong lumang libro at nilapitan si Peter. “Bakit hindi mo pa patulugin si Abbey? May mga extra rooms naman tayo” tanong niya. “Kanina ko pa sinasabi sa kanya pero ayaw niya” sagot ng ama ng dalaga.
“Abbey would you like to help?” tanong ni Prudencio. “Yes sir! Paano po?” sagot ng dalaga. “Eto libro, it teaches you enhance magic. Iha you are powerful and siguro makakatulong ka ienhance mga magic ng healers. Why don’t you read this tonight para bukas ng umaga matutulungan mo sila” sabi ng guro at nanlaki ang mga mata ng dalaga. “Talaga sir? Sige po, dad don na ako sa quarters” sabi ni Abbey at agad umalis.
Pagkalabas ng dalaga lumapit si Hilda at tinignan si Prudencio. “At ano binabalak mo?” tanong niya. “Not here” bulong ng guro kaya lumabas sila kasama si Peter. Nang makalayo, “She is the dragon body and sa theory ko siya din lang makakagamot kay Raffy” sabi ni Prudencio. “But she does not know how to heal” sabi ni Hilda. “Kaya nga yung enhance magic aaralin niya para dadaloy powers niya through Erwin, hopefully yung magic body ni Raffy will recognize her magic. At yon sana magpapabalik sa kanya”
“Sa ngayon yung magic body ni Raffy naka defense mode parin. Parang bata na natatakot, uupo sa isang tabi at titiklop. Parang normal na tao na binubugbog, titiklop, magtatakip ng sarili at mamatili na ganon hanggang tumigil yung umaatake sa kanya. Ganon magic body ni Raffy sa ngayon, naapektuhan niya yung buong katawan niya. Kaya hindi ito maipaliwanag ni Erwin. There are two ways to heal him, detach his magic body meaning never na siya makakagamit ng magic pero sure buhay siya”
“Or we try to reach out to his magic body telling it everything is okay. Erwin was able to calm it down, ngayon tatlo sila they are able to heal his damages pero kita niyo naman di pa nagisising si Raffy kasy takot pa yung magic body niya. Take note hindi tayo lahat ganito, mga magic bodies nina Raffy at Abbey may sariling mundo din sila because they are dragon magic users. So sana bukas makatulong yung powers ni Abbey to reach out kay Raffy” paliwanag ni Prudencio.
“Ang problema natin e nanghihina na yung tatlo don sa loob” sabi ni Peter. “Alam ko, di ko alam bakit natatagalan si Franco. Pero magtiwala kayo dadating sila” sabi ni Hilda at pabalik na sila sa clinic. “Sinong sila? Sino mga kasama niya?” tanong ni Prudencio at nagkatitigan yung dalawa. “Sino pa ba yung mga magaling manggagamot?” tanong ng matandang babae. “Oh talaga? Mahihirapan si Franco kumbinsihin sila, pero sana nga magawa niya” sabi ni Prudencio at napakamot si Peter. “Ah sino yung pinag uusapan niyo?” tanong niya at hindi siya sinagot nung dalawa.
“Wait, hindi ba walang magic body si Raphael?” hirit ni Peter. Natulala si Prudencio at napahaplos sa kanyang noo. “Shoot! I forgot about that” bigkas niya. “Diyos ko Prudencio, napaniwala mo ako. Pano nga yan wala siyang magic body?” tanong ni Hilda. “I don’t know, but somehow meron siguro. Saan siya kumukuha ng magic? Pwede ba lets just hope my plan works. We have nothing to lose in trying” sabi ng matanda.
Kinabukasan maagang nagising si Abbey, nakita niya tulog pa ang kanyang tatay pero agad siya nagtungo sa clinic. Hindi na siya kumatok, pagbukas niya ng pinto tanging lolo ni Raffy ang namumukhaan niya. “Good morning Abbey, halika iha” sabi ng matanda. Ang dalaga dahan dahan pumasok, di niya kilala yung apat na matatandang babae na gumagamot kay Raphael.
“Lolo, sino po sila?” tanong ni Abbey. “Mga kaibigan iha” sabi ni Franco. “Pero lolo bakit sila naka belo at nakatakip mga mukha nila?” tanong ng dalaga at pag lalapitan niya ang isa ay ilalayo ng matatanda ang kanilang titig. “Para hindi sila mamukhaan iha, at hindi mo din sila maririnig na magsasalita” sabi ni Franco at naintriga si Abbey lalo.
Naglakad lakad ang dalaga paikot at talagang mailap ang mga matatandang babae para itago mga mukha nila. “Ah lolo sabi po ni sir Prudencio baka makakatulong daw po ako. Inaral ko po yung enhance magic kagabi” sabi ni Abbey at biglang napatingin sa kanya yung apat na matatandang babae. “Is she the one?” tanong bigla ng isa. “Yes she is” sagot ni Franco. “Am I the one? Ano po?” tanong ng dalaga.
“Let her stand behind my back then and hold on to my shoulders. Ladies paghandaan natin baka iba ang reaction, help me guide her powers” sabi ng isa at nalilito na si Abbey pero ginabayan siya ni Franco magtungo sa likod ng isang matanda. “Tulad ng natutunan mo iha, just relax and let her control your magic. Wag mo labanan and don’t be afraid” bulong ni Franco.
Humawak si Abbey sa balikat ng matanda sabay tinitigan niya mukha ni Raffy. Huminga siya ng malalim at sinimulan ang pagdaloy ng kapangyarihan niya sa matanda. “Ooooh…this girl is powerful” bigkas ng isang matanda at napailing yung apat. “Bakit inaantok…akoooo” bulong ni Abbey bigla at mabilis na umalalay si Franco sa likod niya. “Wag mo siya pabitawin. We need her inside to find Raphael” sabi ng matandang babae. “Diyos ko po! I told you to just borrow her power!” sigaw ni Franco sa galit. “Do you want us to find Raphael or not?” tanong ng isang matandang babae at nanahimik nalang ang lolo ni Raffy.
Sa isang madilim na gubat sumulpot si Abbey, sa takot napasigaw siya ng malakas. “Lalo mo siya tatakutin iha, come with me and help us find him” sabi ng isang matandang babae na nakausot ng pulang belo. “Ha? How did we go to this place?” tanong ng dalaga. “No time to explain, this is inside his mind right now. Kailangan natin siya mahanap bago siya tuluyan mamatay sa takot” paliwanag ng matanda at agad sila tumakbo.
“Pero nasan yung iba? Diba apat kayo?” tanong ni Abbey. “Nag spread out kami para mas mabilis paghahanap. Di ko akalain na ito pala kinakatakutan ni Raphael. Kung sana takot nalang siya sa ipis mas okay pa” sabi ng matanda at natawa si Abbey. “Pano nga po kung ipis?” tanong niya. “Then we just have to fight one huge and powerful ipis. But you know we were expecting him to be afraid of that boy you fought yesterday” sabi ng matanda at si Abbey ang natakot bigla.
“Buti nalang pala hindi ikaw pala” sabi ng matanda. “Bakit po?” tanong ng dalaga. “Inside here opponents are ten times stronger. Buti nalang ganito lang kay Raffy, kaya lang ten times bigger ang lugar” sabi ng matanda. “So are you saying takot si Raffy sa dilim or gubat?” tanong ng dalaga. “I hope yun lang talaga or else mahihirapan talaga tayo” sabi ng matanda.
Lumipas ang dalawang oras ng paglilibot nakarinig sila ng mahinang hagulgol ni Raffy. “Oh my God malapit na tayo!” bigkas ni Abbey at sa isang iglap sumulpot yung tatlo pang matatanda sa tabi nila. “Malapit na tayo, now iha call out to him and hope he responds. At least alam natin malapit nalang siya pero mahirap parin itong gubat na to” sabi ng matanda na nakasuot ng berdeng belo.
“I now understand why malakas siya sa pag gawa ng ilaw…kasi takot siya sa dilim…but its not the darkness really. Nakasama ko si Raffy kahapon at doon ko lang siya naintindihan maigi. Takot siya sa hindi niya alam that is why he holds back and learns. Takot siya sa hindi niya alam, tulad dito sa dilim wala siya makita at hindi niya alam kung ano meron dito” bulong ng dalaga at sinimulan na niya isigaw ang pangalan ng binata.
Palakas ng palakas ang naririnig nilang hagulgol kaya masaya na si Abbey. “Akalain mo nga naman apat tayo magkasama” bigkas ng matandang nakasuot ng dilaw na belo. “Kay dami sumubok hingiin tulong nating apat at ngayon lang tayo pumayag” sagot naman ng naka pula at nagtawanan sila bigla. “At hindi tayo nagpapatayan” banat nung nakaberde at lalo sila tumawa. “Ha? Magkakaaway po ba kayo?” tanong ni Abbey at inakbayan siya nung mantadang nakasuot ng puti na belo. “Dati iha, pero ngayon mukhang magka alyansa na kaming apat dahil sa inyo” sabi niya.
Biglang nagtanggal ng belo yung apat at nagulat si Abbey pagkat nagpalit ang anyo nila. Bumata sila at gumanda ang itsura. “Wow, teka nagpapabata lang kayo no?” tanong ng dalaga at tumawa yung apat. “Ito talaga itsura naming Abbey. But we cant tell you our names. Do you know about the four great witches? Mga katapat ng four great warlocks?” tanong ng naka berde. “Oh? Di nga? Kayo yung four great witches? E kung yan ang itsura niya di talaga ako maniniwala kasi matatanda na mga yon e” sabi ni Abbey.
“Mga nanay namin, their powers shall be passed on to their first daughters once they reach eighteen. It’s a cycle iha at kami ang next generation of witches. Lahat ng kaalaman nila at kapangyarihan napasa na sa aming apat” sabi nung nakaputi. “E pano kung isa sa inyo hindi magkaanak?” tanong ni Abbey at nagsimangot yung apat bigla. “Tutulungan pa ba natin to?” banat nung naka dilaw at nagbungisngis si Abbey. “Joke lang po, ano po nangyari sa four great warlocks?” tanong ng dalaga.
“Hay naku lumaki ang mga ulo, lahat sila hindi nagkaanak kaya kung buhay pa sila sila parin. Kasi pag hindi ka nagkaanak mananatili sa iyo kapangyarihan mo. Wala nang ginawa yung apat na yon kundi magbangayan at magpagalingan. Until one day nagsawa ata sila at doon nagkaroon ng peace sa magic community. But that was a very long time ago already” sabi nung naka berde.
“E nasan na po sila? If nagkaayos kayong apat edi siguro kaya din nila magkaayos” sabi ni Abbey. “Imposible! Sila nagpasimuno ng lahat ng away. Kampihan system, di naman daw magkakalaban ang four great witches noon e. Napilitan lang sila mag away away dahil narin sa apat na yon. So now you know why natatakot kami magpakilala kasi pag nalaman nung apat nagsanib kami e baka magalit sila at kami ang kalabanin” sabi nung naka puti.
“How did lolo Franco find you?” tanong ng dalaga. “Iha we are wasting time, hanapin nalang natin si Raffy” sabi nung naka berde. “So if he knows nasan kayo e di alam din niya nasan yung four great warlocks” hirit ng dalaga. “There he is!” sigaw ng isang matanda sabay turo. Si Abbey agad tumakbo palapit kay Raffy na nakahiga sa lupa at nanginginig sa takot.
Pagkalapit ng dalaga ay biglang nabalot ng silver wings ang katawan ng binata na naging salamin. “Ano yan?” tanong ni Abbey at nagkatinginan yung apat na matanda. “So its true…that is not glass…its diamond” bulong ng isa. “Diamond? What? Raffy! Si Abbey ito uy tara na uwi na tayo” sabi ng dalaga at nung lalapit siya lalo humigpit ang pagbalot ng mga diyamanteng pakpak sa katawan ng binata.
Kinilabutan ang apat na matanda bigla pagkat may nararamdaman silang kakaibang init sa paligid. “Nasundan ata tayo” bulong ng isa at naghanda yung apat pagkat may taong papalapit. Isang matandang lalake na nakabalot ng pula na balabal. “Oh so kayo pala yung bagong mga bruha, nice to meet you” sabi ng matadang lalake at napalingon si Abbey at agad sumugod at yumakap. “Lolo can you help Raffy?” tanong agad ng dalaga at nagulat yung apat na bruha.
Pinuntahan nung dalawa si Raffy at napangiti yung matanda. “I see, he is afraid. Upo ka sa tabi niya at haplusin mo pakpak niya. Sige na, don’t be afraid. Sa ngayon hindi niya tayo naririnig kaya kailangan mo iparamdam sa kanya na hindi tayo dapat katakutan” sabi ni Ysmael at nahiga si Abbey at yumakap sabay humaplos sa diamond wings. “Raffy…ako to si Abbey” bulong niya.
Yung apat na bruha napaatras nang makita yung marka sa balabal nung matandang lalake. “Dragon Lo…?” bulong nung nakapula at biglang tumayo si Ysmael at nilapitan sila. “So it seems you know me already” bulong niya. “Please don’t kill us” makaawa nung bruhang naka dilaw at natawa si Ysmael. “Gaga I am sure he is Ysmael, siya yung pinakamabait sa lahat ng Lords. Nice to meet you sir, I am Harriet. We come from the same…” sabi ng dalaga na nakapula at pinatahimik siya ng matanda.
“Shhh…alam ko iha, nakita ko din marka sa belo mo. The blue dragon seal” sabi ni Ysmael at tulala yung apat na parang nakakita ng artista. “Sir, bakit po kayo nagpakita? I mean buhay pa pala kayo?” tanong ni Harriet. “Tinatanong mo pa, alam mo naman ang sagot iha. Now be silent and lets watch them both awaken each other’s powers…they still don’t know each other that well kaya ganyan si Raffy…but give Abbey the chance” sabi ng matanda at lahat napatingin sa dalawa sa lupa.
Limang minuto lumipas at napapansin nilang may kakaibang anino lumamabas mula kay Abbey. Muling natulala ang mga bruha habang si Ysmael napangiti. “There you are iha, sige magpakilala ka sa kanya” bulong niya. Yung anino humulma sa korte ng dragon, yung anino biglang lumuhod at sinasayad ang ulo nito sa pakpak na gawa sa diamond. Dahan dahan nagbubukas yung mga pakpak, ilang saglit pa nayakap na ni Abbey ang katawan ni Raffy.
Ang umiiyak na binata biglang tumigil at napayakap narin sa dalaga. Ang anino ng dragon biglang nag iba at unti unti itong nagkakaroon na ng pakpak. “Makakabalik na kayong apat. Maraming salamat sa inyo, dahil sa inyo nakapasok ako dito. Tanging mga dakilang bruha lang ang may kaya pumasok sa ganito at alam ko yun din inisip ni Franco, akala niya hawak ko yung kaligtasan ni Raffy pero mali siya…si Abbey ang sagot. Nandito lang ako para gabayan sila” sabi ni Ysmael at hinarap yung apat na bruha at hinipan sila ng mainit na hangin. “Makakalimutan niyo na nakita niyo ako, makakalimutan niyo ang inyong nakita dito…makakaalis na kayo…maraming salamat” bulong niya at agad nawala yung apat.
Nanatiling magkayakap sina Raffy at Abbey, si Ysmael tumayo sa malapit at biglang may lumabas na isa pang anino ng dragon. Mas malaki ang anino ni Ysmael pero agad nito nilalambing yung anino na nagawa nung dalawang bata. “Abbey tama na iha. He will be fine already. Just go back for now and wait for him to wake up. Matatagalan konti iha kasi nabugbog din katawan niya kahapon. But don’t worry I promise you Raphael is okay” sabi niya.
“Lolo I want to stay beside him” bulong ng dalaga. “Yes I know iha, but not here. Sige na ibabalik na kita okay? Wag ka na mag alala at gagaling na siya” bulong ng matanda at agad nawala ang dalaga. Huminga ng malalim si Ysmael at humawak sa dibdib ni Raffy.
“Napatunayan mo na sarili mo sa akin. Ibabalik ko na sa iyo ang nararapat na sa iyo. Patawad Raphael, gusto ko lang talaga makasiguro noon. Ngayon sigurado na ako na ikaw ang nararapat” bulong ng matanda at kinumpas niya kamay niya sa ere at may sumulpot na sanggol na gawa sa asul na ilaw naglalakad palapit sa kanya. Yung sanggol na hinihilang alagang maliit na pet dragon na itim, sakal niya ito sa leeg pero napangiti si Ysmael pagkat nakathumbsuck pa yung sanggol.
“Im really sorry Raphael…” bigkas niya at yung bata biglang humiga sa ibabaw ni Raffy at lumusot sa katawan ng binata. “I now return your real magic body…patawad iho…I had to be sure…now sleep and rest…im so sorry for everything…things will change now I promise…everything I did was for your own good” bulong ng matanda.