Maaga nagising si Abbey, naiinitan siya at hindi na makuha ang tulog. Binuksan niya ang bintana ng kanyang kubo at sumilip sa labas, madilim pa ang paligid at napakatahimik ng lugar. Kinuha ng dalaga ang kanyang twalya at damit na pagbibihisan sabay kinatakot ang kubo ng kanyang partner. “Raffy, are you awake?” tanong ng dalaga sabay muling kumatok. “Raffy? Gising ka ba?” ulit niya. “No, I am asleep” narinig niyang sagot ng binata. “E pano ka nakakasagot pag tulog ka?” tanong ni Abbey. “E kasi pag di ako sumagot kakatok ka ulit at lalakasan mo lang boses mo” sabi ng binata at biglang nagbukas ang binata. “Go back to sleep” sabi ni Raffy. “I cant, ang init. Gusto ko maligo pero samahan mo ako” pacute ni Abbey. “Sa batis? Tapos isasama mo ako? E pano ka maliligo pag nandon ako?” tanong ng b

