Dalawang araw bago Pasko ay nakasimangot si Raphael at nagdadabog sa kanyang kwarto. “Raffy wag ka namang ganyan. Ngayon lang naman tayo magbabakasyon sa ganong lugar e. And you will get to meet your great grandfather Verardo” sabi ni Violeta. “Pero mommy pano na social life ko? How about my friends? Di ko na sila nakikita kasi I went to another school. Ngayon bakasyon syempre gusto ko sila makasama” sagot ng binata. “We are not going to talk about this, basta pupunta tayo. Come on ibaba mo na bags mo sa kotse” sabi ng nanay niya. Nakasimangot si Raffy na bumaba. Paglabas niya ng bahay natuwa siya konti nang makita ang kotse nina Abbey na kararating. “Hi Raffy” bati ng dalaga paglabas niya ng kotse. “Hello Abbey, thank you for rescuing my morning. Masaya ako nakita kita kasi dadalhin nila

