Sumandal si Raffy sa invisible barrier, dahan dahan siya gumagalaw papunta sa kaliwa. Bawat hakbang sinasayad niya ang kanyang mga paa sa lupa habang mga titig niya nasa dalawang matandang kaharap niya. “Ramdam namin ang takot mo iho” bigkas ni Ignacio at dahan dahan sila naghihiwalay ni Tadeo. Gumalaw naman papuntang kanan ang binata saka tumakbo paharap para sugurin yung dalawang matanda. Nagtawanan lang yung dalawang elder at mabilis na umiwas. Diretso ang takbo ng binata hanggang sa bumangga siya sa kabilang invisible barrier. Tawanan sina Tadeo at Ignacio habang yung mga manonood sa labas napailing. Si Raffy dahan dahan tumayo himas ang kanyang noo, sumandal siya sa barrier at muling gumagalaw pakaliwa. “Sige na atakehin niyo na ako” udyok niya sabay gumalaw siya papunta sa kaliwa.

