Unang Sabado ng Pebrero, masayang pumasok si Abbey sa school, buhok niya nakatali ng maayos at ang laki ng ngiti sa kanyang mukha. Mahinhin siya maglakad tila nirarampa ang kanyang bagong baby blue floral dress at unang sumalubong sa kanya ang kanyang partner na may hawak na isang rosas. “Happy birthday to you my very beautiful partner” bati ng binata sabay luhod at inabot ang rosas. Nagtakip ng bibig ang dalaga sabay napangiti dahil madami nakakita sa kanila at nagtitilian. “Good morning and thank you my awesome partner” sabi ni Abbey sabay kuha sa rosas at inamoy ito. “Ang ganda naman ng iyong dress today, kulang nalang pakpak at anghel ka na” banat ni Raffy at natawa ang dalaga at kinurot siya. “My mom gave this to me. At alam mo ba ngayon niya lang ako niregaluhan ng ganitong dress.

