Ilang araw ang lumipas nasa bubong sina Abbey at Raffy para panoorin ang laban ng grupo ni Gerard laban sa grupo ni Adolph. Mabangis yung upperclassmen at sobrang kawawa yung yung mga mas bata. “Grabe naman power trip na masyado si Adolph” sabi ni Raffy. “Ganyan talaga yan, sobrang yabang niya last year pero natalo siya kay Teddy” kwento ni Abbey. “So Teddy is that good?” tanong ng binata. “Hmmm close fight e. Nautakan lang niya si Adolph. Anyway sino kaya makakalaban natin next?” sabi ni Abbey. “Di ko alam…” bigkas ng binata. “Ayan panalo na sina Adolph for sure…hoy tama na!” sigaw ng dalaga. Sa gitna ng grounds wala nang malay sina Gerard at Steve pero si Adolph biglang lumitaw sa ere at nag iipon ng kuryente sa buong katawan niya. Sa dalawang kamay ng binata nabuo ang napakalaking bol

