Lunes ng umaga nakatago sa bodega yung magpartner. Inaayos ni Raphael yung pagkabit ng body armour ni Abbey, yung dalawa naman binabasa ang notes nila tungkol sa kanilang makakalaban. “Raffy kinakabahan ako” bulong ng dalaga. “Ako din naman, ganito talaga pag competitions lalo na pag lahat kayo magagaling” sabi ng binata. “Ei, nung first time mo makapasok sa semi finals before. Pano mo nakondisyon sarili mo?” tanong ng dalaga. “Diba napag usapan na natin ito noon? Nung Junior championships” sabi ni Raffy. “Yeah I know pero parang its different now. Mas kinakabahan ako e” sabi ni Abbey. “Parang mas matindi yung pressure ano? Kasi most of our schoolmates are cheering for us. Ganon din ako dati after I won. The next year parang ang bigat ng burden, mas matindi yung pressure for me to win. We

