Lunes ng umaga bidang bida ang magpartner sa campus. Nagkaroon ng isang announcement para sa mga finalists pero dinaan nalang ito sa mga campus speakers. “To all the finalists you should be ready all the time. Your matches shall not be announced. Anytime you will be just taken away to duel. Good luck to all the finalists. Always be ready” sabi ni Ricardo. Umingay tuloy lalo sa mga campuses at tumindi ang excitement. Sina Raffy at Abbey sabay huminga ng malalim at nagtuloy nalang sa kanilang classroom para sa mga make up classes. Sa loob ng club house ng mga golden boys ay nagtipon yung ibang finalists. Lahat sila busy nanood sa isang video na napulot nila. Pumasok si Diego at sumilip, nakita niya pinapanood nung walo ang isang practice session nina Abbey at Raffy. “We really have to stop

